Maingat na pumihit paharap sa kanyang likuran si Gracia at halos matuyuan siya ng dugo ng sumalubong sa kanyang paningin ang madilim na mukha ng mag-asawang Smith. Nahagip ng kanyang tingin ang mukha ng kapatid niyang si Esmeralda at tulad niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang reaksyon nito habang nakatitig sa matangkad na dalaga na nakatayo sa gitna. “Walang duda, siya nga si Zanella at patunay ang mga Agila sa balikat nito dahil alam nilang lahat na ito lang ang may kakayahang makipagkaibigan sa mga Agila. Namangha ang lahat ng masilayan nila ang awra ni Zanella, para itong isang diyosa na nakatayo sa kanilang harapan habang nakahapon ang dalawang Agila sa magkabilang balikat nito. Natulala si Alexander at matinding pananabik ang makikita sa kanyang mukha habang nakatitig sa maamong mukha ng kanyang asawa. Katulad ng kanyang inaasahan ay higit pa itong gumanda, tumangkad din ito at ang lahat ng parte ng kanyang katawan ay tila inukit ng isang magaling na manlililok dah
“A-Ate, ano ang gagawin natin ngayon?” Nakatulala sa kawalan na tanong ni Gracia. Ang mukha nito ay kababakasan mo ng matinding pagkatalo. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanyang opisina sa Bazir hotel. “Bakit ako ang tatanungin mo? Di hamak na mas malaki ang problemang kinakaharap ko kesa sa’yo!” Matigas na sagot naman ni Esmeralda. Nang mga oras na ito ay tuliro ang kanyang utak at halos walang pumapasok na magandang ideya sa kanyang isipan dahil sa natuklasan nila tungkol sa pagkatao ni Zanella. “H-Hindi…” tila wala sa sarili na nasambit ni Esmeralda ng maalala ang kumpanya na kasalukuyang pinapagawa niya. Maya-maya ay nagulat ang lahat ng bigla itong umatungal ng iyak, ramdam mula sa kanyang pagtangis ang matinding pagkabigo. “Nag-aalala na lumapit si Patricia at kaagad na hinagod ang likod ng kanyang ina. “Mom?” “Ngayon ko nauunawaan kung bakit ganun kabilis na nagrelease ng pera ang mga Smith, at batid ko na si Zanella ang nasa likod ng lahat nang ito! Ang babaeng iyon!” N
Humimpil ang isang mamahaling sasakyan sa tapat ng Aragon Real Estate Company, habang napapagitnaanan ito ng dalawa pang sasakyan. Nahinto ang lahat ng tao sa paligid at nagtataka na hinintay kung sino ang sakay ng isang magarang sasakyan. Binuksan ng isang lalaki na nakasuot ng suit ang pintuan ng puting kotse, ilang sandali pa ay tumapak sa sementadong kalsada ang isang pares ng mamahalin na itim na sapatos na may tatlong pulgada ang taas. Isang magandang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Zanella ng muli niyang nasilayan ang kumpanya ng mga Aragon. Taas-noo na naglakad siya patungo sa entrance ng kumpanya, ngunit, pagdating sa harap ng mga security ng kumpanya ay kusang huminto ang kanyang mga paa sa tapat ng isang security guard. Naalala niya ang mukha nito at marahil ay nakilala din siya ng security guard kaya nanlaki ang mga mata ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa babae na nasa kanyang harapan. Ngunit ilang sandali pa ay isang magandang ngiti ang lumitaw sa mga labi nito b
“I’m sorry, Sweetheart.” Ito ang mga katagang narinig ko mula sa bibig ng aking asawa, ngunit ang paghingi ng tawad nito ay walang naging epekto sa akin. Nanatiling seryoso ang aking mukha habang nakatitig sa likurang bahagi nito. Umangat ang aking mga kamay at kinalas ang pagkakabuhol ng kurbata nito, sunod ay isa-isa kong tinanggal ang butones ng kanyang polo sa tapat ng dibdib nito. “Naalala ko pa noong mga panahon na tina-tanggal ko ang mga butones na ito pagkagaling mo ng trabaho.” Ani ko habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko na parang akala mo ay inaalala ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay ko. Sa isang iglap ay isa-isang lumitaw sa aking diwa ang mga alaala sa piling ng lalaking ito. “Because you're nothing, but a gold digger”- “Oh come on, Patricia don’t say that, alam mo namang illiterate si Zanella kaya iwasan mo ang mag-English. Hindi abot ng kanyang isipan ang mga sinasabi mo.”“Kapag ba pinirmahan ko ang papel na ‘yun ay hindi ka na ba magag
