Share

CHAPTER 21- WOUNDED SOUL

"Ang tahimik mo naman yata ngayon?" untag sa akin ni Shane.

Nasa flat ko lang naman ito kahit pagabi na. Hinayaan ko na lang din para at least ay may kasama ako. Baka tuluyan akong mabaliw dahil sa hindi ko na naman maintindihan ang aking sarili.

Hindi pa rin kami nagdi-dinner kasi ang usapan ay sabay-sabay na raw dahil papunta dito mamaya ang mga Mhinn.

Napag-usapan din kasi na dito na muna sila matutulog since may mga bakante namang flat at para mas ligtas sila.

"Bawal ba?" asik ko ba sabay kagat ng kuko ko.

Gawain ko kasi ang ganito lalo na kapag may iniisip o kaya may bagay-bagay na bumabagabag sa aking isipan na hindi ko naman malaman ang dahilan. Aware akong ang weirdo ko simula ang pumasok ako sa flat kong ito.

"Ew, ang gandang babae pero nagngangatngat ng kuko. Kainin mo na lang kaya 'yang daliri mo. Gutom ka na yata, eh," pamumuna pa nito sa akin. "Bakit kasi ang tagal ng mga Mhinn? Gutom na rin ako."

Hindi naman ako umimik. Nakatutok lang ako sa screen ng tv na nakabu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status