Share

07

TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards  were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.

Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin.  She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.

Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. 

What the fuck?

Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.

May sakit ba siya sa mata?

Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict at Charinda para sa kaligtasan ni Fernando, wala silang panahon na makapag-usap na silang dalawa lamang. At kung magkaroon man, ano naman ang pag-uusapan nila? Ang confession nito noong nakaraang araw? Sigurado siyang pinag-t-tripan lamang siya ng lalaki.

“Anong problema mo, lalaki?” singhal niya nang mahuli na naman niya ulit itong nakatingin sa kanya. “Stop staring at me, Benedict. Kung ayaw mong dukutin ko iyang dalawa mong mata.”

Napalingon sa kanya ang bata. “That’s bad words, Yaya Charinda. ‘Di ba, Daddy?” tanong nito kay Fernando.

Damn. Sensitive na naman ang Fernando na ito. Pagagalitan na naman siya. Mapapahiya siya sa rito kay Benedict.

Nagkatotoo ang sinabi niyang sinabi ni Fernando na, “Bad words are prohibited,” seryosong saad nito.

“Sorry, Sir. Kasalanan ko iyon,” ani ni Benedict. “Please forgive Charinda, Sir.”

“Huwag ka kasing ngisi nang ngisi, Benedict.”

Umiling si Benedict. “Such a short-tempered lady. Kaya nga natatakot ang mga lalaki sa iyo.”

“You know each other?” nasorpresang tanong ni Fernando.

“Yes, Sir. Matagal na po kaming magkakilala. At sa sobrang tagal—”

“Huwag ka nang magsalita, Benedict. Baka kung ano-ano pang lumabas sa bibig mo,” pambabara niya.

Benedict shifted on his seat and turn his body to her. “Huwag kang mag-alala. Puro pangalan mo lang ang lalabas dito,” nakangiti nitong saad.

Umakto siyang nasusuka.“Nakakadiri ka!”

Napahawak sa dibdib nito si Benedict. “Ouch! Nasaktan ako, my lovely one.”

Tumaas ang kilay ni Charinda. “Iyang style mo? Inuuod na. Dapat nang itapon sa pinakamalalim na parte ng dagat upang walang makagaya. My lovely one. Ha!” 

“May sikreto pa akong sasabihin,” ani Benedict. “Mas lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka.” 

Doon na nagwala si Charinda.

Kung pwede lamang niyang suntukin ito sa harap ni Kent at Fernando. “Halika rito Benedict—”

“That’s enough!” Dumadagundong ang boses ni Fernando sa loob ng kotse. 

Nagdidilim ang mukha nito kaya napatigil silang dalawa sa pagbabangayan. 

Kapwa sila umayos ng upo. “Stop acting like teenagers!”

“ ‘Buti nga. Ang ingay-ingay kasi,” wika ni Kent at binilatan siya. 

Iyon ang unang pagkakataon na nagsalita si Kent. Nakalimutan na nga niya ang presensya nito sa loob. For a kid, he rarely uttered a word and she found it alarming. Natural sa bata ang pagiging makulit, matanong, malikot pero iba si Kent.

Imbes na pansinin ang bata at patulan ang sinabi nito, tumingin siya sa bintana. 

Nadaraanan nila ang mga bahay sa tabi ng daan. 

Benedict was driving so fast but  she was not  afraid. Wala siyang pakialam kung ipalipad nito ang sasakyan. Basta ba humihinga pa sila na makarating sa paaralan ng bata, ayos lang.

Besides, she loved it when someone drove fast. Nakaka-excite. Mabilis ding darating sa pupuntahan.

Ninamnam niya ang kapayapaang namamayani.

Habang nasa biyahe, hindi niya mapigilang hindi isipin ang misyon. 

Napakaraming katanungan sa kanyang isipan. 

Ano ba talaga ang totoong kwento? Bakit hinahabol ni Pantio ang buhay ni Fernando? Naging magkaibigan ba sila? Alam kaya ni Fernando ang reputasyon ng lalaking dahilan ng panganganib ng buhay nito?

Hindi pa niya masasagot ang lahat ng mga iyon ngunit naniniwala siyang malapit na.

------------------------

“FOCUS on your job, Miss Bacat. Pangalawang pagkakataon mo na ito at kailangan mong ipakita na kailangan mo rin ng trabahong ito. I don’t want a good job, but an excellent one. Nakuha mo ba?” seryosong bilin sa kanya ni Fernando. “Always guard my son. I’m counting on you. Malalagot ka sa akin kapag may mangyaring masama sa kanya.”

Kanina pa napapansin ni Charinda na hindi pa rin humihiwalay ang pagdidilim ng mukha nito. But, a while ago, he even joined their little conversation on the car.

What’s the big deal now? 

Kani-kanina lang, tao pa niya itong nakakausap o mas magandang sabihing tao pa siyang kinakausap nito, subalit halimaw na ang lalaki ngayon. Para siyang pinagbubuntunan ng galit ng lalaki. Anong akala nito sa kanya? Punching bag ng emosyon?

“Whatever you say, Sir,” tugon niya. “Gagawin ko ang makakaya ko.”

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. His face softened when he looked at his son.

“Goodbye, Kent. Be good.”

“Opo, Daddy. Sabay tayo ng dinner mamaya?” tanong ng bata sa ama.

Hinalikan ni Fernando ang bata sa noo. “Pasensya na. I’m not sure. I will have a meeting that will last for about a couple of hours this evening. Huwag mo na akong hintayin.”

