MARCUS:PARA AKONG AATAKEHIN sa puso habang nakasakay sa private plane namin papuntang England. Fuck! Gustong-gusto ko nang mayakap ang tabachoy na 'yon. Sinadya kong hindi muna mag-online dahil gusto ko itong isurpresa sa bigla ko na lamang pagsulpot sa harapan nito. Iisipin ko pa lang ang magiging reaksiyon nito ay lalo lang akong nasasabik makita na ito! Tatlong buwan ding hindi ko natikman ang halik nito at mga yakap! Shit!Blessings in disguise na rin ang nangyari sa pagitan namin ni Bianca kaya halos ipadala na ako ni Mommy sa kabilang planeta mailayo lang dito. Mas gugustuhin pa daw niyang alien ang mapangasawa ko kaysa sa anak ng tinawag niyang panot na penguin, haist. Mabuti na lang pumayag itong sa England na muna ako mamamalagi kasama ang mahal ko. 'Yon nga lang ay kinuha naman nito lahat ng credit card at atm ko. Para daw magtatrabaho ako doon at matuto akong kumita ng sarili kong pera. Paano ko daw mabubuhay ang mga magiging anak namin ni chubs kung wala naman akong a
JESSICA:NAPABALIKWAS AKO sa pagkakayakap kay Marcus nang maramdamang tila may humahalungkat sa mga lamangloob ko! Patakbo akong nagtungo ng banyo na tutop ang bibig dahil panay na ang duwal ko!"Baby!?" Hindi ko na nilingon pa si Marcus na napasunod din sa akin dito sa banyo. Napayuko ako sa sink at dito dumuwal nang dumuwal.Hinahagod-hagod naman ako nito sa likod ko. Para akong naubusan bigla ng lakas na mailabas ang puro tubig na malapot at napakapait na siyang nagpapahalungkat ng sikmura kong kay aga-aga!"Baby." Nanghihina akong napasubsob sa dibdib nitong sinalo naman ako. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito na nangingilid ang luhang inayos ang mga hibla ng buhok kong nakatabing sa mukha ko."Pa-check-up na tayo?" nag-aalalang tonong nito.Ngumuso akong umiling na ikinakunotnoo nitong bakas ang kalituhan sa mga mata."Look oh, ang laki ng ipinayat mo. Baka naman kung ano na 'yan, Chubs." "Okay lang ako," pangungumbinsi kong yumapos sa batok nito. Napayakap din naman ito
JESSICA:KABADO AKO HABANG hinihintay si Marcus dito sa labas ng bahay. Pasado alasotso na ng gabi pero hindi pa ito nakakabalik. Kahit na nagkausap naman na kaming pauwi na ito ay 'di ko pa rin maiwasang maging kabado. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanyang buntis ako. Kahit nga kay Mommy ay wala pa rin akong maisip na maaaring ipasakalye dito para ipaalam na may apo na ito. Napapabuga ako ng hangin habang palakad-lakad na nakapamulsa. May puwang sa puso kong natatakot sa magiging kalabasan ng pagtatapat ko kay Mommy at Marcus na buntis ako pero mas nangingibabaw ang ligaya sa puso kong . . .may anak na ako. "Jessica? Why are you still awake, hija?" Pilit akong ngumiti na mabungaran si Mommy na bagong dating kasama si Manong Archie, ang personal driver namin."Hi, Mom." Bati kong pilit pina-normal ang tono at itsura. Napangiti naman itong gumating yumakap at humalik sa akin na inakay na papasok ng bahay."Is there a problem, hija? Is there something you want to say?"
