ALAM KO kung anong nangyari, sariwa sa aking alaala ang buong pangyayari kaya hindi ako magtataka kung patay na ako. Baka pagmulat ko ng aking mga mata ay si san Pedro na ang kaharap ko, kung mamalasin, si satanas pa.
Pero kung si satanas naman, wala naman akong maramdaman na mainit. Hindi ba ay kapag sa impyerno, mainit? Ang naramdaman ko ay iba, malamig. Baka nga sa langit ako mapupunta sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa ko sa buhay!
Sa isiping iyon ay nagmulat ako ng aking mga mata, at dahil biglaan ay napapikit akong muli dahil sumakit iyon bigla dahil sa liwanag. Confirmed! Nasa langit na ako!
"She's awake..." Anang boses sa hindi kalayunan.
Teka... Akala ko ba langit? Si San Pedro na ba 'yon? Handa na ba akong makipagkita sa kanya? Kung magkakaharap kami, bibigyan kaya niya ako ng one hundred days para maitama ko ang lahat ng mga kasalanan ko? Makabawi sa mga taong naiwan ko?
"Yes, Kuya. I think she's awake. Her eye lids were moving and fist were clenching as well... Or is she dreaming?" Anang tinig naman ng babae at napamulat ako sa gulat nang bigla niyang pindutin ang pisngi ko!
"Aray ko naman! Kung makapindot! Hinog na manga?" Umismid ako at bumangon, nga lang ay napangiwi nang nakaramdam ng masakit sa katawan.
"How are you feeling?" Tanong ng babae.
Napatingin ako sa kanya, she looks familiar yet unfamiliar. Bago ako sumagot ay ipinalibot ko muna ang pangingin sa kabuuan ng aking kinaroroonan. Puting kesame, puting dingding, maingay na makina. Alam ko kung ano ito kaya kompirmadong hindi pa nga pala ako patay.
"Bakit ako nandito?" Tanong ko at inangat ang kalahati ng katawan, ganoon na lamang ang pagngiwi ko nang maramdaman ang sakit niyon. "Jusko, wala akong pera, bakit pa ako dinala rito?" Inis akong napakamot sa aking noo.
"Uhm... Don't bother about the expenses, Ate... Kami na ang bahala roon since you saved the life of our Isaac." Ngumiti siya sa akin. "Uhm... What is your name po?"
Itinagilid ko ang aking ulo, pinaliit ang mata at nakaawang ang labing tumango-tango nang maalala ang nangyari.
"Walang ano man po iyon, ma'am. Simpleng bagay po ang aking ginawa," ngumiti ako sa kanya sabay baba ng paa sa sahig. "Malaya po, Malaya." Tipid kong sinabi.
Gusto ko ng umuwi. Maghahanap pa ako ng trabaho.
"Kayo na ba ang bahala sa hospital bill ko? Pasensya na, hindi ko po talaga tatanggihan iyan dahil wala rin po akong kapera-pera." Pagsasabi ko ng totoo. Titig na titig lang sa akin ang babae. "Sige po, ha. Ayos na naman po ang pakiramdam ko, uuwi na ako."
Bago pa man ako tuluyang makatalikod sa kanya ay hinawakan na niya ang aking braso. Bahagyang nangunot ang aking noo nang makita ang paraan ng kanyang pakakatitig na para bang minimemorya niya ang bawat sulok ng aking mukha.
"May problema po ba tayo, ma'am?" Takha kong tanong.
Kumurap-kurap siya na para bang batang nahuling kumuha ng chocolates sa ref. "Uhm... Nothing po, just remembering someone. You are really like—" nabitin sa ere ang kanyang sinasabi nang may tumikhim.
Sabay pa kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig. At ganoon na lamang ang pagtigil ng tibok ng aking puso nang ang kanyang berdeng mata ay matiim na nakatitig sa akin, na para bang may nagawa akong krimen sa kanya.
Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpasyang lumabas na. Nang tuluyang makalabas ay nasapo ko ang aking dibdib, doon ko napagtanto na kanina ko pa pinipigilan ang aking hininga. Ipinilig ko ang aking ulo at napagdesisyunang lisanin ang lugar na iyon dahil kailangan ko pang maghanap ng trabaho nang biglang may marahas na kamay ang humablot sa aking braso at basta na lamang akong isinandal sa pader.
"Let's talk." Matigas at may diin niyang sinabi. "After so many years, how dare you come back?! Huh? What? Are you after my children? Huh? Do you think I will let you be near my children?" Dumiin ang kanyang hawak sa akin palapulsuhan.
Kumunot ang aking noo, nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Galit na galit.
"S-sandali lang po sir, h-hindi po ako si Maya! Malaya po ang pangalan ko. At... After your children? Jusko naman sir, wala po akong anak. Single po ako, busy po akong naghahanap ng trabaho para may pantustos sa gamot ng nanay ko." Pinagkunutan ko siya ng noo.
Umawang ang kanyang mapupulang labi. Mas lalong nanlisik ang mata sa akin at mas lalo akong idiniin sa pader, mabuti na lang at walang gaanong nurse na nagra-rounds. Baka kung anong isipin kapag nakita kaming ganito!
"Don't you dare fool me, you fucking whore." Sa sobrang lamig ng kanyang boses ay nanlamig ako. Bigla akong kinabahan! "Why? Do you think you can fool me? Do you think I will let you do that to me? Never. I will never allow that, I will kill you when something happens. You heard it? I. Will. Fucking. Kill. You." Mariin niyang sinabi.
Kahit na sobrang lamig ng kanyang boses ay nagawa ko pang umirap.
"Alam ninyo sir, hindi ko po alam kung wala lang kayong tulog dahil may problema kayo o nag-aadik lang talaga kayo?" Kinamot ko ang aking noo at problemadong nagbuntong hininga. "Ang tanga naman sir, hindi ko nga po alam iyang mga pinagbibibintang ninyo. Kung may problema man ho kayo, resolbahan ninyo nang mag-isa, hindi iyong mamimintang kayo ng taong nananahimik. Iniligtas ko na nga yong anak ninyo tapos kung makabintang parang kriminal pa ako."
Kumurap-kurap siya, tila may napagtanto. Pumikit siya ng mariin kasabay ng unti-unting pagluwag ng kanyang hawak sa akin.
"Mukha lang po akong masamang tao pero hindi po, don't judge a book by its looks. Looks can be deceiving." Inayos ko ang damit ko saka iyon pinagpagan sa harapan niya. "Kung may problema ho kayo, ipagdasal ninyo lamang po iyan. Nakikinig po Siya basta't tauspuso kayong Mananalangin." Sambit ko at saka siya tinalikuran. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng aking jeans. Bago pa man ako tuluyang makalayo ay nilingon ko siyang muli, "wala pong problemang hindi natin malalagpasan, magtiwala lamang po kayo. Magandang araw po ulit, salamat sa pagdala sa akin sa hospital. Hanggang sa muli po." I smiled and waved at him.
Sa aking daan palabas, sumilay ang malungkot na ngiti sa aking labi kasabay ng pagtulo ng mainit na likido sa aking pisngi. Dali-dali ko rin iyong pinahiran.
