Share

CHAPTER 10.3

NAPABANGON ako nang tumunog ang alarm ko na naroon sa mismong tainga ko. Tuloy ay muntik ko na itong mahampas sa sobrang gulat ngunit nang makitang alas otso na pala ng umaga ay tumayo na ako ng tuluyan.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Annie na mukhang kagagaling lang sa banyo.

"Maliligo para sa trabaho?" Patanong kong sinabi.

Ngumiwi siya.

"Sira, maaga pa matulog ka pa!" Aniya at saka bumalik sa pagtulog. "Linggo ngayon kaya bumawi ka sa pagtulog, pagod ka mula pa kahapon sa mga alaga mo." Aniya.

Saka ko pa lang naalalang sabado nga pala kahapon at linggo ngayon, ibig sabihin ay rest day ng karamihan ng mga kasambahay. Kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo sa higaan ko at maya-maya pa'y humiga upang muling matulog nang biglang magsalita si Annie.

"Grabe 'no, ang galing mo." Aniya, nababakasan ng paghanga ang tinig. "Biruin mo iyon, hindi kailanman napapainom ng gamot ang mga batang iyon kahit pa man liquid na nga at fruity flavored pa! Pero ikaw? Hinayaan ka nilang alagaan sila!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status