Share

Chapter 1

" Cilla, pupunta ka ba sa party na 'yon?" tanong ng Pinsan ko habang nakaupo dito sa restuarant ko at kumukuha ako ng order niya.

I maybe the owner of the restaurant pero waitress rin ako dito kaya ako ang kumuha ng order niya. Wala ngang nakakaalam na ako ang may-ari nito. They only know that I'm just a waitress here in my own restaurant. Pero okay lang 'yon kasi ayoko ring magpakilala. 

" What's your order, Ma'am?" Ngiti ko.

" Beaf steak, meron kayo?"

" Para sa 'yo Ma'am, magkakaroon kami." Tawa ko.

" Pero ano nga Cilla, pupunta kaba? Kapag hindi, ayoko ring pumunta." Nguso niya.

" I'm not busy that day at gabi naman magaganap kaya go ako," I answered while smiling.

"Great. At saka kailangan mo na ring makahanap ng fafa 'no kaya pupunta tayo," determinadong saad niya.

" May iba pa ba kayong order, Ma'am?" tanong ko nalang, hindi pinansin ang sinabi niya.

Alam na alam niya na kahit kailan ay 'di pa ako nagka boyfriend, kahit nga fling o crush wala. Ganyan ka peaceful ang buhay ko since bata. Bookworm ako no'ng elementary, highschool, at college days ko kaya wala akong time sa ganiyan. May mga nanliligaw pero ang pinsan ko lang ang nag-eentertain kasi big no sila sa 'kin.

"Uh coffee rin," mapang-asar na sagot niya.

"Gaga, walang coffee rito. Kung gusto mo do'n ka sa starbucks o umuwi ka," maldita kunware na asta ko.

Tumawa lang siya at nag puppy eyes. I know that move.

" Sige na Cilla, yung ikaw ang nag timpla, please? Love mo naman ako kaya okay lang 'di ba? Sige na, please? Pretty please?"

Tinalikuran ko siya ng walang sinabi. Alam na alam niyang hindi gagana sa 'kin 'yon pero alam din niyang 'di ko siya matatanggihan kaya alam din niya ang ibig sabihin ng pag-alis ko ng walang salita ni isa. 

Colla and I are cousins, yes pero kung titingnan ang turingan namin we're like sisters or more like twins. My name is Cilla and hers is Cola. We also have the same last name and we have a lots of common. Sa mga pagkain man o damit kaya nga iisa kami ng condo'ng tintirhan eh kasi hindi na kami mawalay sa isa't-isa.

I owned a restaurant while she is a chef. Actually chef siya dito sa restuarant na pag-aari at pinagtatrabuhan ko pero day off niya ngayon. Pero imbis na gumala sa ibang lugar ay dito lang pumunta. Gaga talaga ang isang 'yon.

Pagkatapos kong ibigay ang kape niya ay ipinasunod ko ang beef steak niya. Hindi ako ang nagbigay syempre. Taga kuha lang ako ng order. 

I'm exhausted. 'Yan lang ang masasabi ko ngayong araw. Ang dami kasing costumer at may iba pang ayaw akong tigilan at pinapabalik-balik ako sa table para manghingi ng number. It's not new to me pero naiinis talaga ako. Pagkapasok ko sa condo ko ay ayon ang pinsan ko at nakabukaka'ng nanonood ng TV.

" Hey," bati niya.

Tinanguan ko lang siya at pagod na pumasok sa kwarto. Wala na talaga akong lakas pero pinilit kong maligo at magbihis ng malaking t-shirt at hindi na nag abalang mag shorts. Ganito ako matulog, naka panty at malaking t-shirt lang. Wala namang mambubuso sa'kin dito kasi pinsan ko naman ang kasama ko at babae pa. At hindi rin ako magwo-worry kung magdala man siya ng lalaki rito kasi alam kong 'di niya 'yon gagawin at hindi namin 'yon gawain.

Unlike me she's not NBSB but like me she's pihikan.Nakatulog akong nakadapa dahil sa pagod at hindi rin nakapaghapunan. Maaga akong gumising kinabukasan kasi may trabaho na naman. Naligo ako at nagbihis ng simpling maong na highwaist  shorts at t-shirt na white na hapit sa katawan. 

Tinutuyo ang buhok na lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan nandoon ang pinsan ko'ng nagluluto ng agahan.

"Morning," Ngiti ko.

" Good morning," she greeted back.

Umupo ako sa stool at patuloy na tinutuyo ang buhok ko.

" Bakit ka nakabihis? Isn't it sunday?"

Natigil ako sa pagtutuyo ng buhok ko. Holy! Oo nga pala! Tss. Wala nga pa lang trabaho ngayon! Ugh! Napaaga tuloy ang gising ko. Dapat tulog pa ako ngayon at binabawi ang pagod ko!

" Nakalimutan mo siguro dahil sa pagod. Yes, I know. But don't change your clothes na lang."

" Why?" takang tanong ko.

