Share

CONTINUATION

CONTINUATION

DACE KAIRON'S POV

"KAI, ano handa ka na ba sa unang araw mo sa school? Balita ko may transferee ah," sabi ni Jayeib sa kabilang linya.

"Oo naman Jayeib, by the way kamusta na pala si Wexan? Wala akong naging balita sa lalaking yun simula ng mag bakasyon." Tukoy ko sa isa pa naming kaibigan. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya na mahina kong ikinatawa.

"Aba wala din akong alam dun tol, alam mo namang napaka-tahimik ng taong yun eh." Sagot ni Jayeib na mas lalong naging dahilan ng walang humpay na tawa ko.

"Haha loko ka talaga. Bababa ko na to ah? Kailangan ko ng magmadali dahil baka malate pa tayo sa unang araw natin,"

"Para namang may pakialam ka kung ma-late o hindi. Sige Kai, kita-kita na lang tayo mamaya sa university." Huling narinig kong sabi niya bago ibinaba ang linya.

Agad akong kumilos. Ginawa ko ang aking mga karaniwang ginagawa. Naligo ako, pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng damit sapagkat hindi pa naman namin kailangang magsuot ng uniporme o kung ano pa dahil unang araw pa lang naman ng pasok ngayon, at kahit naman kailan hindi kami nagsusuot ng uniporme. Inayos ko ang mga gamit ko pagkatapos ng aking mga ginawa. Nang handa na ang lahat ay bumaba na ako sa sala. Nadatnan ko naman si Mom na naka apron pa.

"Oh anak, handa na ang pagkain. Kumain ka muna bago umalis." Alok nito na tinanguan ko naman. Lumapit ako dito at hinalikan siya sa pisngi. Nakita ko naman ang pagsilay ng munting ngiti sa labi nito dahil sa naging kilos ko.

"Good morning, Mom." Bati ko rito.

Nagsimula na akong kumain ng mga hinanda ni Mommy. Marami pa itong tinanong at ibinilin sa akin na agad ko namang tinanguan.

Pagkatapos kumain ay agad rin akong tumayo at nag paalam na kay Mommy na aalis na.

Kinuha ko ang kotse sa garahe at agad itong pinaharurot patungong university. Buti na lang at hindi pa ganoon kasikip ang daloy ng trapiko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ng may biglang tumawag sa telepono ko. Agad ko itong sinagot ng hindi inaalis ang paningin sa kalsada.

"Kai, nandito na kami ni Wexan sa parking lot ng university. Nasaan ka na?" Bungad na tanong ni Jayeib.

"Nag-da-drive ako tol, malapit na rin ako dyan." Sagot ko rito at binaba na ang tawag at hindi na ito hinayaan pang magsalita.

Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan, at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa university.

Agad akong naghanap ng bakanteng lugar kung saan maaari kong ma-igarahe ng maayos ang sasakyan. Nahagip ng mata ko si Jayeib at Wexan na kinakawayan ako at itinuturo ang bakanteng lugar katabi ng sasakyan nila.

Nang maayos ko ng maiparada ang sasakyan ay bumaba agad ako at lumapit sa kanila.

"Wexan, tol, anong balita sayo? Walang paramdam ah." Pabirong wika ko at nakipag apir sakanila.

"Busy lang tol." Sagot nito na ikinatawa ko.

"Busy? Tol, bakasyon yun paanong nangyari at naging busy ka?" Natatawang tanong ko. Narinig ko din si Jayeib na tumawa.

"Ba't ba ako ang pinag uusapan niyo eh kung maglakad na kaya tayo papasok noh?" Pag-i-iba nito sa usapan.

Naglalakad kami sa corridor habang nagkukwentuhan. Kita ko ang mga matang nakamasid sa bawat galaw namin.

Tinatanong ko si Jayeib tungkol Sa GA ng biglang----

May nabangga akong babae, Hindi man lang nakuhang mag sorry? Bweset sino ba yun?

Napakaganda ng mood ko sisirain lang ng pangit na babaeng yun tsk. Siya na nga yung may atraso siya pa ang may ganang magalit!

Akalain mong imbes na siya ang sumalampak sa sahig ay ako yung natumba!? Nang minsang dumapo ang tingin nito sa akin ay nakita ko ang pagkawalang emosyon ng kanyang mga mata.

Napaka misteryosa niya, at kung makapagsalita siya ay para kang lalamigin sa sobrang lamig ng kanyang boses.

Sino ang babaeng yun?

By the way ako nga pala si Dace Kairon Hashton, 18 years old.

Call me Kairon but never call me Dace if you want to stay alive.

Nasa akin na ang lahat

Mayaman, may itsura, tanyag sa campus, kung tawagin ay campus crush, leader ng isang gang group, kinatatakutan dahil wala pang kahit sino ang makatalo sa amin.

Pero bakit hindi man lang natakot ang babaeng yun?

Humanda ka, gagawin kong miserable ang pag-aaral mo sa paaralang ito.

Nang makabawi ako sa pagkakatumba ay dumeretso na kami sa classroom at nagpanggap na parang walang nangyari. Buti wala pa yung professor.

"Tol, anong plano mo dun sa babae kanina?" Tanong ni Jayeib

"Oo nga, tsk nakakakilabot ang tingin niya wala kang makikitang kahit anong emosyon, tsaka yung boses niya ang lamig!" Sang-ayon ni Wexan habang uma-aktong nilalamig at natatakot.

"Tsk, tumigil ka nga Wexan. Hintayin lang ng babaeng yun makikita niya kung sino ang kinalaban niya." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa 'rin mawala sa isip ko kung paano ako tignan at sago-sagutin nung babaeng yun.

"So ano ngang plano mo?" Ulit ni Jayeib

"Malalaman niyo rin tsk." Sagot ko sa kanilang dalawa.

Tumahimik na ang mga tao sa classroom dahil sa biglaang pagpasok ng adviser namin at may kasamang babae... 

Wait yung babae! Siya yung babaeng bumangga sa 'kin kanina! Tadhana nga naman.

Napangisi ako dahil parang sumasangayon ang pagkakataon.

"Good morning class, we have a new student. She's the transferee," ani ni ma'am Cathleen.

"You may introduce yourself, miss." Dagdag pa niya. Pumunta naman sa unahan yung babae para mag salita.

"Gaelie Anne Davonica LV. Villamero, 17." Maikli at malamig na pag-papakilala nito.

"That's all miss?"Tanong ni Ma'am Cathleen. She just nods and stares blankly at Ma'am Cathleen.

"A-ahh okay you may sit down." Utal-utal na saad nito kay Gael ba yun? Mukhang naintimida din siya sa malalamig na tingin nito.

Pumunta na yung babae sa bakanteng upuan, at kung sinuswerte ka nga naman sa katabi ko pa. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ko ng walang ibang tinitingnan kundi ang dinadaanan niya.

Nang nasa harap na siya ng upuan na katabi ng upuan ko ay umupo na siya, ibinaba niya sa kanyang upuan ang kanyang bag at tumingin sa labas na walang kahit anong salita ang binitawan.

Bahagya ko siyang natitigan at pinagmasdan ito kahit pa kalahating mukha lang ang aking nakikita dahil bahagya itong nakatagilid sa direksyon ko.

She's so mysterious, I know she hid the deepest secret that only she knew. I want to know her more, I want to know why she wants to study here without knowing that all of the students here are gangsters.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status