Share

Chapter 3

✧ ADAM MEADOWS ✧

"So? Is she your type?" Henry asked as I was staring at his mobile screen.

Picture ng babae. Pangatlo na 'to, actually. 'Yong una at pangalawa, hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pero dito sa pangatlong picture, tumagal naman kahit tatlong segundo. Pero hindi dahil gusto ko. Pinagmasdan ko lang dahil kilala ko 'yong nasa picture. Ate siya ng dating kaibigan ni Jazzlene. Ate ni Jenna. 'Yong mga nanloko noon sa kaniya noong fifteen pa lang siya.

At ang dahilan kaya nila 'ko pinakikitaan ng picture ng mga babae ay dahil gusto nilang magkaroon na 'ko ng girlfriend. I don't do girlfriends. Pero hindi ibig sabihin na wala akong girlfriend, dry na ang sex life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. Pero hindi basta-basta kung sino lang. Namimili rin ako, at kapag hindi pasado sa 'kin, hindi ko papatulan.

Tulad na lang ngayon ng mga pinakita sa 'kin ni Henry. Wala man lang ni isa ang pumasa sa taste ko. Lalong-lalo na 'tong ate ng ex-best friend ni Jazzlene. Despite her revealing dress, she looked like the type who expected sweet nothings and lovemaking in bed.

I didn't do sweet nothings and lovemaking. I fucked a certain way, and only specific type of woman was into that. Not hardcore or BDSM. But definitely not soft. I didn't do soft things in bed. Just pure fuck.

Hindi rin ako nakikipaghalikan sa mga babaeng ikinakama ko. Ayoko rin nakikita ang mga mukha nila habang tinitira ko sila, kaya always na posisyon na ginagawa ko ay doggy. Because they were my fvcking dogs.

"Ayoko," tipid kong sagot at binalik sa kaniya ang cell phone niya. "Kay Gerald mo na lang ipakilala. Hindi n'ya 'yan tatanggihan." I motioned toward Gerald na katabi ni Zane sa sofa. Nagsama-sama kami ngayon dito dahil magkakalayo-layo na naman kami. Lilipad na naman silang apat next week. Si Zane, six months siyang mawawala, while 'yong tatlo, four months. Ako lang ang maiiwan sa bansa dahil hindi naman ako katulad nilang piloto. Isa pa, Meadows Group is here, so I need to be here. Not anywhere.

"May I see?" Natatawa namang inabot ni Gerald ang phone niya. Si Gerald kasi, single rin na tulad namin, maliban kay Henry na nakatali na.

Pero sa aming lahat, si Zane talaga ang masasabi kong malakas ang charisma, lalo na at tinagurian siyang sweet guy. Maraming naa-attract sa kaniya. Kabi-kabila mga babae niya, pero walang official girlfriend ang loko. Ang katuwiran niya, ayaw niya pa ng commitment dahil nag-e-enjoy pa raw siyang magpahabol sa mga babaeng halos sambahin siya.

Mabait 'yang si Zane. While I put people on edge, he put them at ease, and his approach toward the fairer sex was the opposite of mine. The more, the merrier, according to him. Kung i-co-compute nga ang mga babaeng naikama na niya, probably, half of the city na. And he's proud of it.

"Woah. Men, look. Ang lusog, oh. Yumyum!" Nakangisi si Gerald habang zino-zoom ang screen. "And her ass . . . bilog na bilog din! Sarap i-spank nito."

"Teka? Hindi ba't kapatid 'to ng kaibigan ni Jazzlene noon?" Nakasilip na si Zane sa screen kaya napuna na rin niya 'yong picture. Akala ko ako lang ang nakakilala. "H'wag n'yo patulan 'yan at baka pag-untugin ko pa sila ng kapatid n'ya," he added, annoyed.

I can feel his concern toward his sister. Mapang-asar lang siya kay Jazz pero overprotective siya sa kapatid niya. In fact, noong nalaman niya na niloko si Jazz noon ng ex niyang Vince ang pangalan, six years ago, at ng best friend nitong si Jenna, siya ang gumawa ng paraan para magkahiwalay ang dalawa. I mean, tinulungan ko siya.

