Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.
Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.
Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.
Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.
She was flirting with him?
Fuck him.
Who the fuck did he think he was?
Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.
Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapagluto sa pamamahay ni Fernando.
Based on Charinda’s research, nasa unang baitang pa lamang sa elementarya ang bata at nag-aaral ito sa pribadong eskwelahan. Hinahatid ni Fernando ang bata sa pagpasok sa eskwela sa umaga pero madalang lamang kung masundo ng lalaki tuwing uwian sa hapon. He was busy. Busy. Busy. Walang katapusang trabaho ang palaging inaatupag nito.
Kumikilos lamang siya kung may kailangan lang talaga gaya ng pagkuha ng kanin sa kusina kapag ubos na at kung ano pang iutos sa kanya ni Oly. Utusan pa siya ni Fernando. Naging utusan din siya ni Oly.
“Miss Bacat, bigyan mo ako ng juice,” parang hari na utos sa kanya ni Fernando. She wanted to deny the command. May tao na nga itong kaharap, bakit hindi na lang nito iutos kay Oly?
“Sir, hindi ni’yo ba nakikita? Nasa harap lang ninyo ang pitsel ng juice,” pagdadahilan niya.
“Are you saying no?” nakakunot-noong tanong nito.
Ano sa palagay mo? “Hindi. Sinabi ko bang ayaw ko? Heto na nga at kukunin ko na ang juice, sir,” turan niya.
Ang sarap sakalin ng lalaking ito!
Lumapit siya sa hapag-kainan at kinuha ang lumuluhang pitsel sa dami ng ice na inilagay ni Oly.
Mabilis niyang sinalinan ang baso sa harap ni Fernando. Nang matapos siya, bumalik na siya sa pwesto niya kanina. According to Oly, may kanya-kanyang posisyon ang mga kasambahay na nakatukang mag-asikaso sa mga Fernando kapag kumakain ang mga ito. She was positioned at the far corner of the kitchen.
She raised her eyebrows when she saw Benedict at the farthest corner of the dining area with his infamous smirk.
Kumindat ito sa direksyon niya at agad niya itong inirapan. They rarely talk inside the house. She wanted to pretend she did not know the man. And she wanted to remain in that way.
May isang pamosong chandelier na nasa kanilang uluhan. Nagbibigay iyon ng liwanag sa buong hapag kahit na tirik na ang araw. Para sa kanya, pagsasayang lamang iyon ng kuryente.
“Miss Bacat, kumuha ka ng kanin,” utos ulit ng lalaki.
Aba’t … Tumigil ang mga mata niya kay Fernando. “Sir, puno pa po iyong lalagyan ng kanin,” tiim-bagang niyang turan. “Pagsasayang lang po iyan kapag hindi naubos.”
Hindi niya itinago ang galit na unti-unting bumabangon sa puso niya. Galit para rito. She wanted this to end.
Bakit siya nito sinusubukan?
“Gusto ko iyong mainit pa. Ayoko ng malamig. Kapag malamig na, iinit mo.”
Kinamot niya ang mga kamay at itinago iyon sa likuran.
Suntukan na lang kaya?
Ilang sandali na lamang at alam niyang mapuputol na ang singnipis na sinulid na pasensya niya. Pilit siyang ngumiti at maski ang pinaka-plastik sigurong tao ay iiling-iling sa akting niyang hindi masyadong kagalingan.
Huminga siya nang malalim at nagsalita, “Sandali lang po, Sir. Kukunin ko lang.” Before she gave her back, she saw the amusement on his face.
Mabilis niyang kinuha ang sing-init ng kanyang ulo na kanin sa rice cooker.
Sa loob ng isipan, dahan-dahan na niyang binabaunan ng bala ang iba’t-ibang parte ng katawan ng lalaki. Tapos, maririnig niya ang sigaw ng pagmamakaawa. Pagmamakaawa na tapusin na lang niya ang buhay nito kaysa pahirapan pa niya ito.
