Share

Chapter 2

Blanca

Panay ang tawa ng tatlong kasama ko habang umiinom kami. Nakita daw kasi nila ang reaksyon ni Marcus nang lagpasan ko ito kanina at hindi pansinin. Pati daw ang mga kasama nito sa lamesa ay nagtawanan sa nasaksihan.

“First time sigurong maranasan ni lover boy ang deadmahin kaya ayun, parang lumipad sandali ang kaluluwa niya at natulala!” natatawang kwento ni KC

“I told you, effective ang plano ko diba?” proud na sabi ni Trina. “Babaerong tao ‘yan. Lahat ng gusto nakukuha niya. Walang sineseryoso at ang babae, basahan lang sa kanya. Kapag may babaeng hindi yan pinansin, asahan mo magwawala ang ego niyan!”

“So tuloy na tuloy na ba tayo sa plan A?” tanong ni Ava kaya tumango ako.

“We will go as planned. Paibigin at paikutin si Marcus para makakuha ako ng impormasyon kung nasaan ang hayop niyang ama!” tumungga ako ng alak at ninamnam ang pagguhit nito sa lalamunan ko.

Nang mag-angat ako ng ulo ay nagtama ang paningin namin ni Marcus. Ngumiti siya pero tinaasan ko lamang siya ng kilay sabay hablot ulit ng baso at itinaas sa mga kaibigan ko.

“Cheers!!!” hiyaw namin lahat at saka sabay sabay na tinungga ang tequilla.

“Here he comes!” warning ni Ava kaya ko lang napansin na nakaupo na pala sa tabi ko si Marcus.

“Hi!” nakangiting bati nito sa akin pero sinimangutan ko lang siya.

“Excuse me?!” nakakunot ang noo na sabi ko sa kanya kaya naman nagulat siya.

“Huh?!”

“I said, excuse me!” Ulit ko at mas nilakasan ko na ang boses ko.

“I just want to introduce myself.” nakangiti pang sabi niya. Nakita ko din na naglapitan na ang dalawa pa niyang kasama sa table at pawang nakangiti sa amin.

“Am I asking for it?” sagot ko sa kanya na sinabayan ko ng tayo. “Girls, I wanna dance!” medyo nilandian ko pa ang boses ko.

“Go ahead girl!” sabi naman ni KC.

“Excuse me!” padarag kong sabi at saka ko nilagpasan ang mga lalakeng halos mapanganga na ata sa ginawa kong di pagpansin kay Marcus.

Pagdating ko sa dancefloor ay agad akong nakihalo sa mga taong nagsasayaw. Maharot at mabilis ang tugtog pero kayang kaya ko naman iyong sabayan. Itinaas ko pa ang kamay ko at sumabay sa saliw ng tugtog na parang walang pakialam sa mundo. Kinagat ko pa ang aking mga labi habang gumigiling dahil alam ko na nakatingin sa akin ang lalaking pakay ko.

Naramdaman ko nalang na may pumulupot na kamay sa bewang ko mula sa aking likod. Napangisi ako.

‘Kung sineswerte ka nga naman’ bulong ko.

Humarap ako sa may ari ng mga kamay na iyon. Matangkad siya at gwapo din naman. Sa palagay ko may lahi itong foreigner dahil nadin sa mestizo features niya.

Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya at pasimpleng sinilip si Marcus na hanggang ngayon ay hindi umaalis sa puwesto niya. Madilim ang mukha nito at mahigpit ang hawak sa railings habang nakatanaw sa akin.

“Galit na galit gustong manakit!” sabay tawa ni Ava sa earpiece ko pero hindi ako sumagot.

“You’re just in time baby boy!” malanding bulong ko sa kasayaw ko. “Bored na bored na ako!” habang patuloy akong gumigiling sa harapan niya.

“Do you want to get out of here?” sagot nito sa akin. Mukhang nadadala na ang guwapong unggoy sa pang-aakit ko.

“I’m sorry, may mga kasama kasi ako eh!” sagot ko at mas dinikit ko ang mukha sa pisngi niya. “Let’s just dance for now, shall we?” tanong ko at pinagbigyan naman niya ako.

