Share

Chapter 4

I'm so tired from work kaya pagdating sa condo ay nakatulog agad ako. Araw-araw kasi maraming tao sa restaurant kaya nakakapagod talaga.

Nagising ako ng maaga at nauna pa sa Pinsan ko. I am planning to sent again Alec a lunch later but now mag-aayos muna ako para sa trabaho. Naligo at nagbihis lang ako ng jeans at malaking t-shirt. Nagluto ako para sa 'min ni Cola at gaya ng dati ay sabay kaming pumasok.

" Ano? May improvement naba ang panliligaw mo?" pang-aasar niya.

" Wala pa. Mainit ang dugo sa 'kin eh but alam ko very soon magiging close din kami." Ngiti ko ko na parang nangangarap.

Umiling lang siya. Pagkatapos nang usapang 'yon ay naging busy na kami pareho sa trabaho at wala nang usap-usap pa. Pag patak ng eleven ay pumunta na ako sa kusina kung nasa'n si Cola.

" What are you doing here?" nakakunot ang noong tanong niya.

"I'll make lunch." Ngiti ko.

Hindi na niya itinanong kung para kanino kasi alam na niya 'yon. Pagkatapos kong ihanda ang lunch niya ay tinawag ko ang isa sa mga waiter ko.

" Yes, Ma'am?"

" Can you please deliver this to someone for me?"nakangiting pakiusap ko.

" Of course, Ma'am." Ngiti niya.

Binigay ko sa kaniya ang address. Umalis na siya kaya tinawagan ko naman ang number na tumawag sakin kahapon.

" Yes hello?"

" Miss Secretary," ngiti ko kahit 'di naman kami magkaharap.

" Ma'am the sweet lover." Tawa niya na mukhang nakilala agad ako.

Natawa rin tuloy ako. Hindi namin kilala ang isa't-isa but I know she knew my name dahil sa calling card na binigay ko.

" Anyway Miss Secretary, I have lunch for your boss again pero ipinadeliver ko na lang kasi busy ako eh. Pwede bang ikaw na lang kumuha sa lobby?"pakiusap ko.

" A-ah Ma'am kas----"

" Alam ko. Alam kong 'di niya kinain 'yon pero 'di ako susuko kaya sige na, please?" todo pakiusap ko sa kaniya.

" Alright Ma'am the sweet lover,"pagpayag niya na nagpangiti sa 'kin.

"Okay thank you. Need to hang up na, still have work. Bye. Thank you ulit,"

" You're welcome Ma'am,"

Nakangiting pinatay ko ang tawag at sabay kaming kumain ng lunch ni Cola.

" I don't really think that this is a good idea Cilla. Tigilan mo na kaya 'yang kabaliwan mo?"biglang saad niya habang kumakain kami.

" Ayaw mo ba akong magka lovelife?" Nguso ko.

" Gusto. Gustong-gusto pero I don't think lovelife ang makukuha mo sa ginagawa mong 'yan. Sakit. Sakit sa puso ang makukuha mo dahil ang mga bakla matigas ang puso niyan pagdating sa'ting mga babae."parang sure na sure na sagot niya.

" Grabi ka naman. Gays are nice," pagtatanggol ko.

" Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay matigas sila kapag nilalandi natin sila kasi lalaki din ang gusto nila pero kapag 'di mo sila nilandi they're nice naman."

" Hayaan mo na ako Insan. I know when to stop so don't worry." Buntong hininga ko.

" I just don't want you to get hurt Cilla."masuyong aniya na ikinangiti ko.

"I know but I'm already 27, siguro naman sa edad na 'to kapag nasaktan ako kaya ko nang harapin diba?"

" Wala sa edad 'yan Cilla, kapag nasaktan ka kahit anong edad mo talagang magluluksa ka kapag mahal mo. Kahit nga 'yong mga matatanda na at nakaranas na ng maraming sakit, umiiyak pa rin kapag nasaktan. Ikaw pa kaya na never pang naka experience masaktan?" Iling niya.

" Nakaranas na kaya akong masaktan. Lagi kaya akong nadadapa dati." nguso ko kahit alam ko naman talaga ang ibig niyang sabihin, ayoko lang isipin na masasaktan ako.

"Pain caused by your loved ones is the most painful. Walang sinabi ang mga gasgas mo sa tuhod no'ng bata ka sa sakit na mararamdaman mo kapag nasaktan ka ng taong mahal mo,"parang ekspertong sagot niya.

Pagkatapos naming kumain ni Cola ay bumalik na kaagad kami sa trabaho. I was bothered by what she said. Hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi niya pero pinilit ko paring iwinaksi iyon at mag focus na lang sa trabaho.

Busy ako sa pagtatrabaho ng tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko iyon at nanlumo ako sa natanggap kong text galing sa sekretarya niya.

~He threw it, Ma'am. I'm sorry.~

Nawalan ako ng ganang mag trabaho kaya tumambay na lang ako sa office ko at sumandal sa swivel chair. Talagang wala lang sa kanya ang effort ko sa pagluluto para lang mapadalhan siya but that won't make me stop. Alam kong ginagawa niya 'yan kasi gusto niyang tigilan ko na siya.

Nakatulog ako sa upuan ko at nagising ako ay gabi na. Nakita kong nakaupo din si Cola sa sofa na nagce-cellphone. Mukhang hinihintay na magising ako.

"Good that you're awake," biglang saad niya.

Naghikab ako bago sumagot.

" Why?"

" I want you to stop pursuing Alec Santos, Cilla," seryoso sabi niya.

" But why? I mean ang aga pa para tumigi----"

" Why the fuck are you so heardheaded, Cilla?Hindi ka niya gusto dahil bakla siya! I saw his secretary's text. He threw the food not even thinking how much effort you invested just to cook his freakin' lunch but what did he do? He just threw it! He threw it like he made it for himself. He threw it not thinking you would get hurt!" galit na aniya na nagpagulat sakin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ayokong mag-away kami pero ayoko ring tumigil nang ganoon na lang.

" Cola look, he hates me now but I know he'll like me soon," pagpapaintindi ko sa kaniya.

Ayoko pa talagang tumigil. Ayong sumuko dahil lang do'n.

" You were upset after you read his secretary's text thats why you chose to stay here and sleep. Nasaktan ka kahapon, nasaktan ka na naman ngayon. Hanggang kailan ka masasaktan dahil sa baklang 'yon Cilla?" galit pa ring aniya.

" I like him, Cola and please. I am asking you to understand and support me. Ayokong mag-away tayo pero ayoko rin namang tumigil nang ganoon nalang. I have all the time in the world to make him feel the same way I feel for him so susulitin ko na." determinadong sagot ko.

" You're crazy over him." Iling niya.

" Indeed, I am. I'll help here until this week ends but after that. I'll give him my all attention," anunsiyo ko.

" Ewan ko sa 'yo. Kailanman ay hindi ko nakita na magiging ganito ka kabaliw sa isang lalaki, lalo naman sa isang kalahating lalaki at kalahating babae." Buntong hininga niya at sumandal sa sandalan ng sofa.

Malakas akong natawa sa sinabi niya. I'm glad we didn't end up pulling each others hair, though I doubt that thought. We love each other. Sa 'ming dalawa siya ang laging nangangaral at naninigaw sakin kasi mas matured siya mag-isip at okay lang 'yon sakin. Tanggap ko na 'yon.

But what I said to her about giving my full attention to Alec starting this coming Monday is true. Let's see if he can resist my charm.

Let's see if you can resist me Mr. Alec Santos.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status