"Ang tahimik mo naman yata ngayon?" untag sa akin ni Shane. Nasa flat ko lang naman ito kahit pagabi na. Hinayaan ko na lang din para at least ay may kasama ako. Baka tuluyan akong mabaliw dahil sa hindi ko na naman maintindihan ang aking sarili. Hindi pa rin kami nagdi-dinner kasi ang usapan ay sabay-sabay na raw dahil papunta dito mamaya ang mga Mhinn. Napag-usapan din kasi na dito na muna sila matutulog since may mga bakante namang flat at para mas ligtas sila. "Bawal ba?" asik ko ba sabay kagat ng kuko ko. Gawain ko kasi ang ganito lalo na kapag may iniisip o kaya may bagay-bagay na bumabagabag sa aking isipan na hindi ko naman malaman ang dahilan. Aware akong ang weirdo ko simula ang pumasok ako sa flat kong ito. "Ew, ang gandang babae pero nagngangatngat ng kuko. Kainin mo na lang kaya 'yang daliri mo. Gutom ka na yata, eh," pamumuna pa nito sa akin. "Bakit kasi ang tagal ng mga Mhinn? Gutom na rin ako." Hindi naman ako umimik. Nakatutok lang ako sa screen ng tv na nakabu
"Lumabas ka na. Magpapalit lang ako ng damit.""Hintayin kita sa sala.""Kahit mauna ka na, okay lang. Pupunta ako, huwag kang mag-alala. Lumabas na nga ito. Hinigit ko ang oversized t-shirt ko na kulay itim at short-shorts lang din ang ipinareha ko. Ngayon lang din uli naman ako susuot ng ganito kaiksi. Eh bakit ba? Kanya-kanyang trip lang 'to.Tiningnan ko muna ang hitsura ko sa salamin. Sinuklay ko ang aking buhok, hinayaan lang nakalugay at lumabas na ng kwarto."Bakit ganyan ang suot mo? Nagpalit ka pa ng damit kung ganyan lang din naman," pangingialam na naman ng haduf.Hindi ko rin pinansin ang kaniyang sinabi. "Tara na," yaya ko pa. "Ano ba, Beatrice? Bakit ganyan kaiksi ang suot mo?""Bakit ba? Bawal?""May mga bisita tayo.""So, ako na naman ang mag-aadjust, gano'n? FYI, ayoko talagang makisali sa dinner ninyo kasama sila dahil Prime Agents lang naman ang required na nandoon, 'di ba? Alam naman nating lahat na hindi ako PA. So, what's the big deal sa hindi ko pagdalo sa
(FLASHBACK) "W-What did you say Krizzy?" Nanginginig na ang buong sistema ko, hinihiling na sana nananaginip lang ako ngayon o kaya naman ay nagbibiro lang ang kaibigan kong ito."You heard it right, I l-love him, Trice at gusto kong mabawi siya sa 'yo. Ako naman talaga ang nauna sa kanya, eh." Napapikit ako at napakuyom. Hindi ako makapagsalita dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman. Mahal ng kaibigan ko ang taong mahal ko rin? Wow. Kailan pa?Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari ang ganito. Na maaaring mahalin din ng kaibigan ko ang taong mahal ko. She's like a sister to me pero bakit ganito? "Krizzy, don't do this to me, please? Best friend tayo, 'di ba? Alam mo namang mahal na mahal ko rin siya," puno ng pakiusap kong saad. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha sa sarili kong pisngi."I'm sorry ,Beatrice. Buo na ang desisyon ko. Kalimutan mo na lang na naging kaibigan mo ako." "Kalimutan? Are you kidding me? Ten years na tayong magkaibigan tapos ganito lang?
