Share

Chapter 5

✿♡ JAZZLENE ♡✿

KASAMA ko si Camille, Leigh at Violet, naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.

Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makakasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.

Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't-ibang department.

At ako . . . ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot.

I mean, hindi naman sana ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng mga kaibigan ko. May kaniya-kaniya kaming ganda. Maganda rin ang katawan ko at hindi naman ako pandak. I'm 5'3. Hindi na masama dahil si Leigh ay 5'1 lang.

Kung kabaitan naman ang pag-uusapan, siguro ako ang rank one sa aming magkakaibigan. Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit lagi na lang akong naiiwan at niloloko.

Napabuntong-hininga ako kaya binalingan ako ni Violet. "Nakasimangot ka na naman, Jazz. Hay naku! 'Wag mo na nga isipin si Dominic! Dapat nga magsaya ka dahil ang bilis ng karma n'ya! Gagong 'yon!"

Lalong nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya. Oo. Tama siya. Mukha ngang nakarma si Dominic sa panloloko sa 'kin. Tatlong araw na ang lumipas simula noong tinakasan ko sila sa hotel dahil nahuli ko si Dom. Pero kinabukasan lang after ng encounter namin sa hotel, nabalitaan kong natanggal si Dom sa trabaho niya. Ang malala pa, pareho silang natanggal ng lalaki niya dahil supervisor niya pala 'yon sa pinapasukan niyang bangko.

Ito pa. Hindi lang siya ang nagkaproblema. Nabalitaan din namin kanina lang na 'yong parents ni Dom ay naghiwalay na kahapon lang dahil may ideniliver sa kanila na mga pictures ng daddy niya na may kasamang babae. Ang ibang kuha raw ay papasok sa motel, ang iba naman ay palabas, at ang iba ay kuha sa restaurant. Ang hindi nga lang namin alam ay kung sino ang nagpadala no'n sa bahay nila. Wala kaming masagap. Mahina ang radar namin.

But gosh! Now I know kung kanino nagmana si Dom. Sa daddy niyang cheater. Kaya, oo. Masasabi kong nakarma nga siya dahil ang balita pa namin ay nabugbog din siya ng daddy niya noong nalaman ang affair niya sa kapwa nito lalaki. Poor him.

"H'wag mo sabihing naaawa ka kay Dom?" Binalingan din ako ni Leigh, salubong ang kilay niya.

"Hindi ako sa kan'ya naaawa. Naaawa ako sa sarili ko. Palagi na lang akong naiiwan," sabi ko, kasunod ang muli kong pagbuntong-hininga.

Papasok na kami ngayon sa coffee shop na katabi lang ng university. Ito ang ginagawa naming tambayan after ng huling klase sa hapon, lalo na kapag ayaw pa naming umuwi. Dito kami nagkakape habang nagtsitsismisan. Tutal ay malapit lang naman ang uuwian ni Leigh at Violet dahil naka-apartment sila na malapit sa university, walking distance lang.

Si Violet ang taya sa kape namin ngayon kaya siya ang umorder. Pero nag-abot ng extra money si Camille para sa kape ng bodyguard niyang si Gabo. Gabriel ang tunay nitong pangalan pero Gabo ang tawag namin sa kaniya. Kahit saan magpunta si Camille, lagi lang siyang nakabuntot. Kapag oras ng klase, naroon naman siya sa labas ng room, nakabantay. Itong si Gabo na rin ang nagsisilbi niyang driver sa pagpasok at pag-uwi.

Ako naman, si daddy ang naghahatid at sumusundo sa akin sa school madalas. Pero kaninang umaga, si Kuya Zane ang naghatid sa akin sa school at siya rin daw ang susundo sa akin ngayon dahil nasa bahay naman siya. Next week pa kasi ang alis niya. 'Yon nga lang ay hindi ko pa siya tine-text para magpasundo dahil magkakape muna kami. Maya-maya na ako mag-me-message sa kaniya.

"Di ba sabi ko caramel mocha 'yong sa 'kin?" Salubong ang kilay kong pinagmasdan si Violet dahil Vanilla Latte ang inabot niya sa 'kin pagbalik niya sa table, bitbit ang tray.

"Luh. Sorry. Nalito ako." She smiled at me sheepishly and gave me a peace sign.

