DruskelleDahil wala na akong hilig sa paglabas katulad noong dati, ang naging bagsak tuloy namin ni Draken ay kasama ko itong umuwi sa bahay."Ang sabi ko isasama kitang mag-relax, pero ako ang isinama mo rito. Ano naman ang gagawin natin dito sa bahay mo?" yamot na litanya nito habang nakasunod sa akin papasok ng bahay."Pumayag ba ako?""Wala kang karapatang tumanggi, automatic na substitute ka ni Apol since ikaw naman ang dahilan kaya hindi niya ako masasamahan dahil busy pa siya at pagod na at the same time sa dami ng ipinapagawa mong trabaho sa kanya."Gano'n ba iyon? "Lumayas ka na lang dito kung puro reklamo na lang ang maririnig ko sa bibig mo, nakakarindi na rin, Draken. Kanina ka pa sa sasakyan, hanggang dito ba naman?" yamot din na turan ko bago ibinagsak ang aking sarili sa sofa at pumikit upang kahit na papaano ay maibsan ang pagod na nadarama ko.Pero duda ako kung maiibsan nga ang pagod ko dahil sa pinsan kong daig pa ang manok kakaputak. Pagod na nga ako sa trabaho ga
DruskelleMagkatulong na nagluto kami ni Draken at pagkatapos naming maghapunan ay kumuha na ako ng maiinom namin upang umpisahan ang session.Sa kalagitnaan ng aming kuwentuhan, nang pansin kong paubos na ang yelo ay tumayo ako kaagad upang kumuha sa ref, ngunit pagbalik ko ay nakangiti na ang pinsan ko na parang timang habang nakatutok ang atensiyon sa telepono nito.Bahagyang tumaas ang kilay ko. "You look stupid. Babae iyan, 'no?" untag ko nang makalapit na ako rito bago inilapag sa gitna namin ang mga dala ko at naupo sa puwesto ko.Lalo itong napangiti. "Kailan ka pa naging tsismoso?"Binato ko ito ng maliit na pirasong yelo, ngunit matapos tamaan ay pinulot nito iyon sa kandungan at kinain."I'm not. Pero aminin mo, babae iyan. Iyang mga ngiti mong ganyan, alam na alam ko iyan."Ibinaba nito ang cellphone sa mesa bago nagtaas ng tingin at napailing-iling. "Well, babae nga, si Apol."Napakurap ako. "My secretary..." mahinang sambit ko."Yes, your adorable and hardworking secretar
ApoloniaNakarinig ako ng mga yabag ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin ang may-ari niyon, marahil ay si Draken lamang iyon dahil nagpaalam ito sa akin na kukuhanin nito ang telepono nito na naiwan sa kuwarto.Hindi ako umalis sa harap ng gas stove at patuloy lang sa paghahalo ng aking isinasangag na kanin na hindi naubos ng dalawang lalaki kagabi."Malapit na ito, Sir Draken. Upo ka na muna, stay put ka lang diyan at 'pag nakatapos ako rito ay ipagtitimpla kita ng kape para naman magising ang kaluluwa mong lasing pa rin," ani ko, halata kasing groge pa ito at masakit din daw ang ulo nito na siyang inirereklamo nito kanina habang kausap ko.Hindi ito tumugon at wala rin akong narinig na ano mang kaluskos tanda na naghila ito ng silya at naupo kaya naman hininaan ko ang kalan at may pagtataka na nilingon ito, baka kasi tahimik na bumulagta na lang pala itong bigla nang hindi ko namamalayan dahil hilo pa rin ito at may tama pa ng alak."Iyan kasi, ino-" Automatic na natigil ako
DruskelleBahagyang nangunot ang noo ko dahil sa tono ng gago at pananalita nitong halatang may laman, ngunit sa halip na patulan ang sinasabi nitong kagaguhan ay pinili ko na lamang na manahimik, gano'n din si Apolonia na nakaalalay pa rin sa akin."Oy, ba't 'di kayo makasagot? Ano talagang ginawa ninyo ro'n, ha?" malala at malawak ang pagkakangiti na sunod na tanong ni Draken sa amin nang wala itong nakuhang ano mang tugon.Gusto kong mapailing.Gago talaga, kung anu-ano ang laman na basura ng utak nito.Bahagya kong nilingon si Apolonia na tahimik lang, nalingunan ko itong namimilog ang mata habang nakatingin sa pinsan ko.Malamang ay na-gets din nito ang sinasabing kagaguhan no'ng kupal.Naiirita at nagtitimpi lang na napabuga ako ng hangin bago nagpasyang kumibo na. "Well, yeah, you're right. Magkasama nga kami roon. Pero tigilan mo 'yang kung ano mang maduming iniisip mo at ang pagiging malisyoso dahil walang gano'n na nangyari, okay?" sikmat ko rito.Lumabi ang gago, nagmukha tu
