Share

Chapter 9

Blanca

“Cheers!!!” sigaw ni Shayne sabay taas ng shot glass niyang may tequilla. Sumunod naman kami at saka sabay-sabay na tinungga ang laman nun.

“Wooohh!!” napahiyaw pa si KC sabay tawa habang sinasalinan ng alak ang mga baso namin

Nanatili lang akong tahimik pero sumasabay naman ako sa inuman ng apat. I don’t know, I’m not just in the right mood to enjoy the night. And to hell with it hindi ko alam kung bakit? Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Para sa matandang Thompson at pati na din kay Marcus.

Tinungga ko ulit ang alak at hindi ko na hinintay ang mga kasama ko. Agad akong nagsalin ng panibago sabay tungga ulit. 

“Hey, dahan-dahan lang!” paalala ni Ava sa akin pero agad kong itinaas ang kamay ko para patigilin siya. Wala akong planong makinig ngayon. Gusto ko lang uminom ng tahimik.

Tumungga ulit ako ng isa pa habang inaalala ang mukha ni Simon Thompson. I am already murdering him in my mind dahil naalala ko ang sinapit ng pamilya ko nung gabing iyon. I closed my eyes, naalala ko kung paano binaril ang nanay at si kuya sa harap namin ni tatay. I was shot too at wala na akong lakas tignan pa kung ano ang ginawa nila sa tatay ko.

I fought for my life! Alam kong patay na sila dahil hindi na sila sumasagot sa tawag ko. I crept out of the house lalo ng maamoy ko ang gasolina. The fire started to spread fast at nang makalabas na ako ay tuluyang tinupok ng apoy ang aming bahay. 

Hindi ko alam kung paano ako nakalayo sa bahay. Maybe it’s because of the adrenaline in my body and the will to survive that made me escape death. 

Nagising nalang ako sa isang bahay. I can still feel the pain but seeing how beautiful the room is, I knew that I was safe. Dumating si Mama Sandra sa buhay ko. She took care of me hanggang gumaling ako. Siya ang nagmulat sa akin sa reyalidad na malupit ang mundo. At ang mga taong walang ginagawang mabuti sa kapwa ay dapat mawala.

Sunod-sunod lang ang tungga ko ng alak. Malakas naman ang alcohol tolerance ko kaya I’m sure hindi ako malalasing. It was only then that I realized na wala na pala akong kasama sa mesa. Nakita ko ang apat na nasa dancefloor at wala naman akong balak sumunod doon kaya nag-inom nalang ako.

“Stop it now!” nagulat ako ng may umagaw ng baso ko at binagsak iyon sa mesa.

Naningkit ang mata ko. It was Marcus. Ano naman ang ginagawa dito ng bugok na ito? Sinamaan ko lang siya ng tingin at akmang kukunin ang baso ko pero pinigilan niya ang kamay ko.

“No! You had enough, Blanca!” galit na ito kaya iwinaksi ko ang mga kamay ko.

“Ano bang pakialam mo ha?! Pwede ba umalis ka na at wag mo akong guluhin!” angil ko sakanya pero hindi naman nagpatinag ang lalake. Hinila pa ako patayo.

“We’re going home!” matigas na sabi nito.

“No! Ayokong umuwi! Hindi ako sasama sa’yo!” sigaw ko pero dahil nakainom na ako ay hindi ako ganun kalakas para lumaban.

Kinuha niya ang phone ko at ang bag na nasa tabi ko saka ako hinila palayo sa mesa. 

“Ano bang ginagawa mo? Bakit ka ba nakikialam?” Pwede ba dun ka nalang sa babae mo! Siya ang kulitin mo! Hoy naririnig mo ba ako?!” nanatili lamang tahimik si Marcus habang hinihila ang kamay ko.

Sa isang side ng bar kami lumabas at hindi sa entrance/exit ng lugar. Agad niyang pinatunog ang sasakyan at saka ako pilit pinapasok sa loob. Ayaw ko pa sana pero malakas niyang pinalo ang pang-upo ko!

“Ano ba!” inis kong sigaw dahil nagmumukha naman akong bata sa ginawa niya.

“Papasok ka o papaluin ulit kita?” pananakot pa niya kaya inikutan ko siya ng mata.

