MARIIN akong napapikit nang magising kinabukasan. Halos iumpog ko na ang aking ulo sa pader dahil sa sobrang sakit. Masakit dahil sa dami ng nainom ko at sa pilit na paglimot ng katangahan. Ugh! Sana ay katulad na lang ako ng ibang nalalasing na hindi naaalala ang mga ginagawa! Ang malas naman talaga, Malaya. Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating gaga, bakit mo hinalikan? Ano na lang ang ihaharap mo sa amo mo ngayon? Paano kung... Paano kung magpanggap na lang akong walang naaalala sa gabing iyon? Oo, tama! Magpanggap na lang akong walang karumal-dumal na ginawa sa amo namin at salubungin ang araw nang parang walang nangyari! Minsan talaga, may pakinabang din ang kakapiranggot na utak, eh. "Magandang umaga sa inyo!" Walang kasing ganda ang aking pagkakangiti sa aming kasamahan habang nag-aalmusal. "Ang ganda ninyo po ngayong umaga, Manang! Kain na po kayo!" Maligalik kong wika sa aming mayordoma na napapantastikuhang tiningnan ako. Humugot ako ng upuan at naupo. Habang kumu
NATULOS ako sa aking kinatatayuan. Nang magmulat siya mula sa pagkakapikit ay nagtagpo ang aming mga mata ngunit hindi man lang siya makitaan ng pagkagulat. At para bang inaasahan niya talaga at ito talaga ang gusto niyang madatnan ko. Hindi agad ako makaalis dahil parang naging tuod ang aking mga paa sa semento. Kahit anong pilit ko sa aking isipan na umalis na lang dahil nakaka-istorbo pa yata ako ngunit ang katawan ko ay ayaw sumunod sa akin. Bigla ay nanikip ang aking dibdib nang gumalaw ang babae sa kanyang kandungan. Namumungay ang kanyang mga mata habang ang tingin ay nasa akin, para bang gusto niya akong manood ng live sa kanila. Para bang may hinihintay siyang reaksyon ko. Pero hindi, hindi ako pwedeng gumawa ng eskandalo. Hindi ko hahayaang manaig ang aking damdamin para lang dito. Wala akong pakialam kahit mag-sex pa sila sa harapan ko! Ivi-video ko pa para pagkakitaan! Tse! Akala mo naman ikina-ano nila 'yan! Nagkibit na lang ako ng balikat at pumikit, wala na akong ch
"PUMAYAG ka na, isang beses lang naman siguro mangyayari iyon..." Ani inday sa kabilang linya. Kapagkuwan ay dinugtungan niya iyon ng malanding paghagikhik. "Ayaw mo no'n? Masosolo mo ang isang Darius Killian Stevenson?" Nandito ako ngayon sa backyard ng bahay at kasalukuyang kinakausap ang kaibigan kong hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo na naman dahil sa sobrang ingay. Tinawagan ko siya dahil parang mababaliw na ako sa kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin sa offer ng gagong iyon. To be honest, pwede ko namang tanggihan, eh. I have the very right to decline and just shrugged off the video thingy that he's blackmailing me kasi alam kong makalilimutan din naman ng mga tao iyon kung sakaling makita nga nila. As if I murdered someone on that video, though."Gaga," umirap ako sa hangin. "Baka akalain no'n, pinagsasamantalahan ko siya!" Isang nakabibinging halakhak ang pinakawalan ng kaibigan ko. "Ay, hindi ba?" "Siraulo, hindi 'no!" Nagbuntong hininga ako. "I don't want to
"ARE YOU sure about that, hmm?" He asked as I felt his rough hand caressing harshly from my neck to my jaw for me to stretch my neck a bet. From there, he gripped my jaw with mixed gentleness and roughness that I don't even know if possible. "Did you know that if you say yes, there's no taking back? Did you know that I don't accept no for an answer?" I could feel the warmth of his breath in my tightly closed lips. I know... I know that very well, Darius... "One last question, woman. I don't fucking give second chances to anyone, but I'll let you slide this time. One. Last. Question. Are you sure about this?" May diin ang kanyang tinig habang ako ay nadidiin din sa kanyang lamesa, mahigpit pa rin ang hawak niya sa aking panga ngunit hindi ko maramdaman ang paghihirap ko doon. Sinalubong ko ang matalim niyang titig. Yes, I want this. I want this and no one can make me change my mind. Para kay Mama. Para sa kanya ito. Kahit nahihirapan ay lumunok ako, mas pinag-igihan ko ang tingin s
