Agad akong nagpanic nang marinig ang sinabi ni Chantal kaya naman kahit wala pa akong saplot ay mabilis akong bumangon sa hinihigaan kong kama at isa-isang pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at dali-daling tumakbo papunta sa banyo upang magtago. Nang maisara ko ang pinto ng banyo ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng kuwarto kaya’t muntikan na akong mapasinghap, mabuti na lamang at agad akong natakpan ang aking bibig. “Huh? Bakit wala?” Rinig kong tanong ni Chantal, marahil nang matapos silang pumasok sa loob.Kinagat ko ang aking ibabang labi at agad na napangiwi. Bakit naman kasi hindi ini-lock ni Preston ang pinto noong lumabas siya? Shit naman! “Chanty, ‘di naman pupunta rito ang Mama ko. ‘Di ba ‘di sila bati ng Daddy mo?” Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Naiimagine kong umiiling-iling siya habang sinasabi iyon kaya naman mas lalo akong kinabahan lalo pa’t baka malaman niyang nasa loob nga ako ng banyo.At kami? Hindi kami bati ni Si
Naging maayos ang mga sumunod na araw. Mas lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa ni Chantal at pakiramdam ko naman ay nagagawa ko nang maayos ang pagiging tagapag-alaga niya. Wala siyang reklamo at sumusunod na rin sa akin. Tulad ni Jarvis, ayaw na niya ring humiwalay sa akin—kahit yata sa pagkain at pagtulog, gusto niya ay kasabay kaming dalawa ni Jarvis. Minsan ay natutulog kami sa kuwarto ni Chantal at minsan naman ay si Chantal ang tumatabi sa amin ni Jarvis sa kuwarto namin. Halos araw-araw ay naging ganoon ang set-up namin. Ayaw akong hiwalayan ng dalawa. Masaya ako dahil mas lalo pa akong napalapit kina Chantal at Jarvis ngunit may isa namang hindi masaya. “Akala ko hindi ka na naman pupunta.”Mahina akong napatawa nang iyon ang bungad na sabi ni Preston nang pumasok ako sa silid niya. Nakasimangot siya at may hawak na papel sa kama. Mukhang kahit na pasado ala-una na ng madaling araw ay nagtatrabaho pa rin siya. “Bakit
“Yaya Lyana, where are you going po sa day off mo po?”Tumigil ako sa pag-kain nang marinig ang tanong sa akin ni Chantal. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid siyang nginitian. Magd-date kami ng Daddy mo.“Sa tabi-tabi lang,” tanging sagot ko dahil hindi ko namang puwedeng isagot na may date kami ng Daddy niya. Halos magtatatlong buwan na kaming magkarelasyon ni Preston at isinisingit ko na tuwing day off ko ay pumupunta kami sa labas nang kaming dalawa lang. Kahit na minsan, palagi lang kaming nasa kotse nya at nagroroadtrip at foodtrip dahil sa takot na baka may makakita sa aming dalawa. Sabi sa akin ni Preston noon, paborito niya ang araw ng Linggo dahil nasosolo niya ako sa araw na iyon nang walang kasamang mga bata kaya naman parehas naming nilolook forward ang araw ng Linggo. Kahit papaano rin kasi ay nakakapagpahinga ako kapag kasama siya dahil siya naman ang nagd-drive at umoorder—tagapanood at kain lang ako.
