Share

Chapter 12

Blanca

Naghuhumiyaw na karangyaan. ‘Yan ang masasabi ko sa lugar na dinatnan namin ngayong gabi. Hindi maipagkakaila ang yaman na tinatamasa ng mga Thompson na kahit siguro ang ikatlo o ikaapat na henerasyon sa pamilya ay hindi magugutom.

Alas-otso na ng gabi ng makarating kami dito dahil gusto ko ay grand entrance ang mangyari sa pagdating ko. I made sure na mapapansin agad ako ng mga tao sa oras na itapak ko ang mga paa ko sa loob.

This time pinili ko ang kulay pulang gown para isuot sa okasyong ito. Hindi pa naman patay ang taong may utang sa akin kaya hindi akma ang itim para dito. 

Tube ang upper part ng gown na may mga kumikinang na bato sa gilid forming an intricate design. Naka-expose ang balikat ko na makinis naman kaya hindi nakakahiyang i-flaunt pwera sa sugat ko nung nakaraang madaplisan ako ng bala na kinaya namang takpan ng concealer.  Mahaba ito hanggang sakong kaya I chose to wear a three inch black sandals. May slit sa gilid showing half of my long and curvy legs.

I tied my hair into a high ponytail para lalong ma-emphasize ang leeg ko. I only wore light make-up since hindi ako fan ng heavy make-ups at alam ko na hindi ko na kailangan ng ganon.

Kanina pa tumatawag si Marcus to check kung papunta na kami. Tatlo lang kaming dadalo dahil si Ava ay naka stand by lang sa isang sasakyan na naka-park sa di kalayuan para maging guide namin. 

“Bisita po kami ni Marcus Ace Thompson.” sagot ko sa guard ng tanungin kami sa gate ng mansion. “Blanca dela Riva” 

Iniradyo niya iyon at hindi nagtagal ay pinapasok na kami. Sumakay pa kami sa isang electronic car dahil malayo din ang pagitan ng gate sa mismong entrada ng mansion.

Sa malawak na garden ng mansion kami itinuro ng taong naghatid sa amin kaya doon na kami dumeretso. Maririnig mo na agad ang malamyos na tunog ng mga violin na nagsilbing background music ng okasyon.

Marami na ding tao na nasa mga tables na nasa gitna ng hardin. Nagkalat nadin ang mga waiters sa paligid at ang ilang bisita ay nakatayo naman sa iba’t-ibang panig ng garden. As expected, lahat ng madaanan namin ay nakasunod ang tingin sa aming tatlo.

Tila nag-slow motion ang lahat ng matanaw ko si Marcus. Napalingon ito sa akin habang nakatayo ako sa gitna. He smiled and I saw the excitement in his eyes upon seeing me. After our last conversation ay hindi muna kami nagkita dahil busy siya sa pag-aasikaso ng birthday ng daddy niya.

“Finally!” tila nakahingang maluwag na sabi niya sabay inabot niya ang mga kamay ko and kissed my cheeks.

“Sorry, late na ba kami?” kumapit ako sa braso niya.

“Hindi naman, it’s still early.” sabi niya habang naglalakad kami papunta sa isang bakanteng mesa. “You look gorgeous! “

“Kumalma ka Ace, ako lang to.” biro ko sa kanya pero napahinto ito kaya nagtaka ako.

“You called me Ace.” sabi niya habang nakatingin sa akin.

“Yeah? Why? May problema ba?” he just shook his head saka napangiti ng matamis

“I just love it! No one calls me by my second name.” paliwanag niya habang patuloy kaming naglakad. 

Humila siya ng upuan at pinaupo ako doon. Ganon din ang ginawa niya sa dalawang kasama ko. Gentleman talaga siya.

“Where’s Ava?” tanong niya. Ngayon lang siguro niya napansin na kulang kami dahil tutok ang atensyon niya sa akin buhat kanina pagdating ko.

“Masama ang pakiramdam niya kaya hindi na siya sumama.” Trish explained 

“That”s sad.” sagot naman ni Marcus at saka naupo sa tabi ko 

“Where’s your dad?” tanong ko sa kanya. Napasimangot na naman ito kaya medyo natawa ako. 

“We just want to greet him Ace.” nakataas ang kilay na sabi ko. “Birthday niya ngayon di’ba? So it’s just proper.”

I saw him smile at medyo nag twinkle pa nga ang mga mata niya.

“Mamaya mo na siya batiin. Bakit nga pala ‘yan ang tawag mo sa akin?”

tanong niya na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

“Your girls call you Marcus, maiba lang.” I pouted as I looked into his eyes.

He then nodded and leaned closer to me. 

