Share

Chapter 4

✧ADAM MEADOWS✧

MAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Tabi ang parents ni Zane. Tabi naman kami ni Zane, then katabi ko si David, sunod si Gerald. Si Henry? Umuwi na kani-kanina pa dahil kahit gustuhin niyang mag-stay, hindi niya rin nagawa dahil nakatanggap siya ng tawag sa asawa niya, pinauuwi siya.

"Malapit na OJT ng kapatid mo, Zane." Si Attorney Hart. Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz. Hinihintay namin siya, pinagbihis muna siya ng mom niya kanina dahil ang daming balahibo ng pusa na dumikit sa kaniya. Nakipaglaro kasi siya sa persian cat niya matapos niyang maglabas ng sama ng loob kanina.

"OJT? Where?"

"La Vienna Hotel."

Nagsalubong ang kilay ni Zane. "La Vienna? Ang layo naman."

He's right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now.

"Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad mo kapag nagsimula na s'ya. Alam mo naman 'yang kapatid mo. Sa sobrang kabaitan, napakadaling mauto." Napailing si Attorney Hart.

I agree.

"Ayoko nga sana s'yang payagan na doon mag-OJT," Zane dad—Angelo Hart—started, "pero sinimangutan ako. Doon din daw kasi mag-o-OJT mga kaibigan n'ya. Sama-sama raw sila." He shrugged.

"Kailan?" Zane asked, curious.

"Three months from now." Attorney Hart.

"Three months pa pala. Akala ko next week na. Kung three months pa, siguro kahit hindi na s'ya lumayo. May bagong hotel na bubuksan dito sa Aloha, 'di ba? Mas malaki pa 'yon sa La Vienna at sigurado akong makikilala rin 'yon." Bumaling sa 'kin si Zane. "Nakikita mo 'yong lagi nating nadadaanan? 'Yong MPower Hotel?" Tumango ako 'tsaka niya binaling ulit ang tingin sa parents niya. "Nakita ko sa social media na magbubukas na 'yon next month. Kumbinsihin n'yo na lang si Jazz na baka puwedeng do'n na lang s'ya mag-OJT. 'Di rin ako mapapanatag kung lalayo pa 'yong tanga na 'yon. Baka mamaya ano pang mangyari sa kan'ya kung mga kaibigan n'ya lang kasama n'ya."

"Makatanga ka naman, Kuya!" Nabaling ang tingin naming lahat sa kadarating na si Jazz. Kunot ang noo niyang tumayo sa tabi ng mommy niya, nakahawak siya sa ibabaw ng sandalan ng upuan habang nakikipagtalo kay Zane sa pagtawag nito sa kaniyang tanga.

She's wearing a sundress now. Too bad. The dress was nice, but my mind flashed back to our car ride, when her damp shirt had clung to her like a second skin and her n*pples had strained against her swim bra. Bakat na bakat din ang underwear niya and her beautiful legs were on display. I mean, she's not really my type, but I'd enjoyed the view. Sa isip ko nga, ini-imagine ko ang sarili ko na inaangat ang manipis niyang T-shirt para laruin ang malusog niyang dibdib. I could imagine myself tugging her bra aside and closing my mouth around those sweet, hardened nipp—

"Adam?"

Fvck. "Yeah?" I said, out of myself. Si Attorney Hart ang tumawag sa 'kin kaya sa kaniya ako nakatingin.

"Sabi ko kain na tayo. May problema ba?" she added, looking at me with concern. Hindi ko kasi namalayang nagsisimula na pala silang kumain.

'Ge. Daydream pa. Hayop.

"Uhm. No. I'm fine." Bahagya akong umiling para alisin sa isip ko ang nagsisimulang pagnanasa sa loob ko sa anak niyang katabi na niya ngayon at busy sa pag-torture sa friend chicken sa plato nito.

What the fvck is wrong with me? That's Zane's baby sister! She's innocent, simple, sassy, friendly, caring, and sweet. Kabaligtaran siya ng babaeng gusto kong ikinakama. Malayong-malayo siya sa standard ko at kahit kailan hindi niya 'yon maaabot.

"Jazzlene, darling. Tama ang kuya mo. Doon ka na lang mag-OJT sa hotel na magbubukas dito sa Aloha," baling ng daddy niya sa kaniya. "Next month, mag-o-open na raw 'yon. Mukhang mas malaki pa 'yon sa La Vienna."

"Daaad~," she whined. "Nag-usap-usap na kami ng mga kaibigan ko. Na-finalized na namin na sa La Vienna kami mag-o-OJT. Wala nang bawian 'yon."

"Pero malayo 'yon, darling. Pa'no kung emergency at kailanganin mo kami ng mom mo? Three hours ang biyahe papunta ro'n, hindi ka namin mapupuntahan agad-agad. Buti sana kung may kapangyarihan kaming mag-teleport para mapuntahan ka na 'sing bilis nang kidlat."