Kent was on the verge of crying. Kumikislap na ang mga mata nito sa mga luhang nagbabadyang kumawala. 

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. 

Gusto niyang sumabat. Gustong–gusto niya. 

Anong klase itong ama? Mas inuuna pa nito ang trabaho kaysa sariling anak.

Unti-unting nanikip ang dibdib ni Charinda.

Nakikita niya ang sarili kay Kent.  

Alam niya ang pakiramdam kung paano maghintay sa mga magulang na maski anino ay hindi niya nakikita sa tuwing kumakain siya ng almusal, pananghalian, at hapunan. Umiiyak na lang siya noon dahil hindi niya naiabot ang mga love letters para sa mommy at daddy niya. Sabi kasi ng teacher nila noon, dapat daw nila iyong ibigay bilang tanda ng pagmamahal nila. Mahal ng batang si Charinda ang mga magulang. Mahal na mahal sa kabila ng pagkukulang ng dalawa.

Naramdaman niya ang kamay na unti-unting nagbuka ng kamao niya.

Tumingala siya at nasalubong ang malungkot na mga mata ni Benedict. 

Kumindat ito. “Relax, Ar,” bulong nito sa kanya at siya lang ang nakarinig.

Ar.

Iyon ang palayaw na inimbinto nito para sa kanya. Labing-anim na taong gulang pa lamang siya noon nang makilala ang binata. 

Dinala ito ng Tito Sandro niya sa bahay. Matalik na magkaibigan ang ama nitong may katungkulan din sa polisya at heneral. 

“Hoy, bata!” naalala niyang tawag nito sa kanya noon.

Tahimik na nakahiga so Charinda sa kama habang nagbabasa ng People’s Agency Code of Conduct.

Nabigla siya nang makita ang isang binatang lalaki ang bumukas sa kanyang pinto. 

Hindi niya ito kilala.

“Hoy, batang bingi!” pag-uulit pa nito. 

Tumaas ang dugo ni Charinda.

Agad niyang nilapitan ang lalaki at hinila ang kwelyo nito.“Anong sabi mo? Bata? Sinong tinatawag  mong bata?”

Hindi gumana ang pananakot niya rito.

Mas mataas pa sa kanya ang lalaki, hanggang balikat lang siya ito.

Kinuha nito ang kamay niya. “Bingi ka talaga. Ikaw sabi ang bata. Dalaga ka na nga pero para ka namang batang nagta-tantrums. Bakit ka naman nagkukulong sa kwarto mo?Para ibigay ni Tito Sandro ang hinihingi mong pintura sa mukha? O para bilhin niya ang mamahaling cell phone na gusto mo?”

Sa lahat ng tao, ito lang ang nangialam sa buhay niya. 

Bahay. Eskwelahan. Iyon lang ang mundo niya. “Wala akong hinihinging kahit na ano kay Tito,” pagdepensa niya sa sarili.

Parang hindi narinig ng lalaki ang pagsigaw niya bagkus nagtuloy-tuloy ito sa kwarto kahit hindi niya inimbitahan. 

Lumapit ito sa cabinet at may kinuha. 

Nawala ang dugo niya nang makitang tangay –tangay nito ang dalawang pares na underwear niya. “Hoy, anong ginagawa mo? Ibalik mo iyan!”

Iwinagayway ng lalaki ang underwear niya. 

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. “Ibabalik ko lamang ito kung mahahabol mo ako,” anito.

Bumalik ang isipan ni Charinda sa kasalukuyan.

Kumuha siya ng hangin sa paligid. “That’s right, Ar. Inhale, exhale.”

She remembered how Benedict would patted her back and smoothen her hair when anger got through her. And he heled her calmed her. That was before. But when they suddenly got their own jobs, hindi niya alam kung bakit bigla na lang nagkalayo ang mga loob nila. The man stopped talking to her. Ngayon lang ito nakipag-usap sa kanya nang mag-confess ito.  

Remembering her childhood was the worst for her. 

Palaging nandiyan sa tabi niya ang binata kaya nga noong sabihin nitong gusto siya nito, akala niya dahil lang iyon sa awa. 

Alam ni Benedict ang halos lahat ng kabataan niya dahil na rin sa pinagsaluhan nilang kabataan. 

“Better?”

Tumango siya.

 Napangiti siya.

“May one point ka na sa akin,” wika niya, mahina.

Nakatutok si Fernando sa cellphone nito na animo may binabasa. Maybe it was his secretary.  

“Aw. You’re making me fall for you over and over again,” napalabi nitong wika.

Humagikhik siya na minsan lang niya ginagawa. It was a girly giggle that made Benedict smile. “You cannot resist my charm, Charinda. You will never will.”

“Aalis na tayo.” A voice suddenly boomed. Her sour expression was back again. “I want an excellent performance,” deklara ni Fernando. Nararamdaman niya na mainit ang dugo nito sa kanya.

Well, the feeling was mutual. Pasaan ba at matatapos din naman ito. Kailangan lang nilang hulihin ang taong gustong pumatay rito.

“Oo na,” nakasimangot niyang turan. “Hindi ako mahilig  sa mga half-baked efforts. Gagawin ko ang lahat ma-protektahan lang ang bata. Itaga mo iyan sa bato.”

He gave her a short nod. Bumalik na rin sasakyan si Fernando. Benedict was behind him, secretly scanning the surroundings.

Pagkatapos, pinaharurot na ng driver ang sasakyan.

Kapwa hinatid ng tingin nina Charinda at Kent ang papalayong sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status