Share

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSIT ME (R18+)
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSIT ME (R18+)
Author: Miss Ahyenxii

Prologue

Five years ago . . .

PROLOGUE

✿♡ JAZZLENE ♡✿

"Jazzlene! Jazzlene, wait!"

Kanina pa ako tumatakbo habang umaagos ang luha sa pisngi ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang hindi madapa gayong nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Dahil na rin siguro kabisado ko ang daan kaya nakikisama ang mga binti ko.

"Jazzlene!"

Hindi pa rin ako huminto. Patuloy ang mga paa ko sa pagtakbo. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makaharap. Masakit at parang hindi ko kayang matanggap. Kaya ba hindi ako invited sa birthday ni Jenna?

Jenna is my best frie—no. It should be past tense. Was. Dahil simula ngayon hindi ko na rin siya kayang harapin. She was my best friend. We're both fifteen. Limang taon na kaming magkaibigan pati na rin nila Sheena at Abigail. Hindi lang best friend ang turing ko sa kaniya, or sa kanila. Lalo na kay Jenna. Para ko na rin siyang ate kaya naman ngayong araw—sixteenth birthday niya ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang niya ako inimbitahan.

Actually, last week ay napag-usapan naming magkakaibigan—sina Abigail at Sheena—na hindi raw maghahanda itong si Jenna. Wala raw kasi ang parents niya, nasa Thailand pa dahil doon naka-base ang business nila. Ang sabi niya sa amin, 'tsaka na lang daw siya mag-ce-celebrate once na makauwi ang mga magulang niya. Ite-treat niya na lang daw kami ng lunch sa school kinabukasan dahil nataon na Sunday (ngayon) ang birthday niya.

Pero dahil sobra siyang malapit sa akin, kahit na hindi siya mag-ce-celebrate ay gusto ko siyang surpresahin at dalhan ng regalo kaya naisipan kong pumunta sa kanila kanina. Ako lang mag-isa dahil hindi nag-re-reply sa mga chats at tawag ko si Sheena at Abigail.

Pero pagdating ko sa bahay nila, nagulat ako dahil ang daming mga sasakyan na nakaparada sa harap. Tapos, sa maluwang na harap ng bahay nila ay may tent and then may catering at maraming tao nagkakainan sa bawat mesa.

Nalilito akong bumaba sa taxi na sinakyan ko habang bitbit ko ang shopping bag kung saan naroon ang mga swimsuit na binili ko sa kaniya bilang regalo. Mahilig kasi siya mag-swimming at swimsuit ang nabanggit niya sa amin noon na gusto niyang matanggap sa birthday niya. Sa isang kamay ko naman ay bitbit ko rin ang box ng cake.

Bukas ang gate nila kaya nakapasok ako agad. Hindi pansin ng ibang tao ang presensya ko hanggang sa makarating ako sa maluwang nilang terrace. Doon pa lamang ako napansin ng ate niya na kalalabas sa main door, bahagya pang namilog ang mga mata na tila ba nakakita ng multong bumangon sa hukay.

"J-Jazzlene?"

Nalilito akong ngumiti. "Hi, Ate Laira. Nasaan si Jenna?"

Hindi pa man niya nasasagot ang tanong ko nang may narinig akong pamilyar na pagtawa mula sa loob. Tawa ng isang babae at lalaki, at may pagtawa pa ng ilan na sa tingin ko ay mga magulang ni Jenna. At ang kasunod na pagtawa ay pamilyar na boses ni Sheena at Abigail.

Napilitan akong humakbang palapit sa main door dahil bukas naman 'yon. Ngunit agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang naroon sa loob—sa sala—magkakaharap at masayang nagtatawanan habang may mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan.

Tama nga ako.

'Yong unang babae at lalaki na narinig kong tumawa ay magkatabi ngayon sa upuan at dikit na dikit. Si Jenna—my best friend, and Vince—my boyfriend. Kasama nila ang parents ni Jenna at ka-bonding din nila ang dalawa ko pang kaibigan—si Sheena at Abigail.

Kitang-kita ko sila. Kahit nanlalabo ang paningin ko sa luha ay malinaw pa rin sa akin ang nakikita ko. Nakita kong inakbayan ni Vince si Jenna at nakita ko rin kung paano nila tingnan ang isa't-isa kapag nagtatama ang mga mata nila.

Nabitawan ko ang cake at shopping bag na hawak ko, na naging dahilan para maagaw ko ang atensayon nilang lahat. Mabilis napatayo si Vince sa upuan niya, pareho sila ni Jenna, Sheena at Abigail na namimilog ang mga mata.

