Share

Chapter 3

Hiyang-hiya sa ginawa akong umuwi ng gabing 'yon. Pumunta lang ako sa party para sana rumespeto sa pag imbita pero 'di ko naman inakalang makakahanap ako ng bakla na magugustuhan ko. Pero gaya nga ng sinabi ko I'll turn him into a real man and that plan is starting today.

Lunes na pero hindi ako pumasok sa trabaho which is very not me kasi buhay ko ang restuarant ko but this time, for the sake of my feelings for that gay and for my future lovelife, aabsent ako. Ngayon pa lang ay nahihiya na ako sa gagawin ko pero keber! Pupuntahan ko siya sa kompanya nila, whether he like it or not.

Nagluto ako ng lunch para dadalhin ko sa kanya sa trabaho. Nag search ako kagabi ng Santos pag-uwi at nakita ko kaagad ang mukha ng kapatid niya na si Guiseppe Santos na isang kilalang businessman at chef din. May kapatid din silang si Laarni Santos at syempre ang gusto kong bakla na si Alec Santos pala ang pangalan. Jusme!

Pagkatapos kong lutuin lahat ng dadalhin ko sa kanya ay nagbihis na ako ng shorts at croptop. I can't leave the house without my bonet kaya nag bonet ako. Kinuha ko ang bag ko at dala-dala ang lunch for him ay sumakay ako kotse.

Alam ko kung saan ang kompanya nila kasi nag search ako kagabi ng bonggang-bongga. Eleven palang kaya for sure makakarating ako doon ng saktong  lunch. Pinaandar ko na ang kotse ko papunta sa kompanya nila. Kung sana nandito si Cola ay hindi ako mamamatay sa kaba ngayon. Kaso pumasok sa restuarant ko kaya mag-isa kong gagawin itong kabaliwan ko.

Wala pang alam si Cola tungkol dito pero sasabihin ko rin naman sa kaniya. Hindi naman 'to gano'n ka confidential. Saktong twelve akong dumating sa kompanya nila kaya pumasok agad ako at sumakay sa elevator, dala-dala ang lunch niya.

Syempre nagtanong muna ako sa lobby kung nandito ba si Alec at positive. Nandito siya. Pag tunog ng elevator ay abot-abot ang kaba ko. First time 'to. Panliligaw na yata ang tawag dito.

" Hi, good noon. Is Mr. Santos still here?" tanong ko sa babeng mukhang sekretarya ata niya.

" Yes Ma'am but he's busy. Why Ma'am?"she asked, smiling.

" Can I see him?" I asked too, hopefull.

" Oh I'm very sorry Ma'am. Kabilin-bilinan po niya na hindi siya magpapaistorbo ng kahit na sino."

" Sayang naman. I have lunch pa naman for him," nguso ko, dismayado.

"If you want Ma'am, I'll give that to him. Wala pa rin po kasi siyang lunch."

Parang biglang umaliwalas ang mundo ko sa sinabi niya.

" Sige-sige. But can I borrow a pen and a paper?" masiglang tanong ko.

" Sure Ma'am."

Binigyan niya ako ng maliit na papel at ballpen. Ngingiti-ngiting nagsulat ako.

~Hi, I made this lunch for you. Don't stress yourself too much. I like you!~

_Cilla C.

Binigay ko 'yon sa kanya kasabay ng lunch. Binasa ng sekretarya niya ang letter ko at napangiti siya.

" You're so sweet Ma'am," komento niya.

Tinawanan ko lang siya at binigay ang calling card ko.

" Please inform me kung kinain ba niya o hindi. Please?"pakiusap ko.

" No worries Ma'am," kuha niya sa calling card ko.

" Thank you. He must give you a raise, you're such a good secretary. Anyways, have to go na. Call me okay?" I smiled.

Tumango siya at ngumiti. Ngumiti din ako at umalis na. Ang bait ng secretary niya, well atleast may kaibigan akong malapit sa kaniya.

Dahil wala naman na akong gagawin ay pumunta ako sa restaurant ko para tumulong. Nagulat pa ang pinsan ko sa pagdating ko.

