Wala parin akong message or tawag na na re-receive kay Monti. Tanghali na at walang magawa dito sa bahay, boring. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil usap-usapan parin ako. Kaylan ba patatagalin ni Breanna at Anton 'to? Agad akong sumilip para tignan kung sino yung kumatok. "Pulis po ma'am," bungad nya. Bakit? Anong kasalanan ko? Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa kaba. Bakit ganito nararamdaman ko? Napansin nilang nanginginig ang kamay ko kaya nag aalalang tumingin sakin yung dalawang pulis. "Uminom po muna kayo ng tubig.""No, it's fine. I'm fine. May problema po ba?" Kabadong tanong ko."Kayo po ba yung kapatid ni Samson Hilton? Also known as Jetro." Tanong ng isa bago may inabot na folder sakin. Kaylan pa naging Jetro si Kuya? Tinanggap ko yung folder bago nalilitong tumingin sakanila. "Ano pobang problema? May kaso po ba sya? May abogado po akong pwedeng makuha if kaylangan nyang--"Hindi na ako pinatapos ng isang pulis. "Patay na sya ma'am." Nanlaki ang mata ko at
Unang gabi ng lamay ni Kuya. Wala halos tao dahil sa pinandidirian nila kami. Sino ba namang hindi? Dr*g pusher at manlolokong babae. Rinig na rinig ko usapan ng mga kapitbahay. Ganito daw ba kami pinalaki ng magulang namin. Wala na si Monti. Si Mark yung tumulong sakin para maayos yung lamay ni Kuya. Sabi nya babalik sya kapag tapos na sya sa office. Sasamahan nya ako dito na magluksa, at umiyak. Sinabi ko namang ayos lang kahit hindi. Kasi mas lalo lang nagiging pulutan yung issue namin kapag sinamahan pa nya ako rito.Hindi ko gusto na pati sa lamay ni Kuya hindi kami matahimik. Binilin ko kay Mark na walang makakapasok na media. Wala rin akong pake kung walang makiramay samin. Mas ayos na 'to kaysa marami ngang tao, pero puro plastic naman. "Iha," may humaplos sa buhok ko. Napalingon ako ng makilala ko ang Mom ni Monti. "Pasensya na late na kaming nakapunta." Niyakap nya ako. "Don't worry walang makakapasok na reporter rito. Pinabantayan ko na sa labas," ngumiti sya sakin. "Maki
Pangalawang araw na, pero yung lungkot ko ganun parin. Kahit paano kaya ko naman dahil sa tulong ng kaybigan ko at ng Family ni Monti. Ngayong umaga naglilinis lang ako at hugas ng mga nagamit na pinag kapehan. Hindi rin muna umalis si Sunny at sinabing sasamahan nya ako hanggang sa malibing si Kuya. "May tao yata sa labas?" Tanong nya kaya maging ako sumilip. May narinig kasi kaming sasakyan na huminto. Dalawa kaming lumabas ni Sunny para tignan. "Sino ba yan? Pakisabi nga lamay 'to at hindi fashion show," inis na sabi ni Sunny. Ano na namang ginagawa ni Breanna rito? Napailing ako bago lumapit sakanya na maarteng nakatingin samin. Habang yung assistant nya pinapayungan sya. "Bakit na naman?" Inis na tanong ko.Wala na akong balak na igalang pa sya dahil sa asal nyang hindi rin naman maganda. "Dzuh," ngumis sya at inalis ang sun glasses nya. "Bakit, masama bang makiramay?" Maarteng tanong nito."Gaga pala itong lokong 'to ah!" Inambahan sya ni Sunny. "Loko ka umayos ka nasa Lugar
"Buti kinakaya mo? I mean, kinaya mo." Napangiti ako kay Sunny. "May mga taong nagpapalakas ng loob ko. Kayo nga tinutulungan ako so, bakit ako hindi ko tutulungan sarili diba?" "Bilib ako sayo," inakbayan nya ako. "Alam mo sa totoo lang." Napaka pangalumbaba sya habang diretso ang tingin. "Kapag sakin nangyari yang dinanas mo, baka sa mental institution o sa morgue mo na ako pupuntahan. At tiyak na nakahiga narin ako sa kabaong na 'yan," turo nya sa kabaong ni Kuya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Ako nga kinaya ko ikaw pa kaya," mahina ko syang kinurot sa tagiliran. "Don't give up! Life goes on!" Pinilit ko patatagin sarili ko at hindi maluha. "Wala na si Kuya, pero may bago naman akong pamilya. Hindi man nila malampasan yung sakripisyong ginawa sakin nila Mama, Papa at Kuya at least kaya nilang dagdagan yung pagmamahal. Hindi man nila pamantayan. Kahit paano may support akong nakukuha. Kahit na may mga taong pilit akong binababa.""So, paano na? Babalik kaba sa pagiging secretary ny