Ang duguan nitong katawan…ang pagmamakaawa nito na kunin na niya ang buhay nito ay magiging musika sa pandinig niya.
Hihintayin niya ang pagkakataong iyon.
“May ipag-uutos pa po kayo, sir?” Ngumiti siya sa pagkakataong ito.
She was quite satisfied with her imagination a while ago and it did calm her nerves but not totally.
“Wala pa sa ngayon.”
She resumed her position looking bored as ever.
Fernando had done a good job in destroying her morning.
“Daddy, I’m full,” anunsyo ni Kent. “Gusto ko nang mag-school.”
Kumuha ng napkin si Fernando at maingat na pinahid ang gilid ng labi. “Alright. Be ready for school, Kent. I will be the one to drive. Ms. Bacat?”
“Ano na naman?” nayayamot niyang tanong. Halos lahat ng tao sa hapagkainan ay napataas ang kilay na tumitig sa kanya.
Who wouldn’t?
Ganoon ba ang normal na pakikipag-usap ng isang kasambahay sa amo nito?
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?”
Ayos na ba iyon?
Umiling si Fernando.
“I am disappointed by your actions this morning and I realize that you are not fit in being a maid. Hindi ko gusto na ang isang taong pinapaswelduhan ko ay ganyan na lang sumagot sa amo niya. And I’m giving you one last chance to prove to me that you are sorry for what you’ve done.” Sorry? Hindi siya mag-sosorry sa ginawa niya kanina. “So, I’m assigning you a different job. Simula ngayon ikaw na ang yaya ni Kent.”
Natigalgal siya.
Para siyang pinagsakluban ng langit sa narinig.
Y-yaya?
It would be a disaster. Ni mga pamangkin niya, hindi niya nabantayan, isang bata pa kayang hindi man lang niya kadugo?
“I’m still waiting for your reply,” tila naiinip pa nitong sabi. “Huwag kang mag-alala. Kung ayaw mong maging yaya ng bata, pwede ka nang mag-impake ng gamit at umalis. I will respect your decision.”
There’s no way that she will get fired.
Nasimulan na niya ito. Wala pa siyang misyon na hindi pinagtatagumpayan. And not even a child could stop her.
“Gagawin ko,” ang tangi lang niyang nasabi.
Pero, huwag kang mag-expect na maayos ang pakikitungo ko sa batang iyan.
TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict
Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa
PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin
Bang!Umalingawngaw ang putok ng baril. Nabulabog ang mga hayop sa kakahuyan.Lumipad ang mga ibon.Wala siyang naramdaman. There was no pain.“Iyon lang ba ang kaya mo?” nakangisi niyang tanong sa lalaki nang makahuma. “Kung gusto mong patayin ako, ayusin mo ang pag-asinta sa akin.”Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ka na, pero hindi para sa iyo ang balang iyon.”“Anong ibig mong sabihin?”She froze.Lumingon siya at nakita ang bumagsak na katawan ng bata.“K-Kent,” bulong na niya.Anger was now trying to resurface.Damn him to hell! Malalagot siya sa boss niya at kay Fernando nito. Ang utos niya tumakbo na ito pero bumalik rin. Bakit ba kahit napakasimpleng utos hindi nito sinunod?“Wala man lang salamat? ‘Di ba gumawa lang naman ako ng pabor sa iyo? Inalis ko na ang batang kinamumuhian mo.”She looked at the man with pure hate.Anong karapatan nitong barilin ang bata na animo isa itong lata?Nanginig ang katawan niya. Pula lang ang tanging nakikita niya.“Magbabayad ka,” n
“Did you not miss him?” tanong ng Tito Sandro niya kay Charinda.“Sino?” nababagot niyang tanong.Isang linggo na ang nakalipas mula ng masesante siya bilang yaya. Hindi rin niya nadalaw si Kent sa bahay ni Fernando. Wala rin naman siyang plano. Para saan pa? Para ipahiya ang sarili?Shaira already mocked her. As well as her other co-workers. Pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tinanggal siya sa trabaho for being incompetent. Pananakot pa ng mga ito baka sa susunod ay tanggalin na mismo siya sa trabaho dahil sa sobrang init ng ulo niya.The hell she will let that happen. Over her dead body. Dugo at pawis ang puhunan niya upang makapasok sa PA. At hindi niya hahayaang basta na lang ito biglang mawala.Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa ng tito niya at hindi rin naman ito nagsalita sa inakto niya. Ngayong sila lang dalawa, he was her Tito Sandro at siya ang pamangkin nito.Katatapos lang ng kanilang operation at nang makarating sa PA, nagbabad siya sa opisina ng tiyuhin.
