PUNIT-PUNIT ang damit na suot ni Charinda Delos Reyes. Some of her flesh was even visible. Daig pa niya ang isang pinakamahirap na pulubi. Kulay putik ang damit niya at mabuti na lamang hindi iyon nangangamoy.
She walked with her chin high with straight shoulders.
Tinalunton niya ang masikip na mga kabahayan. Parang isang squatter’s area.
May ideya na siya ngayon kung bakit ito ang lugar na pinili ng lalaking ka meet up niya. This was not a blind date. Heck no. Hindi siya cheap para makipagkita para sa isang date sa maruming lugar na ito. This was purely a business meetup.
Maganda ang lugar na napili ng lalaking iyon. Planong-planado talaga. Mas madali nga lamang pala silang makisiksik sa mga tao kapag nagkaroon ng aberya ang transaksyon na gagawin nila.
Sa lahat ng entrapment operation na sinamahan niya, masasabi niyang ito ang pinakakaiba. Ang katatagpuin pa nga ang unang nagsabi sa kanyang magiging kasuotan dahil kung hindi raw niya gagawin ang sinasabi nito, hindi ito makikipagkita sa kanya.
Demanding talaga, ani ng isip niya.
Pasalamat ito work related ang ginagawa niyang ito dahil kung hindi, hindi niya ito sisiputin. She wouldn’t allow herself na madudumihan at makakasinghot ng hindi kaaya-ayang amoy.
Matagal nang reklamo ng mga ina sa lugar na ito, ang San Vicente ang pagkalulong ng mga kabataan sa droga.
Sinisira nito ang kinabukasan ng mga kabataan. Ayon sa mga magulang, may nagtitinda raw sa mga bata na isang lalaki. Hindi matukoy ng mga ito kung sino. Ang tanging palatandaan ay may peklat ang lalaki sa kamay na pabilog.
“Where are you now, Delos Reyes?” tanong ng team leader niya gamit ang radio earpiece na nasa tenga niya. Her meet-up would not notice the earpiece dahil nakatago ito sa ilalim ng damit niya.
“Nasa meeting place na po ako, Sir. I still don’t see him,” tugon naman niya.
Nasa isang madilim siyang eskinita. Sa kanyang tabi ay nakahilera ang nangangamoy na basura. Isang daga ang tumalon mula roon.
“Just wait for him. We are now watching you on CCTV.”
Ang CCTV ay inilagay sa itaas ng bubong ng isang abandonadong bahay. Kumakaway ang bintana nito.
Wala namang dapat na ikabahala kung may makakita sa operation nila. They made sure that nobody, not even a civilian will come in this place. Isa pa, alam din ng dealer na iyon na wala silang magiging problema sa location. Hindi lang nito naisip na magkakaroon ito ng problema sa katatagpuin nitong tao. Ito na mismo ang lumalapit sa sariling bangin.
Hanggang sa bigla siyang nakaramdam ng panlalamig. Hindi dahil sa nalalapit niyang pagharap sa pusher kundi sa isiping baka may multo ang lugar.
She’s not really afraid of ghost but it’s all because of the general! Ikinuwento nito sa kanya na may nagpapakita raw na lalaking may pugot na ulo sa lugar na ito.
Ayon pa rito, biktima raw ito ng pusher. Hindi raw ito nakapagbayad at basta na lang itinakbo ang shabu. Nang mahuli ang lalaki, pinahirapan daw muna ang lalaki bago pinugutan ng ulo. Hanggang ngayon, hindi pa raw iyon natatahimik dahil hindi pa nito nakikita ang katawan.
Paano naman makikita kung walang mata?
Nagtindigan ang mga balahibo niya sa braso sa naisip. Hindi rin nakatulong ang damit niya.
She suddenly felt cold.
This place was really giving her creeps. Just then, she started to see shadows until more likely ten brawny men came into view. “They’re here.”
“Just don’t blow it, Delos Reyes.”
Siyam sa mga lalaki ang huminto sa may sulok ngunit malayo sa nangangamoy na basura at malikot ang mga mata. Isang lalaki naman ang nakasuot ng shades ang papalapit sa direksyon niya.
“Ang aga mo bata,” nakangisi nitong deklara.
Pinigilan niya ang sariling ikutan ito ng mata.
Atat na akong ikulong ka sa pasira mo sa kinabukasan ng mga kabataan. Pagbabayaran mo ang mga buhay na sinira mo! ani ng utak niya.
Nagkibit-balikat siya. “Gusto ko nang lumipad. Dala mo ba?”
Tumawa ang mga kalalakihan. “Mamaya,” wika ng boss.
Umikot ito sa kanya.
Nararamdaman niya ang mga titig nito sa buo niyang katawan. Bumalot ang kilabot sa buong katawan niya.
“Ang pera?” tanong ng lalaki. Amoy patay na daga ang hininga nito.
Kinuha niya ang marked money. “Oo naman. Eh, iyong sa’kin?”
“Nandito sa bulsa ko.”
Inilahad niya ang pera. “Huwag kang mag-alala. Kumpleto iyan,” wika niya nang kunin nito ang pera pagkatapos inamoy. “Fifteen thousand.”