I FRUSTRATEDLY brushed my hair using my fingers as her figure slowly disappeared by my sight. I couldn't help but to slightly bang my head on the wall because of so much frustration. "Fucking fuck! I'm going crazy again! Who would have in his right mind to think that the stranger who saved his son is his missing wife? They have maybe a resemblance but they're totally different! My wife is a calm and shy person when it comes to me!" Parang akong baliw na kinakausap ang pader. I can't believe it! I just can't! It's really her! She seems familiar yet unfamiliar to me. For fucking sake, it's been years. Years! I shouldn't be looking for her anymore! I've been looking for her but I don't get any information of her whereabouts! Maybe because I couldn't find her because she's gone. Forever. With that thought, walang buhay akong bumalik sa kwartong aking pinanggalingan kanina. My sister, Shalani was still there, busy checking her phone but when she noticed me, she immediately come near me
"MA, ALIS po muna ako." Paalam ko kinabukasan kay Mama. Maaga akong nagising dahil maaga ang usapan namin ni Inday na pagkikita raw namin ng kakilala niya. Ang akala ko ay nagbabalak pa lamang na umalis pero hindi ko inaasahang kahapon daw agad ginawa dahil hindi na nakayanan! "Saan ka naman pupunta? May bago ka na bang trabaho?" Iyon kaagad ang tanong ni Kuya Roland sa akin. Napatigil ako saglit at tiningnan silang kumakain sa mesa. "Ikaw? Kailan ka magkakabayag at matutong tumayo sa sarili mong mga paa?" Pabalang kong sinabi na agad namang nireskyuhan ng magaling niyang nanay. "Malaya! Ano ka ba naman! Huwag mong kalilimutang nakatatanda mo siyang kapatid! Hindi ka na natutong gumalang!" Halos tumayo na si Mama sa kanyang kina-uupuan. "Oo nga!" Segunda ni Ate Rica. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kung bakit..." Sinadya niyang hindi ituloy ang kanyang sinasabi at binigyan ako ng makahulugang ngisi. Oo, hindi ko nakalilimutan iyon. Habangbuhay akong hindi makakalimot.
"NANDITO NA tayo, Malaya." Napukaw ang aking atensyon nang magsalita si Ate Nila kasabay ng pagbaba sa tricycle. "Iyan ang bahay ng mga Stevenson," imporma niya. Nang sandaling bumaba ako ay agad na nilukob ang aking puso ng kaba at sakit. Agad ang marahas na pagkalabog ng aking puso nang sandaling makita ang bahay na nasa aking harapan. Lumunok ako, tila naging tuod ang aking mga paa sa sementong aking kinatatayuan. "Huminahon ka, Malaya. Baka nagkakamali ka lang. Hindi naman siguro. Baka iba na ang nakatira riyan. Ilang tao na ang nakalilipas, baka hindi na sila ang may ari niya. Pero..." Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan si Ate Nila na awang ang bibig na nakatingin sa akin! "A-ano nga ulit, Ate? Kaninong bahay po ito?" Nangatal ang aking mga labi."Stevenson. Bahay ng mga Stevenson." Marahan niyang sinabi at para iyong musikang paulit-ulit na nag-play sa utak ko. "Bakit? Ayaw mo? Pwede naman, naghanap ka ng ibang trabaho. Ngunit sinasabi ko sa iyo, Malaya, may makita ka man
||A WEEK LATER||ISANG buntong hininga ang aking pinakawalan habang tinatanggal ang aking relong pambisig. It's just 3 o'clock in the morning and I just came back home after my long week of business trip in Japan. My children is passed asleep and I didn't plan on checking them on their rooms because I might distorb their sleep if I do so. After removing my wrist watch I proceeded to the bathroom to have a cold shower so that I could sleep peacefully. Habang nasa ilalim ng malamig na shower ay halos ipukpok ko na ang aking ulo sa kaharap na dingding nang mag-flash na naman sa aking isipang ang pagmumukha ng babaeng iyon. Hindi dapat ako nababaliw, I swore to myself a long time ago that I will never be the same person again because of that bitch but fucking hell, here I am again. Wala na talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang utak ko. Wala akong pakialam kung matagal na siyang patay, it's a good news for me though but after seeing that same face again—in a different pers