“Luhod.”Marahas na lumingon sa akin si Preston at kunot noo akong tiningnan. “What?” Parang hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya bago tumingin kina Chantal at Jarvis na ngayon ay nakaluhod na at kapwa nagdarasal. Pinaluhod din kanina ni Jarvis si Chantal dahil mukhang hindi rin nito alam ang gagawin. Hindi ko rin naman alam na pati pala ang tatay, hindi nagsisimba. “Sabi mo sa akin noon, luluhod ka sa harap ko, ‘di ba?”Mabilis na tumango si Preston. “Yes, of course. Tinatanong pa ba ‘yan, babe? Ilang beses ko nang nagawa—““E ‘di lumuhod ka rin sa harap ni Lord,” pagputol ko sa sasabihin niya bago siya malapad na nginitian. “What?!” Bahagyang tumaas ang boses niya kaya’t napatigil sa pagdarasal sina Chantal at Jarvis at lumingon sa amin. Ngumiti naman ako at umiling bilang tanda na ayos lang at nag-uusap lang kaming dalawa. Nang magpatuloy na sa pagdarasal ang dalawa ay sak
“No, Daddy. It’s not like that kasi. Hindi naman po ganyan ‘yong pancake na ginagawa ni Yaya Lyana.”Tumigil ako sa paglalakad matapos marinig ang boses ni Chantal na nagrereklamo sa ama. Agad na nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko naman sila palaging nakikitang magkasama pero ngayon…Anong nangyayari? “Chantal, I don’t fuc—I mean, I don’t know what to do. Sabi niyo ganito,” reklamo pabalik ni Preston sa anak kaya’t nagpatuloy ako sa paglalakad upang tingnan kung anong ginagawa nila at aging-aga ay nagbabangayan sila. “Kasi Daddy, dapat kulay brown po siya, hindi black!” dagdag ni Chantal at malakas na bumuntong hininga. “Jarvis, taste it nga, please. Taste it and let me know if it’s similar to Yaya Lyana’s pancake.”Mas lalong kumunot ang noo ko nang banggitin niya rin ang pangalan ni Jarvis. Kaya naman pala wala na sa tabi ko kanina si Jarvis nang magising ako. Kahit pala sobrang aga pa ay magkasama na sila. Napailing ako
Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?“Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha—““What the fuck are you doing here, Margaux?”Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Margaux? Magkakilala silang dalawa?“Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko ‘to. Bahay natin ‘tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!”Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako. Bahay nila? Ibig bang sabihin…“Wala ka nang karapatan pa sa bahay na ‘to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa ‘yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na ‘to, naiintindihan mo ba?” se
Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ang boses ni Chantal sa hindi kalayuan. Hindi ako nakagalaw at walang kahit na anong lakas ng loob na tumingin sa kaniya dahil sa labis na kaba. Nang tingnan ko ang dating asawa ni Preston ay agad na lumiwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa anak. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at wala sa sariling bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Preston. Mukhang napansin ni Preston ang reaksiyon ko kaya’t agad niyang hinuli ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan. “Nandito pala si Chantal pero hindi ka man lamang nahiya na dalhin dito at ibahay ‘yang kabit mo. Wala ka na ba talagang galang at respeto sa amin ng anak mo, huh, Preston?” tanong ng dating asawa ni Preston sa kaniya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Alam ko naman na hindi ako ginawang kabit ni Preston dahil alam ko at malinaw naman na hiwalay na silang dalawa. Pero kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, nanay siya ni Chantal at isa pa rin silang p
“What? Chantal, nababaliw ka na ba talaga, ha?! Nagpapaniwala ka riyan sa babaeng ‘yan?”Pinunasan ko ang takas na luhang tumulo mula sa aking mga mata bago hinarap ang dating asawa ni Preston at walang emosyon siyang tiningnan. “Narinig mo naman yata si Chantal, hindi ba? Huwag mo nang pilitin ‘yong bata,” kalmadong sambit ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ang sabihin mo, you brainwashed my daughter while you’re seducing my husband—““Ex-husband,” pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya at tipid siyang nginitian. “Huwag mo naman sanang kalimutan ‘yong salitang ex. Mahalaga kasi ‘yon… unless hindi ka maka-move on.”“Ang taas na ng tingin mo sa sarili mo, ah? Bakit? Sino ka ba kumpara sa akin? You’re nothing without my husband, Miss. You’re just Chantal’s nanny… huwag mo rin iyong kakalimutan dahil mahalaga rin iyon. Ang mga Yayang katulad mo, walang karapatang magmataas sa mundo dahil katulong lang naman kayo! Akala mo kung sino ka na dahil lang nagustuhan ka ni Preston? Ang kapal nga