Share

Chapter 2

✿♡ JAZZLENE ♡✿

ADAM Meadows. Tama nga ang kutob ko. Siya ang susundo sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or lakas-loob na lang na babalik sa hotel. Because he wasn't an 'I'll-do-my-buddy-a-favor-and-pick-his-sister-up type of guy. He was a look-at-me-wrong-or-say-anything-to-me-I-don't-like-and-I'll-kill-you-with-my-hands kinda guy, and he's doing it looking so calm and gorgeous you wouldn't notice your world crashing down.

Saglit akong napayuko at binaba ang tingin ko sa mga paa kong marumi dahil nakapaa ako pumunta rito. I swiped my tongue over my dry lips, kasunod ang pagbaba ng salamin sa bintana ng passenger seat.

"Get it." Hindi malakas ang boses niya. Hindi rin siya galit. Enough lang para marinig ko siya. "Or gusto mo pang pagbuksan kita?" he said it very cold I can feel my body freezing.

Napilitan na akong tumayo para lumapit sa kaniya. Bahala na kung marumihan ko ang sasakyan niya. Mayaman naman siya, ipalinis niya na lang.

Noong nasa loob ako, saglit ko siyang sinulyapan. Saglit lang dahil hindi ko kayang tagalan siyang tingnan. I said, almost a whisper, "Salamat sa pagsundo sa 'kin."

Wala. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Maski hininga niya hindi ko naririnig. He didn't respond or even look at me as he navigated the twists and curves of the road leading to my house. He drove the same way he walked, talked, and breathed—steady and controlled, with an undercurrent of danger warning those foolish enough to contemplate crossing him that doing so would be their death sentence.

Saan ba siya napulot ni Kuya? Bakit sila nagkasundo?

Magkaiba sila ni Kuya Zane. Ibang-iba. Kabaligtaran sila ng isa't-isa, kaya nga hanggang ngayon ay isang malaking puzzle sa isip ko kung paano sila naging mag-best friend. Ang malupit pa, sa kanilang magkakaibigan, kay David, Gerald at Henry, ay itong si Adam ang pinaka-close niya base sa obserbasyon ko at base na rin sa sabi ni kuya noon sa 'kin.

Pero hindi ko pa rin talaga ma-gets kung bakit si Adam pa. I mean, nariyan naman si David at Henry na hindi ganito ka-cold at kabagsik kay Adam. So, why? Dahil ba matalino si Adam at sobrang yaman? 'Yong tipong kahit hindi na magtrabaho ay mabubuhay niya ang sarili niya hanggang sa mga kaapo-apohan niya?

Yeah. He's pretty damn rich kahit na twenty-seven years old pa lang siya. Ang natatandaan ko na nabanggit noon sa akin ni Kuya Zane ay mga business tycoon ang parents ni Adam at noong namatay ang mga ito, lahat ng ari-arian nila ay napunta sa kaniya. Ang mas magilas pa, ang yaman na 'yon ay nadoble niya nang limang beses noong tumungtong na siya sa legal age, eighteen.

Why? Kasi sobrang talino niya rin. With an IQ of 160, masasabi nang genius talaga siya. At ang katalinuhan niya ay ini-invest niya sa makabagong teknolohiya. Sa pagkakatanda ko pa nga ay naka-inbento siya ng tatlong financial modeling software at isang security software bago siya maka-graduate sa high school. Kaya naman that time, seventeen pa lang siya ay kinilala na siyang multimillionaire at naging laman pa siya ng mga balita mapa-TV man or internet. At sa edad na twenty-seven, ngayon sa kasalukuyan ay kilala siya bilang pinakabatang bilyonaryo sa bansa.

Hindi lang 'yon. Sa pagkakaalam ko, he completed the five-year joint undergrad/MBA program in three years, and currently, at his age, siya ang CEO ng isa sa mga kilala at pinaka-successful na electronic company sa bansa. Isa siyang alamat, and he knew it.

Habang ako naman, isang twenty-one-year-old na HRM graduating student at may part-time job sa isang malaki at kilalang coffee shop bilang cashier. Wala, eh. Kailangan kong kumayod para may pang luho ako. Hindi naman kasi kami kasing yaman ni Adam.

