Share

Chapter 1

Six years later.

Present time.

✿♡ JAZZLENE ♡✿

TAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung dapat ko bang tawagan si Kuya Zane para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan.

It's just . . . nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kaming magbabarkada. Ako, si Camille, Violet at Leigh. No occasion. Nakaugalian lang namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin. So, nag-check in kami sa isang hotel and resort na hindi gaanong kilala. Mas gusto namin 'yong hindi masyadong dinadayo ng mga tao dahil hindi puwedeng ma-expose si Camille sa public since kilala siyang artista. Yes. May kaibigan akong artista.

Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece na kami at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. Actually, napapalibutan ng matataas na halaman ang gilid ng swimming pool, na siguro ay hanggang baywang ko kapag tumayo ako. Pero sa siwang ng mga halaman na 'yon ko nasilip si Dominic. My boyfriend. And here's the terrible part. He was flirting with someone na hindi ko aakalain na papatulan niya. Guess what and who?

LALAKI. Yeah!

The way they hold hands, alam mo na agad na hindi sila magtropa o magkakilala lang. There was something between them! Hindi 'yon maikakaila kung paano nila tingnan ang isa't-isa at kung paano sila magngitian.

I was hurt. So hurt. Parang nanghina ang buong katawan ko at hindi ko kinaya kaya umahon ako kanina sa swimming pool at nagpaalam sa tatlo. Nagpalusot ako na biglang sumama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang umuwi. At first, nag-alala sila sa 'kin. Gusto rin nilang umahon at samahan ako sa kuwarto namin pero pinigil ko sila at sinabi kong ako na lang. Hindi sila puwedeng sumama. Kung sasama sila, paano ako iiyak?

Dinampot ko ang cell phone ko sa sunlounge at nagawa kong umalis mag-isa nang hindi na sila nagpumilit pa. Pero on my way sa room namin, narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

[FLASHBACK]

"Jazzlene?"

When I looked back, I stopped dead because it was him. Ang walang hiyang si Dominic. Kasama niya ang lalaking katabi niya kanina na halos kaedad niya rin. Bumaba ang tingin ko mga kamay nilang magkahawak at nang mapansin niya 'yon ay agad silang nagbitaw ng kamay.

"Babe—"

"Don't babe me!" I yelled, cutting him off. Naiiyak na ako. Nanginginig ang katawan ko sa galit. "Kadiri ka, Dom! Yuck! All this time pala niloloko mo na lang ako? Nagpapanggap kang lalaki?!" My tears finally fell. So many tears running down my cheeks. Mas okay pa sana kung sa babae siya nag-cheat, pero mas masakit pala kapag sa lalaki. Bakit? Ano ba'ng kulang sa 'kin? May dede at p**e ako! Itong lalaking 'to, wala! So, why?!

"Babe, I . . . I . . ." he stammered. Humakbang siya palapit sa 'kin at noong aabutin na niya ang kamay ko, sinamantala ko ang pagkakataon na iiwas ang kamay ko. Instead, pinalipad ko 'yon sa mukha niya. I slapped him, really hard.

Kitang-kita ko ang bakas ng palad ko sa pisngi niya. At bago pa man siya makapagsalita, hinablot ko ang puting t-shirt na nakasablay sa balikat niya, 'tsaka ako mabilis na tumakbo palayo. Palabas sa hotel.

Habang palayo ako, iniladlad ko ang t-shirt na kinuha ko sa kaniya at 'yon ang idinoble ko sa suot kong two-peace. Nakapaa ako at hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi ako puwedeng pumunta sa room namin ng mga kaibigan ko dahil kapag nakita o inabutan nila akong umiiyak doon, siguradong magsisimula na ang World War Four.

Kaya ngayon ay na stuck ako rito sa bus stop.

[END OF FLASHBACK]

Now, I mentally scrolled through my limited options. First, walang bus na dumaraan sa lugar na 'to kapag weekend. Wala rin taxi. Second, kahit may maligaw na isa, I don't have my wallet. Naiwan 'yon sa room. Third, kung sasakay ako sa taxi na ganito ang itsura ko, baka mapahamak lang ako. Litaw na litaw ang legs ko at bakat ang katawan ko sa manipis na t-shirt, lalo pa at kaaahon ko sa pool kanina.

I only had one option left—one I really didn't want to take—but beggars couldn't be choosers, right? Dahil sa pagkakataong 'to, ito na lang ang choice ko. So, I pulled up the contact in my phone, said a silent prayer, and pressed the call button.

One ring.

Two rings.

Three rings.

Still no answer.

Kuya, sumagot ka!

I wasn't sure which would be worse. 'Yong mapahamak ako sa lugar na 'to or mapahamak ako sa kamay ng kuya ko kapag nalaman niya ang nangyari sa akin at ang katangahan ko na naman sa pagpili ng lalaki. Siguradong this time ay bubuntalin na niya ako sa mukha. But I'd deal with that later.

"Hey. What's wrong?"

I sighed in relief nang sa wakas ay sumagot siya after a decade or two. "What's wrong? What makes you think something is wrong?"

He snorted. "Because you called me. Hindi ka naman tumatawag, unless may katangahan ka na namang nagawa or nasa bingit ka ng kamatayan."

True. Hindi talaga ako sanay na tumatawag sa kaniya. We prepared texting or chat kapag kinakailangan lang or emergency. Minsan naman kapag tinatamad akong mag-type, dinadaan ko sa voice message. Hindi rin naman kasi namin kailangan mag-text sa isa't-isa nang madalas since we're living under the same roof with our parents.