" Akala ko 'di ka papasok?"takang tanong niya.

" Change of plans. Ang plano kong bigyan ng oras ko ay sobrang busy at ayaw daw magpa istorbo." Ngisi ko.

" What?" gulat na tanong niya kaya imbis na magtrabaho kami ay tumigil muna kami at kinuwento ko sa kanya lahat, as lahat-lahat.

" The fuck you're thinking, Cilla!" Sigaw niya.

" What? Hindi mo ba ako susuportahan?" Nguso ko kahit halata naman sa reaksiyon niya ang sagot.

" I'll support you in everything but turning a gay into a man is a very very different situation. Alam mo ba kung gaano sila nandidiri kapag nilalandi sila ng mga babae tapos ikaw, paiibigan mo pa? Are you even thinking right,Cilla?"

" Of course I am, ngayon lang ako nagkagusto kaya gagawin ko lahat para magustuhan rin niya ako," determinadong saad ko.

" Hindi lahat ng gusto natin, nakukuha natin  Cilla!" inis pa ring aniya.

" I know but there's nothing wrong in trying."

" He's gay for pete's sake Cilla. Humanap ka ng iba, 'yong totoong lalaki." Nakakunot ang noo na utos niya, oo, utos na 'yon.

" Cola, I need your support here you know," Nguso ko.

" Fine but once I saw you crying because of that bullshit, you'll stop. Do you understand me?" pakikipag areglo niya.

Hindi ako umimik. Para ko naman siyang Nanay eh.

" Cilla, you understand m------"

Natigil siya ng tumunog ang cellphone ko. Unknown number at 'di ko sana sasagutin ng maaalala ko ang secretary ni Alec. Mabilis ko iyong sinagot.

" Hi-----"

" Can't you fucking understand that I don't like you and I'm not interested with you?"

Natutop ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang galit na boses ni Alec sa kabilang linya. Nakatingin sa 'kin si Cola kaya ngumiti ako at lumayo sa kanya.

" Get your fucking food here or i'll fucking throw it!" galit na sigaw niya.

" I made that for you. Kainin mo nama-----"

" I can buy my own food. I don't need you and your food!"

Pinipigilan kong 'wag tumulo ang mga luha ko. Naalala ko kasi ang sinabi ni Cola at masyado pang maaaga para tumigil ako. No. Too early.

" You'll fucking get it or i'll fucking throw it? Choose!"galit na galit na sigaw niya.

" Pinaghirapan ko kasi 'yang lutuin para sa 'yo------"

" I didn't asked you to cook for me and bring it here!"

" I know but at least eat it."

Nauubusan ako ng hininga sa bawat salitang binibitawan ko. He's painful words are stabbing me from the front.

" Pick Cilla. You'll get it or i'll throw it!"

Napangiti ako ng mapait. Hindi niya talaga 'yon kakanin kahit anong pilit ko.

" J-just give it to your secretary back if you can't and won't eat it. Kahit atleast man lang siya makain ang pinaghirapan ko."matabang at nasasaktan kong sagot at pinatay ang tawag.

Men and their painful words when mad.

" Ano? Kaya pa?"biglang tanong ng Pinsan ko sa likuran.

Nilingon ko ang Pinsan ko at nginitian.

" Too early to surrender."

Bumuntong hininga siya at tumango.

" Unang araw pa lang ngayon pero mukhang malungkot kana dahil sa kaniya." Iling niya.

She caught off me guard but I still managed to smile.

" He'll fall for me soonest," I said smiling but not sure.

" And if he don't? It's hard to make a gay fall for a woman, Insan." Buntong hininga niya.

" It's hard to resist my charm Insan. You know that," tawa ko kunware.

" If it's a real man, then it would be very difficult to resist you but we are talking here is Alec. Your Alec na bakla." Pinagdiinan pa talaga niya ang bakla.

" C'mon Insan, don't be nega." Nguso ko.

"Iba ang pagiging nega sa pagsasabi ng totoo Cilla. Ngayon pa lang sinasabi ko sa 'yo na kapag 'di mo tinigilan 'yan, masasaktan at masasaktan ka."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status