“Excuse me, Ma’am, meron pong dumating na liham mula sa pamilyang Smith.” Natigil sa kanyang ginagawa si Gracia at mabilis pa sa alas kwatro na nag-angat ito ng mukha nang marinig niya ang pangalang Smith. Labis na pagtataka ang rumehistro sa mukha ni Gracia dahil ito ang unang pagkakataon na nakipag-ugnayan sa kanya ang pamilyang Smith. May pagmamadali na tinanggap niya ang liham saka mabilis na binuksan ito at binasa ang nakasulat sa papel. Nanlaki ang mga mata ni Gracia dahil sa labis na pagkabilgla, kasunod nun ay ang pagkitaw ng isang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwala na binago ang venue ng okasyon para sa ika dalawampu't tatlong kaarawan ng anak nitong si Hareth Smith. At ngayon ang mas gumimbal sa kanya ay sa mismong hotel niya gaganapin ang mahalagang okasyon. “Oh my ghosh! I can’t believe this! Madali ka, abisuhan mo ang lahat para sa isang agarang meeting. Kailangang maghanda ng Bazir hotel para sa pinakamalaking event na ito. May tatlong araw
“Anong ibig mong sabihin?” Matigas na tanong ni Esmeralda na nanatiling nakatayo sa harap ng kanyang anak. “Malakas ang hinala namin na siya ang nasa likod ng lahat kaya umatras ang mga sponsor ko, Mommy, maging ang pagkakaudlot ng mga project ko sa Paris.” Nanggagalaiti na sagot ni Patricia, nagngangalit ang mga bagâng nito habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. Natigilan ang lahat maliban kay Alexander na tila walang pakialam sa kanyang mga naririnig at patuloy lang ito sa pagsubo.“Paano kayo natalo ng isang taga bundok?” Hindi makapaniwala na tanong ni Esmeralda na kulang na lang ay batukan nito ang dalawa sa kanyang harapan. Tumiǐm ang mga bagâbg ni Alexander dahil sa kanyang narinig. Bigla namang humalakhak si Gracia kaya nabaling sa kanya ang matalim na tingin ni Esmeralda, dahil para sa kanila ay isa itong klase ng insulto. “Ops, sorry, hindi ko lang kasi mapigilan ang tumawa dahil naiimagined ko pa lang ang itsura ni Zanella na siyang tumalo sa inyong dalawa ay t
Mula sa Bazir hotel na matatagpuan sa Palawan ay hindi magkandatuto ang lahat ng mga empleyado. Dahil sa pagdagsa ng mga taong nagmula sa high class society. Pilǐ lamang ang mga imbitado sa okasyong ito at pawang mga kasosyo sa negosyo at ilang kamag-anak lang ang dumalo. Tila nagpaligsahan ang lahat sa karangyaan, mula sa suot nilang mga gown na halatang hindi biro ang halaga, at mga palamuting alahas na nakakasilaw sa mata. Hindi nagpatalo ang mga Aragon pagdating sa sosyalan, dahil alam nila na hindi biro ang kanilang kliyente kaya inilabas na nila ang kanilang mga alahas na halos milyon ang halaga. Upang maging kaaya-aya sa paningin ng lahat. Nangingibabaw ang malamyos at klasikong musika sa loob ng hotel habang ang ilang mga bisita ay masayang nagkukwentuhan. Ang ilan pa sa kanila ay puro tungkol sa negosyo ang takbo ng kanilang mga usapan. Samantala, halos hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ng magkapatid na Esmeralda at Gracia habang isa-isang binabati ang bawat bisita n
“Zanella, where are you? Bakit tinakasan mo ang mga nagbabantay sayo!?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Mommy mula sa kabilang linya. Sinadya ko talagang takasan ang aking mga bodyguard at mag-isa na pumunta sa party. Hindi ko kasi magagawa ang mga plano ko kung may nakabantay sa bawat kilos ko. I’m sure, na wala namang mangyayaring masama sa akin dahil nasa paligid lang si Mr. James. At hindi lingid sa kaalaman ng lahat ay suportado ni tito Clinton ang lahat ng mga hakbang ko. Tulad nang ipinangako nito sa akin noon ay nasa likuran ko lang siya, nakaalalay. Gamit ang talino nito ay walang nakakaalam ni isa man sa mga Aragon na si Tito Clinton ang humaharang sa mga dokumento ng magkapatid na Aragon upang hindi magalaw ng mga ito ang lahat ng ari-arian na nasa ilalim ng pangalan ko. “Mom, don’t worry, I’m on the way now, just a few minutes ay nandyan na ako.” Malambing kong sagot upang mapanatag ang loob nito. “Next time, huwag mo ng uulitin ito, Zanella, papatayin mo ako sa nerbiyo
