Share

CHAPTER 79 (COMING CLEAN)

JADE’S POV

H I N D I . . . niya mabilang kung ilang beses na siyang panakaw na sumulyap kay Red magmula kanina nang umalis sila sa kanila. Kanina pa kasi ito tahimik at mukhang seryoso. Hindi niya tuloy malaman kung galit ba ito o may nagawa siyang hindi nito nagustuhan.

Bumuntong hininga na naman ito.

Hindi na rin niya mabilang kung nakailang buntong hininga na ito magmula nang umalis sila sa kanila.

Hindi naman sa apektado siya, pero sana lang kasi hindi na lang ito nagpumilit na ihatid siya, kung labag din naman sa kalooban nito iyon.

Hanggang sa makarating sila sa coffee shop ay hindi pa rin nagsasalita ang lalaki.

Narinig niyang hinila na nito ang parking brake, pero hindi muna siya bumaba.

Talagang hindi niya matiis na hindi ito tanungin kung bakit bigla itong nanahimik.

“Galit ka ba sa’kin?” iritadong tanong niya.

Kunot ang noo nitong nilingon siya.

“Of course not, ba’t mo naman naisip na galit ako?” tanong din nito.

Marami pa sana siyang gustong sabihin at itanong.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
bully agsin.. but knowing Trinity palaban yarn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status