Share

The Billionaire's Love: Tagalog
The Billionaire's Love: Tagalog
Author: Reidpurplelh

Chapter 1: The first meet

************

This is story is not affiliated with other Airline Companies. All the incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictious manner.

Hello, Everyone! English is not may native language so bare with me if there are likely to be some mistakes. Please, enjoy reading!

************

"On behalf of our flight deck crew and the rest of the team. We thank you for choosing SkyAsia, your airline of choice. Have a great day!"

Nakatayo ako sa gilid at nginingitian ang bawat pasaherong bumababa na ng eroplano. Paminsan-minsan ay tumutulong ako kapag may nakikitang nahihirapan sa buhat nilang bagahe.

"Do you have flight tomorrow?" Claire asked me, isa sa mga flight attendant na kaibigan ko.

"Nope. This is my last flight for this week. Makakapagpahinga na rin ako," sagot ko naman.

Hila-hila ko ang maliit na maleta ko habang palabas kami. Halos mag-ingay naman ang pagtapak namin sa sahig dahil sa suot naming heels. Ramdam ko ang sakit sa paa ko dahil bagong sapatos ang suot ko. Galing 'yon kay Ma'am Cindy at niregalo niya sa akin no'ng nag-birthday ako last week.

"I'm so jealous because it's good that you can rest now. May flight pa ako bukas sa Singapore," pagrereklamo naman ni Claire.

Manila to Singapore ang flight namin at nang makarating sa Singapore ay nag-flight naman kami papuntang Los Angeles. Gano'n din sa pabalik namin kaya sobrang pagod ako ngayon at hindi pa rin ako nakaka-adjust sa jetlag ko.

"Gusto mo bang magpahinga? Pwede ko namang i-take ang flight mo at ikaw na lang ang magpahinga bukas," pabirong sabi ko naman sa kaniya.

"Oh! No. Mas kailangan ko ng pera ngayon," sagot naman niya pagkatapos ay bahagyang natawa.

Natawa rin ako at napatango sa kaniya dahil lahat naman kami ay kailangan ng pera.

"Nag-aaya nga pala si Rein kumain. Let's eat first!" pag-aaya sa akin ni Claire.

Napalingon naman ako sa likuran ko kung nasaan si Rein kasama ang ibang mga cabin crew. Binalik ko naman ang tingin ko kay Claire pagkatapos ay umiling sa kaniya.

"I can't go with you, guys. I need to go home," sabi ko naman.

Kita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Claire bago siya muling magsalita.

"Are you sure? Even for a moment. It's on me," sabi niya.

Umiling ako at tipid na ngumiti pagkatapos ay inalis ko ang scarf sa leeg ko dahil nainitan ako. Ibang-iba talaga ang weather sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa dahil sobrang init dito.

"I didn't see Agatha for three days, Claire. I miss her already," sabi ko sa kaniya.

Hindi naman na ako pinilit pa ni Claire dahil alam naman nila ang sitwasyon ko. Sumakay naman kami sa service pabalik sa headquarters ng airline. Nang makababa ay dumiretsyo ako kaagad sa labas dahil naghihintay na ang naka-book kong uber. Inalis ko ang coat na suot ko dahil halos tumulo na ang pawis ko sa sobrang init ng panahon.

"Grandma's Kitchen," sabi ko sa uber driver

Ang Grandma's Kitchen ay isang sikat na restaurant sa town namin. Doon ako nagtrabaho ng limang taon at ang owner nito ay siyang nagpa-aral sa akin sa college. Sobrang laking tulong no'n para sa akin dahil hindi ako magiging isang ganap na flight attendant kung hindi ako nakapagatuloy sa pag-aaral noong college.

"Thank you," sabi ko sa uber.

Ngayon ay dalawang maleta ang dala ko dahil namili ako ng mga pasalubong at iba ko pang mga gamit. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa restaurant at kinailangan ko pang tumawid sa kalsada. Wala namang masyadong sasakyan ang dumadaan doon kaya nakatawid ako kaagad kaya lang ay biglang may sasakyan na sumulpot sa harapan ko.

"F*ck!" I almost cursed.

I was almost hit by that car at sobrang gulat ko dahil doon. Muntikan pa nga akong matumba dahil akala ko ay tuluyan akong mabubunggo nito. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil tinted ang glass nito. Nanatili akong nakatayo roon kahit na naiinitan dahil naghihintay akong bumaba ang driver para mag-sorry ito sa akin. 

Muli naman akong nagulat nang bumusina ito ng malakas. Kasabay naman nito ang pagbukas ng bintana ng kotse at sumilip ang isang lalaki na naka-shade.