Wala na akong nagawa ng paandarin na niya ang kotse palayo sa bar.

“Nandun pa ang mga kasama ko, ibalik mo nga ako doon! Hahanapin nila ako!” wala na akong pakialam kung para akong manok na putak ng putak, basta ang alam ko galit ako sa kanya

‘selos ka lang eh’ sabi ng pakialamerang inner self ko. 

“Not a chance! Hindi kita ibabalik dun at hayaan ka to get wasted!” galit din na sabi ni Marcus “ And besides alam ng mga kaibigan mo na ako ang kasama mo!”

“What?! You’re crazy! Argh!” sumusukong sabi ko kaya napasandal nalang ako sa upuan.

“I am, Blanca! I am really starting to get crazy!”  sabi pa niya kaya nilingon ko siya. Deretso lang naman ang mata niya sa daan kaya nanahimik nalang ako.

Sa penthouse ng isa sa mga hotel nila kami nagpunta. Pagod nadin naman akong manlaban kaya sumunod nalang ako sa kanya. Naupo ako agad sa sofa ng makapasok kami sa loob. 

“What’s gotten into you huh?!” panenermon nito sa akin habang palakad lakad sa harap ko at nakapamewang. May balak ba siyang maging tatay ko? Aba’y wagas kung magalit ah!

“I want to sleep!” diko pinansin ang pag-iinarte niya saka ako nahiga sa sofa. Mahaba naman iyon kaya pakiramdam ko kasya naman ako.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya pinikit ko nalang ang mata ko. Muntik akong mapatili ng maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. Dinala niya ako sa isang silid at maingat na iniupo sa kama.

“ Magpalit ka muna ng damit.” sabi niya saka siya umalis at pumasok sa walk-in closet. 

‘So dito pala siya nakatira’ 

Paglabas niya ay inabot niya ang isang t-shirt at isang bagay na nakabalot sa plastic. Sinuri ko ito at napanganga ng mabasa kung ano ang nakasulat.

‘Disposalble Panty?’ Tinaasan ko siya ng kilay! Bakit naman may ganito siya sa unit niya? Napailing nalang ako. Babaerong unggoy talaga!

“That is Shayne’s. May gamit siya dito just in case gusto niyang dito matulog. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano” he smirked so I rolled my eyes again.

Itinuro niya ang banyo kaya tumayo ako at padabog na naglakad papunta doon.

“You need help?” he asked pero hindi ko siya pinansin.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo. Dumeretso na ako sa kama. Wala naman si Marcus sa paligid at wala naman akong balak hanapin siya. Bumigat nadin ang talukap ng mata ko so I drifted myself to sleep.

“Hey Blanca! Hey! Hey! Wake up!” 

Napabalikwas ako ng bangon upon hearing those words. Hinahabol ko nanaman ang hininga ko. 

“Are you ok? F**k you’re shaking!” nag-aalalang aniya

“I’ll get you water” aniya sabay tayo at kumuha ng tubig sa mini ref

Halos maubos ko iyon with my hands trembling kaya inalalayan pa ako ni Marcus sa pag-inom. 

“Thank you!” mahinang sabi ko and I mean it. Nakita ko naman kasi na nag-aalala talaga siya.

“Ano bang napanaginipan mo?” he asked pero umiling lang ako.

“I can’t remember.”pagsisinungaling ko, then I heard him sigh

“Mahiga ka na uli.” sabi niya na sinunod ko naman. Inayos pa niya ang kumot ko and when he was about to leave, pinigil ko ang kamay niya. 

“Please stay?” I almost cracked my voice. I don’t know. Hindi naman ako duwag at mahina ang loob dati pero sa harapan niya parang gusto kong sumubok. 

Paano ba ang pakiramdam na may nag-aalala sa’yo? Kasi after that dreadful night I learned to be tough. Kailangan kong maging matigas. Dahil hindi pwede sa grupo ang damdamin. I learned how to control my emotions. Kahit ngayon lang, pwede ba akong maging mahina? Pwede ba akong matakot? 

He sighed. Then he nodded. Nakita kong umikot siya sa kabilang side ng kama at nahiga facing the ceiling. I followed pero tumalikod ako sa kanya.

“Thank you!” I whispered.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status