“You always stand out, Blanca. And I love it when you call me that.” then he winked at me.

Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa ginawa ni Marcus. Marunong din talagang mang-akit ang isang ito.

“You want to eat?” tanong niya pati nadin sa dalawang kasama ko. Tumango nalang kami at saka tumayo papunta sa buffet table.

Nakasalubong namin si Shayne na agad namang bumati sa amin. 

“Akala ko talaga hindi na kayo darating!” sabi ni Shayne habang isa-isa kaming niyayakap.

“Of course not. Nakakahiya naman kay tito.” sagot ni Trish na umangkla na ang kamay kay Shayne ganun din si KC.

“Yeah it’s sad nga kasi nandito si Mark. Hinahanap si Ava kaso may sakit pala siya.” she blurted

“Who is Mark?” nagtataka namang tanong ko kay Shayne. Ginalaw ko ang hikaw ko para ma-activate ang earpiece ko at para marinig iyon ni Ava.

“He is my co-model and nakilala niya si Ava sa bar last time.” kwento pa nito “He likes her so much!” 

“Yuck!” sagot ni Ava. “Utang na loob Blanca hindi ako pumapatol sa mama’s boy!” 

Napangisi ang dalawang kasama ko kaya alam kong narinig din nila ang sinabi ni Ava. Tatanungin ko mamaya si Ava tungkol dito dahil wala siyang nabanggit about that guy.

We helped ourselves at the buffet table. Masasarap syempre ang pagkain na nakahain pero wala naman dun ang focus ko kundi sa gagawin ni Trish na pagpasok sa loob.

Habang kumakain kami ay nagpaalam muna saglit si Marcus. Hinayaan ko lang dahil nasa radar ko pa naman siya. Pilit kong iginala ang paningin ko at si Simon naman ang hinanap ko.

I found him sitting sa isang side ng garden. May mga kausap din ito. He still looks good kahit na may edad na. Hindi nga lang niya kamukha si Marcus, di gaya ni Shayne na mas nakakahawig ang matanda. He was laughing while chatting with some guys his age kaya naningkit ang mga mata ko. 

‘darating ang araw na hindi ka na makakatawa dahil ibabaon kita sa lupa!’

Naputol nalang ang pag-iisip ko ng tumabi muli sa akin si Marcus. Kumuha din pala siya ng pagkain at sumabay sa aming tatlo.

“Hindi ka pa ba kumakain?” tanong ko dito.

“Of course, hinihintay kita. Gusto ko sabay tayong kumain.” he casually answered. Quatang qouta na siya sa ka-sweetan for tonight.

After we eat pilit kaming inaaya ni Shayne sa kabilang table kung saan nandoon ang mga kaibigan niyang modelo. Ipapakilala daw niya kami sa mga boys kaya agad namang nag-alburuto si Marcus.

“No!” sabi niya na ipinatong pa ang kamay sa sandalan ng upuan ko.

“Kuya ipapakilala ko lang sila okay? What’s wrong with you ba?!” maktol naman nitong isa kaya naman napailing ako

“Cge na, sila na lang ang isama mo Shayne. Dito nalang ako.” tanggi ko dahil kung sasama ako panigurado lukot nanaman ang mukha ng katabi ko

“Why?! Wait!” malakas na sabi ni Shayne na tinutop pa ang bibig. “Don’t tell me..” aniya na pinalipat-lipat ang tingin sa amin ni Marcus.

Naramdaman ko nalang ang paglapit ng upuan ni Marcus sa akin. He leaned over and whispered in my ears. Actually hindi na iyon bulong dahil dinig din naman ng tatlong babae sa harap namin.

“Do you want to join them, hmm?” tila ako nakuryente sa sinabi niyang iyon. I cleared my throat.

“N-no.” I answered and shook my head.

“Good!”  nakangising sabi ni Marcus sabay baling sa kapatid niyang abot hanggang tenga ang ngiti. 

“Enough of your cheesiness. Wala ng masyadong tao sa loob ng mansion.  Pwede ka ng sumimple Trish habang abala ang lahat. “signal ni Ava kaya napaupo ako ng tuwid. 

“Libangin niyo ang mga kasama niyo, Blanca, KC. Na-manage ko na ang mga CCTV kaya malaya na kayong makakagalaw.” dagdag pa ni Ava

Naramdaman ko ang paghawak ni Marcus sa mga kamay ko. Itinaas pa niya ito sa ere at tinitigan.

“Your hands fit perfectly with mine.” I blushed as my heart beats wild again. Hindi ko na nagawang bawiin ang mga kamay ko. Somehow I feel secure with his hands holding mine.

There is warmth. There is peace.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status