Napabuntonghininga ako nang mapagtantong malapit na palang gumabi na naman pero nasa kama pa rin ako at nakahilata pa rin. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa labas. Kung may tao pa ba dito sa camp o baka nasa mansiyon na ng mga Mhinn ang lahat. Napagod din kasi ako kanina sa book signing kaya naman nakatulog ako pagkauwing-pakauwi ko.Isa pang matunog na singhap ang aking pinakawalan bago bumangon. Dumiretso na ako sa shower room. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng kwarto at pumanhik sa kusina. Tao pa rin naman kasi ako, nagugutom kahit gaano pa ka-stress ang araw.Akmang bubuksan ko na ang refrigerator nang maramdaman kong may tao sa bandang likuran ko. Napalunok pa ako at inihanda ang aking sarili bago ito hinarap.Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong si Lovimer iyon at bihis na bihis na. Ang gwapo... No, erase that. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. "What are you doing here? Get out," pagtatabuyan ko sa kanya. Napakunot-noo ako dahil sa pagtat
"So, gusto mo pala ako?" pangungumpirma ko pa. Bigla na lang siyang tumalikod sa akin. Bastos talaga kausap ang lalaking ito."Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa party eh," aniya at nagpatiuna nang lumabas. Nailing na lang ako.Ang lakas bumanat pero torpe din naman pala.Sumunod na lang ako. Mukha namang ayaw niya nang ulitin pa ang sinabi niya eh. At least, alam ko na ngayon na gusto niya rin talaga ako. Pasado naman pala talaga ang kagandahan ko sa panlasa niya eh. Hindi ko matatanggap na talagang pangit ako sa kanyang paningin, 'no? Nagustuhan niya nga iyong mga hindi naman gano'n kagandahan eh ako pa kaya? Stick to one daw pero ang daming nagugustuhan? Hello, joke?"Isang sasakyan na lang ang gamitin natin." Napataas-kilay naman ako."Ayoko, I'll use my own car.""Wala kang mapagpaparkan doon...""Lokohin mo pa nanay mo, ang lapad ng parking lot ng mga Mhinn.""Sa akin ka na kasi sumabay.""Tapos mamaya kapag uwian na naman ay ipapasa mo na naman ako kung kani-kanino? Nakaka
"Trice, labas muna tayo," bulong ni Mer sa akin. Kakarating niya lang galing sa table ng mga Mhinn. Napasiring tuloy ako ng tingin sa kanya."Why?" pabulong ko ring tanong. Medyo may kaingayan na ang paligid dahil tapos na nga ang programa, nagkakasiyahan na lang ang lahat."Basta, dali na," nakikiusap niyang sabi. Napabuntonghininga naman ako at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko namang binawi at tumayo na din. "Arte nito, ayaw magpahawak ng kamay eh," reklamo niya pa. Lihim akong natawa. Reklamador talaga eh. Nakakahiya kaya... Wait? Kailan lang ako nahiyang makipagholding hands in public? Nanlalandi pa nga in public, eh. Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nakangiti naman niyang tinanggap at pinagsuklob ang mga daliri namin. Naramdaman ko pa ang titig ng mga haduf naming kasamahan sa amin pero binalewala ko na lang. Paniguradong aasarin at aasarin kami ng mga ito kapag nakauwi na kami sa camp. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko na maasar sa kanila. "Oh? Nandito
"Pupunta kayo ng Bicol? Anong gagawin niyo doon?" usisa ko kay Mer. Kani-kanina lang nga ay nakatikim ng batok ito sa akin dahil sa basta-basta na naman lang ito pumasok dito sa flat ko. Ginulat pa ako habang naglilinis sa kusina, nakakainis lang."May gig kami doon, three days.""Three days? Tagal naman, ha?" Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang ngumisi. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip nito?"Matagal na ba 'yon? Minsan nga weeks akong wala dito pero wala ka namang pakialam. Aminin mo, mamimiss mo ako, 'no?" may halong pang-aalaska pa iyon."Anong mamimiss? Napatanong lang ako kasi..." Nag-isip pa ako ng pwedeng kong idugtong pero tila na blangko na naman ang utak ko. Sanhi na ito ng tatlong araw na nakaharap ako sa screen ng laptop ko dahil minamadali kong tapusin ang on going book ko. Napi-pressure na nga ako, eh. Naiinis din ako sa kay Farrah. ng admin ng mga social medias ko dahil sinabi nitong next month ay maglalabas na ako uli ng bagong libro where i
Isang matunog na buntong-hininga ang ginawa ko dahil sa text ni Ynna na kababasa ko pa lang. Hindi pa ako nakontento at sunod-sunod pa akong napapalatak at napasapo sa noo."May problema ka, girl? Gusto mo bang pag-usapan natin sa bar?" biglang saad ni Gabriella na kakasulpot pa lang mula sa kung saan.Bar kaagad? Halata talagang lasengga ang isang ito. "May problema ako pero hindi naman na kailangan na pag-usapan pa sa bar," masungit kong saad. Siguro ay natural na lang sa amin ang magsungitan sa camp na ito kahit na hindi naman kami magkaaway talaga. Mas okay na rin ang ganito para at least alam namin ang tunay na nararamdaman ng isa't-isa. "Okay? Dito na lang kung gano'n. So? What's your problem?" Chismosa talaga din talaga ang Silang na ito kahit na kailan."Wala," tipid kong sagot. "Ay? Kakasabi mo lang na may problema ka tapos biglang wala agad? Payapa ka talaga eh 'no? Ano na nga? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi.""Wow, ah? Ano ba kita para pagsabihan ng pr