Share

Chapter 6

Blanca

Dalawang araw pa akong nanatili sa ospital at kahit inip na inip na ako ay wala naman akong magawa dahil kailangan ko daw tapusin ang mga gamot ko.

Palagi namang dumadalaw si Shayne sa akin kaya ang tatlong bruha ay tuwang-tuwa dahil palagi silang kasahog sa mga pagkaing dinadala dito ng dalaga. Ang ending, busog sila araw-araw.

“Nakakatuwa kayo ano?” sabi ni Shayne habang inaayos ang prutas na dala niya sa lamesa. “Hindi talaga kayo nag-iiwanan.”

“Aba oo naman Shayne,” sagot ni KC habang nilalantakan ang dala ni Shayne na doughnut. “Alam mo kasi sabay-sabay kaming lumaki, kaya eto, hindi kami mapaghiwalay.”

“Oo nga eh. Nakakainggit lang. Puwede din ba akong maki-join sa inyo?” tanong ni Shayne kaya naman biglang napaubo si Trish habang umiinom ng kape. Naibuga niya pa ito kay Ava na as usual nasa laptop nanaman ang atensyon.

“Trish naman!” hiyaw nito sabay punas ng mukha niya na nabugahan ng kape.

“Ang dugyot lang talaga!” 

Nag peace sign lang si Trish dito saka nginisihan si Ava na hindi na maipinta ang mukha.

“Ang kulit nila no? Gusto ko talaga kayong maging kaibigan!” natatawang sabi ni Shayne.

“Wala namang problema doon. I’m sure na magkakasundo tayo.” sagot ko kaya napangiti si Shayne.

“That”s so sweet, Blanca. Thank you!”

Nakarinig kami ng mahinang katok sa pinto at ayun na nga, nandito ulit si Marcus. Dumiretso ang tingin niya sa akin at saka siya ngumiti.

“You’re here Kuya!” sabi ni Shayne saka niya nilapitan ang kapatid at hinalikan sa pisngi.

“May meeting ako sa malapit kaya naisipan ko ng dalawin si Blanca.” sagot nito na hindi binabawi ang tingin sa akin.

“First name basis na agad kayo ha?” tila nanunuksong sabi ni Shayne sa kapatid kaya nagbaba na ako ng paningin. Hindi ko na ata kayang salubungin ang titig ng binata.

Lumapit ito sa akin at inabot ang dala niyang bulaklak. Hindi ko napansin na may dala siya dahil sa mukha lang niya ako nakatingin kanina.

“Baka masanay ako.” biro ko dito habang inaamoy ang mga bulaklak.

“I wouldn’t mind giving you flowers everyday just to see you smile like that.” walang prenong sagot niya sa akin kaya pakiramdam ko namula ang pisngi ko.

Napatikhim si Ava kaya naman napatingin kami ni Marcus sa gawi nila.

“Ahm! Lalabas lang ako. Parang gusto kong kumain ng fishball.” tumayo na siya pagkasara ng laptop niya at sumunod naman ang dalawa.

“Sama kami!” sabay pang sabi ni Trish at KC

“Ay sasama din ako!” tila nakaramdam namang sang-ayon ni Shayne.

Napailing nalang ako sa kanila. Alam ko na ang gusto nilang mangyari. Ang magkasarilinan kami ni Marcus kaya wala akong magawa kundi panoorin ang apat na nagmamadaling lumabas ng kwarto.

“Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, makukulit talaga sila.” sabi ko kay Marcus

“It’s okay. Actually I like them. And Shayne likes them too. I’m sure palagi kayong kukulitin ng kapatid ko ‘pag di ‘yan busy.” he answered.

“It’s a good thing na hindi ka na nakasimangot sa akin, you remember? Sa club?” 

“Sorry. Hindi lang kasi ako friendly that time.” natatawang sabi ko.

He lifted his eyebrows then he smiled.

“So does that mean we are friends from now on?”

“Pwede naman.” simpleng tugon ko sa kanya. Nagkatinginan pa kami saka parehas kaming napangiti.

“Ang sungit mo kasi noon. I mean first time ko makakita ng babaeng napakaganda pero napakasungit.” he said while shaking his head.

“Baka may dalaw lang ako nung time na ‘yun” pagbibiro ko kaya kumunot ang noo niya.

“Dalaw?”

Natawa ako sa reaksyon niya. 

“I mean, “ pano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya ‘yun. “ Women thing?? Ahm…period?” 

Napa oh ito ng maintindihan ang ibig kong sabihin. Tumango tango lang ito sabay tawa.

“By the way nakausap ko na ang doktor mo kanina and he said na pwede ka ng lumabas bukas ng umaga.” sabi niya.

