Share

Chapter 11

Blanca

I stared blankly at the ceiling while lying in my bed. Dito ako dumeretso pagkahatid sa akin ni Marcus. Tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan ang tatlong kaibigan ko. I tried calling them pero puro patay ang mga phone nila. 

Napabuntong hininga ako. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya upon seeing my eagerness to know more about his dad. Hindi magiging madali ang pagkuha ng impormasyong kailangan ko kung ganyang may trust issues siya kaya dapat talaga ay makuha ko ang loob niya. 

Maybe I should consider having a relationship with him. In that way ay hindi siya magdududa sa akin. 

Ready na ba ako? Maybe? I don’t know. At first akala ko magiging madali lang but the way I see things parang hindi. 

I shook my head. Hindi pwedeng maging mahina. Kahit anong mangyari ay itutuloy ko ang plano. Masaktan na ang masasaktan.

“We’re here!’ maingay na bungad ni KC sa akin pagpasok niya ng kwarto kaya napabangon ako. Kasunod naman ang dalawa na naka- shades pa at halatang mga kulang sa tulog.

“ San ba kayo galing? Nauna pa akong nakauwi sa inyo” sita ko sa kanila.

“ Well, doon kami natulog sa mansion nila Shayne! Grabe ang laki-laki at ang bonggang-bongga!” dagdag pa ni Trish na humilata na sa kama.

“E ikaw ba kamusta? Malaki ba?” sabi ni Ava habang tinataas- baba ang kilay sabay ngisi sa akin.

“Malaki ang alin?” tanong ko naman dahil hindi ko talaga alam ang pinagsasasabi niya.

“Ay oo nga pala, sorry!” sabi niya na sinabayan ng nakakalokong tawa.

“ Avaline!” inis na sigaw ko kaya natawa na rin ang dalawa.

“Kasi naman Ava alam mo namang virgin na virgin pa itong si Blanca eh. Lilinawin mo kasi!”  dagdag asar ni Trish na ikinalaki ng mata ko.

“Mga walanghiya kayo!’ sigaw ko sakanila dahil may idea na ako kung ano ang ibig nilang sabihin.

“So ano na nga? Malaki ba?” tanong ni Ava na nakatingin sa akin.

“ Malay ko! Hindi ko naman nakita!” kibit-balikat kong sagot.

“Ay ganun?! Sayang naman! So anong ginawa niyo? Nag jack en poy?” buska pa ni KC. Ang babaeng ito talaga bukod sa maingay na wala pang preno ang bibig.

“Lasing ako kaya natulog lang ako!” depensa ko dahil yun naman ang totoo.

“Palibhasa kayo mga polluted na ang utak kaya ganyan mag-isip!” 

“Akala ko pa naman naka first base na si lover boy!” ayaw padin talaga tumigil ng mga ito. Sabay-sabay tumawa ang tatlo kaya napailing nalang ako. 

Ako talaga ang alaga nilang asarin pagdating sa ganitong bagay. Ano nga bang magagawa ko? Kahit naman noon walang lalake na nakapukaw ng interes ko. May mga nanligaw pero wala talaga ako matipuhan lalo pa at mga kasamahan din namin ang mga ito sa organisasyon.

Ang iba naman ay mga naging kaklase ko sa school pero wala talaga. Aaminin ko, tanging kay Marcus lang kumabog ang dibdib ko.

‘Guys, seryoso na tayo.” basag ko sa pagtawa nila dahil ayaw ko na ang tumatakbo sa isip ko. Sumeryoso naman sila at sabay pang tumingin sa akin.

“ I decided to have a relationship with Marcus.” sabi ko sakanila.

“‘Yun naman ang plano hindi ba?” tanong ni Trish kaya tumango naman ako.

“ May problema ba?” nakakaramdam namang tanong ni Ava.

I sighed. At saka ko kinwento lahat ng nilahad sa akin ni Marcus kanina.

“OMG! Kaya pala ganun siya, wala na siyang tiwala sa love.” sabi ni KC.

“Nagda-dalawang isip ka?” baling sa akin ni Trish pero umiling ako. “Iyon naman pala, so anong problema?”

“I feel sorry for him, guys. Kung sakali, ako ang pangalawang babae na gugustuhin niyang seryosohin pero sasaktan ko din siya in the end.” malungkot na pahayag ko.

“ So ano? Itutuloy pa ba natin? Nasa sa’yo naman yan eh!” Trish asked.

“No! Tuloy ang plano.” matigas na sabi ko sa kanila pero ewan ko. As if I’m not sure kung kakayanin ko nga bang saktan ni Marcus.

“Okay! Edi walang problema!” sabi ni KC at nahiga nadin sa tabi ni Trish.

“By the way, personal tayong naimbitahan sa birthday ng matandang Thompson sa makalawa.” sabi ni Ava na naupo sa sofa at nagkalikot nanaman ng laptop niya.

