Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Alexander sa gitna ng salas nang sumalubong sa kanya ang bagong ayos ng mansion. Nagtataka na inilibot nito ang mga mata at huminto ito sa mukha ng kanyang ina. “Iho, mabuti at dumating ka na, tingnan mo, hindi bat napakaaliwalas ng buong kabahayan?” Masayang turan ni Rosario halatang labis na natutuwa sa bagong disenyo ng buong salas. “Anong meron Mamâ?” Nagtataka na tanong ni Alexander ngunit naagaw ang atensyon niya sa kanyang tita Esmeralda na inaaway ang ilang bagong saltang katulong sa mansion. “Napaka tonta mo talaga! Sinong may sabi sayo na galawin mo ‘yan!?” Bulyaw ni Esmeralda na kulang na lang ay sabinutan nito ang pobreng katulong. “Madam, kung hindi mo titigilan ang paninigaw mo sa mga kasambahay ay mapipilitan ako na ipatapon ka sa labas.” Matigas na banta ni Mr. Santos habang matiim na nakatitig sa mukha ni Esmeralda. “Aba’t ang walang galang na ito! At sino ka sa palagay mo para ipatapon ako sa labas ng sarili kong pamamahay!?” Asi
PAK! Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaliwang pisngi ni Alexander. Pagpasok pa lang nila sa loob ng silid ni Samantha ay ito kaagad ang natanggap niya mula rito. “Talagang balak mo kaming ipagpalit ng anak mo sa babaeng ‘yun?” Umiiyak na tanong ni Samantha kay Alexander, malakas ang tahip ng dibdib nito dala ng matinding galit habang ang mga mata nito ay hilam na sa luha.“Asawa ko si Zanella, Samantha, at alam mo ‘yan noon pa man!” Matigas na pahayag ni Alexander na wari moy kay hirap umintindi ng kanyang kausap. “At paano naman kami!? Ha? Wala na ba talaga kaming halaga s-sayo?” Umiiyak na tanong ni Samantha na bahagya pang pumiyok ang boses nito sa huling tinuran. Sa nakikita niya sa mukha ni Alexander ay batid niyang nahihirapan din ito sa sitwasyon. At kahit alam naman niya na mas matimbang si Zanella sa puso nito noon pa man ay umaasa pa rin siya na kahit konti ay magpakita sa kanya ng damdamin si Alexander dahil iyon na lang ang panghahawakan niya dito. Sandaling katah
“Magmula sa araw na ito ay ang bawat gagastahin ninyo ay naaayon lamang sa kung magkano ang sinasahod n’yo. Ang lahat ng mga ginastos n’yo, sinahod n’yo, maging ang mga ininvest ninyo ay dadaan sa audit department.” Seryosong pahayag ni Zanella bago sinimsim ang mabangong aroma ng kanyang tsaâ. Kasalukuyan silang nasa harap ng hapag at nag-a-almusal. Sinadya niyang sabayan ang mga Aragon sa kanilang agahan na labis na ikinagulat ng mga ito. Ngunit, ang ekspresyon ng kanilang mga mukha ay kakikitaan mo ng matinding di pagkagusto sa kanyang presensya. Nahinto sa pagsubo ang lahat at tila isang tao na lumingon sa kanya ang mga ito. Si Alexander na kanina pa malungkot na nakatitig sa mukha ng kanyang asawa na parang walang pakialam sa mga narinig nito. Ilang araw na kasi siyang hindi man lang binibigyang atensyon ng kanyang asawa at sa tuwing tatangkain niyang lapitan ito ay para lang siyang hangin na dinadaan-daanan nito. At si Lucio na asawa ni Esmeralda habang matiǐm na nakatitig
Alexander Point of view “Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang anak ko Samantha!” Matigas kong wika bago kinuha ang bata mula sa Yaya nito. Galit na sinugod ako ni Samantha at pilit na inaagaw nito sa akin ang aming anak. “Pinili mo na ang babaeng iyon kaysa sa amin ng anak mo! Kaya hayaan mo na kaming mag-ina na umalis dito!” Nanggagalaiti sa galit na sigaw nito sa akin, mahigpit kong hinawakan ang kamay nito upang hindi maabot ang braso ni Xian na ngayon ay umiiyak na sa takot. Ramdam ko rin ang pagbaon ng mga kuko ni Samantha sa aking balat ngunit hindi ko na alintana ang sakit mula roon. “Kung gusto mo talagang umalis dito ay sa condo ko kayo tutuloy!” Matatag kong sabi ngunit mahigpit na tumutol ito at tulad nga ng hinala ko ay balak talaga nito na ilayo ang anak ko at sigurado ako na wala siyang balak na ipaalam sa akin kung saan sila titira. “Iha, tama na, natatakot na ang bata sa inyo.” Nag-aalala na wika ng aking ina, saka ko lang namalayan na nakaalis na pala ang aking