"What? Are you just going to stand there and not leaving, pretty girl?" said the man arrogantly.

What did he just said?! Siya na nga ang muntikan makabangga sa akin tapos siya pa ang may ganang magyabang sa akin? Hindi porket naka-kotse siya ay palalampasin ko na ang ginawa niya. 

"Move, pretty girl!" he added.

I was so annoyed that I picked up my small suitcase then I slammed it down in front of the car. I don't give a da*m if I scratch that beautiful and expensive car!

"Hindi ka man lang ba magso-sorry muna? You almost hit me!" sabi ko gamit ang inis na boses.

Gwapo ang lalaki na nakasakay sa kotse at talagang kapag tinignan mo siya ay makikita mong mayaman ito. Tama nga na gwapo siya at mayaman pero masama ang ugali niya.

"Hey! Hey! What are you doing?" gulat na tanong niya.

Napatingin pa siya roon na para bang hindi makapaniwala na pinatungan ko lang ng maleta ang mamahaling sasakyan niya.

"Baliw ka ba?" dagdag na tanong pa niya sa akin.

Napangisi naman ako at tinaasan siya ng kilay. Sobrang pagod ako ngayon galing sa trabaho tapos ganitong tao pa ang mae-encounter ko. Bakit ba lagi na lang akong nalalapit sa mga taong mayayabang?! Pakiramdam ko tuloy ay sinumpa ako!

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagso-sorry!" galit na sabi ko.

Sarkastiko naman itong tumawa kaya mas lalo akong nainis.

"Why would I do that? Kahit na maganda ka ay hindi ko gagawin 'yon. So, you better get off," sagot nito sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sobrang rude niya kaya lumapit ako sa pintuan ang sasakyan para buksan 'yon pero agad namang bumukas ang isang pintuan sa kabila at may lumabas na isang lalaki.

Natigil ako at napatingin sa lalaking lumabas mula sa kotse. Naka-suot ito ng white long sleeve at black pants. Kagaya lang ng isang lalaki kanina ay naka-shade rin ito. Matangos ang ilong niya at kayumanggi ang kulay. Kitang-kita ko rin ang perfect jawline nito at mapulang labi. Halos mapanganga naman ako nang alisin niya ang shades niya at nakita kong kulay blue ang mga mata niya. I admit that he's more handsome kaysa sa isang lalaking mayabang na kasama ko.

"Ako na ang mags-sorry para sa kaibigan ko, Miss. I'm sorry for what happened. Hindi namin sinasadya," sabi nito sa akin.

Malumanay ang boses niya nang magsalita siya at kahit na gusto ko pa rin magalit ay pinilit ko na lang ang sarili kong pakalmahin.

"Dude! What are you doing?" tanong ng aroganteng lalaki.

"Bakit hindi mo kausapin ang kaibigan mo na mag-sorry sa akin?" tanong ko naman.

Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya nang sabihin ko 'yon kaya naman muli akong nagtaas ng kilay.

"No, way. I'm not gonna do that," sagot naman ng lalaki.

"Damian, please. Just say sorry to her para makaalis na tayo," paki-usap ng mabait na lalaki na nasa harapan ko.

"Fine! I'm sorry, pretty girl. Even you're just over reacting," sabi nito sa akin.

"Damian, stop."

Damian pala ang pangalan niya. Pangalan pa lang ay pang-mayaman na talaga pero hindi bagay sa kaniya dahil masama ang ugali niya. Gusto ko pang pahabain ang pakikipagtalo roon pero naalala kong may naghihintay na pala sa akin kaya humugot ako ng malalim na hininga para hayaan na lang ang nangyari.

Kinuha ko ang maleta na ipinatong ko sa kotse at agad namang lumapit ang lalaki para tulungan ako pero pinigilan ko siya.

"I don't need your help." Mataray kong sabi pagkatapos ay tuluyan na akong umalis doon.

Naglakad ako papunta sa restuarant na masama ang loob. Wala na talagang matinong lalaki sa panahon ngayon! Habang nadadagdagan ang taon ay mas lalong nagiging mataas ang tingin ng mga lalaki sa sarili nila.

"Kalilah! You're finally here!" salubong sa akin ni Tita Cindy.

Sa likod ako dumaan at naabutan kong naroon naman si Tita Cindy. Abala sila sa paghahanda ng mga pagkain dahil maraming customer ngayon sa restaurant.

"Yes, Tita. Where are they?" tanong ko naman.

"Oh! Kakapasok lang nila sa loob. Puntahan mo na at kanina ka pa niya hinahanap," sagot naman sa akin ni Tita Cindy.

