(FLASHBACK) "W-What did you say Krizzy?" Nanginginig na ang buong sistema ko, hinihiling na sana nananaginip lang ako ngayon o kaya naman ay nagbibiro lang ang kaibigan kong ito."You heard it right, I l-love him, Trice at gusto kong mabawi siya sa 'yo. Ako naman talaga ang nauna sa kanya, eh." Napapikit ako at napakuyom. Hindi ako makapagsalita dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman. Mahal ng kaibigan ko ang taong mahal ko rin? Wow. Kailan pa?Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari ang ganito. Na maaaring mahalin din ng kaibigan ko ang taong mahal ko. She's like a sister to me pero bakit ganito? "Krizzy, don't do this to me, please? Best friend tayo, 'di ba? Alam mo namang mahal na mahal ko rin siya," puno ng pakiusap kong saad. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha sa sarili kong pisngi."I'm sorry ,Beatrice. Buo na ang desisyon ko. Kalimutan mo na lang na naging kaibigan mo ako." "Kalimutan? Are you kidding me? Ten years na tayong magkaibigan tapos ganito lang?
Napabuntonghininga ako nang mapagtantong malapit na palang gumabi na naman pero nasa kama pa rin ako at nakahilata pa rin. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa labas. Kung may tao pa ba dito sa camp o baka nasa mansiyon na ng mga Mhinn ang lahat. Napagod din kasi ako kanina sa book signing kaya naman nakatulog ako pagkauwing-pakauwi ko.Isa pang matunog na singhap ang aking pinakawalan bago bumangon. Dumiretso na ako sa shower room. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng kwarto at pumanhik sa kusina. Tao pa rin naman kasi ako, nagugutom kahit gaano pa ka-stress ang araw.Akmang bubuksan ko na ang refrigerator nang maramdaman kong may tao sa bandang likuran ko. Napalunok pa ako at inihanda ang aking sarili bago ito hinarap.Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong si Lovimer iyon at bihis na bihis na. Ang gwapo... No, erase that. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. "What are you doing here? Get out," pagtatabuyan ko sa kanya. Napakunot-noo ako dahil sa pagtat
"So, gusto mo pala ako?" pangungumpirma ko pa. Bigla na lang siyang tumalikod sa akin. Bastos talaga kausap ang lalaking ito."Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa party eh," aniya at nagpatiuna nang lumabas. Nailing na lang ako.Ang lakas bumanat pero torpe din naman pala.Sumunod na lang ako. Mukha namang ayaw niya nang ulitin pa ang sinabi niya eh. At least, alam ko na ngayon na gusto niya rin talaga ako. Pasado naman pala talaga ang kagandahan ko sa panlasa niya eh. Hindi ko matatanggap na talagang pangit ako sa kanyang paningin, 'no? Nagustuhan niya nga iyong mga hindi naman gano'n kagandahan eh ako pa kaya? Stick to one daw pero ang daming nagugustuhan? Hello, joke?"Isang sasakyan na lang ang gamitin natin." Napataas-kilay naman ako."Ayoko, I'll use my own car.""Wala kang mapagpaparkan doon...""Lokohin mo pa nanay mo, ang lapad ng parking lot ng mga Mhinn.""Sa akin ka na kasi sumabay.""Tapos mamaya kapag uwian na naman ay ipapasa mo na naman ako kung kani-kanino? Nakaka
"Trice, labas muna tayo," bulong ni Mer sa akin. Kakarating niya lang galing sa table ng mga Mhinn. Napasiring tuloy ako ng tingin sa kanya."Why?" pabulong ko ring tanong. Medyo may kaingayan na ang paligid dahil tapos na nga ang programa, nagkakasiyahan na lang ang lahat."Basta, dali na," nakikiusap niyang sabi. Napabuntonghininga naman ako at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko namang binawi at tumayo na din. "Arte nito, ayaw magpahawak ng kamay eh," reklamo niya pa. Lihim akong natawa. Reklamador talaga eh. Nakakahiya kaya... Wait? Kailan lang ako nahiyang makipagholding hands in public? Nanlalandi pa nga in public, eh. Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nakangiti naman niyang tinanggap at pinagsuklob ang mga daliri namin. Naramdaman ko pa ang titig ng mga haduf naming kasamahan sa amin pero binalewala ko na lang. Paniguradong aasarin at aasarin kami ng mga ito kapag nakauwi na kami sa camp. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko na maasar sa kanila. "Oh? Nandito