Going back to Fernando’s mansion felt different. Iyan ang naramdaman ni Charinda habang dala ang bag na may mga damit niya at iba pang essentials. Kaunti lang ang dinala niya. Sigurado naman siyang hindi siya matatagalan dito. The bastard who attempted to harm the Fernando’s will be captured. She will make sure of that.Malapad ang ngiti na sinalubong siya ni Benedict sa gate. The man was constantly asking her kung kailan siya babalik sa mansiyon ng mga Fernando. Para lang matigil ito sa pangungulit sa kanya, nag-reply na lang siya ng isang text at nagsabing ngayon din.Benedict was the only one happy to see her. Maasim ang mukha ng ibang kasambahay na nasasalubong niya. Maybe the news about what happened at that school flew faster than she could imagine. Hindi naman siya affected sa kahit na anong sasabihin ng mga ito. Kahit na mag-decompose ang mga bibig ng mga ito sa pag-tsismis tungkol sa kanya, wala. Siyang. Pakialam. Period.Everything were temporary.Aalis din siya kaya hindi n
Charinda got bored scanning her newsfeed on the different social media platforms she logged in so she opted to stay in the living room and watch some action movies. Instead, ibang action ang nakita niya and settled for it.It was already eleven o’clock in the evening, yet sleep was elusive. Kahit anong posisyon ang gawin niya sa pagtulog, hindi pa rin niya magawang matulog. Different thoughts were bothering her. Hindi niya magawang i-mute ang mga ito kahit anong pag-divert ang gawin niya. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ni Charinda kay Fernando nang ibigay nito ang isang kopita sa kanya. Bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya.Isang palabas tungkol sa mag-asawang nasira ang relasyon dahil sa kalaguyo ng babae. She was too engrossed with watching that she failed to notice his presence.Umayos siya ng upo sa sopa habang matiim na nakatingin sa kopita.Fernando never failed to surprise her.“Alak,” tipid na sagot ng lalaki. “Let’s unwind from this stressful days.”Tumabi ito. Nang
HINDI maganda ang gising ni Charinda. Parang pinukpok ng milyon – milyong martilyo ang ulo niya. Damn it. Kasalanan talaga ito ng Fernando na iyon. If he did not offer her anything, hindi sana ganito kalala ang nararamdaman niya ngayon.Bastard! Asshole!All she wanted at that time was to lie down on her bed and let the world carry its own problem. Pero ang nakakalungkot na katotohanan ay hindi siya pwedeng magbababad sa kama dahil may trabaho pa siya.Hanggang sa pagkain, dala-dala niya ang masamang timpla ng araw niya.Alam niyang hindi kagandahan ang ugali at wala siyang plano upang alisin iyon. The feet that was constantly brushing on her leg was not helping her sour mood either. Fernando asked her to sit with Kent and him habang nasa tabi naman ang dalawang kasambahay na mag-aasikaso sa kanila. Kanina pa niya napapansin ang pasimpleng pagdampi kuno ni Fernando sa kanyang braso. Even his position was changed. Dati, sa kabisera ito umuupo at ngayon, tumapat pa talaga sa upuan