Share

The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS
The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS
Author: Lianna

Chapter 1

Blanca

Napabalikwas ako ng bangon matapos akong dalawin muli ng panaginip na iyon. Tagaktak ang pawis ko kahit pa malamig ang buga ng aircon dito sa aking silid. Habang hinahabol ko ang aking hininga ay napapikit ako ng mariin at kinuyom ang aking mga palad. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Sa tuwing dadalawin ako ng panaginip na iyon ay bumibigat ang pakiramdam ko at nawawala ako sa wisyo kaya kailangan kong mapakalma ang aking sarili dahil hindi ko gusto ang magiging epekto nito sa akin.

Napasulyap ako sa orasang nasa gilid ng aking kama. Alas-singko na ng madaling araw at kahit kapos pa ako sa tulog dahil sa kakatapos lang na misyon ko sa Singapore ay nagpasya na akong bumangon. Kailangan kong maligo para maibsan ang galit na unti-unting bumabalot sa pagakatao ko matapos ang panaginip na iyon.

Pagkatapos kong maligo ay dumeretso na ako sa ibaba. Naamoy ko na ang aroma ng kape na nakasalang sa kalan na siyang paborito naming lahat sa bahay. Sumilip ako sa kusina at nakita ko doon si Mama Sandra, ang taong pinagkakautangan ko ng loob. Ang taong nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan.

“You’re early.” Anito na tila naramdaman ang presensya ko sa kanyang likuran. Hanggang ngayon ay hindi ko parin malaman kung paano iyon nagagawa ng ina-inahan ko.

“Malamang nanaginip ka nanaman.” Sabi ni Manang Flor, ang kasambahay namin sa bahay. Siya ang nag-alaga sa akin at sa tatlo ko pang kasama na lumaki sa poder ni Mama.

“Sana’y natulog ka pa, ilang oras ka palang nakatulog buhat ng dumating ka?” dagdag pa nito.

“Hindi na din ako makakatulog, alam naman po ninyo ‘yan manang.”sagot ko habang kumukuha ako ng tasa para sa aking kape.

Nakaupo na ako at umiinom na ng kape ng may inilapag na isang clear folder si Mama sa mesa. Nagtaka ako dahil karaniwan kapag ganitong galing kami sa misyon ay hinahayaan muna niya kaming magpahinga bago isabak sa bagong lakad.

“Your next mission, Blanca.” Sabi nito sabay turo sa folder.

“Sandra?” May pagtutol naman sa tinig ni Manang Flor pero hindi naman nakinig si Mama.

“You’ve waited long enough for this, Blanca.” Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin. “Nandyan sa folder na ‘yan ang taong magiging tulay mo para makalapit ka sa taong matagal mo ng hinahanap.”

Agad kong binuksan ang folder dahil may ideya na ako kung ano ang ibig sabihin ni Mama Sandra. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at tuwa dahil sa wakas dumating na ang oras na pinakahihintay ko.

Bumungad sa akin ang larawan ng isang lalaki na sa tantya ko ay nasa mid 30’s. Clean cut ang itim na buhok nito. Bumagay ang makapal at pormadong kilay nito sa kanyang mga mata na tila ba malalim kung tumingin. Matangos ang ilong at mapula ang kanyang mga labi na tila hindi man lang ngumiti sa larawang ito.

“What the..?” binitin ko ang dapat sana’y sasabihin ko nang narealize ko na pinupuri ko na ata ang lalaking ito.

“Marcus Ace Thompson.” pagpukaw ni Mama sa nakalutang kong utak.

“Thompson?!” tanong ko at tumango lang si Mama sabay higop ng kape niya.

“As I’ve said, siya ang gagamitin mo para malaman mo kung nasaan ang ama niya. Masyadong mailap ang matandang Thompson at wala man lang makalapit sa kanya sa mga tao ko kaya hindi natin siya mahanap.” mahabang paliwanag ni Mama.

Nanatiling nakapagkit ang mga mata ko sa larawan. Hindi ko alam, pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mata ng lalaking ito para matagal ko siyang titigan.

“Napasundan ko na ‘yan sa tatlong kasamahan mo at may plano na sila kung paano kayo makakalapit sa kanya.” dagdag pa ni Mama

“Salamat Mama.” sagot ko sa kanya.