Nagtanong siya sa akin noon kung ano'ng dapat niyang gawin dahil hindi naman namin puwedeng bugbogin 'yong Vince lalo at minor pa. He was just sixteen that time. Kaya ang naisip kong paraan na sinuggest ko sa kaniya ay mag-umang na lang ng pain para pag-awayin 'yong dalawa. 'Yong Vince at Jenna.

May kinausap at binayaraan kami noon na teenage girl para makipag-flirt doon sa Vince na umepekto naman, kaya halos one week after ng pag-iyak ni Jazz sa panloloko sa kaniya ay naghiwalay na rin 'yong gagong Vince at 'yong Jenna.

"Ano na naman 'yang pinagpipiyestahan n'yo?" Napalingon silang lahat sa pagdating ni Jazzlene, maliban sa 'kin. Diretso lang ang tingin ko sa center table dahil narito kami sa maluwang nilang sala.

Hinintay ko siyang makalapit. May dala siyang tray, meryenda. New baked na blueberry cookies at lemon juice. Alam kong siya mismo ang nag-bake ng cookies na 'yon dahil naabutan ko siya kanina sa kitchen nila no'ng kumuha 'ko ng tubig. She loves baking. I mean, not just baking. She loves cooking and everything related to food. Kaya rin siguro HRM ang course niya.

Habang inihahain niya sa 'min ang meryenda, I took my time to study her. Nakaligo na siya. Nakasuot ng floral pink na pajama at maluwang na white t-shirt. Basa pa ang buhok niya at papunta sa likod ang pagkakasuklay. No make-ups on, but still, beau—hell no. Mukha siyang manang kapag nasa bahay. Ibang-iba ang itsura niya kapag nasa labas siya at kasama mga kaibigan niya.

"Nanonood kayo ng porn, 'no?" Masama ang tingin niya kay Gerald at Zane na siyang tutok kanina sa screen.

Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Nakasablay sa gilid ng balikat niya ang jacket ko na ipinahiram sa kaniya kanina bago siya bumaba sa sasakyan.

"Porn? No." Mabilis na umiling si Gerald. "May tinitingnan lang kami. New business." He laughed a bit, pero halatang hindi niya napaniwala si Jazz.

"Business?" Tinawanan niya 'yong dalawa 'tsaka niya pinokus ang tingin sa kuya niyang si Zane. "Kapag sangkot si Kuya Zane, hindi ako maniniwalang business 'yan. Siguradong babae 'yan. Maniniwala lang akong business 'yan kung si Adam ang nagsabi. S'ya ang tunay na business minded. Kayo, puro mga dede at puwet lang ang laman ng mga utak n'yo!"

Zane and his baby sister were so close, even if they bickered so much I wanted to duct tape their mouth sometimes. That was the nature of siblings—something I'd never quite gotten to experience.

"Bibig mo, Jazz, ah! Umalis ka na nga!" Inis siyang ipinagtabuyan ni Zane, pero hindi siya kumilos. Kinuha niya ang jacket kong nasa balikat niya. Alam kong sa 'kin na siya babaling kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Ito na pala 'yong jacket mo." Inabot ko 'yon at saglit ko lang siyang sinulyapan. "Salamat na rin sa pagsundo." Tipid na pagtango lang ang isinagot ko.

Paalis na sana siya para iwan kami nang tawagin siya ni Zane. "Jazz, teka!"

Huminto siya ilang hakbang pa lang ang layo niya at nilingon si Zane. "Bakit?"

"Ano'ng katangahan na naman ang nagawa mo kanina at nagpasundo ka? 'Di ba kasama mo mga kaibigan mo? Don't tell me pinagkaisahan ka na naman nila? Niloko ka na naman ba ng boyfriend mo at ipinagpalit ka? Kanino? Kay Camille? Kay Violet? Kay Leigh?"

Hindi siya nakasagot. Napayuko siya. It made my eyebrows furrowed because I sense something. Did she lie? Ang sabi niya sa 'kin kanina no'ng tinanong ko siya, masama raw ang pakiramdam niya. Hindi ba 'yon ang totoong dahilan?