Napairap ako, kasunod ang pang-aasar sa kaniya ni Leigh. "Pagpasensyahan mo na. Baka lutang na naman kaiisip n'ya sa Kuya Zane mo—aah! Aray!" reklamo niya nang sipain siya ni Violet sa ilalim ng mesa.

Habang nakangisi si Camille, salubong naman ang kilay ko, pinagmamasdan ko si Violet.

"Wait? You like him?" I asked in disbelief, pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Silence means yes, 'di ba? "Of all people? Seriously, Violet?" Hindi pa rin ako makapaniwala. "Bakit si Kuya Zane pa? Guwapo lang 'yon, pero hindi 'yon makakabuti sa kinabukasan mo. Masasaktan ka lang sa kan'ya. Babaero pa—"

"Diretsahin mo na kasi 'yong friend natin." Si Leigh. "Ang sabihin mo, hindi s'ya type ng Kuya Zane mo." Sabay halakhak niya.

Tama rin naman si Leigh. Hindi tipo ni Kuya Zane si Violet dahil sa pagkamataray niya. Kapag nagkakataon na nasa bahay sila at naroon din si Kuya, para silang aso't-pusa kung magparinigan. Tapos ngayon malalaman kong bet niya si kuya? Yuck!

Napailing ako bago ako humigop sa kape ko. Nang maibaba ko 'yon, muli kong tiningnan si Violet na tahimik ding humihigop sa kape niya. "Kalimutan mo na si Kuya Zane. Kay Gerald, David at Adam ka na lang mamili, tapos kakausapin ko si Kuya Zane na ireto ka—"

"Out si Adam sa choices," Camille cut me off.

Nilingon ko siya. "Out? Bakit?"

"May sinisinta na 'yon," she said.

Kumunot ang noo ko. Sinisinta? "Sa pagkakaalam ko wala naman s'yang girlfri—"

"Sa ngayon." Nginisihan ako ni Camille. "Pero malakas ang kutob namin na soon . . . magiging taken ka na ulit."

Lalo akong naguluhan. "Ako? Bakit ako? Si Adam ang usapan natin, 'di ba?"

"Shunga naman ng beshy namin!" natatawang komento ni Leigh. Sa akin na rin siya ngayon nakatingin. "Hindi mo ba napapansin na bet ka ni Kamahalang Adam?"

Walang halong biro, but I got goosebumps. 'Tsaka ako sunud-sunod na umiling sa kanila. "Mga monggi ba kayo? Hindi n'ya ako gusto! Saan n'yo naman napulot 'yang fake news na 'yan?"

"Napulot namin sa mga mata ni Adam," nakangising sagot ni Camille. "Natatandaan mo ba 'yong mga panahon na in-invite kami ni Tita Franxine sa inyo para kumain? Those times na naroon din ang kuya mo at mga friends n'ya? Alam mo bang ilang beses namin nahuhuli si Adam na kakaiba ang tingin sa'yo? Not just once, twice, or thrice. Maraming beses, girl!"

Hindi ko naiwasang mapahalakhak sa sinabi niya. Para kasing na-i-imagine ko ang sinabi niyang kakaiba ang tingin ni Adam sa 'kin. 'Yon siguro 'yong tingin na, 'Ito 'yong bub'wit na humalik sa 'kin noon at isinumpa ako sa loob ng sasakyan ko. I'll kill her soon!'

"Alam n'yo, kayo? Masyado kayong overthinking! Hindi ako gusto ni Adam. Never! To be honest, ayaw namin sa isa't-isa. May history kasi kami noon, noong fifteen years old pa lang ako—"

"Omg! Ano'ng history 'yan? SPG ba?" kinikilig na tanong ni Leigh.