“Talaga?!” tuwang tuwa naman ako. Gusto ko na talaga makalabas dito kaya magandang balita ito para sa akin.

“You seem happy?” he asked kaya napatango agad ako.

“Bored na ako dito.” ‘yun nalang ang isinagot ko sa kanya then he smiled, sweetly.

Marami pa kaming napag kwentuhan tungkol sa naging karanasan namin ni Shayne nung mga nakaraang araw. Nangako siya na gagawin ang lahat para mahuli ang mga kidnappers. Tumango nalang ako pero sa isip ko goodluck sa kanya kung may mahuhuli siya.

Ilang saglit pa ay bumalik na ang apat. Nagpaalam na si Shayne at sumabay na rin sa kuya niya paalis ng hospital. Nag-offer pa si Marcus na susunduin ako bukas paglabas ko pero tinanggihan ko na ito. 

“Okay, I won't insist, but you have to promise me that we will see each other again.” pagsuko niya sa akin dahil ayaw kong pumayag sa gusto niya. Tumango nalang ako para matapos na tutal yun naman talaga ang goal ko. Ang mapalapit sa kanya.

Pag-alis ng magkapatid ay saka lang ako nakaramdam ng ginhawa. Feeling ko kasi ang sikip ng kwarto ‘pag kaming dalawa lang ni Marcus ang nandito. I can still smell his perfume na lalong nakakadagdag sa kakisigan niya. Napailing ako. Hindi ko dapat naiisip ito.

“Uy, may natutulala!” pang-aasar ni KC pero sinamaan ko siya agad ng tingin.

“Hinay-hinay lang sis ha. Pero alam mo hindi naman masama kung enjoyin mo muna si lover boy.” birada naman ni Trish.

“Tama naman siya sis. Walang tapon sa mamang ‘yun. “  singit naman ni Ava “Hindi ka na talo!” at saka siya tumawa ng nakakaloko.

Napabuntong hininga nalang ako at nahilot ang aking sentido. Hindi si Marcus ang magiging hadlang sa mga plano ko. Gagamitin ko lang siya para matunton ang ama niya. ‘Yun ang kailangan kong gawin at walang makakapigil sa akin.

Mabilis lang akong nakalabas ng ospital kinabukasan dahil bayad na ang lahat ng bills ko. Siyempre pa si Marcus ang nagbayad ng lahat gaya ng sinabi niya noon.

Pagdating namin sa condo ay iniwan muna ako ng tatlo at may lalakarin daw sila. Naligo muna ako para maginhawaan ang pakiramdam ko dahil hindi naman ako nakakaligo ng maayos sa ospital.

Paglabas ko ng kwarto ay nagring ang phone ko. Hindi naka register ang number kaya nagdalawang isip ako kung sasagutin ko o hindi. Tumigil ito sa pag ring pero agad na may pumasok na message.

“It’s me, Marcus.” 

Kumalabog bigla ang dibdib ko pagkabasa ko sa pangalan niya. Ninenerbyos ba ako? Shit!! Kailan pa ko naging ganito. Napapitlag pa ako ng mag ring ulit iyon.

“Hello?” 

“Hey! Nakauwi ka na ba? How are you feeling?”  malambing na tanong ni Marcus.

“Yeah! N-nasa bahay na ako! Thanks for asking.”  did I just stammer? Like what the hell?

“That’s good to hear. I hope you recover soon. May utang ka pa na date sa akin.” sagot niya.

“Date?” pagmamaang maangan ko para matakpan ang kaba na nararamdman ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.

“Tsk! Basta, matutuloy ‘yon.” he said with finality

“Talaga lang ha!” pagbibiro ko. 

“Try me baby. “ then he sexily chuckled

“Teka nga! Why do you have my number?” tanong ko dahil hindi ko naman natandaan na binigay ko ‘yun sa kanya.

“I have my ways.” he simply answered 

“ I’m a very persistent person Blanca. I get to know what I need to know and I always get what I want.”

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Aminado naman pala siya na ganun nga ang ugali niya.

“Fine, whatever! May gagawin pa ako. Ibababa ko na!” paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na binaba ang tawag. My heart is beating fast at ayokong mahalata niya ‘yon.

‘Baby? Tama ba ang dinig ko?’

I shook my head. Dapat matuwa ako dahil umaayon ang lahat sa plano pero bakit ganito? Kinikilig ba ako? Kinakabahan?

‘No! No! Hindi pwede! Blanca dela Riva umayos ka! Masisira ang lahat kapag hindi mo inayos ang sarili mo!’ sigaw ng utak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status