“Consider that as my parting gift iha.”anito na may ngiti sa mga labi. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

“Kung matapos mo man ang misyon o hindi, papalayain na kita. You can do whatever you want with your life.” she smiled kaya hindi ko mapigilang maluha.

Lahat kami na kabilang sa organisasyon ay gusto din maranasan na maging malaya at magawa ang aming gusto. May mga pangarap din kami na ninanais na matupad at magagawa lang namin iyon kapag pinakawalan na kami ng grupo.

“Blanca!!!!!” Kilala ko na kung kanino ang matinis na boses na iyon. “ We miss you sissy!” dagdag pa niya sabay yakap sa likuran ko.

“Ang ingay mo, KC!” natatawang sabi ni Mama sabay iling.

“Sorry na Mama, namiss ko lang po si Blanca.Tagal naming di nagkita.” sagot ni KC na hindi maalis ang yakap sa akin. Sa aming apat kami talaga ang close nito.

“O siya maupo na kayo at maghahain na ako para masimulan niyo na ang trabaho niyo.” utos ni Manang Flor sa mga bagong dating na kasamahan ko na KC, Ava, at Trish

Sa mga kasapi ng organisasyon, kilala kami bilang Amor Quatro. Kami ang pambato ni Mama Sandra sa mga misyon na dumaan sa ilang taong mahirap na pagsasanay. May kanya-kanya kaming abilidad at trabaho sa grupo. May kanya-kanya ding kwento ang buhay naming apat at iisa lang ang tumulong sa amin, si Mama Sandra.

Gabi na ng lisanin namin ang bahay ni Mama. Sa isang condo unit sa Makati kami tutuloy para mas maging malapit kami sa target dahil nandito sa Antipolo ang tinutuluyan naming bahay.

“Let the games begin!” ani Ava na kasalukuyang nagtitipa ngayon sa kanyang laptop. Sa aming apat siya ang bihasa sa usapang teknikal. Magaling siyang mang hack ng mga system kung kinakailangan at siya ang nagsisilbing mata namin sa bawat misyon.

“Tara na Blanca,” sabi naman ni KC na inaayos ang suot niyang damit sa harap ng salamin. “Na-track na ni Ava si lover boy!”

“Excited ka?” tanong ko dito matapos kong itali ang aking buhok into a high ponytail. Nakasuot ako ngayon ng black, leather, mini dress na litaw ang likod. Tinernuhan ko ito ng high boots na mas nakakadagdag sa kaseksihan ko.

Ngumisi lang si KC saka ako hinila palabas ng unit. Siya din ang nagdrive ng pulang Vios na pinagamit sa amin ni Mama. We also readied our earpiece na nkatago sa mga hikaw namin just in case kailanganin.

Maingay na ang club nang makapasok kami dito. Palibhasa Sabado ngayon kaya maraming tao ang gustong magsaya at mag enjoy sa ganitong lugar.

“Target spotted!” sabi ko habang nakatingala ako sa itaas na bahagi ng club. Nandito nga ngayong gabi si Marcus Ace Thompson! Nakahawak siya sa railing habang pinapanuod ang mga taong pumapasok sa club.

“Nanghu-hunting na ang loko!” komento ni Trish “Napaka babaero talaga!”

“For sure may isang babae nanaman ang luluha ng dahil sa kanya!” dagdag ni Ava.

“I think nakita na niya ako.” pasimpleng ani ko at saka ako lumakad na animo’y reyna sa gitna ng mga tao. I can see from my peripheral vision na ilang kalalakihan ang nakasunod ang tingin sa grupo namin. But I paid attention more on Marcus na hindi maalis ang tingin sa akin.

I smiled. Ito ang kamandag ng Amor Quatro. Walang sinoman sa lahi ni Adan ang makakatanggi sa amin. Babae ang kahinaan nila kaya yun ang ginagamit namin para matapos ang aming misyon.

Nakita ko ang bakanteng table sa tabi ng mesa nila Marcus kaya dun ako papunta. Nanatili naman siyang nakatayo na para bang hinihintay niya ang paglapit ko.

He smiled, isang tipikal na galaw ng babaerong hudyo, ngunit nilagpasan ko lamang siya na para bang hangin lang siya.

“Great girl!” nadinig kong sabi ni Ava sa earpiece ko.

“Nakuha mo na ang atensyon niya!” segunda naman ni Trish

Tumawag agad ng waiter si KC once we settled ourselves on the couch.This is sure to be one hell of a night.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status