Share

Chapter 7

Blanca

After a week of medication  ay magaling na ang sugat ko sa balikat. Nakapag pahinga ako ng maayos dahill wala madalas ang tatlong kaibigan ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan. Si Shayne naman ay tumatawag paminsan minsan dahil sa busy na din ito sa trabaho.

Ngayong gabi nga ay paalis ako dahil pinagbigyan ko ang pangungulit ni Marcus na lumabas kami at mag-date. 

I just wore a simple black  mini dress na tinernuhan ko ng pulang stilletos. Sleeveless ito at sakto lang ang v- cut nito sa dibdib dahil ayaw ko naman na masyadong revealing ang isusuot ko sa gabing ito. Eversince the tragedy ay nahilig na ako sa kulay itim. Maybe because I have a dark past  at ito din marahil ang dahilan kung bakit Blanca ang tinawag sa akin ni Mama Sandra.

Lahat kami sa organisasyon ay gumagamit ng fake identities. Ang dahilan? Para kung sakaling magsimula kami ng bagong buhay ay walang anumang bahid na makikita sa tunay naming katauhan.

By birth, ako si Ria Celestine Alonzo, pero matagal ng nakalimutan ang pangalan na iyon. Still missing as per records dahil nakaligtas siya sa sunog na pumatay sa magulang at sa nag-iisang kapatid niya 12 years ago. Walang makapagsabi kung buhay pa o patay na. 

Tunog ng intercom ang gumising sa aking diwa na nagbabalik-tanaw sa sinapit ng pamilya ko. Agad ko iyong pinindot nang makitang galing iyon sa reception ng condo na tinutuluyan ko.

“Hello Ms.dela Riva, Mr. Marcus Ace Thompson is here to see you.” Anang tinig sa kabilang linya.

“I’ll meet him downstairs, thank you!” sagot ko naman dito

Huminga muna ako ng malalim at saka ko dinampot ang pulang clutch bag ko.

‘Simula na ng laban, Blanca. ‘ bulong ko sa sarili at saka ako naglakad palabas ng unit.

Pagbukas ng elevator ay ang nakangjting mukha ni Marcus ang sumalubong sa akin.

He was wearing his three piece suit na kulay dark blue kaya naman lalo siyang gumwapo sa paningin ko. I can smell his familiar scent kahit pa medyo malayo pa ang distansya namin and I can tell that it is really addicting.

“Good evening Blanca.” bati nito sa akin kaya tumango lang ako. “ Shall we?” anito  at inilahad ang braso niya. 

“Okay.” tipid na sagot ko at saka ako humawak sa braso niya.

Paglabas namin ng condo ay naghihintay na ang sasakyan niya sa tapat. Inihatid niya ako sa passenger seat at dumukwang para ayusin ang seatbelt ko kaya lalo akong kinapos ng hininga. 

“Thank you!” sabi ko pa dito bago niya isinara ang pinto at umikot papuntang driver seat.

Pagkabuhay niya ng makina ng sasakyan ay agad niya itong pinaandar. Hindi ko naman alam kung ano ang plano niya sa gabing ito kaya minabuti ko nalang na huwag ng magtanong.

“Thank you pala sa pagpayag mo.” sabi niya habang deretso ang tingin sa tinatahak naming kalsada.

“Well ayoko kasi na nagkaka-utang.” biro ko dito kaya naman napangiti siya.

“ Nasaan nga pala ung tatlong kaibigan mo? Nasa condo ba sila?” tanong nito na bahagya pang lumingon sa akin.

“Wala sila dito dahil may inaasikaso sila.” sagot ko naman kaya tumango lang siya.

“And how about your wound? Okay na ba?” tanong muli niya.

“Yup. It’s already healing. Hindi na siya ganun kasakit.” I answered habang nakatingin lang din ako sa daan.

“That’s great. I mean, hanggang ngayon I couldn’t thank you enough for what you did for my sister.” seryosong sabi niya.

“Wala naman yun. Kahit naman sino I think ganun din ang gagawin. I’m just lucky na hindi ako napuruhan.” 

Tumango lang siya pagkatapos ay itinuloy na ang pagmamaneho.