Napangiti at tumango naman ako sa kaniya bago umalis para magpunta sa bahay nila. Sa likod lang 'yon ng restaurant kaya hindi ako natagalan makarating doon. Pagkapasok ko sa malaking bahay nila Tita Cindy ay naabutan ko sa sala sila Eunice. Sabay naman silang napalingon sa akin kaya napangiti ako.

"Mama!"

Umupo ako kaagad at ibinuka ng malaki ang dalawang braso para salubungin ang yakap ng anak kong si Agatha. She's five year's old now and we're very look a like. 

"I missed you, my love!" sabi ko.

Yumakap ito sa akin kaya naman lahat ng pagod ko ay para bang naglahong bula. Ito ang pinaka-favorite kong part kapag umuuwi ako galing sa flight. Ang mayakap at makasama ko ang anak ko ay sobrang nakakawala ng pagod. Laking pasasalamat ko nga rin kay Eunice dahil sa tuwing wala ako ay siya ang nag-aalaga kay Agatha. Eunice is my bestfriend since college at tinuturing ko na rin siyang kapatid dahil parehas kaming wala ng mga magulang.

Being single Mom is not easy, pero kinakaya ko para lang maibigay ko ang magandang buhay kay Agatha dahil ayaw kong lumaki siya na mararamdaman niyang may kulang sa kaniya kahit wala siyang tatay na kinikilala.

Nakipaglaro lang ako kay Agatha sa mga oras na 'yon hanggang sa nakatulog siya para sa afternoon nap. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na 'yon para tumulong sa restaurant. Bilang kapalit sa pagpapa-aral sa akin ni Tita Cindy ay nagta-trabaho ako sa restaurant niya kapag wala akong flight at hindi ko na rin kinukuha ang binabayad niya sa akin.

"What are you doing here, Kali? You should get some rest. Kakauwi mo lang galing sa mahabang byahe. Baka naman magkasakit ka niyan," sabi sa akin ni Tita Cindy.

Ngumiti naman ako at umiling dahil ayos lang sa akin. Nakapagpahinga naman na ako kanina at talagang maraming customer ngayon kaya gusto kong tumulong.

"Just let me, Tita. Nakapagpahinga na ako kanina. Gusto kong tumulong dito," sagot ko naman.

Sa sobrang abala naman niya ay hindi na siya nakipagtalo pa sa akin at hinayaan na lang akong tumulong doon. Tinignan ko ang dining at nakita kong marami ngangg customer na kumakain doon. Namilog naman ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang lalaki na naka-encounter ko kanina sa labas. Tinignan ko kung ano'ng number ng table nila at nakita kong tumitingin pa lang sila sa menu.

"I'm gonna take in charge sa table number twenty one," sabi ko sa isang waiter doon.

Pinalagpas ko lang 'yon kanina pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa labas. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas mula sa kitchen at lumapit sa table nila. Parehas naman silang napa-angat ang tingin sa akin nang tumayo ako sa gilid ng table nila. Ngumiti ako sa kanila katulad ng madalas kong ginagawa sa mga customer doon.

"Can I take you order now, Sir?" nakangiting tanong ko.

"Oh! Si pretty girl?" sabi ni Damian.

"Yes, it's me arrogant boy. I mean, Sir," sagot ko naman.

Natawa naman ito at napatingin ako sa lalaking kasama niyang tahimik lang. May ibinulong si Damian dito pero hindi ko narinig kung ano 'yon. Umiling lang si silent boy pagktapos ay tumingala sa akin para magsalita.

"Two slices of peperoni pizza, chicken tenders and fries, two cheese burger, and one vegatable salad," sabi niya sa akin.

Tumango naman ako habang nililista ang orders nila. Napatingin naman ako sa kanila dahil baka may idadagdag pa sila sa order.

"How about drinks, Sir?" tanong ko.

"Oh! Two mango shake," dagdag na sabi nito.

"Alright, Sir!" sabi ko.

Ngumiti ako at aalis na sana kaya lang ay nagsalita muli si silent boy kaya napahinto ako.

"I forgot to say. Don't put some spices sa foods. Allergy kasi siya sa spicy," bilin nito sa akin.

Tumango naman ako tuluyang umalis na roon para makapasok sa kitchen at masabi ang orders nila.

"Lagyan mo ng kaonting spices. Ikaw na rin ang mag-serve dahil mag-take pa ako ng orders sa ibang table," sabi ko kay Annie.

I just smirked dahil sa gano'ng paraan lang ako makakaganti. Allergy pala siya sa spicy kaya he should be ready for his karma.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status