Maingat na pumihit paharap sa kanyang likuran si Gracia at halos matuyuan siya ng dugo ng sumalubong sa kanyang paningin ang madilim na mukha ng mag-asawang Smith. Nahagip ng kanyang tingin ang mukha ng kapatid niyang si Esmeralda at tulad niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang reaksyon nito habang nakatitig sa matangkad na dalaga na nakatayo sa gitna. “Walang duda, siya nga si Zanella at patunay ang mga Agila sa balikat nito dahil alam nilang lahat na ito lang ang may kakayahang makipagkaibigan sa mga Agila. Namangha ang lahat ng masilayan nila ang awra ni Zanella, para itong isang diyosa na nakatayo sa kanilang harapan habang nakahapon ang dalawang Agila sa magkabilang balikat nito. Natulala si Alexander at matinding pananabik ang makikita sa kanyang mukha habang nakatitig sa maamong mukha ng kanyang asawa. Katulad ng kanyang inaasahan ay higit pa itong gumanda, tumangkad din ito at ang lahat ng parte ng kanyang katawan ay tila inukit ng isang magaling na manlililok dah
“A-Ate, ano ang gagawin natin ngayon?” Nakatulala sa kawalan na tanong ni Gracia. Ang mukha nito ay kababakasan mo ng matinding pagkatalo. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanyang opisina sa Bazir hotel. “Bakit ako ang tatanungin mo? Di hamak na mas malaki ang problemang kinakaharap ko kesa sa’yo!” Matigas na sagot naman ni Esmeralda. Nang mga oras na ito ay tuliro ang kanyang utak at halos walang pumapasok na magandang ideya sa kanyang isipan dahil sa natuklasan nila tungkol sa pagkatao ni Zanella. “H-Hindi…” tila wala sa sarili na nasambit ni Esmeralda ng maalala ang kumpanya na kasalukuyang pinapagawa niya. Maya-maya ay nagulat ang lahat ng bigla itong umatungal ng iyak, ramdam mula sa kanyang pagtangis ang matinding pagkabigo. “Nag-aalala na lumapit si Patricia at kaagad na hinagod ang likod ng kanyang ina. “Mom?” “Ngayon ko nauunawaan kung bakit ganun kabilis na nagrelease ng pera ang mga Smith, at batid ko na si Zanella ang nasa likod ng lahat nang ito! Ang babaeng iyon!” N
Humimpil ang isang mamahaling sasakyan sa tapat ng Aragon Real Estate Company, habang napapagitnaanan ito ng dalawa pang sasakyan. Nahinto ang lahat ng tao sa paligid at nagtataka na hinintay kung sino ang sakay ng isang magarang sasakyan. Binuksan ng isang lalaki na nakasuot ng suit ang pintuan ng puting kotse, ilang sandali pa ay tumapak sa sementadong kalsada ang isang pares ng mamahalin na itim na sapatos na may tatlong pulgada ang taas. Isang magandang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Zanella ng muli niyang nasilayan ang kumpanya ng mga Aragon. Taas-noo na naglakad siya patungo sa entrance ng kumpanya, ngunit, pagdating sa harap ng mga security ng kumpanya ay kusang huminto ang kanyang mga paa sa tapat ng isang security guard. Naalala niya ang mukha nito at marahil ay nakilala din siya ng security guard kaya nanlaki ang mga mata ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa babae na nasa kanyang harapan. Ngunit ilang sandali pa ay isang magandang ngiti ang lumitaw sa mga labi nito b
“I’m sorry, Sweetheart.” Ito ang mga katagang narinig ko mula sa bibig ng aking asawa, ngunit ang paghingi ng tawad nito ay walang naging epekto sa akin. Nanatiling seryoso ang aking mukha habang nakatitig sa likurang bahagi nito. Umangat ang aking mga kamay at kinalas ang pagkakabuhol ng kurbata nito, sunod ay isa-isa kong tinanggal ang butones ng kanyang polo sa tapat ng dibdib nito. “Naalala ko pa noong mga panahon na tina-tanggal ko ang mga butones na ito pagkagaling mo ng trabaho.” Ani ko habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko na parang akala mo ay inaalala ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay ko. Sa isang iglap ay isa-isang lumitaw sa aking diwa ang mga alaala sa piling ng lalaking ito. “Because you're nothing, but a gold digger”- “Oh come on, Patricia don’t say that, alam mo namang illiterate si Zanella kaya iwasan mo ang mag-English. Hindi abot ng kanyang isipan ang mga sinasabi mo.”“Kapag ba pinirmahan ko ang papel na ‘yun ay hindi ka na ba magag