Sa isang fine dining  Italian restaurant kami napadpad at syempre pa todo alalay naman sa akin ang binata, mula pagbaba ng sasakyan hanggang paglalakad. Kung di ko lang alam ang likaw ng bituka nito iisipin kong gentleman talaga siya.

‘Sus, aminin mo na, naaapektuhan ka. Amoy pa nga lang niya kinikilig ka na eh’ nag-aaway na kami ng inner self ko sa mga pinagsasasabi niya kaya nagulat  ako ng magsalita ang waiter na nasa pinto.

“Good evening sir, ma’am, any reservation po?” 

“Table for two under Mr. Thompson.” sagot nito. Nagulat pa ako ng umakbay siya sa akin at ng mag-angat ako ng ulo ay nakita kong nakasimangot ito sa waiter.

“Ah yes sir, this way please!” sabi ng waiter at saka nagpatiuna na para ihatid kami sa table.

“Asshole!” bulong ni Marcus kaya nakakunot ang noo na binalingan ko siya ng tingin.

“Are you okay?” tanong ko 

“I’m sorry, ayaw ko lang na tinititigan ka ng ganun.” sagot nito at saka ako iginiya para sumunod sa waiter.

‘Ano daw? Uy possessive!’ ayan nanaman ang bulong kaya napa roll eyes nalang ako.

Agad kaming inasikaso ng waiter pagka upo namin ni Marcus. We ordered our food and waited hanggang mai-serve iyon. Pinag-aaralan ko naman ang kaharap ko pero mukhang okay na siya at hindi na lukot ang mukha. Napatingin pa ito sa akin at nagtaka.

“What?” tanong niya kaya napatawa nalang ako ng mahina. 

“Hindi na kasi lukot ‘yang mukha mo, di gaya kanina.” asar ko sa kanya.

“Kumain na lang tayo.” iling niya na iniiwasan ata ang topic. 

Masarap ang pagkain and I must say na nagustuhan ko ang mga iyon. We are drinking our wine when he cleared his throat.

“Ahm, Blanca, may gusto sana akong sabihin sa’yo.” pinigil ko pang matawa dahil ang tingin ko sa kanya ngayon ay isang high school student na namumula sa harap ng crush niya.

“Ano yun?” 

“I know hindi maganda yung first meeting natin and the second one, well it’s not that pleasant also since ganun ang nangyari sa inyo ng kapatid ko, but I would still want to push my luck and ask you if,” huminga pa siya ng malalim “ I would like to ask  if you’re with somebody?” 

“You mean, boyfriend?” derechong tanong ko at tumango lang siya sabay lagok ng wine niya na kala mo nahihiya. Why do I find it cute, though.

“Well, wala akong boyfriend. Never pa akong nagkaron.” which is true dahil hindi talaga ako nagkaroon ng pagkakataon dahil mas pinili kong tutukan ang training at mga misyon ko.

“You’ve got to be kidding me!” hindi makapaniwalang iling niya.

“I’m serious.” kibit balikat kong tugon habang umiinom padin ng wine.

“Wow!” I mean sa ganda mong yan? Really?”

“ Ganun talaga. Eh ikaw, ilan na ba nagiging girlfriends mo?” balik ko sa kanya kaya natahimik naman siya.

Alam ko naman kasi na hindi siya nakikipagrelasyon pero inabangan ko pa rin ang isasagot niya sa tanong ko.

“Let’s just say na I distanced myself from commitments after a failed relationship before. Since then ayaw ko ng magmahal. I do flings and stuff like that but I never wanted to enter into a serious one again.” mahabang kwento niya habang nakatingin sa wine glass at iniikot ikot ‘yon.

“Not until I met you..” 

Sinalubong niya ang mga mata ko. I don’t know but I can see sincerity and longing in those beautiful eyes. Napalunok ako at nagbaba ng tingin while my heart is slamming my chest real hard. 

Hindi ko alam kung ganito ba ang ginagamit niyang teknik para makuha ang babaeng natitipuhan niya. With those flowery words I’m sure that every woman she meet will melt in front of him.

“I really want to know you better, Blanca. I just hope you give me a chance.”

Shall I rejoice now? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status