Share

CHAPTER 27

“OH, bakit ka raw pinatawag?” Bungad na tanong ni Annie nang makabalik ako galing sa opisina ni Darius.

Nasa dining na sila sa kusina at nagkakape. Magkatabi sila ni Sonya na kumakain ng pandesal. Humugot ako ng sariling upuan at saka nag-umpisang magtempla ng sariling kape.

“Ako raw muna ang bahala sa kambal niya, may importante raw siyang kikitaing investor.” Kibitbalikat kong sinabi sabay tikim ng kape.

Nagkatinginan sila ni Sonya.

“Talaga? Ikaw ang ipinagkatiwalaan?” Hindi ko alam ngunit nahihimigan ko ang kakaiba sa tanong na iyon ni Sonya.

Para bang… para bang pinahihiwatig niyang mayroong kakaiba sa amin ni Darius kaya niya ako pinagkakatiwalaan sa mga anak niya.

“Oo, bakit? May problema ba? Hindi ba dapat ako ang dapat pagkatiwalaan sa mga alaga ko?” Bagama't kalmado ko iyong sinabi ay hindi nakaligtas ang bahagyang pagtaas ng aking kilay.

Naningkit ang mata niya sa akin at uminom muna ng kanyang kape saka muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi ko mawari kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status