Natigil ang lahat ng katulong sa kanilang mga ginagawa dahil sa biglaang pagdating ng tatlong magarang sasakyan. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung sino ang kanilang bisita. Nang humimpil ang aking kotse sa tapat ng mansion ng mga Aragon ay seryoso ang mukha na bumaba ako ng sasakyan. Kita ko kung paano lumaki ang mga mata ng mga kasambahay dahil sa matinding pagkagulat halos sabay pa ang mga ito na napasinghap. Binalewala ko ang presensya nila at mas pinagtuunan ang paligid ng mansion. Wala pa rin itong pinagbago ngunit sa patuloy na pag-ikot ng aking mga mata ay napako ito sa bahagi ng bakuran. Natigilan ako ng makita ko ang mga nagtataasang puno ng mga rosas na may dalawang klase ng kulay ang mga bulaklak, puti at pula. Imbes na maakit at matuwa sa mga naggagandahang mga bulaklak nito ay tila bumigat pa ang loob ko. Dahil ito ay nagpapaalala ng aking kainosentihan. Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko bago muling ibinaling ang atensyon ko sa malaking pintuan ng man
Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Alexander sa gitna ng salas nang sumalubong sa kanya ang bagong ayos ng mansion. Nagtataka na inilibot nito ang mga mata at huminto ito sa mukha ng kanyang ina. “Iho, mabuti at dumating ka na, tingnan mo, hindi bat napakaaliwalas ng buong kabahayan?” Masayang turan ni Rosario halatang labis na natutuwa sa bagong disenyo ng buong salas. “Anong meron Mamâ?” Nagtataka na tanong ni Alexander ngunit naagaw ang atensyon niya sa kanyang tita Esmeralda na inaaway ang ilang bagong saltang katulong sa mansion. “Napaka tonta mo talaga! Sinong may sabi sayo na galawin mo ‘yan!?” Bulyaw ni Esmeralda na kulang na lang ay sabinutan nito ang pobreng katulong. “Madam, kung hindi mo titigilan ang paninigaw mo sa mga kasambahay ay mapipilitan ako na ipatapon ka sa labas.” Matigas na banta ni Mr. Santos habang matiim na nakatitig sa mukha ni Esmeralda. “Aba’t ang walang galang na ito! At sino ka sa palagay mo para ipatapon ako sa labas ng sarili kong pamamahay!?” Asi
PAK! Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaliwang pisngi ni Alexander. Pagpasok pa lang nila sa loob ng silid ni Samantha ay ito kaagad ang natanggap niya mula rito. “Talagang balak mo kaming ipagpalit ng anak mo sa babaeng ‘yun?” Umiiyak na tanong ni Samantha kay Alexander, malakas ang tahip ng dibdib nito dala ng matinding galit habang ang mga mata nito ay hilam na sa luha.“Asawa ko si Zanella, Samantha, at alam mo ‘yan noon pa man!” Matigas na pahayag ni Alexander na wari moy kay hirap umintindi ng kanyang kausap. “At paano naman kami!? Ha? Wala na ba talaga kaming halaga s-sayo?” Umiiyak na tanong ni Samantha na bahagya pang pumiyok ang boses nito sa huling tinuran. Sa nakikita niya sa mukha ni Alexander ay batid niyang nahihirapan din ito sa sitwasyon. At kahit alam naman niya na mas matimbang si Zanella sa puso nito noon pa man ay umaasa pa rin siya na kahit konti ay magpakita sa kanya ng damdamin si Alexander dahil iyon na lang ang panghahawakan niya dito. Sandaling katah
“Magmula sa araw na ito ay ang bawat gagastahin ninyo ay naaayon lamang sa kung magkano ang sinasahod n’yo. Ang lahat ng mga ginastos n’yo, sinahod n’yo, maging ang mga ininvest ninyo ay dadaan sa audit department.” Seryosong pahayag ni Zanella bago sinimsim ang mabangong aroma ng kanyang tsaâ. Kasalukuyan silang nasa harap ng hapag at nag-a-almusal. Sinadya niyang sabayan ang mga Aragon sa kanilang agahan na labis na ikinagulat ng mga ito. Ngunit, ang ekspresyon ng kanilang mga mukha ay kakikitaan mo ng matinding di pagkagusto sa kanyang presensya. Nahinto sa pagsubo ang lahat at tila isang tao na lumingon sa kanya ang mga ito. Si Alexander na kanina pa malungkot na nakatitig sa mukha ng kanyang asawa na parang walang pakialam sa mga narinig nito. Ilang araw na kasi siyang hindi man lang binibigyang atensyon ng kanyang asawa at sa tuwing tatangkain niyang lapitan ito ay para lang siyang hangin na dinadaan-daanan nito. At si Lucio na asawa ni Esmeralda habang matiǐm na nakatitig