"Jazzlene . . ." sabay-sabay at mahina nilang tawag sa 'kin. Pero hindi ako makapagsalita. Ang bigat ng pakiramdam ko. They betrayed me. My boyfriend betrayed me with my best friend and I got betrayed by my so called best friends.

Si Sheena at Abigail, alam nila. Alam nila ang nangyayari, yet they said nothing. Ni hindi man lang nila ako in-inform na may something sa dalawa. Instead, mukhang kinunsinti pa nila.

"Jazzlene!" Narinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Vince noong nagsimula na akong tumakbo palayo. Wala na ang taxi na sinakyan ko kanina kaya binilisan ko na lamang ang takbo, hoping na may madaanan akong kahit ano'ng sasakyan na sasaklolo sa akin. Kahit na puting van ay okay lang. Mas mabuti nga siguro 'yon na i-chop-chop na lang ako ng mga nangunguha ng bata para wala na silang problema. Para hindi na nila kailangan pang itago ang relasyon nila kapag nawala ako.

Pero walang puting van akong nadaanan. Instead, Matte Black na Aston Martin ang huminto sa tapat ko. Kusa rin akong napahinto dahil kilala ko ang magarang sasakyan na 'yon. Sa kaibigan ni Kuya. Kay Adam.

At hindi nga ako nagkamali dahil bigla siyang lumabas doon sa driver's seat. He was wearing his college uniform.

"Jazzlene?"

Walang ano mang emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya kung bakit ako tumatakbo. I don't know. Ang tanging alam ko lang ay malapit na sa akin si Vince and all I wanted to do was to hurt him ten thousand-fold.

"Kuya Adam . . ." Nanginginig ang boses ko dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa kaniya. Sa lahat ng kaibigan ni Kuya, siya ang kinatatakutan ko sa lahat dahil sa pagiging cold niya. Hindi mo makikitaan ng emosyon ang mukha niya kaya hindi mo alam kung galit ba siya, masaya, malungkot, etc. And that was the reason kung bakit para sa akin ay nakakatakot siya at hindi approachable. "I'm ready to die in your hands. But first . . ." I took a step forward, "—let me kiss you."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Hamak tangkad niya sa akin kaya naman kinailangan ko pang tumingkad at humawak sa magkabila niyang balikat para lang maabot ko siya.

"Jazzle—" Hindi naituloy ni Vince ang pagtawag sa akin. Napahinto na rin siya, pero ramdam kong ilang hakbang na lang ang layo niya sa amin. Hindi ako bumitaw kay Adam hangga't hindi ko nasisigurong nakaalis na ang hayop na Vince na 'yon na manloloko!

Mint.

Amoy mint ang bibig ni Adam.

Sweet.

Lasang candy rin—

"He's gone." Kasunod ang pagtulak niya sa akin palayo sa katawan niya, but not hurting me. Nang lingunin ko ang likuran ko, nakita kong wala na nga si Vince. Gaano ba katagal nagkadikit ang labi namin?

"Out of curiosity, why are you crying and why the hell did you kiss me?"

Binalik ko ang tingin ko kay Adam dahil sa tanong niya. Pero hindi ko siya makita nang maayos ngayon dahil muli na namang sumagana ang mga luha sa mata ko nang maalala ko ang naabutan ko kanina. Ang pagtataksil sa 'kin ni Vince at ng mga kaibigan ko.

"K-Kasi . . ."

"Kasi . . .? What?"

"K-Kasi . . ." I started to sob.

Umaalog na ang magkabila kong balikat sa pag-iyak when he muttered, "Tell me what or who to kill. Right. Now." His voice was always deep. So deep. Really deep.

Agad kong pinahid ang luha sa mata ko, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sunud-sunod na umiling. "H-Hindi na. Hayaan . . . 'wag na lang. Hayaan mo na. Gusto ko na lang umuwi. Puwede mo ba 'ko isabay?"

Sa tinagal-tagal nilang magkaibigan ni Kuya Zane, ngayon ko lang siya nahingian ng pabor. Kaya hindi ko alam kung papayag siya. Kung isasakay niya ba ako sa magara niyang sasakyan para ihati—

"I hope you're not waiting for me to open the door for you," he snapped. Ngayon ko lang na-realize na nasa loob na siya ng sasakyan niya, sa driver's seat. What a gentleman.

Humakbang na ako para tungunin ang passenger seat sa kabila niya and I ducked into the car. Amoy mamahalin. Naghalo ang amoy ng leather at spicy cologne niya na parang nagpakalma sa mga nerves ko, slight lang.

