Share

38

Nilakad ko ang baybayin hanggang sa makarating sa rock formations. Matataas na bato 'yon at paniguradong kaunting maling galaw mo lang ay masusugatan ka.

"Tutuloy pa ba ako?" tanong ko sa sarili. Nakakatakot kasi na baka mahulog ako tapos masugatan. Alam ko 'yung feeling non.

Ilang minuto akong nakipagtalo sa sarili ko pero sa huli ay tumuloy na rin. Pumunta ako rito mag-isa tapos dahil lang sa mga naglalakihang bato ay hindi ako tutuloy? Ano ako? Weakling?

Sinimulan kong akyatin ang mababang bato. Grabe ang pag-iingat ko dahil ano mang oras ay pwede akong mamatay kung nabagok ako rito.

"Shit," mura ko nang bahagya akong madulas. Mabuti na lang at nakahawak ako sa isa pang mas malaking bato.

Ilang minuto ang tinagal ko roon bago makalagpas. Hingal akong tumalon sa buhanginan at nagpagpag ng damit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status