Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”“I don’t want to kill an innocent man!”Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo. “Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.Kapwa sila napalingon sa labas.Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko
"Are we really doing this?" ilang beses na tanong ni Charinda. “Pwede ka pang umatras kung gusto mo, Fernando.” Ngumiti lang si Kadriel. Her heart skipped. How she loved seeing those smiles. Damn. Bakit nga ulit siya nahulog sa lalaking ito? He is kind. Handsome. Good provider. Above all, he loves you more than his life. Even if it sounded wrong for you. Charinda’s expression softened as she looked at the man. Right. And she also loved him. Her billionaire boss. Kaharap nila ang kaibigang mayor ni Kadriel. They will have their civil wedding sa maliit na opisina nito kasama ang ilang tauhan ng lalaki. Nobody knew about this wedding. Sila lang dalawa and the employees of this Local Government Unit. "For the tenth time, yes we are doing this, Charinda. We both passed twenty-five years old. Hindi na kailangang humingi tayo ng approval sa parents and guardian natin." Right. Even her aunt and uncle did not know about this. Wala rin si Kent. Silang dalawa lang at ang matinding pagm
SOME PEOPLE forbid men to cry, but Kadriel was doing it. And he did not care if people were talking behind his back.His body shook in fear while he entered the hospital. Nasa kalagitnaan siya ng meeting with his stock holders sa sariling kompanya nang makatanggap ng tawag. Hindi sana ito sasagutin ng sekretarya niya kung hindi lang naging makulit ang caller at sinabing kailangan siyang makausap. And then that caller just dropped the bomb telling him that his precious little sister—Rosemarie Anne was fighting for her life. It was a car accident. Binangga ng isang ten-wheeler truck ang sinasakyan nitong kotse habang papauwi sa bahay nila.Halos hindi na niya marinig ang paligid sa sobrang lakas ng pintig ng puso niya.God.This was all his fault.
PUNIT-PUNIT ang damit na suot ni Charinda Delos Reyes. Some of her flesh was even visible. Daig pa niya ang isang pinakamahirap na pulubi. Kulay putik ang damit niya at mabuti na lamang hindi iyon nangangamoy.She walked with her chin high with straight shoulders.Tinalunton niya ang masikip na mga kabahayan. Parang isang squatter’s area.May ideya na siya ngayon kung bakit ito ang lugar na pinili ng lalaking ka meet up niya. This was not a blind date. Heck no. Hindi siya cheap para makipagkita para sa isang date sa maruming lugar na ito. This was purely a business meetup.Maganda ang lugar na napili ng lalaking iyon. Planong-planado talaga. Mas madali nga lamang pala silang makisiksik sa mga tao kapag nagkaroon ng aberya ang transaksyon na
HINDI sapat ang lamig na ibinibigay ng aircon upang pakalmahin ang kumukulong dugo ni Charinda. Katatapos lang niyang mabigyan ng warning dahil sa ginawa niya sa last mission niya. At katakot-takot na sermon din ang narinig niya. Aminado naman siya na mali ang ginawa niya. Mabuti na lang at naging mabait pa ang team leader sa kanya at iyon ang pinataw sa kanya. Hindi siya naniniwalang dahil iyon sa pamangkin siya ng superior nila. Baka lang siguro dahil iyon sa excellent performance niya sa ibang missions nila.At heto na naman ang panibagong problema ang dumating.Nasa kasagsagan sila ng isang mainit na pag-uusap kung sino ang magmamanman sa bahay ng mga Fernando at magsisilbi nitong gwardiya. Silang tatlo lang ang naroroon sa malamig na opisina—ang superior niya, ang pinsan niya, at siya. They were a family, kaya hindi niya kailangang kumilo
“UMALIS ka sa daraanan ko, Benedict,” mahinahong saad ni Charinda.Nakaharang sa dinaraanan niya ang lalaki na hindi niya nagustuhan. She was busy. Ang dami niya pang gagawin. Hindi pa rin maganda ang mood niya at kung hahayaan niya ang sariling inisin pa lalo ni Benedict, malamang makalimutan na niya ang tungkulin, ang sumagip ng buhay hindi tumapos.Hindi pa rin niya matanggap ang bagong misyon na ibinigay sa kanya. It was like a punishment for her.Pinaparusahan siya nila dahil sa ginawa niya doon sa drug pusher at mga bata nito.Bakit hindi siya nila maintindihan? She was only having some fun! Pero hindi alam ng mga ito ang salitang iyon.Benedict was still blocking the path.
Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.Isang buwan.Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nan
Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind. Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pin