Share

Chapter 5

Blanca

“It’s time!” nadinig ko ang salitang iyon mula sa earpiece ko. ‘Yun na ang hinihintay kong signal galing kay Ava kaya naman nilapitan ko na si Shayne para gisingin ito dahil magsisimula na ang aming munting palabas.

“Shayne! Shayne!” tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya

“Gumising ka na! Kailangan na nating tumakas dito!.”

Bigla namang napabangon si Shayne. Nakakunot pa ang noo niya na tila hindi ako naintindihan.

“Sigurado ka ba Blanca?” tanong niya na kakikitaan ng takot sa kanyang mga mata

“Natatakot ako Blanca, baka mahuli tayo.”

“Ngayon na ang pagkakataon natin Shayne. Nakalimutan nilang i-lock yung pinto kaya makakalabas na tayo. Tulog na tulog na din sila, sobrang lasing na kaya tara na!”sabi ko sabay hila sa kanyang kamay

Dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Ingat na ingat ang bawat hakbang namin para maiwasang makagawa ng ingay. Magkahawak-kamay naming nilagpasan ang mga bantay na hindi ko alam kung totoong tulog na o nagpapanggap lang. Gusto ko nga silang palakpakan dahil in fairness magaling silang umarte mula nung umpisa.

Walang kahirap hirap na nakalabas kami ng safehouse. Lakad takbo ang ginawa namin para makalayo sa lugar na iyon. Kabisado ko naman ang daang palabas kaya hindi naging mahirap sa amin ang pagtakas.

“Ayun sila!” narinig kong sigaw ng isa sa mga tauhan namin ng medyo makalayo na kami kaya mabilis kong hinila si Shayne.

“Bilisan mo! Huwag kang lilingon!” sigaw ko dito dahil napahinto ito sa pagtakbo.

Nakarinig pa ako ng mga putok ng baril kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo at paghila sa kanya na noon ay nanginginig na sa takot.

“Blanca natatakot ako!” ulit ni Shayne pero hindi ko na lang siya pinansin.

Malapit na kami sa kalsada at tiyak na dadaan na ang sasakyan na kunwari ay paparahin ko.

“Tulong! Tulong!” pumagitna ako sa kalsada ng matanaw ko ang headlight ng isang sasakyan. Nasisiguro ko na ito ang kasabwat namin base sa kulay na sinabi sakin ni Ava. Nakadipa ang kamay ko ng lumapit si Shayne at pilit kinakawayan ang sasakyan.

Huminto naman ang sasakyan at pinagbuksan kami ng bintana kaya muntik pa akong natawa dahil ang nakaupo sa driver’s seat ay walang iba kundi si Winston, ang jowa ni KC, isa ding miyembro ng organisasyon.

“What’s happening?’” tanong niya.

‘Bwisit ka Winston huwag ka ng mag-English at dyan tayo mabubuko!’ gusto kong isigaw yun sa mukha niya dahil OA siya at hindi siya magaling umarte.

“Tulungan mo po kami.” pakiusap ni Shayne

“Nakidnap po kami at nakatakas lang, hinahabol po kami ngayon! Please tulong po!”

Ilang putok ang narinig namin at mga papalapit na yabag kaya naman lalong natakot si Shayne. Napasigaw pa nga ito at kusa ng binuksan ang pinto ng sasakyan sa likod.

“Sakay!’ sabi naman ni Winston “Bilis!” ayun kala mo naman talaga hindi sanay mag tagalog.

Agad na nakapasok si Shayne sa backseat at pasunod na sana ako ng maramdaman kong humapdi ang balikat ko.

“Ouch!”

“Oh my God Blanca!” hiterikal na sigaw ni Shayne sabay hila sa akin papasok at saka mabilis na umandar ang kotse.

“Kuya bilis umalis na tayo! Nabaril siya! Oh my God Blanca please hang on!”

‘Bakit ako tinamaan? Wala sa plano ‘yun ah’

Sabi ng isip ko kaya napapikit ako sa hapdi.

Masakit ang balikat ko dahil sa daplis ng tama pero mas masakit ang tenga ko sa kakangalngal ni Shayne. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Bahala na si Winston, alam na niya kung ano ang gagawin.

Amoy ng ospital at nagbububulungang mga tao ang gumising sa diwa ko ng umagang iyon. Nabosesan ko si Shayne na tila may kaaway pero mas pinili kong huwag magmulat ng mga mata.

“Nakita niyo naman diba? May tama ang kaibigan ko! Nabaril siya! Hindi pa ba sapat yung statement na binigay ko? Maawa naman kayo!” tinig iyon ni Shayne

“Calm down Shayne! They are just doing their job.” sabi naman ng isang baritonong boses at hindi ako pwedeng magkamali dahil tiyak ko na si Marcus ‘yon.