"Pupunta kayo ng Bicol? Anong gagawin niyo doon?" usisa ko kay Mer. Kani-kanina lang nga ay nakatikim ng batok ito sa akin dahil sa basta-basta na naman lang ito pumasok dito sa flat ko. Ginulat pa ako habang naglilinis sa kusina, nakakainis lang."May gig kami doon, three days.""Three days? Tagal naman, ha?" Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang ngumisi. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip nito?"Matagal na ba 'yon? Minsan nga weeks akong wala dito pero wala ka namang pakialam. Aminin mo, mamimiss mo ako, 'no?" may halong pang-aalaska pa iyon."Anong mamimiss? Napatanong lang ako kasi..." Nag-isip pa ako ng pwedeng kong idugtong pero tila na blangko na naman ang utak ko. Sanhi na ito ng tatlong araw na nakaharap ako sa screen ng laptop ko dahil minamadali kong tapusin ang on going book ko. Napi-pressure na nga ako, eh. Naiinis din ako sa kay Farrah. ng admin ng mga social medias ko dahil sinabi nitong next month ay maglalabas na ako uli ng bagong libro where i
Isang matunog na buntong-hininga ang ginawa ko dahil sa text ni Ynna na kababasa ko pa lang. Hindi pa ako nakontento at sunod-sunod pa akong napapalatak at napasapo sa noo."May problema ka, girl? Gusto mo bang pag-usapan natin sa bar?" biglang saad ni Gabriella na kakasulpot pa lang mula sa kung saan.Bar kaagad? Halata talagang lasengga ang isang ito. "May problema ako pero hindi naman na kailangan na pag-usapan pa sa bar," masungit kong saad. Siguro ay natural na lang sa amin ang magsungitan sa camp na ito kahit na hindi naman kami magkaaway talaga. Mas okay na rin ang ganito para at least alam namin ang tunay na nararamdaman ng isa't-isa. "Okay? Dito na lang kung gano'n. So? What's your problem?" Chismosa talaga din talaga ang Silang na ito kahit na kailan."Wala," tipid kong sagot. "Ay? Kakasabi mo lang na may problema ka tapos biglang wala agad? Payapa ka talaga eh 'no? Ano na nga? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi.""Wow, ah? Ano ba kita para pagsabihan ng pr
["Let's go, Ryler!""Wait, can I talk to Trice...""No!" ]Napakuyom ako dahil sa senaryong iyon kanina. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng energy sa katawan, eh. Napasinghap na lang ako at tuluyang bumaba ng sasakyan. Tahimik na pumasok ako sa camp. Shit! What's happening to me? Bakit ang weird ng nararamdaman ko? Bakit... Gusto ko makausap si Ryler?Napahinto ako sa paglalakad a ng muling naglaro sa aking isipan ang mukha nito. Pumayat siya at parang mas naging matured ang mukha. Ang lungkot ng mga mata at para bang nakikiusap ito sa akin. Another shit, Beatrice! Hindi mo dapat siya iniisip. Sinaktan ka niya. Sinira ka niya tapos ngayon mukhang concern ka pa? "Trice! Ang tagal mo naman, saan ka ba kasi pumunta?" may halong maktol na salubong sa akin ni Lovimer. Hindi ko siya tiningnan. Ayaw ko ng kausap at mangunguulit ngayon. Gusto ko mag-isa."Hello? Kinakausap kaya kita," saad niya na naman. Matunog na buntonghininga ang pinakawalan ko."Pwede ba? Huwag mo muna akong guluhin?"
"Congratulations, Beatrice. You're now a certified Prime Agent of Guieco Clan," saad ni Marciella. Napaupo naman ako dahil sa pagod na nararamdaman. Kakatapos ko lang ng huling pagsubok na ibinigay nila. Akala ko ay katapusan ko na talaga eh. Mabuti na lang talaga at nasa kondisyon din ang katawan ko kaya hindi agad bumigay sa mga gasgas na nakuha ko kani-kanina lang. "Thank you," iyon na lang ang naiusal ko. Tumayo na ako at naglakad na papuntang flat. Naligo lang ako pagkuwa'y lumabas na rin para tumambay sa benches. Gusto kong makalangghap ng sariwang hangin. Kakaupo ko pa nga lang ay nakita ko na si Shane at Gabriella na papalapit sa kinaroroonan ko. Sabado ngayon kaya wala silang mga pasoksa MHIS. Paniguradong mabibingi na naman ako sa kaingayan nilang dalawa. "Gwapo at mabait naman si Vlad pero hindi ko talaga type. Ewan ko ba? Magma-madre na lang talaga siguro ako," rinig kong saad ni Gabriella sabay upo sa kabilang bench. Tumabi naman sa kanya si Shane."Sus, lagi ka nama