Share

Chapter 42

Blanca

Pilit kong hinihila ang kamay ko na pigil pigil ng dalawang tauhan ni Alfonso. Nagliliyab na ako sa galit pero wala akong magawa dahil hindi ko sila kakayanin. Armado sila at isang maling kilos ko maaring buhay ko o ni Simon ang kapalit.

“Hayop ka Alfonso! Siguraduhin mo na mapapatay mo ako dahil kung hindi isusunod kita sa anak mong mamatay tao!” hiyaw ko pero ni hindi man lang nagbago ang reaksyon nito. Tumawa pa ito ng pagka lakas lakas kaya naisip ko na talagang nasisiraan na ito ng bait.

“Isa pa yung tangang iyon! Kahit kailan hindi maaasahan. Nakakita lang ng babae mukhang ipapahamak pa ako!” tila baliw na sabi ni Alfonso

“Siya ang inutusan mo para patayin ang pamilya ko! Pati anak mo dinadamay mo sa kawalanghiyaan mo!” patuloy kong sumbat sa kanya

“Anong ibig niyang sabihin, Fons?” natitiyak kong wala ding alam si Simon dito

“Gusto niyang mapalapit sa akin at patunayan ang sarili niya, pwes inutusan ko siyang patayin ang mag-anak ni Ernesto pagkapirma nito ng mga papel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status