"GAGA ka! Bakit hindi ka nagpapaalam na nakauwi ka na pala ng bansa?" Bungad ko pagkababang-pagkababa ko ng jeep. Nasa may gilid siya ng kalsada at sinalubong ako.Tumawa ang loka."Naku, Inday, hindi na magiging surprise iyon kung sinabi ko, 'no! Namiss kaya kita," aniya at niyakap ako. "Ang stressed looking mo, ha!" Pansin niya. "Pinapahirapan ka ba ng husto ng mga taong iyon? O baka naman humahanap ka pa ng ibang raket para sa pamilya mo?" Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Nakapameywang siyang nakaharap sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, malamang sa malamang ay sinusuri ang kabuoan ko na parang inang alalang-alala sa anak niyang sutil. "Hindi naman masyado, konti lang." Ngumuso ako. "Huwag mo akong inaano, ikaw ang dapat na magkuwento dahil bigla-bigla ka na lang umuuwi! Akala ko ba ay hindi ka muna uuwi?" Kunot-noo kong tanong nang maalala ang sinabi niya noon. Ngumisi lang ang bruha at inilingkis ang kanyang braso sa akin. "Gusto ko munang umuwi para makita ka,
NATAGPUAN ko na lamang ang aking mga kamay na nakakapit sa kanyang kwelyo at bahagyang humigpit ang pagkakahawak doon dahilan upang magusot ang kanyang damit.Suminghap ako upang makalanghap ng hangin ngunit nanlaki ang aking mata nang ipasok niya ang kanyang mainit na dila sa aking bibig at ginalugad ang loob niyon. Para bang may kung anong importanteng bagay siyang hinahanap at roon niya lamang iyon matatagpuan. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan naming dalawa habang naglalabanan ang aming mga dila. Hindi ko alam ngunit tila may saliri isip ang aking dila at kusang gumagalaw sa paraan ng ginagawa ng dila ni sir Darius sa akin. Para bang matagal na silang magkakilala, para kaming sabik na sabik sa labi ng isa't isa at ngayon na nagtagpong muli ay wala ng inaksayang panahon.I wanted to push him away because I know that this is wrong, but I just couldn't. I can't. Parang ang pagkakaroon ng sariling desisyon ay biglang nawala sa akin dahil lamang sa kanyang halik. Hinihigop niya an
MATINDI ang panlalamig ko nang sandaling lulan na kami ng elevator patungo sa floor kung saan ang venue ng event. Panay ang pagbuka at kuyom ng aking mga palad dahil sa panlalamig nito, mariin akong napapikit at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga katangungang... Paano kung may makakakilala sa akin? Paano kung bigla na lang nila akong kuyugin at husgahan? Paano kung bigla nilang malaman ang katotohanan ko? Paano kung mangyari na naman ang nangyari noon? Pumikit ako ng mariin at ipinilig ang aking ulo upang mawala ang mga ganoong isipin. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong isipin na wala namang nakakakilala sa akin doon kaya hindi na dapat akong kabahan ng ganito. Besides, we are all wearing masks so malabong may makilala ako o may makakakilala sa akin. "You look constipated, Malaya. Are you really alright?" Tanong ni Darius sa malamig ngunit kuryosong tono. Dalawang beses akong kumurap at inayos ang sarili nang makita ang sariling repleksyon
NANG makaupo kami ay hindi pa rin sila maawat sa pag-uusap tungkol sa negosyo. Anim kaming pares ang na nasa isang bilugang lamesa. Kasama sa anim ay sina Mrs Asuncion at ang kanyang asawang kausap si Darius. Ang dalawang babae ay pasulyap-sulyap lamang sa akin at palihim akong sinusuri mula ulo hanggang paa. Ang isang katabi ko ay narinig ko pang bumulong ng... "Who is this girl? She's not Elaine! Elaine is much better than her." Anito sa lalaking katabi, siguro ay asawa o boyfriend. "This one's stinks. Amoy na amoy ang baho. Obviously, she is not belong in this circle." Yumuko ako at umirap. Anong naaamoy? Ano siya, aso?"Hindi ko alam na allowed pala ang hayop rito sa party?" Mahina kong bulong ngunit nasisiguro kong rinig nito. "Hmm?" Ani Darius at inilapit ang mukha sa akin, akala siguro ay siya ang kinakausap ko. "Wala," nakangiti akong umiling. I saw from my peripheral vision on how that woman flipped her hair towards me. Ngumisi lang ako at nag-angat ng tingin, sakto nam