Napairap naman ako sa kaniya. "No! Patapusin mo muna kasi ako!" inis kong sagot, then I continue, "Ganito 'yon. Noong fifteen ako, may encounter kami na kung saan, nagkainitan kami ng ulo. Nagkasagutan kami. Ihahatid n'ya dapat ako no'n sa bahay namin dahil, uh . . . nadaanan n'ya ako na pauwi mag-isa," I lied. Nahihiya akong ikuwento sa kanila ang totoong dahilan. "Then, ayon. After namin magkasagutan, inihinto n'ya 'yong sasakyan at pinababa ako kahit hindi pa kami nakakarating sa bahay. After no'n, hindi na kami nagpansinan. Well, hindi naman talaga namin ugaling magpansinan dahil simula't-sapol, hindi ko na s'ya feel. Para kasi s'yang kampon ng kadiliman na nabiyayaan lang ng itsura ng anghel. Ewan ko nga kay kuya kung bakit nakasundo n'ya 'yon. Eh, ang layo naman ng ugali nila. Kabaligtaran nila ang isa't-isa. And honestly, I don't like him. Itaga n'yo 'yan sa bato!"

"You don't like him?" may dudang tanong sa akin ni Violet.

"Not a little bit?" Camille added.

Proud naman akong sumagot. "Not even a little bit."

Matapos kong isara ang usapan tungkol kay Adam, hindi na nila ako kinulit pa tungkol doon, dahil ayoko rin namang pinag-uusapan si Adam. Nawawalan ako ng gana. Ang pinag-usapan na lang namin ay ang tungkol sa nalalapit naming on the job training sa susunod na tatlong buwan.

Binanggit ko sa kanila ang sinabi sa 'kin ni daddy na dito na lang ako sa Aloha mag-OJT, sa bagong hotel na bubuksan next month. Hiningan ko rin sila ng opinion kung gusto ba nila ro'n kung sakali, at ang um-oo lang ay si Leigh, para raw hindi na kami mapalayo. Pero si Violet at Camille, talagang nasa La Vienna na ang puso nila at kaluluwa. Wala na raw atrasan doon. Syempre, doon din kami ni Leight.

"Girls, una na 'ko sa inyo. Tumatawag na si mommy," baling sa amin ni Camille nang sulyapan niya ang screen ng phone niya matapos 'yon tumunog. Kasabay ng pagtayo niya, tumayo rin si Gabo na nasa kabilang table lang namin.

"Ingat kayo," Leigh said as she waved them goodbye.

Noong kami na lang tatlo ang naiwan, nagdesisyon na rin akong i-message si Kuya Zane para magpasundo na. 'Tsaka ko binalingan ang dalawa. "P'wede na kayong mauna. 'Di ba gagawa pa kayo ng report n'yo?"

"Pa'no ka?" Si Leigh.

"Okay lang ako rito. Tineks ko na si kuya, papunta na 'yon."

Tumango sila at sabay na tumayo. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay namin. Ten minutes' drive lang. Mapapalayo lang kung lalakarin ko pauwi. Baka abutin na ako ng dilim sa daan, lalo at mag-a-alas sais na ng hapon.

"Bye, Jazz." Kumaway pa sila pareho sa akin bago sila tuluyang lumabas sa salaming pinto. Noong ako na lang mag-isa ang naiwan sa table namin, naka-received ako ng reply mula kay Kuya Zane.

"Nasiraan ako. Dinala ko car sa pagawaan, mag-commute ka na pauwi. Matagal pa 'to."

360 degree yata ang naging-ikot ng mga mata ko dahil napairap ako matapos kong mabasa ang text niya.

Commute? Para siyang hibang. Hindi ba niya alam na wala na akong masasakyan pauwi kapag ganitong oras? Hanggang alas singko lang ang sasakyan dumidiretso sa amin, at dahil napasarap ang kuwentuhan namin kanina, 6:00 p.m na ngayon. Wala na akong puwedeng habulin na sasakyan nang ganitong oras.

Inis kong binitbit ang kape ko palabas sa coffee shop. Nakasubit naman sa katawan ko ang body bag ko.

"Jazzlene?" Napalingon ako sa sasakyang huminto sa tapat ko. Nakababa ang salaming bintana kaya nakita ko kung sino'ng tumawag sa 'kin.

Ngumiti ako. "Hi, Ma'am Jane!" Isa siya sa mga professor namin at mabait siya.

"Bakit mag-isa ka?"

Nakakahiya man, pero kakapalan ko na ang mukha ko. "Ma'am, puwede po makisabay?"

Mabait siya kaya alam kong hindi talaga siya tatanggi. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya, doon sa passenger seat dahil wala naman siyang kasama. Noong nagsimula na siyang mag-drive, 'tsaka ko kinuwento sa kaniya kung bakit kailangan kong makisabay.

