Share

Chapter 1

CHAPTER ONE

GAEL'S POV

MAAGA akong nagising dahil ito ang aking unang araw na pag pasok sa isang prestihiyosong paaralan. Hindi ko alam kung bakit kailangang mag-aral sa paaralang yun, gayong pwede namang sa bahay na lang?

Isa akong pinaka-iniingatang tao sa aming organisasyon, dahil sa isa akong anak ng mafia boss, na kailangan ng kunin ang trono at maging Mafia Queen.

Ako nga pala si Gaelie Anne Davonica La Villa Villamero, labing pitong taong gulang. I was homeschooled since I was young and today I'm going to transfer to a university.

Isang misteryosong babae, dahil itatago ko ang aking tunay na pagkakakilanlan sa maikling panahon.

Magbibihis ako bilang isang nerd na ang nais lamang ay mag-aral. Nais kong mamuhay ng normal, hindi kinatatakutan, ngunit mananatili ang ugaling hindi mawawala.

Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako at pumunta sa dining upang kumain ng almusal, naabutan ko si Daddy na kumakain na kaya't sumabay na ako. Naglakad ako suot ang walang emosyon kong mukha at umupo sa upuang katabi nito.

"Good morning Princess! What's with your look?" Anas nito nang makita ang ayos ko. Kita sa mga mata nito ang labis na pagtataka dahil ang kaisa-isa niyang prinsesa ay parang isang babaeng napakapangit ng itsura. I'm not saying that all nerds are ugly, actually, some of them are cute, but in my situation, I have to make my appearance disgusting.

"Morning Dad, I just want to start this school year more exciting." Malamig kong sabi. Nagsimula akong kumain na hindi na nagsalita pa sapagkat wala din naman akong kailangang sabihin. Nanatili din namang tahimik ang aking ama sapagkat alam niyang ayokong may nagsasalita sa harap ng hapag-kainan.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa garahe para kunin ang sasakyan na gagamitin ko para sa pag punta sa paaralan. Nadatnan ko pa ang isa sa mga driver namin na hinahanda ang sasakyang gagamitin ko. Pinagmasdan ko lamang ang kanyang ginagawa na pagaanalisa sa sasakyan.

Nang makita ako nito ay bahagya itong yumuko at binigay sa akin ang susi.

"Magandang umaga, Young Lady, mag-iingat po kayo sa pagmamaneho patungo sa inyong paaralan." Magalang na saad nito at yumuko bilang pagbigay galang. Tumango na lang ako dito at hindi na nagiwan ng salita.

Agad akong sumakay sa sasakyan at nag simulang mag maneho patungo sa unibersidad. Dahil na rin sa maaga akong naghanda ay hindi ako inabot ng matinding trapiko sa kalsada kaya matiwasay akong nakarating sa unibersidad.

Pagkarating ko sa parking lot ng school ay ginarahe ko ng maayos ang aking sasakyan at bumaba na. Sinulyapan kong muli ang aking sasakyan bago nakayukong naglakad.

Naglakad ako sa gitna ng quadrangle upang pumunta sa room. Ramdam ko ang mga matang nagmamasid sa aking galaw, ngunit gaya ng lagi kong ginagawa, nanatili akong walang imik at hindi sila pinagtuonan ng pansin.

"Is that the new student they're talking of?"

"So disgusting."

"Paano nakapasok yan dito? Tsk. Such a low class student."

"She doesn't deserve to be here! She looks like trash!"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko habang naglalakad.

'Look at yourself first my dear schoolmate' nakangising saad ko sa 'king utak.

Ayokong masira ang unang araw ko sa paaralang ito dahil lang sa mga taong may makikitid na pag-iisip.

Nagmadali na lamang ako dahil nakaka-umay ang mga naririnig ko. Galing sa mga walang kwenta nilang mga bibig.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nabangga akong isang lalaki nais ko sana itong singhalan ngunit ng makita kong siya ang sumalampak sa sahig ay pinagtimpi ko ang aking sarili. Imbes na ako yung matumba dahil babae ako, siya yung sumalampak sa sahig.

'Weak' saad ko sa aking sarili at pinasadahan siya ng tingin.

May kasama siyang dalawa pang lalaki na siyang tumulong sa kanyang makatayo.

"Hindi ka man lang ba mag so-sorry miss?" Usal ng nakabangga ko. Bahagyang umangat ang aking labi para kumurba ng isang ngisi bago siya tiningnan sa mata.

Bakas sa mukha nito ang inis at ang sakit dahil sa pagkakasalampak sa sahig.

Tiningnan ko siya gamit ang mukhang walang kahit anong reaksiyon. Bakas sa mukha nito ang pagka-asar at may bahid din itong pagkahiya na mas lalo kong ikinangisi.

"Why would I? Pareho lang tayong may kasalanan, kung hindi ako nakatingin sa daan kaya nabangga kita, ganun ka 'rin dahil kung nakatingin ka iiwasan mo ako." Sunod-sunod na litanya ko, hindi sila nakapagsalita. Bahagyang umawang ang kanilang mga bibig. Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha dahil sa hindi nila inaasahang sagot ko.

Tss, they made me talk too much.

Nakatingin lang sa akin ang dalawang kasama niya, kita ko kung paano sila namangha nang sagot-sagutin ko lang ang lalaking kasama nila. I stare at them coldly again and without uttering a word I turn my ass off them. I left them hanging.

Hindi ko kailangang sayangin ang oras ko sa walang kabuluhang bagay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zyra Sambeli
wow Ang Ganda Ng story mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status