Share

09

PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.

Natulos siya sa kinatatayuan.

Napamura ulit siya.

Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?

“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”

How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.

Damn it.

Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.

She was sweating heavily. She was in deep trouble. 

Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang  makita niya ang bata?

Of course, yes!

Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.

“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin kung mabulunan ang isang bata,” pangungunsensya niya. Ipinagdasal niya na hindi nito napansin ang paggaralgal ng kanyang boses.

Napabuntonghininga si Fernando. “Alright.” Ligtas siya. “At least, I know his safe. Hayaan mo lang siyang kumain.  Just tell him that I called. Tell him to take care. And another thing.”

“What?” napalakas ang boses na tanong niya. “I mean, what do you want to add?”

“I do not like you cursing. Baka marinig ng bata at sundin ka. Children are great imitators, Miss Bacat. Let me remind you. I don’t want my child curse.”

“Y-yes, sir,” nahihirapan niyang wika.

Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa nang idiskonekta ni Fernando ang tawag.

Kapag nalaman niyang pinagtataguan lamang siya ng batang iyon, makikita nito. Kakain talaga siya ng bata. Now, it’s time to search for him. Hindi niya palaging mabibilog ang ulo ng bilyonaryong iyon. Hindi ito nakarating sa ganoong posisyon kung mahina ang utak nito at madaling malinlang.

---------

UMABOT si Charinda sa likod ng mga silid-aralan sa pagbabasakaling baka doon makita si Kent.

Tatlumpong minuto na ang nakaraan ngunit hindi pa rin niya ito nakikita. The other children were slowing going back their classes. Dapat sana kasabay nila si Kent sa pagpasok.

But who cares about classes kung wala ang bata? Mas problema niya ngayon ang bata.

Hindi na ito maganda. Akala niya maganda ang security ng eskwelahang ito.

Hindi lang siya mananagot kay Fernando kundi maging sa heneral. Ang pinakamalalang pwedeng mangyari? Baka matanggal siya sa PA. Hindi magdadalawang-isip ang tito niya na tanggalin siya sa serbisyo kung hindi naging maganda ang serbisyong ginawa niya. Which she will not accept. There was no way na hahayaan niyang mangyari iyon dahil lang sa bata.

Sinalubong siya ng preskong amoy ng damo.

Pinahid niya isang butil ng pawis na tumulo sa noo niya.

Hindi mabilang ang iba’t-ibang klase ng punong itinanim sa kinalalagyan niya.

Nagpapatalbugan sa taas ang iba’t ibang klaseng halaman na nakikitira sa dati ay bakanteng lupain na ngayon ay parang isang iskwater area na pinamumugaran ng mga berdeng puno at mga halaman.

Mula sa kinalalagyan, naririnig pa rin niya ang mga boses ng mga bata at ang pagtatawanan ng mga ito.

Papalayo nang papalayo na siya sa classroom ni Kent. Sa kaliwa niya, may mga gabundok na mga tuyong dahon na parang kinahig ng manok .

“Bitiwan mo ako.”

Napatigil si Charinda.

Pumikit siya upang mas marinig ang may-ari ng boses na iyon.

She heard squeaking from the other kids but she tuned them out and focused on that certain voice which she heard earlier.

“Isusumbong kita kay Daddy.” There. Iyon ang boses na gusto niyang pakinggan.

Nagpalinga-linga siya.

Nasaan si Kent?

Napapalibutan siya ng mga puno kaya nahihirapan siyang hanapin ang bata.

“Tulong! Help! Yaya! Yaya!”

Hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang waiting shed na matagal ng hindi nadadalaw ng mga tao. Animo, isang ihip lang ng hangin ay matutumba na ang nasabing waiting shed.

Hawak-hawak ng lalaking naka-leather jacket ang batang nagpupumiglas. 

Nakapulupot ang braso ng lalaki sa leeg ni Kent.

Nahihirapan itong huminga.

Kailangan niyang kumilos. “Kent…” bulong niya sa hangin.

“Huwag ka nang magpumiglas, bata at baka mapatay kita ngayon,” banta pa ng lalaki.

“Daddy! Daddy! Yaya! Yaya!”

“Pakawalan mo siya,” utos ni Charinda.

Ilang metro lang ang layo niya sa dalawa.

Napunta sa kanya ang atensyon ng dalawa.

Ngumisi ang lalaki. “Ano naman ang maitutulong ng walang kwentang yaya rito?”

Humakbang si Charinda. “Hindi ba ayaw mo nga sa batang ito? Bakit mo naman siya tutulungan?”

Tumaas ang kilay niya. “Pakialam mo kung ayaw ko sa kanya o gusto ko siya?”

