JADE’S POV“A R E . . .you sure na hindi mo na ipapakilala ang mag-ama sa isa’t isa, TJ?” Tanong ni Scarlet sa kanya. Naikwento na niya sa pinsan ang lahat nga nangyari, pati na ang unfortunate event sa coffee shop. Naroon din ito ngayon para pangasiwaan ang pagtatahi ng mga Filipiniana na gagamitin sa oathtaking ceremony ng Tito Billy niya. Ito kasi ang nahalal na bagong Mayor ng Lungsod ng Maynila. Kahit na medyo nagulat sa tanong ng pinsan niya, ay umakto siyang hindi apektado at itinuloy lang ang pagguhit ng mga pattern sa manila paper. “A hundred and one percent,” paniniguro niya. “Don’t you think you’re being a little unfair? I mean, no matter what the circumstances were, mag-ama pa rin sila. I would understand if masamang tao nga talaga si Red, but he is not right? In fact, he tried his best to---” “I will not change my mind,” putol niya sa sinasabi nito ng may pinalidad sa tono. “It has been me and JM since day one,” aniya ‘tsaka nag-angat ng tingin para tingnan ng diret
RED’S POV“A G A I N ! ! !”Malakas niyang sigaw sa mga bagong miyembro ng Special Force at sinundan iyon ng maiksing pagpito.Sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ay inulit naman ng nga ito ang drill na pinapagawa siya.Takbo rito, takbo roon. Gulong dito, gulong doon. Gusto niyang makita na maperpekto ng mga ito ang lahat ng drills, bilang paghahanda sa mga misyong susuungin nila.Pero nang tumingin siya sa timer na hawak niya sa kaliwang kamay ay hindi siya kuntento.Muli niyang hinipan ang pito.“AGAIN!!!” sigaw niya ulit.These days, he had been very irritable. Aware naman siya. At alam niya kung bakit. To avoid lingering in the memory, isinubsob niya ang sarili sa trabaho magmula nang makabalik siya.May nakita ulit siyang mali sa ginagawa ng mga sundalo, kaya muli siyang pumito.“AGAIN!!!” sigaw niya.Agad siyang napalingon nang may biglang tumapik sa balikat siya.Nakita niya si Daniel na tumabi sa kanya, habang nakatanaw sa mga sundalong hinihingal na sa paulit-ulit niy
JADE’S POVK A H A P O N . . . pa hindi maganda ang pakiramdam niya.Gayun pa man ay pinilit niya pa ring pumasok sa patahian. Bukod kasi sa nahihiya na siya kay Aling Betty dahil sa dami ng absent niya nitong mga nakaraang linggo, ay marami talaga ang gagawin nila.Akala niya kasi mawawala rin ang sama ng pakiramdam niya kapag nakatulog na siya. Pero pagkagising niya kaninang umaga ay mas lumala pa at nagsimula na nga siyang lagnatin.Si Aling Betty na mismo ang nagsabi na huwag na muna siyang pumasok at magpahinga na muna.Kaya lang ay maaga namang pinauwi sina JM mula sa school kaya hindi rin siya nakapagpahinga.“Anak, drawing ka lang d’yan a, kunin ko lang ‘yong mga sinampay ko at mukhang uulan,” wika niya sa anak na abalang gumuguhit sa sala.Tumango-tango lang ito dahil mukhang tutok na tutok ito sa ginagawa.Saktong paglabas niya ay nakasalubong niya si Aira.“O, Aira, ano’ng atin?” tanong niya.“Kakamustahin lang sana kita Ate, sabi ni Mama may lagnat ka raw kaya di
JADE’S POVP A R A . . . siyang lumulutang at wala siyang ibang maisip sa mga panahong iyon kung di ang iligtas ang anak niya. Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha niya pero hindi niya naman magawang umiyak ng tuluyan. Nang mag-sink in sa kanya ang mga sinabi ng doktor ay agad siyang tumayo at tila wala sa sariling naglakad. “A-Ate Jade... s-saan ka pupunta?” umiiyak na tanong ni Aira. Hindi siya sumagot at patuloy lang na naglakad. Pasuray-suray siya dahil sa pinaghalong sakit ng ulo at panghihina ng mga binti. Mula sa di kalayuan ay natanaw niya si Scarlet na tumatakbo palapit sa kanya. “TJ! What happened? K-Kamusta si JM?” sunod-sunod nitong tanong na bakas ang pag-aalala. “I need to find him, Scar! Help me find him!” wala sa sarili niyang pakiusap sa pinsan. Para namang nagulat ito at nalito sa mga sinabi niya. “Find who? What happened? Aira? Nasaan si JM?” tanong ulit nito sabay binalingan ang kaibigan niya. Narinig niya ang paghikbi ni Aira. Marahas na hinawakan niya ang p