Ngayong araw ang pinakamahirap para sakin, pero kaylangan kong tanggapin na wala na si Kuya. Ito na yung huling pagkakataon na masisilayan ko sya. Simula ng lumakad kami para sundan yung sasakyan na kinalalagyan ni Kuya ay walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Tanggap ko naman na, pero kasi hindi ko lang maiwasang masaktan na pati sya iniwan narin ako. Hindi ko kasama si Monti. Wala sya sa tabi ko, pero naiintindihan ko. Gets ko naman na may trabaho sya at tungkulin. Clear yun sa isipan ko, at wala akong hinanakit na tinatanim sa puso ko. Nandito naman parents nya, at pati si Sunny. Kaya may umaalalay sakin. Lihim at tahimik lang rin ang pag iyak ko. Naging over reacting man ako never kong ikakahiya yun. Masakit naman talaga na wala na si Kuya, at hindi ko matanggap na naging pariwara ang buhay nya. Sana nga nalaman ko ng maaga, baka sana buhay pa sya? Kasama ko pa sya. Nasasaktan lang talaga ako kapag na aalala ko yung huling araw na mag kasama kami. Imbis na maging masaya ay binig
"Ginugulo kana naman ba nya?" Napahilot si Monti sa sentido nya. "Bakit ba nandito na naman sya? Nililigawan ka parin ba ng kupal na 'yun? Tell me, para magawan ko ng paraan at mawala sa mundo ang asungot na yun."Lihim akong napangiti. Selos na selos na naman kasi sya kay Clyde kahit wala naman dapat syang ikaselos. "Kaybigan ko lang naman si Clyde," depensa ko. "Kaybigan? Seryoso ka Jewel?" Pagak itong tumawa. "E, sya ba? Kaybigan ba tingin nya sayo? The way he look at you, f*ck! Masasabi talagang inlove sya sayo!" Napahilamos sya sa mukha nyang pulang-pula na sa galit. "What if agawin ka nya sakin?" "Maagaw ba ako? Kahit naman gusto nya ako ikaw parin ang gusto ko," hinagkan ko sya sa labi bago ngumiti. "Huwag kanang mag selos Monti. Ikaw lang ang aking mahal~ ang pag-ibig mo'y aking kaylangan." Kanta ko pa habang natatawa. Bigla naman sumaya ang mukha nito at niyakap ako. "Kantahan mo pa nga ako," request nya. "Hindi man kita maharana kasi wala akong talent talaga sa singing. I
Putok ang balitang engaged na nga kami ni Monti. Hindi narin nila kami masyadong binabash, pero may ilan parin talagang ang kaligayahan ay manira at humusga. Deadma nalang sakanila. Wala rin naman mangyayari kung papatulan ko pa, at hindi ko rin naman ikayayaman kung bibigyan ko pa sila ng atensyon. "Congrats!" "Thank you po Tita and Tito." Nahihiyang sabi ko. Kasi naman nung nalaman nilang ikakasal na kami agad silang nag handa para sa venue, para sa food at sa mga kaylangan. Tulad nalang ng invitation cards, gown ko at maging sa sandals na isususot ko. Tapos ngayon may pa-celebrate pa silang hinanda para saming dalawa ni Monti. Masyado akong maswerte sakanila, pero sa ipinaparamdam nila sakin at laging sinasabi. Thankful sila at swerte na ako yung dumating na babae sa buhay ng anak nila. "Sabi ko Mommy na ang itawag mo sakin diba?" Lumapit sakin si Monti at bumulong. "Call her Mom, masyadong emotional ang mga gurang na 'yan." Natawa ako sa binulong nya bago tumango. "Thank you
"Ayos kalang? Kanina pa ako salita ng salita about sa rules and regulation pero malayo yata nililipad ng isip mo." Nasapo ni Sunny ang nuo nya at napailing. "Huwag mo ng isipin ginawa nyo kagabi, parang hindi nyo naman ginagawa yun haha." Pag-bibiro pa nya. Sa totoo lang iniisip ko parin yung nakita kong Dr*gs sa jacket ni Monti. Sakanya ba talaga yun? Hindi ko lang kasi talaga kayang matanggap na ginagamit sya ng ipinagbabawal na gamot."Pasensya na," tanging sabi ko bago inayos yung gitara. "Isang oras pa naman bago mag start yung banda diba?" Tanong ko pa."Oo, bakit? May problema ba kayo ni Gov?" Nag-aalalang tanong ni Sunny. "Wala naman," mabilis na tanggi ko. Wala naman talaga, o wala palang? Inalis ko muna sa isipan ko yung mga theory na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko dapat sya agad husgahan. May tiwala ako sakanya, at mahal namin ang isat-isa. Hindi nya kayang gawin yun lalo't alam nyang isinumpa ko ang h*yop na sindikatong nag papakalat ng mga ipinagbabawal na gamot. Nam