Well, hindi naman kami kinukulang. Napag-aaral ako ng mga magulang namin at napapakain nang maayos at masarap. 'Yon nga lang ay hindi na kasama sa budget ang luho ko at iba pang gastos sa sarili ko tulad na lang ng outing namin ngayon. Masasabi kong hindi kami mahirap, pero hindi rin kami mayaman. Nasa gitnang kalagayan kami kumbaga dahil retired pilot engineer si daddy at si mommy naman ay lawyer pa rin hanggang ngayon at may sarili siyang office sa loob mismo ng compound ng bahay namin, katabi lang ng bahay.

Si Kuya naman ay kasing edad ni Adam and he's a pilot. Oh, 'di ba? Sabi ko sa inyo hindi kami mahirap, eh. Dahil may kuya akong piloto. Ang kaso, minsan talaga ay mas masarap siyang paliparin sa kalawakan sa pamamagitan ng flying kick ko.

Kuya Zane and Adam had been best friends simula noong high school pa sila. Nagkahiwalay lang sila ng landas dahil pilot school ang kinahinatnan ni Kuya Zane dahil gusto niyang sundan ang career ni daddy. Habang business school naman si Adam. At si David, Henry at Gerald, nito na lang niya nakilala sa pilot school na naging tropa niya rin. Yes. Pilot din ang tatlo pa nilang kaibigan at nagkasundo-sundo naman sila pati si Adam kaya sila ang naging magbabarkada. Pero si Henry ay married na. Last year lang.

At sa kanilang lahat, si Adam ang ulila na sa pamilya. Kaya nga every New Year ay kasama namin siya. Ayaw ni mommy at daddy na hindi siya pupunta sa bahay. Patatawagan niya ito kay Kuya Zane para lang bilinan na pumunta sa amin sa New Year at doon na siya hanggang New Years Eve. Tuwing Christmas naman ay hindi siya nakakapunta sa amin dahil umuuwi siya sa Canada. Base kasi kay Kuya Zane, may tita roon si Adam, nag-iisa niyang natitirang kamag-anak kaya naman doon siya nag-ce-celebrate ng Christmas.

Kung bibilangin ang taon ng pagkakaibigan nila ni Kuya ay halos hindi ko na mabilang. Simula high school pa kasi, so more than ten years na. Sa maraming taon din na 'yon ay nakakasama ko na siya sa bahay madalas kapag doon ang trip nilang tambayan, lalo na at doon nga siya sa amin nag-new-new year palagi, simula pa noong high school siya. Pero gayon pa man, kahit matagal ko na siyang kilala ay masasabi kong hindi ko pa rin siya lubos na kilala. Sila lang naman kasi ni Kuya Zane ang close. Not us.

Kapag nasa bahay siya ay hindi naman kami nag-uusap. Siguro ay may ilang maikling conversation naman kami sa bahay, pero parang every new year lang sa tuwing ipaaabot niya sa akin ang bowl ng macaroni salad. Favorite niya kasi ang macaroni salad ni mommy. 'Yon lang ang tanda kong pag-uusap namin at 'yong nangyari six years ago na sagutan namin na nagsimula dahil sa paghalik ko sa kaniya.

"P-Pupunta ka ba sa bahay? Or ipinasuyo lang ako ni Kuya Zane sa'yo?" I finally asked, trying to break the awkward atmosphere between us.

"Papunta dapat ako no'ng tumawag s'ya." Okay. Still cold.

"Saan ka papunta?"

"Sa inyo." His fingers curled around the steering wheel, and my crazy hormonal mind latched onto how beautiful they were. That might sound crazy because who has beautiful fingers? Lalo na at lalaki siya. But he did. I mean, not just his fingers. Physically, everything about him was beautiful. The dark-brown eyes that glared out from beneath dark brows like chips hewn from a glacier; the sharp jawline and elegant, sculpted cheekbones; the lean frame and thick, dark hair that somehow looked both tousled and perfectly coiffed. He resembled a statue in an Italian museum come to life.