"Hoy, sumagot ka!" Zane raised his voice.

Unti-unting umangat ang mukha niya sa kuya niya and I fisted my palm when I saw her eyes gathering with tears. "H-Hindi sa kanila. Sa lalaki. Sa lalaki n'ya 'ko . . . pinagpalit."

Silence.

I don't know how long. Natapos lang ang katahimikan nang marinig na naming sumisinghot-singhot si Jazz dahil sa pag-iyak niya.

"Lalaki?" Zane asked in disbelief. "Ipinagpalit ka ng boyfriend mo sa kapwa n'ya may bayag?"

Bahagyang tumango si Jazz and that's when she broke down. And for some reason, I wanted to salvage someone and burn him until he became a heap of ashes in my feet.

Tumayo si Zane sa upuan niya at nilapitan ang kapatid niya. He hugged his sister, rubbing her back, he said, "Ano'ng sabi ko sa'yo noon? 'Di binalaan na kita sa lalaking 'yon? Noon pa naamoy ko nang hindi straight 'yan. Pero 'di ka nakinig sa 'kin. Pinairal mo 'yang karupukan mo." Napailing siya, even Gerald and Henry.

Bumitaw siya sa kuya niya at mahinang nagsalita habang humihikbi. "H'wag mo 'ko susumbong kay mommy."

"Hindi ikaw ang isusumbong ko. 'Yong magaling mong ex. Moooom! Mommyyyy!"

"Kuya, ano ba!"

"Moooom!"

"Tumigil ka—" Bago pa man niya maabot at matakpan ang bibig ng kuya niya, narinig na sila ng mom nila.

"Yes?" Palapit na ito sa direksyon namin. Laging seryoso ang mukha ng mommy nila, si Attorney Franxine Hart, pero mabait ito. Anak na rin ang turing niya sa 'kin, sa aming magkakaibigan, at alam kong mula sa puso niya 'yon. "Bakit? Napapa'no kayo?"

"Itong si Jazz, mom, broken," said Zane. "Ipinagpalit s'ya ng boyfriend n'ya."

"Na naman?" Attorney Hart asked in disbelief before turning her gaze to her daughter. She looked at her with pity. "What happened?"

Pero si Zane pa rin ang sumagot. "Not with her best friend this time. Sa lalaki, mom. That Dom is a bisexual! Noon ko pa talaga duda 'yon at sinabihan ko na rin 'tong si Jazz noon, but she didn't listen."

"Oh, my daughter. Are you okay?" Attorney Hart opened her arms at agad namang yumakap sa kaniya si Jazz.

"I'm not, mommy. Masakit pa rin . . ." She started crying like a child.

"Let's go uptairs. Pag-usapan natin 'yan." Binalingan niya kami nang bumitaw sa kaniya si Jazz. "Boys, iaakyat ko muna si Jazz sa taas. Enjoy lang kayo, ha? At walang aalis sa inyo. Dito na kayo mag-dinner. Oh, sorry. Maliban kay Henry dahil may asawang naghihintay d'yan." Attorney Hart laughed a bit.

"It's okay, tita. Dito na lang din ako kaka—"

"Shut up, men. Umuwi ka sa asawa mo kung ayaw mong abugbog Berna." Sabay halakhak ni Gerald.

Naiwan ulit kaming lima. Napapamura pa nang mahina si Zane. "T*ngina talaga ng Dominic Francisco na 'yon. 'Wag kong makakasalubong 'yon, babasagin ko talaga mukha no'n. Tatanga-tanga na nga 'yong kapatid ko, sinaktan pa ng hayop! May araw rin sa 'kin 'yon." Inabot niya ang isang baso at sinalinan ng lemon juice, 'tsaka niya nilagok.

Habang nag-uusap sila tungkol sa kung pa'no sila gaganti sa ex ni Jazz na 'yon, I took my phone out of my pocket and type a message for my male secretary.

"I need every bit of information about Dominic Francisco. In fifteen minutes."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mechiell Gamal
na imagine ko yung pagiging sweet ni Adam kay jazz , habang magluluto si jazz,...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status