ApoloniaNang saktong makalayo ako sa dalawa ay nagsimula agad ang mga itong magbulungan na parang bubuyog, bahagya tuloy akong napailing-iling.Dahil hindi naman ako interesado sa kung ano mang pinagtsitsismisan ng mga ito ay ipinokus ko na lamang ang atensiyon ko sa coffee maker na noong una ay hindi ko talaga alam gamitin, ngunit kalaunan ay natutunan ko na rin dahil araw-araw ay ganito ang gamit ko sa opisina kapag ginagawan ko ng kape ang boss ko.Nang matapos na ako ay kumuha ako ng dalawang coaster upang ipatong doon ang dalawang tasa at inilagay sa tray bago maingat na binuhat ko ang mga iyon papunta sa puwesto ng dalawang bubuyog na ang isa ay akala mo ay may kumikiliti sa tumbong dahil kanina pa ito pansin ko tawa nang tawa at tila siyang-siya sa kung ano man, ngunit nang malapit na ako sa mga ito ay bigla na lamang nanahimik ang mga ito at tumigil na rin sa pagbubulungan.Bahagyang nanulis ang nguso ko.Mukhang ayaw ng mga itong marinig at malaman ko ang kung ano mang pinag-
ApoloniaMangha na nakatitig lamang ako sa nakatatak na logo sa paper bag na may laman na pagkain na nakalapag sa mesa ko.Nakaalis na ang taong may dala niyon ngunit nanatili pa rin akong nakatanga roon sa halip na abutin iyon at simulang kainin, kahit pa nga tila ba nanghahalina ang mabangong amoy ng pagkain na nanunuot sa ilong ko.Sino ba naman kasi ang hindi mapapatanga, gayong napapadalas ang pagpapameryenda sa akin ng amo ko, halos araw-araw yata ay umo-order ito at nagugulat na lang ako dahil pati ako ay mayroon at damay sa pag-order nito. 'Di ko tuloy maiwasang isipin, hindi kaya pinapataba at binubusog lamang ako nito na parang baboy tapos sa huli ay balak pala ako nitong katayin?May pagdududa na lumipat ang mata ko sa pinto ng opisina nito na nakasarado, ngunit hindi pa man ako gano'n katagal na nakatitig doon ay bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan upang mapapitlag at mapasinghap ako nang malakas dahi sa gulat.Alam kong hindi naman nakaligtas kay Druskelle ang nagi
Draken"You think they are just alright by themselves, mom? Tama ba ang ginawa natin?" I asked with a hint of worry and guilt.Mismong ang ina ko kasi ang pasimuno at ang nakaisip na si Apol na lamang ang pasamahin kay Druskelle bilang proxy ko sa conference, kahit pa nga alam naman namin pareho na madalas na hindi magkasundo sa maraming bagay ang dalawang iyon, dinaig pa ang aso't pusa kung magbangayan at ang pagkaasar sa isa't isa.Yes, alam din ni mommy at updated ito sa mga nangyayari sa opisina dahil palagi ako nitong tinatanong at pinagre-report nang sapilitan kung kumusta na ba ang dalawa, lalong-lalo na si Apol, mino-monitor nito ang alaga.Nang malaman nitong hindi maganda ang pakiramdam ko kahapon ay agad ako nitong sinabihan na huwag na raw akong sumama sa Baguio at si Apol na lang daw ang pasamahin ko kay Druskelle. I was hesitant at first, pero na-persuade rin ako nito in the end, baka raw kasi itong conference sa Baguio ang maging sagot at maging gamot upang magkasundo na
ApoloniaSa buong durasyon na kaharap ang malalaki at kilalang tao sa bansa dito sa leadership conference na dinaluhan namin ni Druskelle ay halos kundi sa notebook at ballpen ang hawak ko ay sa laptop ako nagtititipa o sa malaking screen ako sa harap nakatingin habang naka-flash ang powerpoint presentation doon.Hindi ko makuhang antukin dahil sa pakikinig kahit pa nga puyat ako dahil ang aga naming gumising at umalis upang maiwasan namin ang traffic papuntang Baguio at upang maaga rin kaming makarating para hindi kami mangarag sa pag-uumpisa ng conference.Tanghali na nang natapos ang unang session at kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian kasama ang ibang delegates, katabi ko si Druskelle at wala akong masabi sa pag-aasikaso na ginagawa nito sa akin imbes na ako ang nag-aasikaso rito, ultimo kasi pagtatanong sa gusto kong kainin, paglalagay ng pagkain sa plato ko at pagbubukas ng inumin na mineral water ay ginagawa nito.Nahihiya na nga ako pero natutuwa din ako at sobrang ap