KINABUKASAN nang magising ako ay halos hindi ako magalaw sa sobrang sakit ng aking katawan. Hindi naman na ako bago sa mahihirap na trabaho pero ang energy ng mga batang ito ay iba. Pero hindi naman ako nagrereklamo, hindi ako magrereklamo. "Oh, ano? Kaya pa ba? Unang linggo pa lang 'yan, ha!" Tumatawang puna ni Annie nang makita akong namimilipit sa sakit. "Ano ba kasing pinaggagawa ninyo kahapon? Bakit kayo umakyat doon sa likod?" Kamot sa ulong tanong pa niya. "Eh, gusto kasi ni Irie na kumain ng star apple. May star apple naman sa ref pero ayaw niya raw niyon. Gusto raw niya iyong nasa puno pa dahil aniya, hindi na raw iyon fresh at may germs na raw!" Iling kong kuwento. "Kaya ayon, ako ang umakyat sa puno ng star apple gamit ang hagdan tapos nong pababa na ako, sabay nila iyong niyugyog kaya nahulog ako." Ngumiwi ako nang sinubukang bumangon. Awang lamang ang bibig ni Annie. "Pero ayos lang iyon, masaya naman sila, eh. Debale ng masakit ang katawan ko basta mapasaya lang ang
"WHERE is the twins?" I asked the head servant after she poured a coffee in my glass. "Nandoon po sa yaya nila!" Maligalig niyang sinabi. Kapagkuwan ay lumapit sa may gilid ko na parang may ibubulong. "In fairness sir ano, hindi pa siya nagre-resign pagkatapos ng mga pinanggagawa ng kambal sa kanya!" In the middle of reading the important documents, I shifted my weight to the other side so that I could listen to her nonsense stories. I put my thumb and forefinger on my jaw, as if thinking deeply, but the truth is, I am so engrossed in what she is going to tell me about that woman with my kids. "At ito pa sir!" She's gesturing her hands while talking. "Kahapon po, tinapunan siya ni Irie ng orange juice!" I massaged the bridge of my nose. This is just normal for my kid. "Pero alam mo ba 'yon, sir? Imbes na sigawan ang bata o hindi kaya paluin ang kamay o puwede ring umiyak na lang sa harapan ng mga bata kaya lang ang ginawa niya, umupo siya sa harapan ng bata at kalmado itong ngin
ANO kayang trip ng lalaking iyon at ginawa akong tagatimpla ng kape? Of course, hindi ako papayag na hindi iba ang bayad doon. Actually, palusot ko lang naman iyon para hindi na niya gawin but the brute really insisted it to the point na iibahin pa ang bayad sa pagiging yaya ko at personal na tagatimpla. Hays, mga mayayaman nga naman...At bilang isa akong dakilang mukhang pera, tatanggapin ko siyempre. Grasya na ang lumalapit, tatanggi pa ba ako? Speaking of which, tumunog ang aking cellphone. "Hello, magandang gabi po, Mama." Sagot ko sa tawag ni Mama. "Magandang gabi rin naman, Maya, anak..." Humugot siya ng buntong hininga at may kung anong ingay sa background akong narinig. "Ano kasi anak, ngayong may trabaho ka na... Pwedeng magpadala ka naman? Balita ko kasi, sa isang malaking mansyon ka nagtatrabaho. Sigurado akong malaki ang sahod mo riyan." Nakagat ko na lamang ang loob ng aking pisngi sa litanya ng aking ina. "At sabihin mo rin Ma na hindi pa nakakapagbayad ng tuition s
NANG makarating sa maid's quarter ay nag-inat-inat ako dahil naramdaman ko na ang pagod ng aking katawan. Nang masulyapan ang malinis na higaan ay kulang na lang magmakaawa sa akin ang likod kong humilata na. "Hi, Maya!" Si Annie na akala kong tulog ay humarap sa akin, hawak niya pa ang kanyang cellphone at napa-iling ako nang makita ang ka-video call. "Afam lang muna ako, ha? Rest ka na riyan. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan mo sa buong maghapon dahil sa mga amo natin!" Ngumiti ako at tumango. Kahit gustuhin kong humilata na kaagad ay hindi ko ginawa. Ayaw kong matulog nang madumi, nakaka-estorbo ng panaginip. Kaya kumuha na lang ako ng bagong damit at towel sa aking bag at saka iyon dinala sa banyo. Doon na rin ako magbibihis nang sa ganoon ay paglabas ko, matutulog na talaga ako. At nang matapos maglinis ng katawan at mag-tooth brush, lumabas na ako ng banyo at inaantok na naglakad patungo sa aking double deck. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang sa w