“Matamlay na pumasok ako sa loob ng aking silid, pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa maghapong trabaho. Napapagod na nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang kinakapa ko ang switch ng ilaw. Ilang sandali pa ay kumalat ang liwanag sa buong paligid. Pahagis na ibinaba ko ang aking bag bago hinubad ang suot kong sapatos. “How’s your day?” Tanong ng baritonong tinig mula sa aking likuran, natigilan akong bigla ng marinig ko ang boses ng aking asawa. Kanina pa ba siya dito? Pero bakit ni hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya? Ni hindi ako nangahas na lingunin ito bagkus ay mas pinili ko na lang ang manatili sa aking kinatatayuan habang nakatitig ang mga mata ko sa kama. Ang bawat sengundo na lumilipas ay naghahatid sa akin ng ibayong kabâ. Habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang presensya niya sa aking likuran. Tila sumasabay ang tibôk ng puso ko sa bawat hakbang ng kanyang mga paa hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang k
“Ano ang ginawa mo? Bakit nawala ang mga tauhan ko?” Nanggagalaiting tanong ni Esmeralda kay Zanella bago malakas na hinampas nito ang lamesa sa harap ni Zanella. Mahinhin na ibinaba ni Zanella ang munting tasa sa isang maliit na platito bago nagtaas ng kanyang tingin. Sa kabila ng galit ni Esmeralda ay nanatiling kalmado si Zanella. “You know, their service is not free, so, do you think ay magtatrabaho pa rin kaya sila kahit wala naman silang sinasahod? I told you na ang lahat ng gagastusin ninyo ay dapat umaayon sa kung magkano ang sinasahod ninyo buwan-buwan.” “Sumosobra ka na!” Galit na sigaw ni Esmeralda at akmang susugurin siya nito ngunit mabilis itong inawat ng kanyang anak na si Patricia. “Mom, enough.” Ani nito bago bumaling sa akin. “Hindi ka na ba makuntento sa yaman ng pamilya mo kaya pati ang pera namin ay pinag-iintresan mo?” Matigas na tanong ni Patricia habang matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zanella at m
Halos hindi na maipinta ang mukha ni Patricia at ng ina nitong si Esmeralda habang bitbit ang kanilang mamahaling bag. Nagdadabog na bumaba ang mga ito ng hagdan habang nanghahaba ang kanilang mga nguso. Wala na kasi silang driver, maging ito ay umalis na dahil wala na silang maipa-sahod. Ang ending ay makikisakay sila ngayon sa kotse ko at batid ko na isa ‘yun sa ikinasasama ng kanilang mga loob. Dahil hindi nila matanggap na ngayon ay nakasandal na sila sa akin. Sinisigurado ko na ilang buwan pa ang lumipas ay tuluyan na silang gagapang sa hirap. Kahit wala akong gawin ay batid ko na babagsak talaga ang pamilyang ito dahil sa hindi maayos na paggastos nila sa kanilang mga pera. Kung tutuusin ay pwede naman silang magdrive ng kanilang mga kotse ngunit mas mahalaga sa kanila ang sasabihin ng ibang tao. Dahil nasanay sila na laging napapaligiran ng mga bodyguard upang magmukhang importanteng tao sa paningin ng lahat. Sadya talagang mataas ang ere ng mga ito. Tahimik akong sumakay
Mula sa malawak na salas ay tahimik na nakaupo ang buong pamilyang Aragon. Wari mo’y nagluluksa ang mga ito dahil kapwa matamlay ang lahat. Si Esmeralda na seryosong nakatingin sa center table, habang sa kanyang tabi ay nakaupo ang anak niyang si Patricia pati ang ama nitong si Lucio. Mula sa kabilang bahagi ng sofa ay si Gracia na mukhang wala sa kanyang sarili dahil nakatulala ito sa kawalan. Sa tabi nito ay ang kanyang asawa na abala sa sarili nitong cellphone. Sa sobrang abala ng lahat sa kakaisip kung ano ang dahilan ng biglaang pagpatawag sa kanila ng abogado ni Don Rafael ay hindi na nila napapansin ang labis na pagkahumaling ni Emanuel sa cellphone nito. Tahimik lang na nakaupo si Rosario sa single sofa, kalmado man itong tingnan ay hindi mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. “Excuse me po, naghihintay na sa loob ng library si Attorney.” Ani ng isang kasambahay na hindi man lang nila napansin ang pagdating ng abogado dahil halos lahat sila ay wala sa kanilang mga