“Pasensya na po, Ms. Thompson, cge po at babalik nalang po kami sa ibang araw ‘pag maayos na ang lagay ni Ms. dela Riva.” sagot ng kausap ni Shayne.

Tumahimik ang paligid hanggang sa narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya tiyak umalis na ang mga kausap ni Shayne.

“Cge na po Mr.Thompson, kami na po ang bahala kay Blanca, iuwi niyo na din po si Ms. Shayne para makapagpahinga din siya.” tinig iyon ni KC.

“Please call me when she wakes up.” naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at alam ko na si Shayne ‘yun.

“We will Ms. Thompson.” sagot naman ni Ava.

Natahimik ulit ang paligid saka ko narinig ang pagsarado ng pinto.

“Oy idilat mo na mga mata mo! Wala na sila!”

tumatawang sabi ni Trish kaya automatic na bumukas ang mga mata ko.

“Langya! Bakit ako binaril? Wala naman sa plano ‘yun ah!” galit na sabi ko sakanila pero tinawanan lang nila ako kaya napaupo ako sa sobrang inis ko sa kanila.

“Huwag kang OA, Blanca. Daplis lang ‘yan. Wala pa nga ‘yan sa mga naranasan natin sa training dati no!” nakangising sabi ni Trish kaya inirapan ko siya.

“Okay lang ‘yan sis. Tignan mo naman, bidang bida ka sa magkapatid! Lalo kang mamahalin ni Marcus niyan!” kinikilig pang sabi ni KC.

“Grabe nga makatingin ang isang iyon, sis. Halatang nag-aalala siya para sa’yo. Hindi nga siya umalis sa tabi mo buhat sa ER hanggang ilipat ka ng kuwarto.” kwento pa ni Trish. “Ang husay ko talagang magplano!”

“Sigurado ba kayo na malinis ang lahat?” paniniguro ko dahil ayaw ko ng problema lalo pa at mukhang maayos ang takbo ng plano.

“Oo naman sis. Walang sabit!” sabay-sabay pa nilang sagot kaya napailing nalang ako. Nahiga na lang ulit ako dahil medyo kumirot ang sugat ko.

“I’m sure after this mas makakalapit ka na sa magkapatid, Blanca. Magagawa na natin ang plano mo!” sabi ni Trish kaya napapikit ako ng mariin.

‘Konting tiis nalang inay, itay, kuya Ramil. Maipaghihiganti ko na din kayo’ bulong ko.

Hindi naman ako iniwan ng mga kaibigan ko sa ospital. Gusto ko na ngang lumabas dahil wala lang naman itong tama ko pero hindi ako pinayagan ng doktor.

Bandang hapon ay nagulat ako ng may kumatok at ng buksan ni Ava ang pinto, ang gwapong mukha ni Marcus ang bumungad sa akin. May dala itong basket of fruits at may boquet din. Napaayos ako ng upo ng makita ko na palapit siya sa kama.

“For you.” sabi niya sabay abot sa akin ng bulaklak. Agad ko namang tinanggap ‘yon at nagpasalamat.

“How do you feel?” tanong niya.

“I’m okay. Gusto ko na ngang lumabas pero ayaw pa ako payagan ng doktor.” sagot ko.

“Mas mabuti nang dito ka muna para mas gumaling ka pa. Don’t worry, ako na ang bahala sa lahat ng gastos dito.” nakangiti niyang sabi.

Tumango lang ako saka ko ibinaba ang paningingin ko. Pa-demure effect muna tayo sa ngayon.

“Salamat at hindi mo iniwan ni Shayne.” tumingin akong muli sa kanya at saka ko siya nginitian.

“Wala ‘yun. Kamusta na nga pala siya?”tanong ko dito.

“She’s fine. It’s a good thing na kasama ka niya that time. Kung hindi, baka hanggang ngayon hawak pa rin siya ng mga kidnappers.” bumuntong hininga siya sabay tingin sa akin. “She is our princess, obviously, and I really think she’s lucky to have you there. Hindi siya kasing tapang mo na iisiping tumakas pag nabigyan ng pagkakataon.”

Sa mga salita niya pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko. Nakita ko kung gaano kamahal ni Marcus si Shayne. Naalala ko tuloy ang kuya Ramil. Ganito din siya sa akin noon. Inaalagaan ako at pinagtatanggol sa mga batang umaaway sa akin.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Marcus ang kamay ko. Gusto ko sanang bawiin ito pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko.

"Thank you so much, Blanca.” he said while looking at me straight in the eyes.

I froze.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status