Ngumisi ang lalaki. Kita ang naninilaw nitong ngipin.
Akala niya marami itong pera. Bakit hindi man lang kayang bumili ng toothpaste?
“Sakto rin ang timbang nito. Alam mo namang tapat ako sa mga kliyente ko.”
Lihim siyang napangiti. Fifteen thousand para sa isang gramo lang ng shabu. Bingo!
Kukunin na sana niya ang pakete ng shabu ngunit ayaw bitiwan ng lalaki. “Maganda ka,” puri nito at hindi nilulubayan ang katawan niya. “Maaari ko itong dagdagan kong-”
“Huwag na. Sapat na ‘to.”
“Amo! Inaayawan ang kagwapuhan mo!” kantiyaw ng isa sa mga bata nito.
Humalakhak ang iba nitong kasamahan.
Nainis ang tinatawag nitong amo.
“Inaayawan mo ba ang kapogian ko? Kaya kong sustentuhan ang kabaliwan mo kapag sasama ka lang sa akin.”
Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi na nagpakulo ng dugo niya.
Iwinakli ni Charinda ang malaki nitong kamay ngunit ayaw maalis.
Nasaan na ba ang team leader niya?
Mapapatay niya ang lalaking ito at iyon ang hindi inutos ng team leader.
The order for her was to let the man get the marked money as evidence and don’t do any unnecessary things if the situation did not ask for it. But the shaking of her hands told her other things. She’s dying to punch him!
“Tinatakot mo yata, amo. Kailangang dahan-dahanin.”
“Dahan-dahanin gaya nito?” at akmang isusubsob ang ulo sa dibdib niya.
Mabilis siyang nakailag at kasabay noon ay pag-agaw ng pakete ng shabu. Another evidence.
Inilagay niya ito sa bulsa.
The men were having fun. She was their entertainment.
“Huwag kang mahiya,” nakangusong wika ng amo.
Lumapit ito sa kanya.
Napaatras siya.
Pilit siya nitong hinahawakan at nahuli ang laylayan ng damit niya. Dahil doon, mas lalong napunit ang suot na damit. Kitang-kita ang tiyan niya. Mabuti nalamang at natatabunan pa ang dibdib niya.
“Ang kinis, amo. Huwag mo nang pakawalan iyan. Kapag sumigaw, kaming bahala.”
Animo naririnig na niya ang takbo ng pag-iisip ng mga lalaki.
Pagkatapos siyang pagsamantalahan ng itinuturing ng mga itong ama, ang mga ito naman ang susunod.
Well, mamamatay muna siya bago mangyari iyon.
“Huwag mong tirhan ng damit!”
“Magsitahimik kayo! Huwag niyo akong utusan,” natatawa nitong wika.
Humalakhak ito na parang nababaliw.
Kinuha nito ang shades sa mata at ibinalibag kung saan. Mumurahin lang naman. Bente pisos lang siguro sa bangketa. Pula ang mga mata nito at parang naiihi na ewan.
Wala na siyang panahon sa kanila. She was dying to punch their faces. “Diyan ka lang kung ayaw mong masaktan,” may pagbabanta sa boses niya.
“Ikaw ang masasaktan, Miss, kung patuloy ka sa pagpapakipot. Nakikita mo iyan?” Itinuro nito ang mga bata. As if on cue, the men showed their guns.
Napamura si Charinda.
May tsansa siya kung kamao sa kamao pero kung baril at kamao… She’s no match for them unless the other agents arrive. But where are they? She was distracted by these thoughts that she failed to notice the man’s next move.
Pinugpog siya nito ng halik… and that’s it. Nobody had the right to abused her physically, verbally, and sexually.
Itinaas niya ang tuhod at idinapo sa p*********i nito.
Napahiyaw ito sa sobrang sakit. Umarikingking ito. Hindi pa nakuntento, hinablot niya ang lalaki sa kwelyo at inagaw ang baril.
Itinutok niya ang baril sa noo nito. “Iputok ni’yo. Baka mabigla ako at makalabit ko ang gatilyo,” wika niya sa mga nakahandang mga tauhan nito.
Narinig niya ang pagpigil ng hininga ng amo. Nakalimutan yata ang iniinda nitong sakit. Mas idiniin pa niya ang pagtutok ng baril.
“H-huwag ni’yong paputukin,” nanginginig ang boses nitong wika.
Ngumisi siya. “Narinig ni’yo iyon?”
“Delos Reyes, ano na bang ginagawa mo?” ani ng kanyang team leader sa earpiece.
“Nagkakaroon lang ng kaunting kasiyahan, sir.”
“Huwag mo lang pasobrahan. May batas tayong sinusunod. Parating na kami.”
Bilisan ni’yo lang. Nangangati na ang kamay ko. “Kayong mga tuta ng asong ito, gusto niyo na bang mawala ang amo ni’yo?”
“Anong…pinagsasabi mo, miss? M-mahal ako ng mga bata ko. ‘Di ba?”
Isa-isang ibinaba ng mga lalaki ang mga baril. “Hindi totoo iyan. Napilitan lang kaming sumama sa kanya. Kung ‘di lang niya kami tinatakot na patayin ang mga pamilya namin, hindi kami sasama.”