Kanina pa pala sila binabantayan ng lalaking ito. Kaya pala pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanila.

Ang walang kwentang kidnapper, wala man lang ginawa. Puno ito ng kumpyansa na wala nga siyang magagawa para sagipin ang bata.

“Kahit na ayaw ko sa batang iyan, kailangan ko pa rin siyang tulungan. Kung anong dahilan? Wala kang pakialam.”

Umiling ito. “Diyan ka lang. Huwag na huwag kang lumapit. Baka mabigla ako at maiputok  ko ang baril,” babala nito.

Iwinagayway ng lalaki ang kalibre kwarenta y singko nitong baril na parang isang bandera. She could easily disarm him. Kung makakalapit lang siya sa ugok na ito. Patitikimin niya ito ng magkakambal na suntok. Sabay sipa sa pinakaiingatan nitong male anatomy.

Napakislot siya nang tamaan ng sinag ng araw ang baril.

“Yaya…” Hilam sa luha ang mga mata ni Kent.

Akala ba niya ayaw sa kanya ng batang ito? Bakit tinawag pa rin siya?

Tumigil si Charinda sa paghakbang at ngumisi ang lalaki. “Good girl. Huwag ka na lang mag-alaga sa batang ito. Dito ka na lang sa akin mamasukan. Madali ka rin naman palang utusan. At gusto ko rin iyang katawan mo. Napakapresko.”

Sinipat siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Sino naman kaya ang may pakana ng pagdukot sa bata? Si Pantio ba? Malalaman lang niya ang sagot kapag maipapatumba na niya ang mga lalaki.

Itinago ni Charinda ang nangangati niyang kamay sa likuran. “Talaga? Magkano naman ang sweldo? Mapili ako sa mga amo. Gusto ko iyong mga gwapo’t romantiko. Pwede ka ba? Kung pwede, maski hindi mo na ako paswelduhan. Paligayahin mo lang ako at papaligayahin kita.”

Hinagod siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa. Kumislap ang mata ng lalaki. “Deal.”

Napadura siya sa isipan.

Uto-uto pala ang lalaking ito. Sino kaya ang kumuha rito?  “So, pwede na akong magsimula ngayon? Isasama mo na ako?” tanong niya.

Nag-isip ang lalaki hanggang sumilay ang ngiti sa mukha nito. “Oo na. Pero huwag na huwag mo akong tatraydurin. Baka kayo ng alaga mo ang mailibing ko sa kagubatang ito.”

Tumango si Charinda.

Lakad-takbo ang ginawa niya upang marating lamang ang kinaroroonan ng dalawa.

Yumuko siya.

Nararamdaman niya ang pagsunod ng tingin ng lalaki sa kanilang dalawa.

“Bad ka pala, Yaya,” umiiyak na wika ng bata. “I thought you will save me.”

Tumingin siya sa mga mata nito. Puno ito ng pagmamakaawa. He was begging her to save him.

Napabuntong-hininga siya.“Ako na lang ang hahawak sa batang ito, Boss para hindi ka na mahirapan,” suhestiyon niya. “Mas lalo siyang matatakot sa pagmumukha mo.”

Nanlaki ang mga mata nito sa huling sinabi niya. “Hindi hamak na gwapo naman ako. Huwag mong kalimutan. Kahit na maganda ka pa, hindi ko sasantuhin ang mga traydor,” babala pa nito. “Ibabaon ko ang mga bala ng baril ko sa pagmumukha mo at sisiguraduhin kong hindi ka makikilala ng mga kaanak mo.”

She bet it will happen. As long as may DNA records siya, madali lang siyang makikilala kung magkakatotoo ang sinabi ng damuho.

“Hindi ako sumasanto ng mga babae kahit maganda. Papatayin kita.”

Paulit-ulit?

Parang si Fernando lang ang lalaking ito.

Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ni Kent.

Nagpupumiglas ito at nang bigyan niya ito ng nakakamatay na tingin, huminto. 

Maririnig ang palahaw ng bata at nagtataka siyang walang nakakarinig sa kanila.

Natampal niya ang noo.

Paano naman sila maririnig ng gwardiya, eh, nakita niya itong nakikinig ng drama sa radyo.

Hindi na rin siya magtataka kung bakit hindi nito napansin  na may nakapasok na masamang taong may bitbit pang baril. Isusumbong niya ang kakulangan nito sa proper authority nang mabigyan ng proper disciplinary actions ang lalaki.

“Bilisan ninyong maglakad. Ang bagal,” reklamo ng lalaki.

Nakatalikod ito sa kanila.

Ang bobo talaga.

Sinong kidnapper ang hahayaang nasa hulihan ang isang bihag nito?