'Yon nga lang ay binanggit niyang hindi niya ako maididiretso sa bahay namin. Hanggang sa Rose Street lang daw niya ako maibababa dahil nagmamadali siya, dadaanan niya pa raw kasi 'yong anak niya na nagtatrabaho bilang manager sa isang pharmacy dahil oras na rin daw ng uwi nito.

Ilang minuto pa, narating na namin ang Rose Street kaya nagpaalam na ako at bumaba sa sasakyan ni Ma'am Jane. "Mag-iingat ka sa paglalakad, Jazz, ha?"

Tumango ako habang nakangiti. "Opo, ma'am. Thank you po." Malapad ang ngiti kong kumaway sa kaniya bago ko isara ang sasakyan niya.

Rose Street, then Lily's Street at Tulips Street bago ko maraming ang sa amin. Medyo malayo-layong lakaran pa, pero at least hindi na kasing layo ng iniisip kong lakarin kung sakaling hindi niya ako naisabay kanina.

Habang naglalakad, nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay parang may sumusunod sa akin. Ngunit sa tuwing lilingon naman ako sa gawing likuran ko, wala akong nakikita.

Madalim na ang paligid dahil pasado alas sais na. Nagkataon pa na dito sa Rose Street ay walang masyadong bahayan. Hiwa-hiwalay ang bahay rito at medyo malayo ang mga pagitan.

Lord, malas na nga po ako sa love life, 'wag N'yo naman po sana hayaang malasin pa ako ngayon.

Binilisan ko ang paglalakad ko para makaiwas doon sa kung sino man ang sumusunod sa akin. Ngunit habang bumibilis ang paghakbang ko, mas lalo kong napatunayan na hindi ko guni-guni ang naramdaman ko dahil ngayon ay dinig ko na ang yabag niya na halos tumatakbo na rin para sundan ako.

"Jazzlene!"

I stopped dead nang marinig ko ang boses ng lalaking tumawag sa 'kin sa bandang likuran ko. I slowly turned around para tingnan kung sino 'yon. Kahit papaano ay may liwanag pa rin naman na nanggagaling sa street light kaya nakita ko ang mukha niya.

"S-Sino ka?"

Humakbang siya palapit sa 'kin. Oras na makalapit siya, hinawakan niya agad ang magkabila kong braso. "Tell me. Ikaw ang nagpakalat sa bangko ng tungkol sa amin ni Dominic, 'no?" Madilim ang tingin niya sa 'kin, galit siya. Kita ko 'yon sa mukha niya at ramdam ko sa higpit ng kapit niya sa magkabila kong balikat.

Napalunok ako dahil ngayon ko lang na-realize kung sino siya. Dahil bukod sa nabanggit niya si Dom, namukhaan ko siya.

Oo. Siya 'yong lalaking kasama ni Dominic sa hotel. Hindi siya gay tingnan. Tigasin siya sa istura kaya kung physical ang pagbabasehan, hindi mahahalatang may karelasyon siyang lalaki.

"H-Hindi ako. Bitawan mo 'ko." Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa 'kin pero hindi ko magawa.

"Don't lie, you bitch!"

"Aray!" Nagpumiglas ako dahil sa higpit ng hawak niya sa magkabilang balikat ko, idagdag pa na inaalog niya ang katawan ko. "Aray! Nasasaktan ako. Bitiwan—"

"Aminin mong ikaw ang nagkalat no'n! Aminin—" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang may humintong sasakyan sa tapat namin. Dark red na Lamborghini, na alam kong kay Adam.

Mabilis bumukas ang pinto sa driver's seat, kasunod ang paglabas ni Adam. Nakasuot siya ng black suit—his usual working clothes.

Oras na maisara niya ang pinto ng sasakyan, humakbang siya palapit sa amin, with a gun in his hand. At halos tumalon ang puso ko palabas sa dibdib ko nang iangat niya ang kanang kamay niya para itutok ang baril sa lalaking nasa harap ko.

"Let her go or die?"

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ana Talon
i love your story
goodnovel comment avatar
Ana Talon
update story
goodnovel comment avatar
Mechiell Gamal
diyan na yung hero ni jazz
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status