NANG makarating sa maid's quarter ay nag-inat-inat ako dahil naramdaman ko na ang pagod ng aking katawan. Nang masulyapan ang malinis na higaan ay kulang na lang magmakaawa sa akin ang likod kong humilata na. "Hi, Maya!" Si Annie na akala kong tulog ay humarap sa akin, hawak niya pa ang kanyang cellphone at napa-iling ako nang makita ang ka-video call. "Afam lang muna ako, ha? Rest ka na riyan. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan mo sa buong maghapon dahil sa mga amo natin!" Ngumiti ako at tumango. Kahit gustuhin kong humilata na kaagad ay hindi ko ginawa. Ayaw kong matulog nang madumi, nakaka-estorbo ng panaginip. Kaya kumuha na lang ako ng bagong damit at towel sa aking bag at saka iyon dinala sa banyo. Doon na rin ako magbibihis nang sa ganoon ay paglabas ko, matutulog na talaga ako. At nang matapos maglinis ng katawan at mag-tooth brush, lumabas na ako ng banyo at inaantok na naglakad patungo sa aking double deck. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang sa w
"NO! I don't want it! I don't want you!" Irie harshly splashed a water in my face when I attempted to wash her face. "Don't bath me! I can do it myself!" Sigaw niya sabay kuha ng sabon at basta na lang iyon itinapon sa mukha ko. Malaki ang sabon kaya sobrang sakit niyon sa mukha. Halos maiyak ako pero pinigilan ko at pinakalma na lang ang sarili. "Don't do that baby, okay? That wasn't nice to do." I calmly said. Trying to be friendly kahit ang sarap isako ng batang ito! Naku, naku, naku... Kung hindi lang talaga..."I don't care!" She yelled again. Aba, malditang bata talaga! "Baby, do you know that it is bad to shout? If you have something to say just please, say it calmly. Magkaharap lang tayo, oh, kung makasigaw ka parang nasa kabilang lupalop ng mundo naman ang kausap mo." Sambit ko na ikinagusot ng mukha niya, marahil ay hindi naintindihan ang iba kong sinabi."Stop saying nonsense, will you? You're really annoying! I hate you so much!" Namumula ng sigaw niya. "Why would I t
PAGKATAPOS ng tawag na iyon ay natulala ako saglit. Umagang-umaga pero ang lakas ko ay ubos na ubos na. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at pinunasan ang kagigising pa lang na pagmumukha. Ayos ah, magkahalong sakit sa katawan at puso ang almusal ko. Puwede nang hindi kumain ng kanin! Magaling! "Oy! Napano ka naman diyan?" Untag ni Annie sa akin. Kababangon lang at sabog pa ang buhok. "Umagang-umaga parang pinagsakluban ka ng lupa, ah? May problema? Ano? Pera?" Sunud-sunod niyang tanong. Umiling ako at ngumiti sa kanya at saka tumayo. Sisimulan ang umagang ganoon ang bungad. Hindi na dapat ako nagtaka pa, iyon palagi ang bukambibig nila kapag hindi ko nabibigay ang gusto nila.As usual, maingay na naman ang maid's quarter dahil sa bunganga ng mayordoma. Ewan ko ba, hindi nauubusan ng sasabihin. Tumitikom lang yata ang bibig nito tuwing natutulog. Kasi maging sa pagkain ay maingay. "Bilisan ninyo! Dapat ay malinis lahat ng makikita ko!" Suplada niyang pinagdududuro ang mga kas
NAPABANGON ako nang tumunog ang alarm ko na naroon sa mismong tainga ko. Tuloy ay muntik ko na itong mahampas sa sobrang gulat ngunit nang makitang alas otso na pala ng umaga ay tumayo na ako ng tuluyan. "Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Annie na mukhang kagagaling lang sa banyo. "Maliligo para sa trabaho?" Patanong kong sinabi. Ngumiwi siya. "Sira, maaga pa matulog ka pa!" Aniya at saka bumalik sa pagtulog. "Linggo ngayon kaya bumawi ka sa pagtulog, pagod ka mula pa kahapon sa mga alaga mo." Aniya.Saka ko pa lang naalalang sabado nga pala kahapon at linggo ngayon, ibig sabihin ay rest day ng karamihan ng mga kasambahay. Kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo sa higaan ko at maya-maya pa'y humiga upang muling matulog nang biglang magsalita si Annie. "Grabe 'no, ang galing mo." Aniya, nababakasan ng paghanga ang tinig. "Biruin mo iyon, hindi kailanman napapainom ng gamot ang mga batang iyon kahit pa man liquid na nga at fruity flavored pa! Pero ikaw? Hinayaan ka nilang alagaan sila!