" We're going to the salon.The party's tomorrow, remember?" Irap niya kahit halatang excited na.

Umingos ako dahil sa ka excited-an niya.

" Pwede bang bukas na lang ng umaga? Gabi pa naman ang party eh. I'm just really tired, Insan."

Ngumuso rin siya at tinapos ang pagluluto niya.

" Okay."

" Okay. Balik langa ako sa kwarto," Paalam ko at tumayo.

" Hindi mo 'ko sasabayang mag breakfast?" Nakanguso pa ring tanong niya.

" I'm not hungry," kibit-balikat na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumango siya at mukhang nagtatampo but I know she understands kaya wala siyang sinasabi. Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama para matulog ulit.

Hapon na ng magising ako at paglabas ko ng kwarto ay walang tao sa condo. Siguro umuwi sa bahay nila ang Pinsan ko. Kumakalam ang sikmura ko kaya pumunta ako sa kusina. May nakita akong note na nakadikit sa ref.

~I go for shopping, alone. Don't worry bibilhan din kita. Mwuah!~

Siguro nag shopping 'yon para sa party bukas. Hindi naman 'yon mahilig magshopping. Nagshoshopping lang talaga kapag may occations na paparating katulad bukas. Though, hindi naman talaga namin gano'n ka close ang magpaparty bukas pero dahil kilalang pamilya ay inimbita na kami.

Kumain na lang ako mag-isa sa kusina pagkatapos ay naligo at nagtoothbrush. Wala akong ibang gagawin ngayon kaya natulog nalang ulit ako. Pambawi sa mga nagdaang araw na pagod na pagod ang katawan ko dahil minsan tumutulong din ako sa kusina.

Umaga na naman ulit ng magising ako at nasa tabi ko pa si Cola na mahimbing na natutulog. Bumangon ako at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagbihis ng highwaist maong shorts ulit at black croptop na hapit sa katawan.

Ako naman ang nagluto ng agahan namin. Paluto na ang niluluto ko ng pumasok ang pinsan ko sa kusina. Nakasuot ng maong highwaist jeans at white croptop.

"Morning," bati ko.

" Good morning."Ngiti rin niya.

Sabay kaming kumain at sabay na kinuha ang maliliit na sling bag at sabay ding isinuot ang tig isa naming bonet. White sa kaniya at black sa akin. Mahahaba at medyo wavy kasi ang mga buhok namin kaya bagay na lagyan ng bonet. Well, para sa amin lang 'yun ah. Hindi rin kasi kami mahilig mag tali ng buhok kasi umay na umay na kami sa kakatali kapag trabaho days.

Pagdating namin sa salon ay nagpa manicure at pedicure agad kami. Nakatulog ako habang ginagawa nila iyon kaya nagulat ako ng pag gising ko ay may kulay na ang mga kuko ko. They didn't ask me what color yet my nails are beautifully colored.

" Uh miss, sinong pumili ng kulay para sa kuko ko?" I asked the staff.

" 'Yung pinsan niyo Ma'am." Ngiti niya.

Sabi na e, may duda talaga ako na pinsan ko ang nagpakulay ng kuko ko at tama ako.

" Oh, okay thanks." Ngiti ko.

Infairness, I like the color. Hindi naman talaga ako nagpapakulay ng kuko. Kapag may okasyon lang din. Black ang color ng kuko tapos may maliliit na stars na naka-design. Alam na alam talaga ng pinsan ko ang taste ko. I love stars.

Dry na ang mga kulay sa kuko ko kaya pwede na ako magsapatos ulit. Wala na ang pinsan ko sa loob ng salon kaya lumabas nalang din ako. Tapos nang bayaran ng pinsan ko kaya okay na. Ang yaman talaga ng chef na 'yon. Mayaman pa sa 'kin na may-ari ng pinagtatrabahuan niya.

Napailing ako sa naisip bago naisipang lumabas ng salon.Pagkalabas ko ng salon ay tumunog agad ang phone ko sa sling bag ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng mayaman kong Pinsan.

" Bakit mo 'ko iniwan?" bungad ko.

" I didn't. Nag shopping lang ako ng kaunti. Pabalik na rin ako riyan." Tawa niya.

" Nagshopping ka na naman ulit. Ang yaman mo talaga." pang-uuyam ko.

" Yeah right." Halata ang ngiwi sa boses niya kaya natawa ako.

" Have to hang up na kasi nakikita na kita." Tawa rin niya.

Natawa ulit ako bago pinatay ang tawag. Pagdating niya sa harap ko ay may dala na siyang dalawang malalaking paper bags. Tiningnan ko ang kulay ng kuko niya at color black din ito but unlike mine walang design  'yong sa kaniya. Pure black. It's beautiful nonetheless. Bumagay sa mahahaba niyang puting daliri at matutulis na kuko.

Umuwi na kami ng condo at kumain pagkatapos ay nagpahinga. So much ready for the party later.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status