JADE’S POVP A R A . . . siyang binuhusan ng malamig na tubig nang biglang may kumatok at diretsong bumukas ang pinto ng silid.Nakita niya kung paanong napamulagat ang lalaking iniluwa niyon at awtomatikong napatalikod, nang maabutan sila sa ganoong posisyon.Gayun pa man ay nanatili itong nakatayo sa may pintuan.“S-Sorry, General, h-hindi ko alam na...” kabado pa nitong sabi sabay tumikhim.Humalukipkip siya at napakagat ng ibabang labi. Is this for real?! Is she really feeling guilty na para bang nahuli silang may ginagawa sa akto?“It’s okay. Come on in, Colonel,” kaswal na sabi naman ni Red.Napatingin naman siya sa lalaki. Wala siyang nabakas na kahit na anong gulat o ano pa mang emosyon sa mukha nito.Did she read it wrong? Wala ba talaga itong gagawin dapat bago dumating ang kasama nito? Was is it all in her head?Diretso itong tumayo at inayos ang kumot niya na para bang walang nangyari just a few seconds ago.Nangyari??? At ano naman ang iniisip mong mangyayari d
JADE’S POVM A B A G A L . . . na isinilid ni Aira ang ilang piraso ng damit niya sa bag, habang sumisinghot-singhot pa.“Susulat ka ‘te ah,” wika nito sa nanginginig na boses.Kinunutan niya ito ng noo.“OA mo,” kunwa’y inis niyang komento sabay bato ng damit na tinutupi niya.“Magpapagamot lang si JM d’on, para kang ano. ‘Tsaka isa pa, kalapit-lapit ng Cubao, makaiyak ka naman d’yan, ‘kala mo mag-aabroad kami e,” pang-aasar niya sa kaibigan.Dalawang araw matapos ang makaantig-damdaming tagpo ng mag-ama sa ICU, ay pinayagan nang ilipat si JM sa General Ward. Noon din siya kinausap ni Red tungkol sa plano nito.FLASHBACK:Inaayos niya ang mga gamit ni JM sa private room na pinaglipatan nila nang bigla siya nitong lapitan.“Trinity, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong bulong sa kanya ni Red.Muntik pa siyang mapaiktad dahil halos naramdaman niya ang hininga nito sa may bandang tenga niya. Tanda na sobrang lapit nito sa kanya.Napatingin tuloy siya sa paligid dahil hindi lan
JADE’S POV M I L I T A R Y . . . Base. No Unauthorized Person beyond this point. Iyon ang nabasa nila ni Aira na nakasulat sa malaking karatula sa may gate ng ADFP Camp. Nakahinto kasi ang kotseng kinalulunaran na sa entrance habang chini-check ang lahat ng nakasakay doon, pati ang kabuuan ng sasakyan. Mula sa may bintana ay sila ng sundalong nagbabantay sa gate. Wala naman silang ginagawang masama, pero hindi niya mapigilang hindi kabahan. “Akala ko isa lang ang titira kasama si General Enriquez? Bakit dalawa ‘to?” narinig niyang tanong ng guwardiya kay Daniel. Kasama kasi ito sa mga sumundo sa kanya sa ospital para dalhin dito sa kampo. “Siya lang. Unit 1006,” tugon naman ng huli sabay turo sa kanya. “Kaibigan niya itong isa, ihahatid lang siya, pero uuwi rin maya-maya,” dagdag pa nito na ang tinutukoy naman ay si Aira. “P-Pero Colonel...” nag-aalangang sabi ng kausap nitong bantay. Pumalatak si Daniel na para bang nauubusan na ito ng pasensya. Maya maya ay kinuha nito an
JADE’S POVB I N U K S A N . . .ni Daniel ang pinto ng magiging silid niya di umano habang doon siya nakatira. “And this is you,” nakangiti nitong sabi habang nakatayo sa may pintuan.Nag-aalangan naman siyang pumasok, kasunod si Aira.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid.Para iyong studio flat. Halos naroon na ang lahat ng kailangan niya, kama, maliit na sala, sariling banyo at maliit na kusina.“I hope okay ka na dito. But if not, I can ask the administrator para---”“No, no. This is more than enough,” mabilis niyang putol sa sinasabi nito.“Actually kahit nga sa sofa nga lang ako matulog e, o kahit sa lapag, goods na ako d’on. Basta ang importante malapit lang ako kay JM at pwede ko siyang puntahan kahit kelan,” dugtong pa niya.Napangiti naman ang lalaki.“Tama nga si Red,” mahina nitong wika.“Tama? Anong tama?”“Ang laki na ng pinagbago mo,” sagot nito.Hindi siya nakasagot.The way he talks, ay para bang matagal na siya nitong kilala. Samantalang ilang