"Kuya Zane . . ." I started, not knowing how to continue. Kilala niya si Dominic. Naipakilala ko na ito sa kaniya dati, six months ago noong nagsisimula pa lang itong manligaw sa 'kin. And actually, ayaw niya rito. Ang sabi niya sa akin noon, unang tingin niya pa lang daw, parang may mali na. Sigurado raw na gagawa ito ng kalokohan. But I didn't listen to him. Ang sabi ko pa nga sa kaniya ay masyado siyang judgemental. But now, I guess he was right. "Mamaya ko na lang ikukuwento. Sa ngayon, baka puwede mo 'kong sunduin? I'm stranded, and I need your help."

"Stranded? What? Saan? Ano na namang katangahan 'yang ginawa mo, Jazz?" He sounded pissed, and I rolled my eyes. Ganito talaga kaming magkapatid. Sanay na kaming nagsasabihan ng "tanga," or "tatanga-tanga ka na naman," or, "napakatanga mo," or, "gumawa ka na naman ng katangahan." Gano'n kami ka-close.

"Wala akong ginawa." Humina ang boses ko dahil sa lungkot. Gusto kong sabihin na si Dominic ang gumawa ng malaking katangahan, but I'm too hurt to speak about it right now.

"Nasaan ka ba kasi?" May narinig akong mga tawanan ng lalaki mula sa kabilang linya at nabosesan ko ang ilan. Mukhang kasama niya mga barkada niya ngayon. Wala ba siya sa bahay?

Napabuntong-hininga ako bago ko sabihin kung nasaan ako, followed by him, saying, "Hindi kita masusundo. David took my car, kasama n'ya si Gerald, sinundo nila si Henry. Pero 'wag kang aalis d'yan. Stay put and he'll be there in a minute. Pag-uwi mo, 'tsaka natin pag-uusapan 'yang katangahan mo."

"Ano'ng katangaha—hoy! Kuya!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil binabaan na niya ako. Malungkot at masakit na nga ang loob ko, dinagdagan niya pa ng sama ng loob. Sa ganitong pagkakataon niya pa talaga ako sasabihan ng tanga?

Sabagay, hindi ko siya masisisi. Alam niya ang nangyari sa akin noon, 'yong naging issue kay Vince at sa ex-best friend kong si Jenna. Grabe ang galit niya noon hindi lang sa 'kin kun'di mas lalo sa ex ko at sa mga kaibigan kong konsintidora. While kino-comfort ako noon ni mommy at daddy, siya naman ay pinagalitan ako. Binilinan niya pa ako na huwag nang makipag-communicate kay Sheena at Abigail, that's why wala na akong balita sa kanila since then. Ang alam ko lang, graduating na rin sila sa college tulad ko, pero magkaiba na kami ng school na pinapasukan. Even, sa lokong ex ko na si Vince ay wala na rin akong balita, maliban sa alam kong break na sila ni Jenna. Buti nga sa kanila.

At ang dahilan kung bakit nalaman ni Kuya noon ang tungkol doon ay dahil sinumbong ako sa kaniya ng magaling niyang kaibigan na 'sinlamig ng yelo. Si Adam. Kaya hindi ko rin masisisi si Kuya Zane kung bakit ganito siya kahigpit sa akin at ka-overprotective. Lagi niyang sinasabi na "twenty-one ka na, pero daig mo pa 'yong four years old na alagain!"

Pero isa sa dahilan kaya siya overprotective ay dahil ako lang ang nag-iisa niyang kapatid. Dalawa lang kasi kaming magkapatid. 'Yong pangatlo naming kapatid, na dapat ay bunso namin, baby pa lang ay nawala na. Premature kasing naipanganak ni mommy at hindi naka-survive. Siguro kung naka-survive lang siya, mas may chance na kaming dalawa ang maging close lalo na at babae rin siya. May ka-girls talk siguro ako lagi.

Magkaiba kasi kami ng ugali ni kuya kahit close kami, maraming bagay pa rin kaming hindi pinagkakasunduan. I was his opposite. Not un popular per se, but I shied away from the limelight and would rather have a small group of close friends rather than a large group of friendly acquaintances. Si Kuya Zane kasi, he wants attention. He was the life of the party. Kapag wala siya, walang buhay ang barkadahan nila. Siya rin ang male version ng marites sa kanilang magkakaibigan. Why? Dahil sa dami ng babae niya, marami siyang mga nasasagap na balita sa kanila, na siya niya namang ihahatid sa mga tropa niya.

Speaking of tropa . . . teka?

"Hindi kita masusundo. David took my car, kasama n'ya si Gerald, sinundo nila si Henry. Pero 'wag kang aalis d'yan. Stay put and he'll be there in a minute. Pag-uwi mo, 'tsaka natin pag-uusapan 'yang katangahan mo."

He? Sino'ng he and sinasabi niyang pupunta sa akin dito? Magkasama si David at Gerald para sunduin si Henry. Lima lang silang magkakaibigan. Ibig sabihin, si . . .

Agad akong napayuko nang masilaw ako sa malakas at maliwanag na ilaw ng sasakyang tumama sa direksyon ko. When my eyes adjusted to the light, I slumped with relief.

Good news? Because I recognized the dark red Lamborghini pulling up toward me. It belonged to one of Kuya Zane's friends, kaya alam kong may sasaklolo na sa akin pauwi sa bahay.

Bad news? The person driving was the last person I wanted or expected to pick me up.

Adam Meadows.

The cold and arrogant guy I kissed six years ago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status