Napako ang tingin niya sa baril nito na nakatago sa jacket nito.

Nangangati ang kamay niya.

Hindi na muna ngayon. She had to be patient kung gusto niyang magtagumpay.

---------

“BOSS, malayo pa ba tayo?” naiinip na tanong ni Charinda.

Kanina pa sila lakad nang lakad pero hindi pa rin sila humihinto.

Akala niya, isang mini-forest lang ang pinasukan nila, subalit parang nasa A****n forest sila.

Kahit gaano niya patigasin ang damdamin, nakakaramdam pa rin siya ng pagkaawa kay Kent.

Hingal na hingal ito at tuwing nadadaplisan ang sensitibo nitong balat ng mga tinik, napapahiyaw ang bata sa sakit.

Kasalanan din nito kung bakit sila napunta sa sitwasyong ito. Kung hindi lamang ito nagtatakbo malamang payapa sana ang araw niya.

Hindi pa rin tumatawag ulit sa kanya si Fernando. Salamat naman. Kung tatawag ito, sana pagkatapos ng mahalagang gawain niyang ito.

Anong oras na nga ba?

Ilang oras na ba silang naglalakd?

Nag-aaklas na ang mga binti niya. Tuyo na rin ang lalamunan niya.

 “Aray!”

Napatingin si Charinda kay Kent.

Nadapa ito.

Lumuhod siya at sinuri ang tuhod ng bata.

Dugo. Kaunti lang naman. Malayo sa bituka. Pero kapag nakita ni Fernando na nasugatan ang bata, baka mag-alburuto na naman ang ulo nito at pagalitan siya. “Mag-ingat ka kasi.Wala ka ng yaya simula sa araw na ito!” panenermon niya sa bata.

Hindi siya nito sinagot, bagkus dumaloy na naman ang masagana nitong luha.

Napakaiyakan naman ng batang ito!

“Napaano iyan?” tanong ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi man lang nagbigay ng pangalan.

“Nadapa, Boss! Parang hindi na makalakad. Dumurugo ang sugat.”

“Pilitin mong maglakad. Hinihintay na tayo ni Mr. Penswire. Naiinip na iyon,” nakakunot-noong wika ng lalaki. “Bilisan ni’yo na!”

Tumalikod ang lalaki.

Kung ganoon, nagtatrabaho sa isang lalaking nagngangalang Mr. Penswire ang damuhong lalaking ito? Sino naman iyon?

Isa kaya iyon sa alias na ginamit ni Joe Pantio?

Naikuyom niya ang mga kamao.

Huhulihin niya ang lahat ng nagbabanta sa buhay ni Fernando nang makaalis na siya sa misyon.

Wala siyang balak manatili sa poder nito at lalong ayaw niyang magbantay kay Kent.

Napatingin siya sa papalayong lalaki.

Hindi man lang sila nakuhang lingunin.

What a stupid man.

Hinawakan ni Charinda ang magkabilang balikat ng bata. “Kent, kapag sinabi kong tumakbo, tumakbo ka. Naiintindihan mo ba? Pumunta ka sa daddy mo,” seryoso niyang wika.

Nalilito siya nitong tiningnan.

Gusto niyang sagutin ang mga tanong nito pero wala silang sapat na oras.

It’s a matter of survival now. It’s either she will live or the kid will die. Hindi man niya gusto si Kent pero trabaho niya at tawag ng propesyon ang tulungan ang lahat ng mga taong nangangailangan ng tulong.

Hindi na siya dapat mamili ng mga taong tutulunga.

“B-but—”

“Wala ng pero, pero,” pabulong niyang sabi pagkatapos putulin ang sasabihin nito. “Ang mahalaga, ligtas ka.”

Tinulungan niya itong tumayo.

Inutusan niya itong lumakad at kunin niya ang atensyon ng lalaki.

Tumalima ang bata.

She let out a sigh of relief. Now that the child was gone, she could freely do what she wanted to do.

“Bilis— Hoy, saan pupunta ang batang iyon?”

Hinarap niya ito. “You’re such a stupid kidnapper. Isang simpleng tingin hindi mo makuha?” she said smugly.

Bumaha ng napakaraming mura sa malaki nitong bibig.

Susundan sana nito si Kent pero hinarangan niya ito.

She shook her head disapprovingly. “Pabayaan mo siya. Dumaan ka muna sa akin kung gusto mo siyang makuha.”

“Sayang. Akala ko pa naman matitikman ko ang katawan mo.” Dumura ang lalaki sa lupa na nadedekorasyunan ng mga tuyong dahon ng mga puno. “Sisiguraduhin kong maaagnas ang katawan mo sa bulok na kagubatang ito.” Then, he pointed the gun at her direction and fired.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status