“Gaganapin iyon sa mansyon kaya tamang-tama lang sa plano natin. Gagawa ako ng paraan para makapagmanman sa loob. At kung papalarin baka may mahanap akong ebidensya na mag-uugnay kay Simon Thompson sa nangyari sa pamilya mo.” mahabang paliwanag ni Trish.

“Siguraduhin mo lang Blanca na hindi mawawala sa paningin mo si Marcus at si Simon. Hangga’t maari dikitan mo sila. Ako na ang bahala sa mga CCTV ng mansyon. I will also guide Trish kapag nakapasok na siya sa loob.” ani naman ni Ava.

“Noted!” sabi ko nalang.

Kung mapapatunayan ko na si Simon nga ang may pakana ng lahat, humanda siya. Hindi ko siya sasantuhin. Sa mga kamay ko siya malalagutan ng hininga, pinapangako ko.

“What if wala naman talagang kasalanan si Simon?” Trish asked out of the blue.

“Siya lang ang may dahilan para gawin ‘yon Trish. Walang kaaway ang mga magulang ko.” sagot ko sa tanong niya. “Siya rin ang nagpupumilit na bilhin ang lupa ni tatay.”

“Okay sis. Pero mas mabuti na yung sigurado tayo. Hanggat hindi tayo nakakasiguro hindi mo siya pwedeng galawin.” paalala nila sa akin. 

“Nung araw ng launch may napansin ako kay Simon.” bigla kong naalala ang reaksyon niya ng ipakilala ako ni Shayne sa kanya at sinabi ko iyon sa mga kaibigan ko.

“Sigurado ka bang hindi mo pa siya nakakaharap kahit noon?” Ava asked na napukaw din ang interes sa sinabi ko.

“Hindi pa Ava. Naririnig ko lang ang pangalan niya noon na siyang bumibili ng mga lupa sa lugar namin. At tanging ang lupa nalang ni tatay ang hindi niya mabili.May pumupuntang mga tao para makipag-usap sa tatay pero tinatanggihan niya talaga ang mga ito.” napatango naman si Ava pagtapos ay nag-isip

“Okay given na may kasalanan si Simon at maparusahan mo siya, how about Marcus? Anong plano mo sa kanya?” Ava asked that made me uncomfortable.

“Yeah! Pano nga ba? I mean from the looks of it talagang iba ang tama sayo ng taong ‘yun. Nag-alala nga siya sa’yo nung mabaril ka. Hindi ka niya iniwan, alam mo ba ‘yun?” kwento pa ni Trish.

Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko sa narinig ko. I can feel how he cares for me at aaminin ko natatakot ako. 

“Hindi niya ako deserve. Kung ganun man ang mangyari kailangan ko siyang iwan. Mas magiging masaya siya sa iba at hindi sa kagaya ko.” masakit man sa loob ko ay kailangan kong tapangan ang sarili ko para masabi ko ‘yon sa harap nila.

“Paano naman kung matatanggap ka pala niya? Kung sakali Blanca, let him decide, I mean just to be fair sa kanya.” kontra naman ni Trish pero umiling ako. 

“That is the best thing to do. Let’s not argue about it.” I shut the topic kaya alam kong mananahimik na sila.

“Isa pa ginagamit ko lang siya. Wala akong nararamdamang kahit ano.” I even looked at my friends and I can say na hindi sila kumbinsido sa sinabi ko. May nararamdaman na nga ba ako para sa kanya. Honestly, hindi ko din alam.

I just wish matapos na ito sa lalong madaling panahon. Mas mabilis, mas mabuti. Ayokong lumalim ng husto ang nararamdaman ni Marcus para sa akin dahil baka hindi na siya makabangon sa oras na kailangan ko na siyang iwan.

Guilty man ang ama niya o hindi ay hindi kami pwede. Hindi niya deserve ang isang babae na may bahid ng dugo ang mga kamay. Sabihin na nating malaki ang atraso ng mga taong napatay namin sa lipunan, pero alam kong hindi niya iyon matatanggap.

Madilim ang nakaraan ko at hindi siya nababagay sa isang katulad ko. Sa iba, alam kong hindi sila sangayon sa ginagawa namin. Sasabihin nilang may batas na dapat magparusa sa mga nagkasala, pero minsan pati batas napapaikot nila. 

Nabibili ng makapangyarihan at mapera ang batas kaya nagkakaroon sila ng lakas ng loob na gumawa ng mali at mang-abuso ng kapwa. Kung inilagay man ng organisasyon sa kamay nila ang batas, yun ay dahil hindi na rin mapagkakatiwalaan ang sistema.

Huminga ako ng malalim. Tama lang ang desisyon ko. Hindi kami para sa isa’t-isa ni Marcus. Kailangan ko lang siyang gamitin para matapos ko ang misyon ko. 

I smiled bitterly with a heavy heart.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status