"KALOKA! Ikain mo ng lechon iyan, Maya! Naii-stress ang bulbol ko sa ganap kanina, ha!" Litanya ni Annie habang sunud-sunod ang kagat at nguya sa malutong na balat ng lechon. Kumain naman ako at pasekretong luminga-linga sa paligid at saka susubo ng malaki. Masarap ang pagkain nila! Lalo na ang lechon! Tuloy ay nawala ang sakit ng anit ko dahil sa pangangaladkad kanina! "Oo nga!" Segunda ni Sonya. "Pero mukhang hindi naman na-stress si Malaya kasi kain nang kain, oh! May paglinga pang nalalaman! Huwag kang mag-alala! Walang manghuhusga sa'yo rito dahil lahat masisiba!" Tawa niya. "Limang lechon ba naman ang inihanda, siguradong hindi mauubusan!" Bigla naman akong ginapangan ng hiya. Pero nang maalala ang sinapit kanina ay idinaan na lang iyon sa sunud-sunod na kagat ng lechon. "Tama iyan, Maya! Idaan na lang sa kain iyang stress mo!" Si Annie na humugot ng upuan at hinila iyon palapit sa akin punong-puno ang kanyang plato ng mga ulan. "Kuha pa kayo roon, ang dami nilang handa!" N
MARIIN akong napapikit nang magising kinabukasan. Halos iumpog ko na ang aking ulo sa pader dahil sa sobrang sakit. Masakit dahil sa dami ng nainom ko at sa pilit na paglimot ng katangahan. Ugh! Sana ay katulad na lang ako ng ibang nalalasing na hindi naaalala ang mga ginagawa! Ang malas naman talaga, Malaya. Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating gaga, bakit mo hinalikan? Ano na lang ang ihaharap mo sa amo mo ngayon? Paano kung... Paano kung magpanggap na lang akong walang naaalala sa gabing iyon? Oo, tama! Magpanggap na lang akong walang karumal-dumal na ginawa sa amo namin at salubungin ang araw nang parang walang nangyari! Minsan talaga, may pakinabang din ang kakapiranggot na utak, eh. "Magandang umaga sa inyo!" Walang kasing ganda ang aking pagkakangiti sa aming kasamahan habang nag-aalmusal. "Ang ganda ninyo po ngayong umaga, Manang! Kain na po kayo!" Maligalik kong wika sa aming mayordoma na napapantastikuhang tiningnan ako. Humugot ako ng upuan at naupo. Habang kumu
NATULOS ako sa aking kinatatayuan. Nang magmulat siya mula sa pagkakapikit ay nagtagpo ang aming mga mata ngunit hindi man lang siya makitaan ng pagkagulat. At para bang inaasahan niya talaga at ito talaga ang gusto niyang madatnan ko. Hindi agad ako makaalis dahil parang naging tuod ang aking mga paa sa semento. Kahit anong pilit ko sa aking isipan na umalis na lang dahil nakaka-istorbo pa yata ako ngunit ang katawan ko ay ayaw sumunod sa akin. Bigla ay nanikip ang aking dibdib nang gumalaw ang babae sa kanyang kandungan. Namumungay ang kanyang mga mata habang ang tingin ay nasa akin, para bang gusto niya akong manood ng live sa kanila. Para bang may hinihintay siyang reaksyon ko. Pero hindi, hindi ako pwedeng gumawa ng eskandalo. Hindi ko hahayaang manaig ang aking damdamin para lang dito. Wala akong pakialam kahit mag-sex pa sila sa harapan ko! Ivi-video ko pa para pagkakitaan! Tse! Akala mo naman ikina-ano nila 'yan! Nagkibit na lang ako ng balikat at pumikit, wala na akong ch
"PUMAYAG ka na, isang beses lang naman siguro mangyayari iyon..." Ani inday sa kabilang linya. Kapagkuwan ay dinugtungan niya iyon ng malanding paghagikhik. "Ayaw mo no'n? Masosolo mo ang isang Darius Killian Stevenson?" Nandito ako ngayon sa backyard ng bahay at kasalukuyang kinakausap ang kaibigan kong hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo na naman dahil sa sobrang ingay. Tinawagan ko siya dahil parang mababaliw na ako sa kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin sa offer ng gagong iyon. To be honest, pwede ko namang tanggihan, eh. I have the very right to decline and just shrugged off the video thingy that he's blackmailing me kasi alam kong makalilimutan din naman ng mga tao iyon kung sakaling makita nga nila. As if I murdered someone on that video, though."Gaga," umirap ako sa hangin. "Baka akalain no'n, pinagsasamantalahan ko siya!" Isang nakabibinging halakhak ang pinakawalan ng kaibigan ko. "Ay, hindi ba?" "Siraulo, hindi 'no!" Nagbuntong hininga ako. "I don't want to