Share

CHAPTER 1- Being Hunted

Flashback

“Mama! Please bitawan niyo po ang mama ko!” napatingin sa ‘kin si mama at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata kasabay nito ang pagtulo ng kanyang luha.

“Malandi ka! Dapat sayo pinapatay! Walang puwang ang kerida na katulad mo sa mundong ‘to! Salot! Salot ka sa lipunan!” Sinampal sampal ng babae ang nanay ko at kitang-kita ko ang pagdaan ng galit sa mata ng nanay ko.

“Kasalanan ko bang mas masarap at magaling ako kaysa sayo? Mas maligaya sa ‘kin ang asawa mo! Sa kabit na ‘to nahanap niya ang kalinga na hindi niya nahanap sa kagaya mong boring at losyang na asawa!” buong lakas na sinampal ng babae ang nanay ko at sa aking pagkagulat ay tinulak ni mama ang babae. Kitang-kita ko ang pagkahulog ng babae sa aming hagdan.

“Lucille!” malakas na sigaw ng lalaki at bumagsak ang babaeng nagngangalang Lucille. Duguan ang ulo nito at wala nang buhay. Nakita ko pa ang luhang tumulo sa mga mata nito.

End of Flashback

Hingal na hingal akong napabalikwas ng bangon. Inilibot ko ang tingin sa madilim na apat na sulok ng kwarto ko. Nanginginig kong inabot ang orasan sa side table ko. Alas dos ng madaling araw. Napasabunot ako sa buhok ko at napakagat-labi. Siguradong hirap nanaman ako nitong makakatulog. Inabot ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto ko.

“Nightmare?” Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

“Tita Remi naman ‘wag kang manggugulat r’yan!” Natatawang itinaas niya ang dalawang kamay at hinila niya ako paupo sa sofa.

“Binangungot ka ulit?” tumango ako sa tanong niya.

“Hayss, ilang taon na bang nakalipas simula ng mangyari ‘yan pero heto’t dala-dala mo pa rin ang masamang memoryang ‘yan,” nabanaag ko ang paghihirap sa boses niya. Niyakap ko siya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

“Mahirap kalimutan tita, hanggang ngayon hindi pa rin po ako nilulubayan ng konsensya.” I heard her sighed. Pinaharap niya ako sa kanya at sinapo niya ang pisngi ko.

“Wala kang kasalanan Zaf,” napapikit ako at pumasok sa isip ko ang pagtulo ng luha ng babae bago ‘to binawian ng buhay. Nanginginig ang kamay ko at pinagpawisan ako. Niyugyog ni Tita Remi ang katawan ko at gulat na gulat akong tumingin sa kanya.

“T-tita, ang kasalanan ni mama ay kasalanan ko na rin po,” ani ko sa pagitan ng pag-iyak. Tita Remi never left my side after that incident. Kinupkop niya ako at pinag-aral. Itinuring niya ako na parang tunay na anak at ipinagtatanggol sa mga taong humuhusga sa buo kong pagkatao. Dahil sa nagawa ni mama, ako ang naghihirap at sumalo sa kahihiyang iniwan niya sa ‘kin.

“Hindi Zaf, hindi mo kasalanan ang kasalanan ng nanay mo. Magkaiba kayo Zaf, di ba sabi ko sayo lagi mong iisipin na magkaiba kayo ng nanay mo. ‘Wag na ‘wag kang gagaya sa kinahinatnan ng nanay mo.” Napapikit ako at muling tumulo ang masaganang luha ko.

Iba ka Zaf, hinding-hindi ka gagaya sa nanay mo. Huminga ako ng malalim at tumayo.

“Tita, labas po muna ako,” paalam ko sa kanya. Napatayo ‘to at hinawakan ang palad ko.

“Gabi na ah! Baka mapano ka sa labas hija,” wika niya na punong-puno ng pag-aalala.

“Shh okay lang po ako tita, malapit lang naman po ang 7/11. Magpapahangin lang po ako.” Bagama’t nag-aalangan ay tumango pa rin siya at masuyong ngumiti. Ang swerte ko sa tita Remi ko.

Kahit ganon kasaklap ang nangyari sa kabataan ko hindi pa rin ako pinabayaan ng panginoon.

Pagkalabas ko ng elevator, dire-diretso akong lumabas ng building. Napangiti ako nang makalabas ako, ang presko ng hangin sa madaling-araw.

“100 pesos po ma’am,” iniabot ko ang bayad ko at umupo muna ako sa bench sa labas ng 7/11. Napatingala ako sa langit na punong-puno ng bituin. Ang gandang pagmasdan.

“Eating ice cream in this hour is not good for your health miss,” napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko ang matangkad na lalaking nakatingin sa ‘kin. Napakagwapo nito at mas tumingkad ang kagandahang lalaki sa suot nitong business suit.

“Are you talking to me?” itinuro ko ang sarili ko at tumawa ‘to.

“May iba pa bang tao sa harap ko miss?” napairap ako sa inasta niya at napatayo.

“Wala akong panahon makipag-usap sa pilosopong kagaya mo.” Tumalikod ako ngunit hinila niya ako. Inis na hinila ko ang kamay kong hawak niya.

“Huwag kang lalapit sa ‘kin kung ayaw mong kasuhan kita ng sexual harrassment!” pananakot ko rito. Imbes na matakot ay tumawa ‘to ng malakas habang sapo-sapo ang tiyan.

“Grabe ka miss! Do I look like a maniac to you?” pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Not bad.

“No you’re not but you look like a fuckboy, I know that kind of man at alam kong babaero ka!” singhal ko sa kanya. Muli ‘tong tumawa at kapagkuwan ay umupo ‘to sa bench.

“Tabi ka miss, don’t worry hindi ako maniac. I just want to be friends with you grabe ka naman maka fuckboy,” after he said that he pouted. Napatitig ako sa mukha niyang nagpapaawa sa ‘kin ngunit umirap ako sa kanya.

“Taray mo naman miss, hilig mo pa umirap. Pero mas gumaganda ka kapag umiirap, sige ka kapag ako na inlove sa ‘yo papatirikin ko ang mata mo sa sarap,” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kapagkuwan ay pinagpapalo ko siya ng cellphone ko. Di bale na masira phone ko masaktan ko lang ang gagong ‘to.

“Ahh! Ang sarap baby! Ay este ang sakit miss! Maaawa ka naman sa ‘kin! Kapag nasira ang gwapo kong mukha kawawa ka, magkakaasawa ka ng pangit!” Mas lumakas ang pagpalo ko sa kanya ngunit hindi ko napaghandaan ang ginawa niya.

Hinila niya ako paupo sa kandungan niya at kitang-kita ko ang mukha niya sa malapitan. He has a gray eyes, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, makakapal na kilay at mapupulang labi. Napatitig ako sa kanya at natauhan lang ako nang haplusin niya ang labi ko.

Napatayo ako at napatalikod. Gosh what the hell am I doing?

“You’re so pretty Miss, by the way I am Wallace Villamor and you are?” napatikhim ako at hindi makatingin sa mga mata niya. Tumingin ako sa noo niya sabay pakilala, “Zafara Eloise Perez,” tila nahulog sa ako nang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Oh God! Did I saw an angel?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status