HINDI sapat ang lamig na ibinibigay ng aircon upang pakalmahin ang kumukulong dugo ni Charinda. Katatapos lang niyang mabigyan ng warning dahil sa ginawa niya sa last mission niya. At katakot-takot na sermon din ang narinig niya. Aminado naman siya na mali ang ginawa niya. Mabuti na lang at naging mabait pa ang team leader sa kanya at iyon ang pinataw sa kanya. Hindi siya naniniwalang dahil iyon sa pamangkin siya ng superior nila. Baka lang siguro dahil iyon sa excellent performance niya sa ibang missions nila.
At heto na naman ang panibagong problema ang dumating.
Nasa kasagsagan sila ng isang mainit na pag-uusap kung sino ang magmamanman sa bahay ng mga Fernando at magsisilbi nitong gwardiya. Silang tatlo lang ang naroroon sa malamig na opisina—ang superior niya, ang pinsan niya, at siya. They were a family, kaya hindi niya kailangang kumilos ng pormal.
Inireport sa ahensya nilang pinag-iinitan daw ang may-ari ng bahay ng isa sa mga kinikilala ng kanilang propesyon na ‘most wanted person’ sa ahensya nila, si Joe Pantio. They were all pointing at her na magbantay total naman daw ay gusto niya ang excitement at thrill sa buhay niya. Kaya they had decided na siya na ang bigyan ng misyon.
She was not a babysitter for goodness sake!
Ayaw niyang bantayan ang isang lalaki. She wanted to do other things than that. Kahit na ano basta huwag lang magbantay.
Charinda wanted action.
Gusto niyang palaging nahahawakan at nagagamit ang mga armas niya.
“Paano naman nakakasiguro ang lalaking iyon, Sir, na may isang illegal gun dealer na gustong pumatay sa kanya? Paano nito nasisiguro na siya nga ang pakay nito?” Nagtatagis ang bagang niya habang nagtatanong sa kanilang superior. “At bakit naman kinakailangan pa talagang magpanggap akong isang kasambahay?”
Wala siyang karapatang kuwestiyunin ang superior niya, alam ni Charinda iyon, pero dahil na rin sa tiyuhin niya ito at isang malayong pinsan sa side ng namayapa niyang papa ang kasama nila, hindi siya natatakot. Heck. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin sa gusto nito o hindi. Total, silang tatlo lang naman ang nasa opisinang ito.
Kahit na tiyuhin nila ang Heneral, taas-noo naman siyang humaharap sa iba niyang mga kasamahan dahil hindi siya tinanggap bilang agents dahil lang sa tiyuhin niya ito. Dugo at pawis ang naging puhunan niya para lang makapasok at walang sinuman ang hahayaan niyang dungisan ang pangalang maingat niyang inalagaan sa mahabang panahon. Malilintikan sa kanya ang sinumang nagsasabing nakapasok siya dahil malaki ang ibinigay niya. What the heck lang.
“Are you questioning that man, Charinda?” naiiritang tanong sa kanya ni Shaira, na isa ring pinsan niya. “Our Tito? Our superior of this agency? Who do you think you are? Ha? Ang laki naman ng nilaki ng ulo mo.”
“I’m Charinda delos Reyes, Shaira. I thought you already knew that,” sagot niya sa babae.
Shaira and Charinda were certified CPA’s and possessed—physically and mentally fit—the qualities that an agency was looking for. They used their skill and talents para lang makapasok sa trabaho. At isa iyon sa patuloy na ipagmamalaki nila kahit na pwede naman silang magpatulong sa tito nila. But they choose not to. May pride naman silang iniingatan.
And they succeeded.
Naigapang nila ang lahat ng trainings.
At kahit na magkalaban ang turingan nilang dalawa, she was also silently proud sa pinsan niyang ito na hindi kayang ilihim ang insecurities na nararamdaman sa kanya. Charinda could not blame Shaira. May mga abilidad siyang hindi nagagawa ng babae.
Isa pa, ganoon din naman ang paraan ng pakikipag-usap ni Shaira. Hindi sila nangingiming ipahayag ang saloobin nila kung sila lang tatlo ang naroron. Kumbaga, iyon ang kakaiba nilang mga bonding.
“Shut up. Hindi naman ikaw ang kinakausap ko,” sagot niya.
Pinandilatan lang siya ng babae at hindi na nagkomento pa.
Itinago niya sa ilalim ng mesa ang nanginginig na kamay.
Iyon ang awtomatikong reaksyon ng katawan niya kapag siya’y nagagalit. Sa oras na ito, gusto na niyang manuntok ng tao.
“Ako na lang ang gagawa, General. Tiyak ko namang hindi ako mababagot doon. Isa pa, napaka-yummy ng magiging amo ko. I can always defend him,” suhestiyon ni Shaira.
Ikinurap-kurap nito ang mga mata na animo nagpapa-cute tulad ng isang tuta. Subalit malayo sa isang cute si Shaira. The woman was gorgeous. Hindi niya iyon maipagkakaila. However, may pagka-flirt din ang babae na hindi niya nagugustuhan. Cousins or not, hindi siya papayag kung ang gagawin lang nito ay ang magpa-cute sa babantayan nito.
Wala siyang ibang alam tungkol sa babantayan. Except he was a certified self-billionaire. Walang asawa. May isang anak. Single dad. At gwapo. May abs rin. And all those descriptions came from her cousin.
He leaned on his violet table habang hinimas ang bigote nito. Her tita find it cute, while she find it bothersome. Or baka hindi lang niya bet ang mga lalaking may bigote. Ay ewan. The issue was not about men having beards, anyways.
