Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
BlancaNapabalikwas ako ng bangon matapos akong dalawin muli ng panaginip na iyon. Tagaktak ang pawis ko kahit pa malamig ang buga ng aircon dito sa aking silid. Habang hinahabol ko ang aking hininga ay napapikit ako ng mariin at kinuyom ang aking mga palad. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Sa tuwing dadalawin ako ng panaginip na iyon ay bumibigat ang pakiramdam ko at nawawala ako sa wisyo kaya kailangan kong mapakalma ang aking sarili dahil hindi ko gusto ang magiging epekto nito sa akin.Napasulyap ako sa orasang nasa gilid ng aking kama. Alas-singko na ng madaling araw at kahit kapos pa ako sa tulog dahil sa kakatapos lang na misyon ko sa Singapore ay nagpasya na akong bumangon. Kailangan kong maligo para maibsan ang galit na unti-unting bumabalot sa pagakatao ko matapos ang panaginip na iyon.Pagkatapos kong maligo ay dumeretso na ako sa ibaba. Naamoy ko na ang aroma ng kape na nakasalang sa kalan na siyang paborito naming lahat sa bahay. Sumilip ako sa kusina at nakita ko doo
BlancaPanay ang tawa ng tatlong kasama ko habang umiinom kami. Nakita daw kasi nila ang reaksyon ni Marcus nang lagpasan ko ito kanina at hindi pansinin. Pati daw ang mga kasama nito sa lamesa ay nagtawanan sa nasaksihan.“First time sigurong maranasan ni lover boy ang deadmahin kaya ayun, parang lumipad sandali ang kaluluwa niya at natulala!” natatawang kwento ni KC“I told you, effective ang plano ko diba?” proud na sabi ni Trina. “Babaerong tao ‘yan. Lahat ng gusto nakukuha niya. Walang sineseryoso at ang babae, basahan lang sa kanya. Kapag may babaeng hindi yan pinansin, asahan mo magwawala ang ego niyan!” “So tuloy na tuloy na ba tayo sa plan A?” tanong ni Ava kaya tumango ako.“We will go as planned. Paibigin at paikutin si Marcus para makakuha ako ng impormasyon kung nasaan ang hayop niyang ama!” tumungga ako ng alak at ninamnam ang pagguhit nito sa lalamunan ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay nagtama ang paningin namin ni Marcus. Ngumiti siya pero tinaasan ko lamang siya ng
Marcus I slammed my door out of frustration that night the moment I entered my penthouse. Sobra akong nagagalit dahil pakiramdam ko ay pinahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko ng babaeng ‘yon. Like what the hell! In my 32 years of existence in this earth ay may isang babae pala akong matatagpuan na hindi man lang ako pinansin! Lahat ng babae ay halos itapon ang sarili sa paanan ko makasama lang ako pero ang babaeng ito, kakaiba siya! Ni hindi man lang ata naakit sa akin at baliktad pa ata ang nangyari dahil ako ang naakit sa kanya.Pakiramdam ko tuloy ay may lahing mangkukulam ang babaeng iyon. Ano ba ang ginawa niya sa akin at buhat kanina ay hindi ko na makalimutan ang mukha niya. Para akong lalagnatin isipin ko palang ang mukha niya habang nagsasayaw kanina sa club. Kakaibang init ang nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko ang pagtataray niya at ang pagtaas ng kilay niya na para bang gusto ko siyang parusahan sa kama.Makapagtaray pa kaya siya habang binabayo ko na siya sa kama? H