Parang kay sarap ngang abutin ng buhok niya at guluhin para naman hindi siya always good-looking. 'Yon bang kahit minsan lang ay makita ko man lang siya sa unperfect shape niya. Pero wala akong lakas-loob na gawin 'yon dahil mahal ko pa ang buhay ko kaya stay put lang ako.

"Bakit? Ano'ng mayro'n na naman sa bahay?" tanong ko ulit kahit na hindi ko alam kung sasagutin niya pa ba ako. At gaya ng inaasahan ko, hindi na. Wala na akong narinig pa sa kaniya kaya tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay.

Noong nai-park na niya ang sasakyan niya sa tapat ng gate, I unbuckled my seatbelt and was halfway out the door when Adam grabbed my arm and pulled me back into my seat. Contrary to what I'd expected, his touch wasn't cold. It was scorching, and it burned through my skin and muscles until I felt its warmth in the pit of my stomach.

Napalunok ako. "Bakit? Narito na tayo sa bahay. Bababa na 'ko. Thank you."

"Lalabas ka nang gan'yan?" The tiniest hint of disapproval etched into the corners of his mouth.

Nang hindi ako kumibo, he inclined his head toward my legs and chest. Nagbaba ako ng tingin doon at bahagyang namilog ang mga mata ko dahil nakadikit na sa balat ko ang manipis na t-shirt na suot ko dahil basa ang katawan ko kanina. Bakat na bakat ang dibdib ko at litaw naman ang legs ko, obvious na wala akong short at naka-underwear lang. At ang dibdib ko, thanks sa malamig na aircon na kanina pa pala binuhay ang magkabila kong n*pples na halata na rin sa tela ng swim bra ko at t-shirt.

I crossed my arms over my chest at pakiramdam ko sa pagkakataong 'to ay kulay kamatis na ang mukha ko sa hiya. "B-Bakit ngayon mo lang sinabi? You could've told me sooner." Nilingon ko siya at napansin kong nasa legs ko ang mga mata niya na lalong nagpainit sa mukha ko. "H'wag ka ngang tumingin!" Medyo nainis na ako this time.

Pero wala pa rin siyang reaksyon. Instead, kinuwestyon niya pa ako. "Ano'ng ginagawa mo sa bus stop kanina? Bakit mag-isa ka ro'n? Tapos gan'yan pa suot mo?" Muli niya akong sinulyapan, this time ay sa dibdib ko siya tumingin, pero saglit lang. Iniwas niya rin agad ang tingin niya.

I sighed. "May bonding kami ng mga friends ko sa resort. Tapos . . ." Napaisip ako kung itutuloy ko ba. What if sabihan niya ulit ako ng, buti nga sa'yo? Nakakahiya pa kung malalaman niyang nag-cheat sa 'kin ang boyfriend ko sa kapwa nito lalaki. "Sumama ang pakiramdam ko kaya umalis agad ako sa hotel para magpasundo kay Kuya Zane. Pero wala raw kasi 'yong sasakyan niya kaya siguro ikaw ang pinakisuyuan."

Napabuntong-hininga siya at hinubad ang suot niyang itim na leather jacket at hinagis sa kandungan ko. "Suot mo 'yan. 'Di ka puwedeng lumabas na walang balot. Baka nariyan na sa loob sila Gerald at 'yong dalawa pa."

Pagkasabi niya no'n ay mas nauna siyang lumabas sa sasakyan, iniwan akong mag-isa sa loob. Mula sa bintana ng sasakyan ay tinanaw ko siya. Hindi naka-lock ang gate namin kaya nagawa niya 'yon itulak at nauna na siyang pumasok. Feel at home na talaga siya. Feeling niya ay dito na rin siya nakatira. Obvious 'yon sa kilos niya kapag narito siya sa bahay.

Napatitig ako sa jacket niyang iniwan sa akin. Wala sa sariling dinala ko 'yon sa ilong ko para amoyin.

Amoy Adam.

Amoy disgrasya.

Amoy kamatayan.

Amoy ng masarap magmahal.

Amoy baby.

Huh?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status