Share

Chapter 62: Sick

Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya.

"Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa.

"Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.

Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak.

"Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.

Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maryjane Jimenez
my God hang n nmn ulit ...ang ganda tlaga ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status