BlancaIsang linggo na din ang lumipas buhat ng unang pagkikita namin ni Marcus sa club kaya naman inip na inip na ako para sa susunod naming hakbang. Hinayaan ko muna ang tatlo na muling bumalik sa club gaya ng plano namin at mukhang effective naman dahil panay daw ang hanap at tanong ni Marcus sa akin. Pilit pa daw niyang inaalam ang number ko pero siyempre hindi naman yun binigay ng tatlo.“Ready na ang mga tao natin.” saad ni Ava kaya naman napangiti ako dahil sa wakas sisimulan na namin ang susunod na plano.“Ready ka na ba, Blanca?” tanong ni Ava sakin habang patuloy sa pagtipa ng laptop niya.“More than ready!” sagot ko sakanya sabay tanong"Nakuha na ba nila?” "Yup sis! Papunta na sila sa dito” sagot niya uli.Nakaramdam ako ng excitement dahil tagumpay ang mga tauhan namin na dukutin ang bunsong kapatid ni Marcus na si Shayne Marie Thompson. Isa siyang sikat na modelo dito sa Pilipinas at nagsisimula na din siyang makilala sa ibang bansa.Pinadukot siya ni Trish dahil kaila
Blanca“It’s time!” nadinig ko ang salitang iyon mula sa earpiece ko. ‘Yun na ang hinihintay kong signal galing kay Ava kaya naman nilapitan ko na si Shayne para gisingin ito dahil magsisimula na ang aming munting palabas.“Shayne! Shayne!” tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya“Gumising ka na! Kailangan na nating tumakas dito!.” Bigla namang napabangon si Shayne. Nakakunot pa ang noo niya na tila hindi ako naintindihan.“Sigurado ka ba Blanca?” tanong niya na kakikitaan ng takot sa kanyang mga mata “Natatakot ako Blanca, baka mahuli tayo.” “Ngayon na ang pagkakataon natin Shayne. Nakalimutan nilang i-lock yung pinto kaya makakalabas na tayo. Tulog na tulog na din sila, sobrang lasing na kaya tara na!”sabi ko sabay hila sa kanyang kamayDahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Ingat na ingat ang bawat hakbang namin para maiwasang makagawa ng ingay. Magkahawak-kamay naming nilagpasan ang mga bantay na hindi ko alam kung totoong tulog na o nagpapanggap lang. Gusto ko
BlancaDalawang araw pa akong nanatili sa ospital at kahit inip na inip na ako ay wala naman akong magawa dahil kailangan ko daw tapusin ang mga gamot ko.Palagi namang dumadalaw si Shayne sa akin kaya ang tatlong bruha ay tuwang-tuwa dahil palagi silang kasahog sa mga pagkaing dinadala dito ng dalaga. Ang ending, busog sila araw-araw.“Nakakatuwa kayo ano?” sabi ni Shayne habang inaayos ang prutas na dala niya sa lamesa. “Hindi talaga kayo nag-iiwanan.”“Aba oo naman Shayne,” sagot ni KC habang nilalantakan ang dala ni Shayne na doughnut. “Alam mo kasi sabay-sabay kaming lumaki, kaya eto, hindi kami mapaghiwalay.”“Oo nga eh. Nakakainggit lang. Puwede din ba akong maki-join sa inyo?” tanong ni Shayne kaya naman biglang napaubo si Trish habang umiinom ng kape. Naibuga niya pa ito kay Ava na as usual nasa laptop nanaman ang atensyon.“Trish naman!” hiyaw nito sabay punas ng mukha niya na nabugahan ng kape.“Ang dugyot lang talaga!” Nag peace sign lang si Trish dito saka nginisihan si
BlancaAfter a week of medication ay magaling na ang sugat ko sa balikat. Nakapag pahinga ako ng maayos dahill wala madalas ang tatlong kaibigan ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan. Si Shayne naman ay tumatawag paminsan minsan dahil sa busy na din ito sa trabaho.Ngayong gabi nga ay paalis ako dahil pinagbigyan ko ang pangungulit ni Marcus na lumabas kami at mag-date. I just wore a simple black mini dress na tinernuhan ko ng pulang stilletos. Sleeveless ito at sakto lang ang v- cut nito sa dibdib dahil ayaw ko naman na masyadong revealing ang isusuot ko sa gabing ito. Eversince the tragedy ay nahilig na ako sa kulay itim. Maybe because I have a dark past at ito din marahil ang dahilan kung bakit Blanca ang tinawag sa akin ni Mama Sandra.Lahat kami sa organisasyon ay gumagamit ng fake identities. Ang dahilan? Para kung sakaling magsimula kami ng bagong buhay ay walang anumang bahid na makikita sa tunay naming katauhan.By birth, ako si Ria Celestine Alonzo, pero