Kahit malayo ay kitang kita mo ang madilim na mukha ni Marcus.Natawa ako sa isip ko. Sobrang natapakan ko ba ang ego niya kaya ganun siya? Napangiti ako ng makaisip ako ng kalokohan lalo pa at nagiging agresibo na ang kasayaw ko. Kung saan-saan na nakakarating ang kamay niya kaya naman kailangan kong magpigil at baka mapatulog ko ito ng wala sa oras.

“Do you think my boyfriend will get mad if I kiss you right now?” malandi kong tanong sa kanya habang kagat ang labi ko. Nasa batok pa rin niya ang mga kamay ko at patuloy lang kami sa pagsasayaw.

Natawa pa ako ng makita ko siyang namula at nag-igting ang mga panga.Well normal reaction naman na iyon ng mga marurupok na lalake. Sanay na sanay na ako dahil kung may itinuro man sa amin ang organisasyon, iyon ay maging mga babaeng kaakit-akit na hindi kayang tanggihan ng mga kalalakihan.

I myself have mastered the art of Seduction at ito ang ginagamit ko para kumagat ang mga lalaking target namin sa bitag. Sa ganitong paraan napapasunod namin sila at nakukuha ang anumang gustuhin namin, impormasyon man yan o mismong mga buhay nila.

“Do you really want to do that?” nakangisi niyang tanong.”Then why don’t you break up with him and be with me instead?”

“Really? Actually he is watching us right now” bulong ko sa tenga niya kaya naman agad siyang napalingon. Ni hindi mo kababakasan ng takot ang mga mata niya.

“I don’t really care. As long as you want to come with me, I can fight him till the end!” mayabang na sabi nito.

Gusto ko namang matawa pero nagpigil ako kahit pa naririning ko na ang tawanan ng tatlo sa earpiece ko.

“Oh there he is!” sabi ko sabay tingin sa gawi ni Marcus na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nagulat ako dahil lumuwag ang hawak ng lalaki sa bewang ko.

“Thompson? Is he your boyfriend?!” gulat na sabi nito.

“Yes baby! Why?!” kunwaring tanong ko pero tuluyan na siyang bumitaw sa akin at kulang na lang ay sipain ako palayo sa kanya.

“You’re crazy!” hiyaw nito saka ito lumayo sa akin.

“Hey! Baby wait!” habol ko sa kanya at feeling ko talaga matatawa na ako dahil halos magkandarapa siya sa paglayo.

“Gaga ka talaga!” boses iyon ni Trish sabay hagalpak ng tawa.

Napailing nalang ako at saka ako humakbang paalis ng dancefloor. Tapos naman na akong maglaro kaya babalik na ako sa lamesa.

Hindi padin nagbabago ng pwesto si Marcus at tila ba inaabangan pa ang pagbabalik ko. Inihanda ko na ulit ang poker at deadma face ko ng makarating ako sa taas at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

“That’s a very dangerous move, miss!’ sabi niya habang iniikot ang alak na nasa basong hawak niya. “You can get yourself in trouble.” dagdag pa niya kaya naman huminto ako sa harap niya at humalukipkip.

“Mukha ba akong takot? Tsk tsk tsk” sabi ko sabay iling dito. Napatingin pa ako sa mga kasama niya na hindi malaman kung paano pipigilan ang tawang gustong kumawala sa kanila.

“Worry about yourself!” sabi ko sabay agaw ng basong hawak niya at ininom sa harap niya. I even licked my lips while intently looking at him.

“Thank you!” bulong ko sakanya sabay balik ng baso sa mga kamay niya at ayun na nga, hindi na nakagalaw ang lalaki na kala mo natuklaw ng ahas. Well ahas naman talaga ako. Makamandag na ahas na lilingkis at papatay sa lahi nila!

Pagbalik ko sa puwesto namin ay sinenyasan ko na ang tatlo at sabay sabay na din silang tumayo. Sa ngayon ay patikim muna ang ibibigay ko kay Marcus Ace Thompson dahil sa susunod na pagkikita namin ay guguluhin ko ang mundo nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status