“I already made up my mind. I am your superior; therefore my decision will be honored. You will guard him but at the same time, you will wear your disguise. You will be there when he’s inside his house but another agent will be there when he's in his company.”
“But, General,” pakikipagdebate niya. She will not stop until he will change his mind. “Hindi ako sanay sa mga walang kaaksyon-aksyon na mga misyon. I’ll only get bored. And worst, baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Alam ni’yo naman na gusto ko ng excellent work. Baka bumagsak ang performance ko rito.”
Dinampot ni Shaira ang isang fashion magazine na nasa mesa at binasa iyon. “Hay naku. Ang daming arte naman. I wonder kung paano ka nakapasok sa agency na ito.” Nag-angat ito ng tingin at tumingin sa superior nila. “Tito, I have an idea. Eh, kung ipadala ni’yo na lang iyang si Charinda sa lugar na palaging may giyera, Tito. Doon, puno ng aksyon,” natatawang sabi ni Shaira.
Iyan ang isa sa dahilan kung bakit lalong hindi sila nagkakasundo dahil sa bawat salitang binibigkas niya, gagawin itong katatawanan ng huli. Above all, halos lahat na yata ng sabihin niya, kontra si Shaira. Naniniwala siya na insecure ito sa skills na kaya niya. Hindi na niya isasali ang kagandahan.
Pinanlisikan niya ng mata ang kaharap na babae. Not once in her twenty-seven years did she remember that they agreed on a certain subject. Kung boto siya sa isa, sisiguraduhin naman ni Shaira na pumanig sa pangalawa. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit nagpapasalamat siya na only child lang ng mga namayapang magulang. She did not want anyone na palaging nakakaaway. ‘Cause it will only waste her time.
She faced her wearing a smug expression that will surely make her cousin more irritated.
“Sigurado ka bang magpipinsan nga tayo, Shaira? Bakit hindi naman tayo magkamukha?”
She folded her arms on her chest, an act that made Shaira uneasy.
Namula si Shaira.
Beauty conscious kasi ito na malayong-malayo sa kanya. Ayaw nitong matalbugan sa kagandahan. Pati ang mga kasamahan nila sa trabaho, ginagawa nitong karibal. Naiisip rin nga niya minsan na siya rin ang dahilan kung bakit pumasok ito sa Bureau.
“Sinabi ko kasi kina Mommy at Daddy sa panahong ginagawa nila ako na huwag na huwag nilang gayahin ang pagmumukha mo,” naiinis nitong deklara.
Dumadagundong ang tawanan sa apat na sulok ng opisina ng heneral.
Nawala ang lahat ng galit ni Charinda.
From the corner of her eye, even the general was trying to hide the mirth on his face. Alam nitong mas lalo lamang magagalit ang pamangkin na masusundan din ng pag-iyak.
Immature talaga.
“Aw. Iiyak na ba ang baby namin?” panunudyo pa niya nang makitang nangingilid na ang mga mata nito sa luha. She wasn’t the usual type who annoys people but Shaira always pushed her to do so.
Tumikhim ang heneral.
Para na rin siguro upang pahintuin silang dalawa. “That’s enough, Charinda. You will start as soon as possible. Don’t fail me,” paalala nito. “Pwede na kayong umalis na dalawa.”
Tahimik siyang tumayo pero padabog namang naglakad si Shaira. Bago umalis, nakuha pa niyang lumingon sa heneral at kininditan siya.
Anong ibig sabihin ng kindat na iyon?
Oh god.
Hindi na niya gusto ang nararamdaman niya. Sana lang ay walang hindi magandang pangyayari ang mangyayari.
“UMALIS ka sa daraanan ko, Benedict,” mahinahong saad ni Charinda.Nakaharang sa dinaraanan niya ang lalaki na hindi niya nagustuhan. She was busy. Ang dami niya pang gagawin. Hindi pa rin maganda ang mood niya at kung hahayaan niya ang sariling inisin pa lalo ni Benedict, malamang makalimutan na niya ang tungkulin, ang sumagip ng buhay hindi tumapos.Hindi pa rin niya matanggap ang bagong misyon na ibinigay sa kanya. It was like a punishment for her.Pinaparusahan siya nila dahil sa ginawa niya doon sa drug pusher at mga bata nito.Bakit hindi siya nila maintindihan? She was only having some fun! Pero hindi alam ng mga ito ang salitang iyon.Benedict was still blocking the path.
Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.Isang buwan.Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nan
Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind. Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pin
Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.She was flirting with him?Fuck him.Who the fuck did he think he was?Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapag
TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict
Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa
PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin
Bang!Umalingawngaw ang putok ng baril. Nabulabog ang mga hayop sa kakahuyan.Lumipad ang mga ibon.Wala siyang naramdaman. There was no pain.“Iyon lang ba ang kaya mo?” nakangisi niyang tanong sa lalaki nang makahuma. “Kung gusto mong patayin ako, ayusin mo ang pag-asinta sa akin.”Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ka na, pero hindi para sa iyo ang balang iyon.”“Anong ibig mong sabihin?”She froze.Lumingon siya at nakita ang bumagsak na katawan ng bata.“K-Kent,” bulong na niya.Anger was now trying to resurface.Damn him to hell! Malalagot siya sa boss niya at kay Fernando nito. Ang utos niya tumakbo na ito pero bumalik rin. Bakit ba kahit napakasimpleng utos hindi nito sinunod?“Wala man lang salamat? ‘Di ba gumawa lang naman ako ng pabor sa iyo? Inalis ko na ang batang kinamumuhian mo.”She looked at the man with pure hate.Anong karapatan nitong barilin ang bata na animo isa itong lata?Nanginig ang katawan niya. Pula lang ang tanging nakikita niya.“Magbabayad ka,” n