"Daddy, malaki na 'ko. Kaya ko sarili ko. 'Tsaka wala namang mangyayari sa 'kin do'n. Isa pa, may kaibigan akong artista. Si Camille. Alam n'yo namang always may bodyguard 'yon, 'di ba? Kaya wala kayong dapat ipag-aalala, dahil hangga't kasama namin si Camille, pati kami damay na rin na binabantayan."

"Pero si Camille ang priority ng bodyguard n'ya, hindi kayo."

She rolled her eyes. "Dad, please. Malaki na 'ko. I'm twenty-one. Hindi na 'ko bata. Kaya ko na sarili ko. Promise!"

Inabala ko ang sarili ko sa pagkain habang nakikinig lang sa kanilang pamilya tungkol sa usaping OJT. Si Zane rin ay nakikisabat kapag kailangan. Ako, si David at Gerald lang ang tahimik at sinusulit ang masarap na pagkain. We have fried chicken for dinner at guisadong mais.

Isa 'to sa dahilan kaya hindi ako tumatanggi kapag dito ako pinakakain ng parents nila. Dahil masarap magluto si Attorney. Halatang sa kaniya namana ni Jazz ang skills sa kusina dahil kapag si Jazz ang nagluluto rito sa kanila, umuuwi rin akong masikip ang pantalon dahil sa dami ng nailalaman ko sa tiyan ko.

Wala silang cook. Sila lang ang nagluluto. Minsan ang daddy nila dahil hindi naman na ito nagtatrabaho. Retired na dahil medyo may edad na. Minsan naman ay si Attorney Hart kapag free time niya, lalo at nasa loob lang din naman ng compound nila ang law office niya. May time rin na si Jazz ang nagluluto kapag narito siya sa bahay nila. Si Zane lang ang hindi marunong magluto kaya tagahugas ng pinagkainan ang role niya madalas.

Alam ko ang mga bagay na 'yon dahil simula pa high school ako, maraming beses na 'kong dito kumakain. Bawat sulok nga ng bahay nila kabisado ko na rin. Malaki ang bahay nila, maayos din. Every week may pumupunta rito para maglinis dahil 'yon ang hindi na nila kayang asikasuhin.

Parang ako lang din. Weekly rin akong nagpapalinis ng bahay at wala rin akong cook. Hindi ako marunong magluto kaya halos puro delivered lang ang pagkain ko kapag nasa bahay ako. Kapag nasa company naman ako, doon na ako kumakain. May cafeteria sa company at ang secretary kong si Ezra ang bahalang magdala ng pagkain ko sa office. Pero minsan kapag hindi ko gusto ang nasa menu, nagpapa-order ako sa kaniya sa labas.

A silvery laugh pealed through the air, drawing my eyes toward the source.

Of course, Jazzlene.

May dalawa siyang side. Mataray at masiyahin. I preferred her masiyahin side, lalo na kapag nakangiti siya at tumatawa, naniningkit ang mga mata niya at 'yong tawa niya, walang halong kaplastikan. Sa pamamagitan ng pagtawa niya, kaya niyang buhayin ang anomang patay sa paligid niya. Kahit nga siguro patay na halaman o damo, kapag narinig ang tawa niya, baka biglang sumibol ulit.

Mas gusto ko ang gano'ng klaseng tawa. 'Yong totoo. Sawa na kasi ako sa mga pekeng tao na halos araw-araw, napapalibutan ako, lalo na sa company.

"Alalahanin mo Kuya Zane, type B ang dugo mo. Hindi O . . . A. Okay?" Tinawanan niya ulit si Zane. Hindi ko alam kung ano na'ng pinag-uusapan nila. Masyado na 'kong naligaw dahil sa pagiging abala ko sa pagkain.

After the dinner, naunang nagpaalam si David at Gerald sa parents nila Zane. Naiwan naman ako dahil nakasanayan ko na rin talagang ako ang nagpapahuling umuwi sa aming magkakaibigan. Why? Dahil hindi pumapayag si Zane na hindi ko siya tutulungang maghugas ng pinggan.

Ngayon, pareho na kaming nakaharap sa sink. Siya ang tagakuskos at tagasabon, ako naman ang tagabanlaw. Wala na ang parents niya rito, wala na rin si Jazz, nasa taas na.

I heard him tsked, so I asked, "Why?"

"Aalis na 'ko next week. Pa'no kaya si Jazzlene kapag wala na 'ko sa tabi n'ya?"

"What about her?"

"I'm worried about her, man." His expression growing serious. "Alam kong nasa legal age na s'ya. Pero kahit na ilang beses pang lumabas sa bibig n'ya 'yong salitang kaya na n'ya ang sarili n'ya, duda pa rin ako. Sa tuwing may problema 'yan, imbes na sila mom at dad ang tawagan, ako ang binubulabog dahil ayaw n'yang mapagalitan. Pa'no ngayon kapag umalis ako at anim na buwan mawawala?"

Matagal na kaming magkaibigan ni Zane at sa tono ng boses niya, mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan. And hell, I didn't like it a little bit.

"Hire her a bodyguard. Simple."

Zane snorted. "Bodyguard? Wala akong tiwala sa mga gan'yan. Nakalimutan mo na bang kinuhanan din s'ya noon ng bodyguard nila mom? And it didn't go well."

Oo, natandaan ko. Noong seventeen years old kasi siya, muntik na siyang makidnap. Hindi siya ibinaba ng taxi na sinasakyan niya at umiba ito ng ruta. Base sa statement ng taxi driver noong nahuli siya at na-i-report, balak niyang pagsamantalahan si Jazzlene. Buti na lang no'ng time na 'yon, naging malakas ang loob ni Jazz at sinipa-sipa niya ang salamin sa bintana sa backseat kung saan siya nakaupo hanggang sa mabasag 'yon para makasigaw siya at makahingi ng tulong. Na-trauma siya that time kaya simula no'n nag-hire si Attorney Hart ng driver slash bodyguard niya dahil that time, hindi pa retired ang daddy niya at palaging wala dahil sa trabaho. Si Zane naman, nasa pilot school na no'ng time na 'yon kaya wala talagang titingin sa kaniya dahil busy rin si Attorney Hart.

At noong nag-eighteen siya, 'yong gagong bodyguard niyang 'yon, nagkaroon din ng pagnanasa sa kaniya. Hindi siya physical na minolestya. Sa text messages 'yon idinaan and Jazz got scared kaya noong nagkaroon siya ng chance na kontakin si Zane, isinend niya rito lahat ng screenshot ng messages ng bodyguard niya at ipinasa naman sa 'kin ni Zane.

Sinasabihan ng lalaking 'yon si Jazz na maganda, sexy, then i-co-compliment niya 'yong suot ni Jazz. Like kapag naka-shorts or mini-skirt, sasabihin niyang maganda 'yong legs. Tinanong niya pa noon si Jazz sa text kung may boyfriend na ba at kung umiinom ba siya. Niyayaya niya si Jazz na uminom nang sila lang daw dalawa.

Lalaki si Zane at lalaki rin ako kaya alam naming may kakaiba ro'n sa mga messages na 'yon. Kaya bago pa may mangyaring hindi maganda, kinausap agad ni Zane ang parents nila kaya nasisante agad ng mommy nila 'yong lalaki at ipina-blotter.

I sighed. "You don't need to worry. Safe na ngayon ang Aloha, and the crime rate here is close to zero."

"I know. Pero mas mapapanatag pa rin ako kung alam kong may titingin-tingin sa kan'ya. Lalo na anim na buwan akong mawawala."

Fvck. I knew it. Alam ko na talaga likaw ng bituka nitong gagong 'to. Alam ko na kung ano'ng susunod niyang sasabihin, and I swear, isusumpa ko siya kapag tama ako.

"Alam kong busy ka. You're a CEO and got a lot of shit to do. Pero alam mo rin na tanga 'yong kapatid kong si Jazz. So, if you could keep an eye on her, just to make sure na hindi s'ya ulit makikidnap ng taxi driver at momolestyahin sa text message ng kung sinong loko-loko, tatanawin ko 'yon malaking utang na loob."

Tsk, tsk. Hindi ba n'ya alam ang takbo ng utak ko kanina kung pa'no ko molestyahin ang kapatid n'ya?

"You know? Para lang kaming tigre at pusa—anyway, I'm the cat—but I love my stupid sister. Kaya kung babantayan mo s'ya para sa 'kin habang wala ako, utang na loob ko 'yon sa'yo at pasasalubungan kita pagbalik—"

"Gago ka ba? Marami ka ng utang na loob sa 'kin noon pa," I said wryly, cutting him off.

He grinned. "Wait? Is that a yes?"

Umiling ako. "I don't know, man. I can help you find a better person na magbabantay sa kan'ya. 'Yong walang criminal record. But me? I'm not sure na magagawa ko pa 'yan sa dami kong inaasikaso. And I'm not much of a babysitter."

"Good thing she's not a baby," he quipped. "At ayoko s'yang ipagkatiwala sa kahit kanino. Madali utuin si Jazz kaya malapit sa kan'ya ang disgrasya. Kahit nga twenty-one na 'yan, kapag binigyan mo 'yan ng candy at dinaldal mo nang kaunti sa mga bagay na interesado s'ya, sasama 'yan. Gano'n 'yan katanga."

"Bakit ba kasi ako pa? Ako lang ba puwede mong hingan ng pabor?"

"Nope. But you're the only person I trust not to . . . you know—"

"What? Fvck her?"

"Sh*t, man." Nalukot ang mukha siya at parang nandidiri akong tiningnan. "Gamitin mo na ang salitang 'yan sa iba, 'wag lang sa kapatid ko. It's gross. But . . . yeah. Gano'n na nga. Alam naman natin pareho na hindi s'ya 'yong tipo mo. At kahit maging tipo mo pa s'ya, I know you'd never do that."

Oh, come on, Zane. Hindi mo lang alam pero hinuhubaran ko na kapatid mo sa isip ko no'ng kasama ko s'ya sa sasakyan ko.

Without looking at him, I exhale and said, "I don't know. I'll think about it."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mechiell Gamal
hay naku Zane ,laki tiwala momkaya Adam,kung alam mo lang nasa isip Niya kanina,............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status