Share

CHAPTER 14: HIDING GAME

MAS PINILI niyang manahimik kahit nagawa nitong tanggapin ang ibinigay ng asawa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa envelope na nagmula kay Noah na para bang doon nito ibinaling ang frustrasyong nararamdaman sa kanilang naging usapan.

Kung ano man ang nilalaman nito, wala siyang pakialam. Wala na rin naman siyang interes na muling manghimasok sa mga plano ni Noah kasama ang dati nitong kasintahan kahit gaano pa kalaki ang kagustuhan nitong tumayong ama sa batang nasa kaniyang sinapupunan.

May kirot mang nararamdaman sa kaniyang sintido ngunit nagawa pa rin nitong bumalik ng sala upang hanapin ang maletang naiwan kahapon.

Ilang minuto rin siyang naghanap. Halos ma-ikot na nito lahat, maging ang pantry at maid's quarter pero hindi nito nakita ang hinahanap.

Hindi kaya itinago iyon ni Noah nang mahimatay siya? Kung gano'n maaring nasa loob ng master's bedroom ang mga gamit niya.

Walang nagawa si Nicole kung hindi bumalik ng guest room kahit gusto na nitong dumiretso ng lakad para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonora Gonzales
grabe ang tagal ng update kaya pala wla pa sa GC
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status