“Puldo! Isa kang ahas! ‘Pag nakatakas ako rito, uubusin ko ang pamilya mo.”
“Maam, narinig mo iyon?” parang batang sumbong ni Puldo. “Patahimikin ni’yo na ang lalaking iyan at baka makawala pa ang tali.”
Nag-isip-isip si Charinda.
Malapit na siyang dalawin ng kabagutan. At kapag magtangkang tumakas ang bihag niya, malamang hindi na niya masunod ang utos ng kanilang team leader.
“Okay. May naisip akong laro at si Gang Leader ang taya.”
Lumingon ito sa kanya. “Hindi ako gang leader. Pinuno ako ng mga drug dealer sa lugar na ito,” buong pagmamayabang nitong wika. At ipinangangalandakan pa talaga? Kung ganoon, e, tiba-tiba siya nito. Malaking isda ang nahuli nila. Maari nitong tukuyin ang mga galamay ng lalaki at iba pang malalaking kliyente nito.
Some patience, Charinda. “Fine. Gaya nga ng sinabi ko, magiging taya si Druggie dealer. At ang pangalan ng laro natin ay ‘Sisira ang Bulaklak, Maghuhubad si Black Black’.”
“Huwag,” todo tanggi nito kahit hindi pa naririnig ang panuto.
Tumaas ang pang-itaas na sulok ng labi ni Charinda. “Mga bata ni Druggie, bumuo kayo ng bilog.”
Alangang sumunod ang mga lalaki at nang matapos ang mga ito, tinulak niya ang bihag sa harap ng malaking bilog.
“Ang sinumang magtatangkang tumakas, pasasabugin ko ang bungo. Hindi pa naman nababawasan ang bala. Okay. Simple lang naman ang panuto ng laro ko. Kakanta kayo ng ‘Sisira ang Bulaklak’. Iikutan ninyo ang amo ninyo at isa-isang hahablutin ang damit niya gaya ng ginawa niya sa akin. Dapat lang na may makuha kayo dahil kapag natapos ang kanta at wala kayong napunit na damit o short, Bang! Bang!
Nanginig ang mga lalaki, pinigilan niya ang sariling huwag mapangiti. “Simulan, Puldo!”
Mayamaya ay, pumailanlang ang awiting ‘Sisira ang Bulalaklak’.
Natatawa siya sa tuwing mahahablot ng mga tuta ni Druggie ang mga damit nito sapagkat napapangiwi ang lalaki. Magkagayong tatabunan nito ang katawang nakita. Subalit habang patagal nang patagal ang awitin, mas lumiliit ang mga damit nito hanggang sa brief na lang ang natitira.
Mangiyak-ngiyak na ang lalaki.
“Bumalik sa pag-awit!” utos niya sa mga lalaki nang matapos ang kanta.
Putlang-putla na si Druggie.
Ibig sabihin kasi noon, makikita na nila ang pinakakaingatan nitong kayamanan.
“Delos Reyes? Anong ibig sabihin nito?”
Natulos si Charinda sa kinalalagyan at unti-unting lumingon. “T-team leader…”
HINDI sapat ang lamig na ibinibigay ng aircon upang pakalmahin ang kumukulong dugo ni Charinda. Katatapos lang niyang mabigyan ng warning dahil sa ginawa niya sa last mission niya. At katakot-takot na sermon din ang narinig niya. Aminado naman siya na mali ang ginawa niya. Mabuti na lang at naging mabait pa ang team leader sa kanya at iyon ang pinataw sa kanya. Hindi siya naniniwalang dahil iyon sa pamangkin siya ng superior nila. Baka lang siguro dahil iyon sa excellent performance niya sa ibang missions nila.At heto na naman ang panibagong problema ang dumating.Nasa kasagsagan sila ng isang mainit na pag-uusap kung sino ang magmamanman sa bahay ng mga Fernando at magsisilbi nitong gwardiya. Silang tatlo lang ang naroroon sa malamig na opisina—ang superior niya, ang pinsan niya, at siya. They were a family, kaya hindi niya kailangang kumilo
“UMALIS ka sa daraanan ko, Benedict,” mahinahong saad ni Charinda.Nakaharang sa dinaraanan niya ang lalaki na hindi niya nagustuhan. She was busy. Ang dami niya pang gagawin. Hindi pa rin maganda ang mood niya at kung hahayaan niya ang sariling inisin pa lalo ni Benedict, malamang makalimutan na niya ang tungkulin, ang sumagip ng buhay hindi tumapos.Hindi pa rin niya matanggap ang bagong misyon na ibinigay sa kanya. It was like a punishment for her.Pinaparusahan siya nila dahil sa ginawa niya doon sa drug pusher at mga bata nito.Bakit hindi siya nila maintindihan? She was only having some fun! Pero hindi alam ng mga ito ang salitang iyon.Benedict was still blocking the path.
Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.Isang buwan.Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nan
Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind. Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pin
Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.She was flirting with him?Fuck him.Who the fuck did he think he was?Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapag
TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict
Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa
PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin