Share

Chapter 4

Blanca

Isang linggo na din ang lumipas buhat ng unang pagkikita namin ni Marcus sa club kaya naman inip na inip na ako para sa susunod naming hakbang. Hinayaan ko muna ang tatlo na muling bumalik sa club gaya ng plano namin at mukhang effective naman dahil panay daw ang hanap at tanong ni Marcus sa akin. Pilit pa daw niyang inaalam ang number ko pero siyempre hindi naman yun binigay ng tatlo.

“Ready na ang mga tao natin.” saad ni Ava kaya naman napangiti ako dahil sa wakas sisimulan na namin ang susunod na plano.

“Ready ka na ba, Blanca?” tanong ni Ava sakin habang patuloy sa pagtipa ng laptop niya.

“More than ready!” sagot ko sakanya sabay tanong

"Nakuha na ba nila?”

"Yup sis! Papunta na sila sa dito” sagot niya uli.

Nakaramdam ako ng excitement dahil tagumpay ang mga tauhan namin na dukutin ang bunsong kapatid ni Marcus na si Shayne Marie Thompson. Isa siyang sikat na modelo dito sa Pilipinas at nagsisimula na din siyang makilala sa ibang bansa.

Pinadukot siya ni Trish dahil kailangan namin ng mas maraming kapanalig para mas mapabilis ang pagtupad sa misyon ko. Mas madaming kakampi mas mabuti, sabi nga niya. Si Trish ang tumatayong lider ng Amor Quatro dahil sa aming apat siya ang pinakamatagal nang kasapi ng grupo. Pamangkin siya ni Mama Sandra at siya ang maaring magmana ng oragnisasyon sa oras na magretiro ito.

Tumayo na ako para simulan ang munti naming palabas at pumasok sa isang kuwarto kung saan dadalhin si Shayne. Nandito na kami sa isa sa mga safehouse ng grupo habang hinihintay ang pagdating ng aming panauhin.

“Sino ba kayo?! Pakawalan niyo ako!” may halong gigil na tili ng isang babae na natitiyak ko na ang bihag namin kaya naman pumwesto na ako sa gilid ng kama at nagkunwaring takot na takot.

“Hoy babae, tumahimik ka! Kanina pa sumasakit ang tenga ko sa’yo.” Angil naman ng isa sa mga tauhan namin.

Pagbukas ng pinto ay agad niyang tinulak papasok si Shayne na nagsimula ng umiyak.

Naupo ito sa kama na tila hindi napansin ang presensya ko.

“Huwag kang umiyak.” tila anghel na sabi ko kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko.

“Kinidnap ka din?” gulat na tanong niya kaya tumango ako sabay lapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya na nanginginig na sa takot kaya naman medyo nakunsensya ako pero wala ng atrasan ito. Isa pa anak siya ng taong nagpapatay sa magulang ko kaya dapat walang puwang ang awa.

“Dalawang araw na ako dito,” pinalungkot ko pa ang boses ko para mas kapani-paniwala.

“Natatakot ako baka saktan nila tayo. Ano ba kasi ang gagawin nila sa atin?” sabi niya saka uli siya umiyak ng umiyak.

“Hindi ko din alam kung ano gagawin nila sa atin pero lakasan mo ang loob mo. Makakaalis din tayo dito” pang-aalo ko sakanya.

Napangisi ako ng yumakap ito sa akin na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas ng loob.

‘Ganyan nga, magsimula na kayong matakot. Mas matindi pa dito ang ipaparanas ko sa inyo sa oras na mahanap ko ang tatay mo’ sigaw ng utak ko.

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at lumapit ang isa sa mga tauhan namin.

“Umayos kayong dalawa at manahimik kayo!” sigaw nito habang turo sa amin.

“Subukan niyong tumakas, papatayin ko kayo naiintindihan niyo?’

Naramdaman ko ang panginginig ni Shayne kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Napa-igtad pa siya ng halos magiba ang pinto ng isara ito ng tauhan namin.

“Huwag mo ‘kong iiwan.” pakiusap nito sakin kaya lalo ko siyang niyakap.

“Hindi kita iiwan” nakangiti kong bulong sa kanya.

Sa loob ng dalawang araw namin sa safehouse ay mas nakilala ko si Shayne. Hindi siya mahirap pakisamahan at nakikita ko naman na mabait siya. Hindi din siya maarte na gaya ng inaasahan mo sa mga anak mayamang babae at sikat na modelo pa. Hindi siya maselan dahil lahat ng pagkaing dinadala sa amin ay kinakain naman niya. Malinis naman ang mga iyon at inoorder pa nga ito ni Trish sa mga sikat na resto.

Kagabi, matapos kong paamuyin si Shayne ng pampahimbing ng tulog ay lumabas ako sa sala dahil nandoon ang tatlo.

“Maghanda ka na bukas, tatakas na kayo dito.” sabi ni Trish habang umiinom ng kape sa sala.

“Oh my God salamat naman!” sabi ko pagka-upo ko at tumabi kay KC na agad namang yumakap sa akin “ Bored na ako dito!”

“Kamusta naman yung alaga mo sa loob?” tanong ni KC.

“Ok naman. Mukhang nakuha ko na ang loob niya gaya ng plano natin.” sagot ko.

“Mas makukuha mo pa ang loob niya kapag nakaalis na kayo dito.” si Ava ‘yun na as usual nakaharap nanaman sa laptop niya.

“Anong balita sa mga Thompson?” tanong ko kay Trish.

“Nothing to worry about sis,” she assured me “wala silang nakitang kahit anong trace na magtuturo sa mga tauhan natin since na-hack lahat ni Ava ang mga CCTV sa lugar.”

“May mga tauhan tayo sa lahat ng presinto sa Maynila kaya siguradong makakakuha tayo ng information kung sakaling magkakaproblema.” dagdag pa ni Ava.

“That’s good!” sabi ko at bago ako humigop ng kape.

“Ano bang plano mo sa mga Thompson?” tanong pagdaka ni Trish. “Ang sabi ni Mama tulungan ka namin pero ikaw daw ang bahala sa pagpaparusa.”

Ibinaba ko ang tasa ng kape sa centertable at saka ako tumayo.

“Walang makakaligtas sa galit ko, alam niyo ‘yan. Isa- isa kong papatayin sa harap ni Simon Thompson ang mga anak niya. Gusto kong masaksihan niya kung paano malagutan ng hininga ang mga anak niya at saka ko siya isusunod! Sisiguraduhin ko na matitikman niya ang pinakamasakit na kamatayan!” napasinghap naman ang mga kasama ko na akala mo naman ay bago sa kanila ang pumatay ng tao.

“Walang kasalanan ang mga anak niya Blanca,” iling ni Trish “Alam mong labag sa batas ng organisasyon ‘yan. Hindi tayo mandadamay ng inosente.”

“Wala din kaming kasalanan sa kanila , Trish, pero anong ginawa niya? Nang dahil lang sa lupa na hindi niya makuha ay pinatay niya ang pamilya ko!” nanginginig sa galit na sagot ko.

“Nandun na ako at naiintindihan kita pero hindi mo dapat idamay ang mga anak niya. Isa pa baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo sigurado kung ang matandang Thompson nga ang utak sa lahat, hindi ba?” mahinahon na paliwanag ni Trish.

Tumayo naman si Ava at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“We understand your pain sis. Galing din kami diyan hindi ba? Pero sana wag kang magpadalos dalos. Aaralin natin ang lahat at aalamin ang totoo okay?”

Lumapt nadin si KC at niyakap ako.

“Nandito kami sa tabi mo sis, pero sa ngayon get a hold of your feelings. Huwag kang mag-alala, kapag napatunayan natin na si Simon Thompson nga ang utak sa lahat ng ito, susunod kami sa gusto mo. Pero sa ngayon, kumalma ka muna ha?”

Huminga ako ng malalim at saka ako tumango sa kanila. Sa ngayon susundin ko muna ang gusto nila pero hindi ako mangangako na hindi madadamay ang mga anak ni Simon. Kahit ikamatay ko, gagawin ko ang plano ko, kasama ko man silang tatlo o hindi.

Nagpaalam nadin sila pagtapos naming pag-usapan ang “pagtakas” na magaganap bukas ng gabi. Alam ko na ang gagawin ko kaya naman nakahanda na ako.

Pagpasok ko sa kuwarto ay tulog na tulog padin si Shayne. May munting awa akong naramdaman para sa kanya pero dapat isantabi ko iyon. Hindi ako pwedeng maawa sa kanila. Madamay na ang lahat ng madadamay pero tuloy ang plano ko.

Matitikman nila ang galit ni Blanca dela Riva.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status