Ngunit makalipas lang ang ilang sandali, bigla kong naalala ang ginawa kong paghalik sa kaniya. Napapikit ako nang mariin, napayuko at nakagat ang pang-ibabang labi ko.

Sh*t. Bakit kasi s'ya pa ang sumulpot sa harap ko? Ang dami-daming kaibigan ni Kuya, bakit hindi na lang si Henry? Or si David? Or si Gerald? Sh*t! Bakit si Adam pa?!

Nag-angat ako ng tingin at lakas-loob siyang nilingon habang nilalaro ang mga daliri ko sa ibabaw ng kandungan ko.

"Adam, listen. Look. I'm . . ." I stammered. "Sorry. Hindi ko gusto 'yong ginawa ko kanina. Ano lang kasi . . . I have a situation and you—can we? Can we just forget that this happened? 'Wag mo sana 'ko isusumbong kay kuya. Sige na, please? Babangagin ako no'n!"

Sinulyapan niya rin ako and he studied me for a moment, his angular face serious and something else. Something that I couldn't decipher because now, I was too busy noticing all over how damn handsome he was.

"Are you aware that you assaulted me?" Nakatingin na siya ngayon sa daan at tinatahak na namin ang landas patungo sa bahay.

"Assault?" Napakurap ako. "Hindi naman 'yon assault."

"You did kiss me."

"But not really. Nagdikit lang ang labi natin, hindi naman gumalaw at—"

"Without first securing my consent."

"Pero nagsabi naman ako sa'yo. I informed you at hindi ka kumibo. Silence means yes, 'di ba?"

"Excuse me?" Tinaas niya ang isa niyang kilay nang muli niya akong sulyapan, and for a moment, para bang gusto ko siyang abutin at sakalin hanggang sa malagutan siya ng—huwag na lang. Kasalanan 'yon sa Maykapal.

"Akala ko kasi gusto mo rin kaya hindi ka kumibo." Napasimangot ako. "Kalimutan na lang natin 'yon. 'Wag mo na lang banggitin kay kuya, tutal parang hindi naman kiss 'yong nangyari. 'Yong alam kong kiss, pareho dapat gumagalaw 'yong labi. Eh, hindi naman gumalaw 'yong atin. Isipin mo na lang na kunwari nasubsob ako kaya nagkadikit ang bibig natin. Libre na lang kita ng milk tea bukas para quits na ta—"

"Explain," putol niya sa akin sa maawtoridad na tono. "Palalampasin ko lang 'yon kung ipaliliwanag mo sa 'kin kung bakit mo 'ko hinalikan."

I bit into my lower lip. I screwed myself over, dahil alam kong wala na akong choice kun'di ang sabihin sa kaniya ang totoo.

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang ginawang panloloko sa 'kin ng mga kaibigan ko at boyfriend ko. At kaya ko siya hinalikan ay para ipakitang hindi ako apektado or para pagselosin si Vince or saktan kung sakali man tatalab. Habang nagkukuwento ako, hindi ko namalayang naging emosyonal na naman ako, kaya humugot ako ng tissue sa tissue box niya.

"Buti nga sa'yo."

Sisinga na dapat ako sa kinuha kong tissue nang sabihin niya 'yon kaya napalingon ako sa kaniya, salubong ang kilay ko at may sama ng loob.

"Ano? Ano'ng buti nga sa'yo? Mas kampi ka pa sa kanila?"

Napailing siya. "You're only fifteen, Jazzlene. Pustahan tayo, hindi alam ni Zane na may boyfriend ka. Am I right? Kaya tama lang sa'yo 'yan. Mas mabuti 'yong masaktan ka para matauhan ka."

"Ang sama mo!" I sobbed. "Nasaktan na nga ako tapos gan'yan ka pa! Kaya ka siguro walang girlfriend dahil sa ugali mo, 'no? Siguro bitter ka lang dahil dinaig pa kita! Dahil ikaw, mukhang hindi ka pa nagkaroon ng girlfriend kahit kailan!" Hindi siya kumibo. Seyoso lang siyang nakatingin sa daan. "Tandaan mo 'to, Adam. Hindi ka magkakaroon ng girlfiend. Walang magmamahal sa'yo. Itaga mo 'yan sa bato—" Halos masubsob ako nang bigla niyang i-preno ang sasakyan. Thankfully, naka-seatbelt ako, kung hindi siguro ay baka manghihiram na ako ng mukha sa aso.

"Get out." Tinuro niya sa akin ang pinto sa side ko. "Now."

"Talagang bababa ako kahit hindi mo 'ko utusan! Ito na ang huli nating pag-uusap! 'Wag ka nang pupunta sa bahay namin kahit pa si kuya ang pakay mo!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status