AKHIRO:NAPAPAHILOT AKO SA sentido habang nakatapat sa laptop ko at kausap sa kabilang linya si Marcus. Kung ako lang ay masaya ako. Masayang-masaya na malamang may magiging apo na kami ng asawa ko. Ang problema? Si Moira. Paniguradong bubuga na naman ng apoy ang dragona namin kapag malaman nitong nakabuntis na ang bunso namin at nagpaplanong magpakasal bago magsilang si Jessica. Wala namang problema sa akin kung 'yon na ang gustong tahakin ni Marcus na buhay. Ang mahalaga naman sa akin ay hindi nagiging pariwara ang buhay ng mga anak ko at kita ko namang nagsusumikap din doon si Marcus na palaguin ang coffeeshop ng Kuya Angelo nito. Dahil ang magaling naming dragona ay kinuha lang naman lahat ng cards ng bunso namin sa pag-aakala nitong hindi kakayanin ni Marcus mamuhay na gipit sa salapi."Congratulations, son. I'm happy for the both of you," ngumiti itong tumango. Base sa paligid nito ay nasa coffeeshop na naman ito kasama si Jessica. "Thanks, Dad. Kayo na pong bahala sa reyna
MARCUS:SIMPLENG GARDEN wedding lang ang tema ng kasal namin ni Jessica na ginanap dito mismo sa bakuran ng kanilang bahay. Kami-kami lang ding pamilya ang bisita at mga empleyado namin sa shop dahil pinanatili naming pribado ang pagpapakasal namin.Napapailing na lamang ako sa pinal na pahayag ni Mommy Moi na uuwi na kami ni Jessica ng bansa kasabay nila at doon manirahan sa mansion. Gusto din naman pala ng apo mula sa akin. Ayaw pang aminin. Tss. Nangilid ang luha kong matamang nakatitig kay Jessica na suot ang trahe de bora nitong napili namin. Katulad ng suot ko'y simpleng white gown lang ito na off shoulder at abot hanggang gitnang binti nito ang manggas. Malalaki ang hakbang kong sinalubong na ito at mahigpit niyakap na tuluyang ikinahikbi ko sa balikat nito. Napapalakpak naman sa amin ang mga kasama namin dito na napatayo sa kanilang upuan. "Hwag ka ngang umiyak. Para namang pinikot kita," natatawang saad nito na pinahid ang luha ko. Napalabi akong ikinahagikhik nitong na
[I GOT YOU, BOSS ARROGANT]AKHIRO:"Ayo'ko na, dude. . . nahihilo na ako," awat ko kay Jeffrey na bestfriend ko sa muling pag-abot nito sa akin ng beer in can habang nagmamaneho. KASALUKUYAN kaming nasa kalagitnaan ng kalsadang sinuong namin para mag-drive-test ng bagong bili ni daddy sa aking sportscar. Hindi na nga namin alam kung saang probinsya kami napadpad."Ang hina mo naman, dude. Nakakailang can ka pa nga lang," iiling-iling saad nito.Napasapo ako ng noo. Pinagpapawisan na ako kahit nakabukas ang aircon. Madilim na at nasa liblib kaming lugar paluwas na ng syudad."Bilisan mo na nga lang. Malalagot na ako kina Mommy nito. Inabot na tayo ng isang araw sa pagro-road-trip natin," reklamo ko at ini-slide na pahiga ang upuan ko. Inaantok na rin ako dala ng nainom kong beer at pagod sa maghapong byahe namin."Okay heto na!" anito na mas binilisan nga ang pagmamaneho.Napadantay ako ng braso sa noo at ipinikit na ang mga mata kong namimigat na.BLLAAAAGGGGG!!Napabalikwas ako ng
10 YEARS LATER AKHIRO:KABADO AKONG paglakad-lakad habang matamang naghihintay sa bride ko dito sa harapan ng cathedral na pinili naming pagdadausan ng kasal namin. Si Aliyah Atayde. Ang 10 years long time girlfriend ko since first year college. Nandidito na rin lahat ng malalaking tao na invited sa much awaited wedding ng taon dahil kilala ang angkan namin sa publiko dito sa bansa maging abroad. Ang Montereal family na mistulang royal family ng bansa. Nagkalat na rin ang media dahil naka-live broadcast ang kasal naming inaabangan din ng publiko."Relax, Kuya. Hindi na maipinta ang mukha mo. Baka lalong mag-back-out si Ate Aliyah na makitang nalulukot na ang gwapong mukha mo sa araw ng kasal niyo," natatawang bulong ng nakababatang kakambal kong si Danica."You're not helping," inis kong sikmat.Napahagikhik lang naman itong napa -piece-sign sa akin na lumapit na sa kumpulan ng mga abay na mga pinsan din namin. Napairap ako dito na iiling-iling.Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko d
AKHIRO:NAPAPANGUSO AKONG kunot ang noo na pinapasadaan ang mga resume ng mga aplikante para maging bagong secretary ko. Napahinga ng malalim si Divina. Ang longtime secretary ko since nag-umpisa akong maging CEO ng A'M Empire Group of Company. Isa sa mga nangunguna ngayong business nationwide at maging sa Asia ay kilala na ang kumpanyang sariling pawis kong itinayo. Labinlimang taon na ang nakalipas.Bumagsak ang sales ng kumpanya sa nangyaring scandal ko, limang taon na ang nakakaraan dahil sa pagtakbo ng ex bride ko sa araw mismo ng kasal namin. Maraming investors ko ang nagsi-back-out na ikinalugi ng kumpanya ko. Idagdag pang na-depressed ako sa kahihiyang inabot ko. Pero sa tulong ng buong angkan ko lalo na ang mga magulang ko ay unti-unti akong nakabangon.At ngayo'y masasabi kong isa na akong successful business man nationwide at nakikilala na rin worldwide. Hindi na ako sumubok pang muli na pumasok sa relasyon. Sakit lang sa ulo ang mga babae. Panira lang sila sa buhay. Nag-